My Probinsyana Girl

De IgnotusWriter29

198K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... Mais

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 73

1.7K 45 1
De IgnotusWriter29

VERENA'S POV

Nagising ako sa isang tahimik at payapang umaga. Sa tuwing gigising kasi ako, yung iyak ni Ash ang unang naririnig ko, pero ngayon wala.

Bumangon ako saking higaan at hindi ko alam kung bakit biglang dumapo ang mga mata ko sa kalendaryo.

Araw ng pasko ngayon at bumalik din saking alaala ang pangyayaring 'yon, ilang taon na ang nakalipas.

Ang bilis ng panahon, pero bakit ganun? Parang ang tagal maghilom ng sugat na meron ako?

Napabuntong hininga nalang ako saka nakipagtitigan sa repleksyon ko sa salamin.

"Verena, tigil na okay? Nakamove on kana, hindi na dapat bumabalik sa alaala mo ang mga bagay na nakakasakit sayo." sabi ko saking sarili.

Ito na siguro ang epekto ng pagtambay ko sa bahay, nawawala ako sa sarili at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Lumabas ako ng aking kwarto habang nagtatanggal pa ng muta saking mata.

Para akong tanga dito na naghahanap ng pagkain sa mesa, dati-rati naman ay may nakahandang almusal pag gising ko, PERO BAKIT NGAYON, WALA?!

Napahilamos nalang ang palad ko saking mukha saka umupo sa sofa at tumingala sa kisame.

"Mama! Nasaan ba kayo?!" pasigaw kong tanong, pero nag-echo lang ang boses ko sa buong bahay.

Anak ng...nasaan sila?! Bakit nila ako iniwan mag-isa dito?!

dTT^TTb

Para akong batang iniwan ng Ina sa isang parke ngayon. Patakbo akong bumalik sa kwarto ko saka hinanap ang aking cellphone.

Kung ayaw niyong magpakita, pwes tatawagan ko nalang kayo.

Halos itaob ko na ang kama ko pati ang lalagyan ko ng damit, wala parin akong makitang cellphone.

"Talaga naman oh!" naiinis na ako ngayon at para na akong isang bulkan na malapit ng sumabog.

Paano na ako ngayon?!

Sa kakalibot ng mga mata ko saking kwarto ay biglang naagaw ng atensyon ko ang isang puting kahon sa tabi ng aking pintuan.

Hindi ako nagdalawang isip na buksan yun at tignan kung anong laman.

Napakunot nalang ang aking noo ng makita ko ang isang long backless dress na kulay itim, may kasama pa itong black stiletto heels.

Para saan naman ito? Wala naman akong natatandaan na may ganito akong damit.

Kinalkal ko yung kahon hanggang sa matagpuan ko ang isang puting papel.

Wag mo ng tangkaing hanapin ang cellphone mo, nasa akin na. Saka yung damit na hawak mo ngayon, suotin mo yan saka ka pumunta sa address na nakasulat sa likod ng papel na ito.

Nagmamahal,
Pogi mong Kuya

Nagsalubong ang kilay ko sa sulat na ito, ano na namang pakulo ito?

Nagmuni-muni pa ako habang nakatulala sa kawalan. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagdesisyunang maligo na.

Bahala na kung anong mangyayare ngayong araw.

——-

Kung hindi ako nagkakamali ay nakatatlong oras akong nag-ayos at kumain mag-isa dito sa bahay.

Mabuti nalang at may isang kotseng natira sa garahe kaya yun ang ginamit ko papunta sa lugar na nakasulat sa likod nung puting papel.

Halos magkandarapa pa ako kanina pababa ng hagdan dahil sa suot kong heels.

Mas pipiliin ko pang mag-tsinelas nalang kesa sa magkapaltos ang paa ko dahil dito.

Pagkapasok ko ng kotse ay nilagay ko sa back seat ang dala kong sling bag na ang tanging laman ay kutsilyo panaksak kay Kuya, di biro lang.

Wallet lang naman saka dalawang pirasong chocolate bar ang dala ko.

Pinaandar ko na yung kotse saka nagsimulang magmaneho, mabuti nalang talaga at natuto akong magdrive.

Ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe ko hanggang sa makarating ako sa isang venue na madaming tao.

Napatingin ako sa kanilang suot at puro nakadress sila, habang yung mga lalaki ay nakasuot ng tuxedo.

Aba-aba, anong ganap ngayong araw ng pasko?

Napilitan pa akong ngumiti ng ngitian ako ng mga babaeng may edad na pero halatang-halata sa kanila ang pagiging elegante.

Pagpasok ko sa loob ay doon ko nakita ang madaming tables, mga catering at may mini stage pang nakahanda.

Wow, hindi ako nainform na may pupuntahan pala akong ganitong event ngayong araw.

Madaming LED Lights at may mga bulaklak sa bawat sulok ng venue.

Pasimple ko namang nilibot ang mga mata ko para hanapin sila Kuya, pero bigo ako.

Patay, paano ako nito? Bakit ba kasi hindi niya sinabi sa sulat kung saan ko sila makikita?!

Magpapapadyak na sana ako dahil sa inis ng biglang lumapit ang isang babaeng nakaformal dress.

"You are Ms.Verena De Los Santos right?" nakangiting tanong niya.

Paano ako nakilala nito? Nakita ko na ba siya?

"Ah, yes...uhm, pwede mag—-"

"This way Mam, nasa isang kwarto po sila Sir kasama ng mga magulang mo." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Para tuloy akong isang robot na sumunod sa tinatahak niyang daan hanggang sa huminto kami sa isang pinto.

"Nasa loob po sila, actually kanina kapa nila inaantay." wika niya saka ako tinalikuran.

Kung ginising lang sana nila ako at sinabing may pupuntahan sila, eh di sana hindi na grand entrance yung nangyare diba?

Huminga ako ng malalim kasi biglang nag-iba ang ihip ng hangin ng sandaling hawakan ko ang doorknob.

Kumatok pa ako ng dalawang beses bago ko tuluyang buksan ang pinto, at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko silang lahat dito.

Nasa loob sina Mama at Papa na ngayon ay kapwa nilalaro yung pamangkin ko. Habang sila Kuya Earl at Ate Gia ay abala sa pag-uusap.

Sa kabilang dako naman ang kaibigan kong si Stella kasama ng boyfriend niyang si Zeno, at yung mga kaibigan ni Theron.

As in laglag ang panga ko habang nakatingin sa kanila.

"Aira!" napunta sakin ang lahat ng kanilang atensyon ng tawagin ako ni Ate Gia.

Biglang lumabas ang nakakalokong tingin at mga ngiti nila ng makita ako.

Lumapit sakin si Ate Gia at hinawi ang buhok kong nakaharang saking mukha.

"You are gorgeous today Aira," nakangising sambit ni Ate saka ako hinila palapit kina Mama.

"A-anong meron ba? Bakit nandito kayo lahat?" naguguluhang tanong ko saka umupo sa sofa.

Halatang sasagot sana si Stella pero tinakpan ni Zeno ang kanyang bibig dahilan para hindi siya makapag- salita.

Napatingin naman ako kina Mama pero bumalik lang ang atensyon nila kay Ash na ngayon ay nakangiti sakin.

Sige lang, pagtaguan niyo ako. Dapat pala hindi nalang ako pumunta kung ganito din pala ang trato niyo saken.

dTT^TTb

Nakanguso akong tumingin kay Kuya na ngayon ay may kinakausap na sa telepono.

Nga pala yung cellphone ko nasa kanya!

Akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Ate Gia.

"Stay here," mariing sabi niya sabay hawak saking kamay.

"Pero—-"

"Ssshhhh," nagulat nalang ako ng biglang namatay ang ilaw.

Sisigaw sana ako pero may tumakip na sa bibig ko kaya hindi na ako nakasigaw. Hindi pamilyar ang amoy niya, pero sigurado akong isa sa mga nandito sa kwarto ang humawak saken.

Hindi man lang naalarma sila Mama, wala kasi akong narinig kahit na anong boses nila.

TANG—-ANO BANG NANGYAYARE?!

Nagpumiglas ako sa may hawak sakin pero mas malakas siya.

Pinatayo niya ako saking kinauupuan at saka niya lang ako binitawan ng may maaninag akong kaunting liwanag sa isang kurtina.

Pinalakas ko muna ang loob ko bago ko hinawi yung puting kurtina, hanggang sa makarinig ako ng isang tugtog ng piano.

Time...I've been passing time watching trains go by...All of my life.

Narinig ko ang isang boses ng lalaki na kumanta nun kaya pinagpatuloy ko ang pagpasok sa loob.

Lying on the sand watching sea birds fly,

Wishing there would be,

Someone waiting home for me,

Hindi ko alam kung bakit tumataas ang mga balahibo ko habang pinapakinggan ang kantang yun.

Something's telling me it might be you,

It's telling me it might be you,

All of my life.

Narating ko ang loob at napatakip ako saking bibig ng mapadpad ako sa loob nung venue kung saan madaming taong nanonood sa lalaking nagpipiano sa stage.

Ano yon, short cut?

May isang babaeng lumapit sakin at sinenyasan akong umakyat dun sa stage pero sa gilid lang daw.

Ano namang gagawin ko dun, manggugulo sa kumakanta?

Pero pinilit niya talaga ako, kaya wala naman akong nagawa kundi ang sundin kung anong sinabi niya.

Now, I don't want to lose you,
but I don't want to use you just to have somebody by my side.

Nag-iba naman ngayon yung tinutugtog nung lalake, medyo pamilyar siya sakin pero hindi ko masigurado kung kilala ko ba talaga siya.

And I don't want to hate you,
I don't want to take you, but I don't want to be the one to cry.

And I don't really matter to anyone anymore.

But like a fool I keep losing my place and

I keep seeing you walk through that door.

Napansin kong napapatingin sakin yung lalake habang kumakanta siya, talas naman ng mata neto, nasa madilim na nga ako eh.

d~ ~b

But there's a danger in loving somebody to much, and it's bad when you know it's your heart you can't trust.

There's a reason why people don't stay where they are.

Baby, sometimes love just ain't enough.

Namatay na naman yung ilaw sa stage kaya wala na naman akong makita, hindi yata sila nagbayad ng kuryente kaya sila napuputulan ng ilaw.

Bababa na sana ako ng stage ng may marinig na akong pamilyar na boses sakin, iba dun sa kumanta kanina.

Remember the first day that I saw your face?

Remember the first day that you smiled at me?

You stepped to me and then you said to me,

I was the man you dreamed about.

Hindi ako makapaniwalang kumakanta ngayon si Theron sa harap ng madaming tao, sa harap ko.

Napakalamig at nakakaantok ang kanyang boses, ibang-iba sa araw-araw niyang boses.

Remember the first day that you called my house?

Remember the first day when you took me out?

We had butterflies, although we tried to hide it

And we both had a beautiful night.

Unti-unting bumalik sa alaala ko ang lahat ng memories na nabuo namin ni Theron nung nasa Isabela pa kami.

Lahat ng saya, lahat ng pagbabangayan naming dalawa, lahat ng sakit na naranasan ko simula ng dumating siya sa buhay ko...lahat.

At di ko aakalain na sa isang hindi inaasahang tao, sa hindi inaasahang pagkakataon, mararanasan ko ang lahat.

The way we held each others hand

The way we talked, the way we laughed

It felt so good to find true love

I knew right then and there you were the one,

Umilaw ang spotlight at nakita ko si Theron na humahakbang palapit sakin at naglahad ng kamay habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

Tinanggap ko yun kasabay ng pagkanta niya ng chorus at pagbuhay ulit ng ilaw sa venue kung saan doon ko nakita ang mga mahal ko sa buhay.

Madaming taong nakangiti at halatang tuwang-tuwa sila sa kanilang nakikita.

Remember the first day, the first day we kissed?

Remember the first day we had an argument?

We apologized, and then we compromised

And we haven't argued since.

Remember the first day we stopped playing games?

Remember the first day you fell in love with me?

It felt so good to say those words

'Cause I felt the same way too.

Pinutol na niya ang pagkanta niya at may isang taong nagtuloy sa kantang yun.

Tumingin siya ng diretso sakin at kasabay nun ang paghalik niya saking noo.

"I've waited so long for this day baby, ang tagal kong pinag- planuhan ang araw na ito." hindi ko namalayang bumagsak na pala ang mga luha ko habang pinapakinggan ang sinasabi niya.

"December 25, saktong tanghaling tapat nung pilit mo ako pinaalis sa harapan mo. Alam mo ba kung gaano kahirap para sakin ang iwan ka kahit na ikaw ang umalis?" natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi naman siya halatang galit kasi nakangiti naman siya habang nagsasalita.

"I know, that day was the worse day for us, kaya napagdesisyunan kong kalimutan na ang dapat kalimutan. Papalitan ko ng saya ang araw kung kailan tayo pinaglaruan ng tadhana," unti-unti na akong napatakip saking bibig ng tuluyan siyang lumuhod sa harapan ko.

Mahihimatay yata ako.

"Verena Naira De Los Santos, are you willing to spend your whole life with me?" nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko ng makita kong nilabas niya ang isang maliit na color pink na kahon kung saan naglalaman iyon ng singsing.

Napatingala pa ako kasi hindi ko na talaga maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Tumingin ako kina Mama, Papa, Kuya at Ate Gia, pati na rin kay Stella na sinesenyasan akong umoo na daw.

Kaya pala...Salamat sa inyong lahat.

Mas lalo akong naiyak ng makita ko din si Tita Martina na ngayon ay katabi ang Kuya ni Theron at ang Daddy nila.

Nagbaba na ako ng tingin kay Theron na ngayon nakangiti ng matamis sakin.

"Yes, I will spend the rest of my life with you Theron." napatayo siya agad at niyakap ako ng mahigpit matapos kong sabihin yun.

Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagsigaw ng kaibigan ni Theron.

"Nice one dude!"

"Ako ang best man sa wedding hah!"

"Ako na bahala sa honeymoon niyo!"

Napangiti nalang ako habang pinapakinggan ang sinasabi nila.

Humiwalay siya sakin at sinuot sa daliri ko ang split shank ring. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Save your tears for our wedding day, I love you so much baby."

"I love you too baby, salamat dito." pagkasabi ko nun ay sinunggaban na niya ako ng halik sa labi na mas lalong nakapagpalakas ng sigawan at tilian ng tao.

Naniniwala na ako na lahat ng lungkot na pwedeng nating maramdaman ay may naghihintay na saya sa dulo nito.


**********
Featured Song:
It Might be You by Stephen Bishop

Sometimes Love just ain't enough by Patty Smyth

Brown Eyes by Destiny's Child

⚠️A/N:
Yiiieee! Happy na sila.😂💕 May forever naman kasi, sa kanila nga lang.🤣

THANKS FOR SUPPORT! MORE CHAPTERS TO GO💓

Btw, malapit na din ang pinakaaantay niyong scene, pinaghandaan ko talaga sa utak ko yun.😂 Nevermind nalang sa di makagets.

Continue lendo

Você também vai gostar

1.7K 296 40
B O O K 2 of SANA - Sa relasyon maraming pasulpot sulpot na problema, maaaring sa una'y masaya ka dahil mahal ninyo ang isa't isa, pero hindi niyo ma...
5.6K 276 44
#21- child Highest Rank#3 in Japanese language this is All about the Mortal Pretty Lady who Got married to A Vampire King, She doesn't know that she...
2.4M 82K 107
Isang Inosente at napakagandang babae kinababaliwan ng isang Mafia lord na akala mo ay di makabasag pinggan ay may tinatago din palang kabrutalan. H...
233K 5.9K 64
In Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendlet...