My Probinsyana Girl

Von IgnotusWriter29

199K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... Mehr

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 67

1.5K 34 1
Von IgnotusWriter29

VERENA'S POV

Ilang araw na akong nabubulok mag-isa dito sa bahay namin, halos lahat kasi sila ay may inaasikaso.

Last week ko pa kasi natapos yung pinapagawa ni Tita Martina saken, ilang gabi din akong puyat nun kaya ngayon ay puro pahinga nalang ang ginagawa ko.

Sila Kuya at Ate Gia ay inaasikaso ang mga papeles para sa gaganaping kasal nila sa susunod na buwan.

Nang malaman kasi nung pamilya ni Ate Gia na buntis siya, ay gusto na nilang ipakasal ito kay Kuya, para wala daw takas.

d~_~b

Samantalang sila Mama at Papa ay nasa Isabela ngayon dahil nga inaayos nila yung problema ng patubig saming palayan.

Balak ko sanang lumabas kaso wala naman akong kasama, si Stella naman ay busy dun sa boyfriend niya.

Buti pa ako, NBSB.

Napabuntong hininga nalang ako saka lumabas ng kwarto para kumain sa kusina. Ngayon ko lang kasi napansin na tanghali na pala.

Ang hirap pala kapag mag-isa kalang.

Kakababa ko palang galing itaas ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell, siguro ay dumating na sila Kuya.

Dali-dali naman akong lumabas sa main door para buksan yung gate at laking gulat ko ng hindi sila Kuya yung dumating.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko saka tuluyang lumabas para makausap siya ng maayos.

"Binibisita ka," napataas naman ang kilay ko sa sinagot niya.

"Hindi ko kailangan ng bisita." walang emosyong sagot ko.

"Kasama...hindi?"

"Hindi rin, sanay na naman akong mag-isa."

"Really?"

"Oo, kaya kung wala kang magandang sasabihin lumayas kana ngayon sa harapan ko." mataray kong sabi at akmang papasok sa loob ng humarang siya sa daraanan ko.

"Meron akong magandang sasabihin," napakrus naman ang braso ko saka siya tinitigan ng mariin.

"Ano?"

"Ikaw,"

"Anong maganda dun?"

"Ikaw," napangiwi naman ako sa kawirduhan niya, hanggang ngayon ganyan parin siya bumanat.

"Wala akong panahong makipaglokohan sayo Theron hah?"

"Kailan paba ako nakipaglokohan sayo Verena?" nakangising tanong niya.

Hindi naman agad ako nakasagot, sa halip ay iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya saka sumandal sa pader.

"Alam ko kasing mag-isa kalang ngayon kaya kita binisita dito, baka kung ano kasing mangyari sayo habang wala sila." napaayos naman ako ng tayo ng marinig ko ang sinabi niya.

"Paano mo nalamang mag-isa lang ako dito?"

"Hinulaan ko."

"Isa nalang talaga babatukan na kita."

"Go lang, miss na kasi ng batok ko yung kamay mo." hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Napakamot nalang ako sa ilong ko saka tinanggal yung kamay niyang nakaharang para makapasok na ako sa loob.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?" lumingon ako sa kanya at nakita kong nakalampas na siya sa gate.

"Nagtanong kapa." dinig kong tumawa siya kaya napailing nalang ako sa kawalan.

Nang makapasok na kami sa loob ay dumiretso akong kusina para kumuha ng makakain naming dalawa.

Baka mamaya sabihin niya kay Tita na hindi ko siya pinapakain dito, sumubungero pa naman ang isang toh.

Nung isang araw kasi ay dumalaw na naman siya dito, saktong si Kuya lang yung kasama ko kasi si Ate ay nagyoyoga pa nung mga oras na iyon.

Tinatamad kasi akong magluto nun, at nanonood lang ako ng TV sa sala katabi ni Kuya.

Sinabi ko lang na mamaya nalang ako magluluto kasi hindi pa ako gutom tapos tumawag siya agad kay Tita, sinabi ba namang hindi ko siya pinapakain, lakas talaga ng tama eh.

Napatingin naman ako sa kanya ngayon na nakapangalumbaba habang pinapanood akong ihanda ang kakainin namin.

"Wag mo nga akong panoorin ng ganyan." sita ko sa kanya sabay lapag sa mesa nung ulam.

"Ayoko ng hinanda mo," nag-init naman ang dugo ko sa sinabi niya.

"Ano?! Ang arte mo naman! Pasalamat ka nga at pinaghanda pa kita ng pagkain kahit hindi mo sinabing kakain ka, tapos aayawan mo pa?! Lakas mo rin eh noh?"  sigaw ko saka padabog na binitbit yung pinggan ko at naglakad palayo sa kanya.

"Ayaw ko ng hinanda mo kase ikaw ang gusto ko," napatigil naman ako sa paglalakad matapos kong marinig ang sinabi niya.

Hindi ko siya magawang lingunin, kasi pakiramdam ko sa oras na gumalaw ako dito ay may mangyayaring hindi maganda saken.

Ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko hanggang sa makarating na siya sa harapan ko.

Inosente siyang tumingin sakin at kinuha yung dala kong pinggan, nilapag niya yun sa mesa saka muli akong binalikan.

"Uhm, actually gutom ako ngayon kaso wala akong ganang kumain ng totoong pagkain," sabi niya habang dahang-dahang hinahaplos ang buhok ko.

Pinaikot-ikot niya yung ilang hibla ng buhok ko sa kanyang daliri habang nakatingin siya ng diretso sakin.

"Gusto ko sana ikaw kaso...matigas kapang kainin. Kaya papakuluin muna kita hanggang sa lumambot kana," napalunok ako ng ilang beses ng marinig ko ang sinabi niya.

Anong nais niyang iparating? Jusqo, gagawin pa yata akong pagkain nito.

"T-theron, m-may gagawin pa ako," palusot ko at akmang aalis sa harapan niya pero naitulak na niya ako pasandal sa kitchen island.

"Talaga? May gagawin kapa?" may halong panunukso yung pagtanong niya sakin.

Siguro ay pulang-pula na ngayon ang mukha ko dahil sa lapit ng katawan niya sakin.

Nanginginig ang mga kamay ko at sa hindi malamang dahilan ay kumakabog na naman ng malakas yung dibdib ko.

Kailan ko pa ba huling naramdaman ang ganitong klase ng kaba?

"Papakawalan lang kita kung sasabihin mo sakin na mahal mo parin ako hanggang ngayon." bulong niya saking tenga.

Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

"Theron, hindi na—-" naputol ang sasabihin ko ng maramdaman kong hinalikan niya ako pababa saking leeg.

Bumibilis na ang paghinga ko at napahigpit narin yung hawak ko sa mesa.

"One lies, one kiss." sabi niya.

"Theron, please, wag mo akong pahirapan ng ganito," pagmamakawa ko sa kanya.

"Ayaw mong mahirapan? Then, tell me the truth." sa bawat pagsasalita niya ay sumasabay ang pagtama ng mainit niyang hininga saking balat.

Ano na naman bang gagawin niya kapag sinabi ko ang totoo?!

"Basta ako, inaamin ko sa sarili ko na mahal parin kita hanggang ngayon. Walang pagbabago Verena, and you don't have any idea kung ano ang naramdaman ko nung iniwan mo ako." parang pinipiga na naman yung puso ko habang naririnig at nararamdaman ko kung gaano siya nasaktan sa ginawa kong paglayo sa kanya.

"Yung pinangako ko sayo eight years ago? Totoo lahat yun. Nung time na nasa ibang bansa kana? Nasa Isabela parin ako nun at alam na alam nung mga magulang mo kung paano ako umiyak gabi-gabi dahil sa pag-alis mo. Alam din nila kung gaano ako nasaktan at nahirapan habang wala ka. Kaya pinilit kong magtrabaho para maibalik ko lahat nung tulong na binigay niyo sakin mula nung dumating ako sa inyo. I'm so glad at nakilala ko yung magulang mo, kasi kahit na nasaktan ko na yung anak nila, tinaggap parin nila ako ng buong-buo." natigilan naman ako sa sinabi niya.

"B-bakit mo ginawa yun?"

"Kasi mahal kita, kasi takot akong iwan ka kahit na ikaw yung umalis. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko kapag isang araw, umuwi ka nalang at may mahal ka ng iba. Bumalik ka ng may kasamang—-" hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.

"Sorry Theron...hindi ko sinasadya," napaiyak nalang ako sa balikat niya.

"Sorry, hindi ko alam na gagawin mo yun. Sorry kasi nahirapan ka ng dahil saken,"

Mukhang hindi sapat ang salitang sorry sa lahat ng ginawa ko sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko mapapalitan ang lahat ng ginawa niyang sakripisyo para saken, hindi ko alam kung ano ang maibibigay ko sa kanya para lang mawala lahat nung sakit na naramdaman niya.

Gusto kong bumalik sa panahon kung saan nagbitaw ako sa kanya ng mga salitang masasakit, gusto kong bawiin ang lahat ng yun.

Kung pwede lang akong bumalik sa gabing iyon ay ginawa ko na.

"Anong gagawin ko para mapalitan ko lahat nung sakit na naramdaman mo? Kahit ano, gagawin ko." sabi ko ng makalayo na sa kanya.

"Simple lang," nakangiting sagot niya habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ng kanyang daliri.

"A-ano?"

"Love me again and give me one more chance." napasandal ang ulo ko sa dibdib niya at walang pag-aalinlangang sinagot siya.

"Kung yun ang magpapasaya sayo, gagawin ko." pagkasabi ko nun ay hinawakan niya ako saking baba at muling pinagtagpo ang aming mga labi.

Tuluyan na akong napahawak sa kanyang batok habang ang mga kamay niya ay unti-unting bumababa sa bewang ko.

Muli kong isusugal ang puso ko sa laban. Muli kong mararanasang magmahal ng wala ng pag-aalinlangan.

Ibibigay ko lahat, sumaya lang siya ulit sa piling ko. At inaamin ko, na hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya.

Mahal parin kita hanggang ngayon. Ibababa ko na ang pride ko para sayo.

Naghiwalay ang aming mga labi pero nanatili paring magkadikit ang aming mga noo.

"I miss you so much Verena. Hindi ko na pala kailangang lumuhod sa harapan mo para lang dito," natatawang sambit niya.

Sinuklay ko naman ang buhok niya gamit ang daliri ko, mas lalong lumambot ang buhok niya ngayon.

"Madali mo akong nakuha noon, malamang ganun din ngayon." sagot ko at napaayos naman siya ng tayo habang nakahawak siya sa pisngi ko.

"I love you Verena Naira De Los Santos, soon to be Mrs.Lennox. Papakasalan na kita para hindi kana makatakas pa," wika niya at muli akong hinalikan sa labi.

Kailan pa ba ako nakatakas sayo?



**********
⚠️A/N:
Yiiieee, nagkabalikan na ang VERON.😂 Joke lang, panaginip lang toh.

Featured Song:
Back To December by Taylor Swift

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.9K 168 23
(The cover is not mine,credits to the rightful owner) Just because of the Dating App their path crossed until they decided to meet each other in pers...