Five

1.4K 30 13
                                    


Tahimik lang ako sa buong byahe. Pagkatapos mag salita nila Deanna ay hindi na ako sumagot pa sa kanila. Tila nawalan ako ng sasabihin dahil sa mga narinig ko.

Naniniwala ako sakanila tungkol kay Ricci. Pero natatakot lang ako.. nakakatakot tong nararamdaman ko. Kasi pati tong puso ko nakikiisa na rin.

Alam kong mabait na tao si Ricci. Alam ko naman na matino syang lalake. Alam ko. Pero ang hindi ko alam at sigurado itong nangyayare.

Hindi ba parang ma bilis? Masyadong ma bilis yung pagka gusto ko sakanya kung nagkataon. Masyado ring mabilis ang pagka gusto nya sakin.

Nung una ko syang makita na may kasamang iba at masaya ay hindi ko na kinaya. Paano pa kaya kung magka totoo ang nangyare ngayon? Tapos maraming babae ang nakapaligid sakanya knowing na basketball player sya.

Ang hirap.

Wala pa man pero.. nahihirapan na ako.

"Tara na! Gutom na talaga ako." sabi ni ate Bea tsaka bumaba sa sasakyan.

Halos lahat ng kotse na gamit ng iba ay nandito na. Kaya ibig sabihin ay nandito na rin sila. Na late lang kami dahil nay dinaanan lang kami saglit.

Pumasok na kami sa Restaurant. Nakita ko si Ricci sa gilid habang nakatayo. Nagkatinginin kami kaya ako na ang umiwas ng tingin.

Umupo ako sa may dulo malapit kila kuya. Naghihintay pa raw sila ng pagkain. Katabi ko sa table sila Ponggay, Kobe, Thirdy, Tyler, Kat, at ate Bea.

Pa bilog ang upuan parang may handaan talaga. Nasa right ko si ate bea,katabi nya si thirdy, katabi ni thirdy si kat, kobe, ponggay, tyler. Tapos wala akong katabi sa left side ko.

"Paps! Upo kana dito." sigaw ni Thirdy kay Ricci.

Nagulat ako at napatingin kay ate bea. Umiling iling pa ito pero ngumingiti naman din. Inirapan ko nalang ito pero tumatawa pa din sya.

"Pwede ba dyan?" tanong ni Ricci.

Wow? Ayaw ata akong katabi nito..

"Malamang.. nagbayad ka eh." singit ni Mamuyac.

Lumapit ito sa pwesto ko. Nakatingin ito sakin habang nakapamulsa pa talaga. Nang nasa tapat ko na sya dahan dahan itong umupo sa tabi ko.

Hindi ko nalang sya tinignan. Ewan ko pero naiilang ako.

Rivero:

Are you tensed?

Ako:

Why would I? Huh?

Rivero:

If you are not tensed.. please act comfortable.

Ako:

Bakit? Komportable naman ako. Okay naman ako eh.

Rivero:

Talaga? So hindi ka na naiilang?

Paano nya nalaman? Nakakabasa ba to ng isip?

Ako:

Hindi. Ako naiilang sayo? Why? We are not friends nga e.

Rivero:

Gusto mo maging friends tayo?

Kumunot ang noo ko. Nag type ako ng nakagat labi dahil sa reply nya. Bakit nainis ako sa tanong nya?

Ako:

Okay. Pwede naman..

Bakit parang sa pag reply ko parang ayaw ko na maging friend ko sya?

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon