Thirty Eight

680 15 0
                                    



Nakatingin lang ako sa mga kasama ko na sobrang saya habang sumasabay sa tugtugin. Tila nawala na ako sa wisyo dahil sa sinabi niya sa akin. Nababaliw na ata ako.

"Hindi naman porke sinabing behave ay hindi ka na mag-eenjoy diba? Dance, Ysobelle!" si Maddie at nag head bang sa tabi ko.

"Oo nga! You can do better that that! Come on.." si Jules na nagtwerk sa harap ko.

Umiling ako.

Noon, madalas talaga akong tumambay sa mga club kapag natapos na ang game namin. Sa isang linggo, mga tatlong beses kaming walang mintis na sumasayaw at nagsasaya sa bar noong na sa US pa ako. Kaya talagang sanay na ako sa mga ganitong event.. iba lang talaga ngayon.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang baldeng hiya ngayon. Kahit pagpunta ko palang ay nahihiya na ako sa mga tingin nila.. paano pa kaya ngayon na mas marami ang mga tao ngayon.

"Let's go ladies! Shake your bodiess.." sabi ng MC at tinuro kami ng mga kaibigan ko.

Naghiyawan sila at mas lalong tinodo ang galaw nila. May dumaan na waiter sa amin. Kinuha ko iyong shot ng tequilla at nilagok iyon ng diretso. I think I need this. Napapikit naman ako sa pait ng lasa nito. Nakalimutan nilang maglagay ng lemon! What the hell!

Nagtawanan ang mga kasama ko at sinigaw ang pangalan ko na parang hinahanda ako sa laban. Nakisabay na ako sakanila at sumayaw na rin. Kailangan ko lang talagang uminom ng marami para mawala yung hiya ko. At isa pa, party naman itong pinuntahan namin.

Naramdaman ko ang init ng katawan ko dahil sa dami ng tao ngayon. Nasa pinakaharap rin kami kaya talagang pinagpapawisan ako. Naningkit ang mata ko ng makita si Renzo na papalapit sa akin. Nakangiti ito sa akin na may hawak na tequilla.

"You look like a pro.." aniya at ininom ang baso.

Ngumisi ako. "Hindi naman. Nasanay lang.."

Tumango siya at sumabay na rin sa tugtog. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot na nandito si Renzo ngayon.

Nagkibit balikat nalang ako. He's just being friendly. That's all. 'Tsaka kinlaro ko naman sakaniya na hindi ako interesado kahit kanino. Hindi na dapat ako mag-alala.

Nagpakita ng dance moves si Renzo kaya natawa ako. Hindi ko alam na sumasayaw pala siya. Nakakatuwa kasi nageffort pa talaga siya. Nakisali na rin si Dani at Thirdy na nasa harapan na pala namin ngayon.

Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki. Akala ko ay dadaan lang siya sa harap ko pero nanatili lang siya roon. Hilaw akong ngumiti. I don't think I know him.

"Pwede ba makuha number mo?" tanong niya.

Narinig ko naman ang hiyawan sa likod ko. Tinignan ko kung saan nanggaling ang mga boses. Sinisigawan nila yung lalake sa harap ko ngayon na parang inaasar. Mukhang kaibigan niya ang mga ito.

Binaling ko uli ang tingin ko sa lalaking namumula ang pisngi at iniiwas ang tingin sa akin. Parang nakita ko na siya dati.. sa isang commercial? Sa tingin ko ay rising star ito ngayon.

Hilaw akong ngumiti sakaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya papaalisin rito sa harap ko dahil baka may makakita pa sa amin. I don't want to be rude to him.. but I don't really want to give my number to him.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa bewang ko. Napatingin agad ako sa lalakeng nasa gilid ko ngayon na seryosong nakatingin rin sa akin. Tipid akong ngumiti sakaniya dahil kinakabahan ako.

"May problema ba tayo dito, Babe?" tanong ni Ricci sa akin.

Nakita ko ang pagbago ng hitsura ng lalake sa akin ngayon. Nahihiya na siyang tumingin sa akin at yumuko.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon