One

2.1K 30 18
                                    



Ihahatid

"Bakit ang tagal mo naman mag cr? Mahigit 20 minutes kang wala. Akala mo naman taga bundok ka."

"Ano bang pake mo? Libre mo nalang akong food." sabi ko nalang.

Umirap naman ito sakin.

"Oh ito. Mahal yan ha." inabot nya sa akin ang isang balot na may laman na fries and burger.

"Ang mura lang nito. Kahit sampu kaya kitang bilhan." pang asar ko.

"Oh talaga? Sige nga libre mo ako." hamon nito.

Tumawa ako.

"Akala ko ba ikaw ang manlilibre ngayong araw? Baka nakakalimutan mo? Akala mo ha.."

Umirap ito uli sakin. Hindi na ito sumagot at umayos nalang sya ng upo. Nakatingin parin sya sa Phone nya habang nakangiti pa ang bruha.

Hindi ko nalang sya pinansin. Sinubukan kung tignan ang ginagawa nya pero hindi ko makita. Masyadong malayo ang distansya ng Phone nya sa akin.

Tumingin nalang ako sa ibang sulok. May mga nakikita akong nagku kwentuhan, nag lalambingan, at kumakain sa gilid.

Ang tagal naman kasi ng game na 'to. Kung alam ko lang na maghihintay ako edi sana wala ako dito. Edi sana nasa bahay ako ngayon at nagpapahinga.

Biglang nag beep ang phone ko.

Deannasaur:

Where r u? We have a training tom ha. Don't forget. And also, we all miss u here!!

Napapikit ako sa inis. Kung alam ko lang na may training bukas edi sana talaga nagpahinga ako ngayon sa bahay. Para naman may energy ako bukas.

Pero napangiti naman ako sa text. Miss ko na rin sila. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag training. Kasi bakasyon. And also kailangan ko ng mag training talaga dahil sa nasa lineup na ako next season.

"Nakakainis naman talaga oh." pag paparinig ko kay Ticia.

"Oh bakit? Anong nangyare?"

"Eh paano may training bukas.. kung sanang hindi ako sumama edi sana may energy ako para bukas." sabi ko.

"So sinisisi mo ako? Nilibre na nga kita! Reklamo ka pa dyan.."

"Bakit may sinabi ba ako? Arte mo talaga!"

Dumila naman ito sakin.

"Oh anyare sayo? Bat andumi ng tuhod mo? Punasan mo nga.."

Pinunasan ko naman ang pantalon ko na may dumi dahil sa pag tumba ko kanina. Naalala ko na naman tuloy ang nangyare kanina.

Hindi ako nainis dahil dinapa nya ako. Nainis ako dahil hindi ko man lang nakita itsura nya. Pero hindi ibig sabihin na gusto ko sya makita.. eh type ko.

Hindi ko man lang sya nakita. Yung mukha. Kung may hitsura ba o wala. Pero no.. mahal ang praises ko.

"Yung lalaki kasi kanina nabangga ako tapos napa upo ako." paliwanag ko.

Humalakhak naman ito. Akala mo may magandang nangyare.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Ayan tuloy naka abala ka pa."

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon