My Probinsyana Girl

By IgnotusWriter29

199K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... More

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 65

1.5K 39 2
By IgnotusWriter29

⚠️A/N:
Sorry, di ako nakatiis hindi mag-update.😂

THERON'S POV

"Wake up bro! Tumawag na si Mommy! Minove na yung oras ng photoshoot mo!" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sinabi ni Russ.

"What?! Sabi mo kagabi hapon pa, bakit napaaga?" tanong ko.

"Yung mga Directors daw yung nag-order nun. Wala namang nagawa sila Mommy," sagot niya.

Napailing nalang ako sa kawalan saka dumiretso sa CR para makaligo na. Pagkatapos ay nagsuot nalang ako ng maong pants at white long sleeves.

Paglabas ko ay nakita kong dala-dala na ni Russ yung mga dadalhin kong gamit, lagi siyang ganito saken kaya kulang nalang talaga magsuot na siya ng damit pang-katulong.

Meron naman siyang pwedeng pagkaabalahan tulad ng bar niya sa Laguna, bakit ako yung priority niya?

Pagdating namin ng parking lot ay siya na din yung nagdrive patungo sa lugar kung saan magaganap yung shooting.

Sa dami-dami na ng kumukuha sakin bilang model, ay may mga nakakakilala na din saken, kaya parang may limit na yung pagpunta ko kung saan-saan.

——-

Pagpasok namin sa loob ay agad din akong inayusan ng mga stylist saka pinagpalit ng damit.

Akala ko ay sasalang na agad ako pero hindi pa daw dumadating yung photographer kaya nag-antay pa kami ng ilang minuto.

Si Russ ay nakita kong natutulog sa isang sofa dito sa dressing room, at mukhang puyat pa ang isang toh.

May binigay saming maskara na gagamitin daw namin, ayaw ko pa sanang suotin yun pero pinasuot na agad samin para ready na mamaya.

Napagpasyahan ko na panoorin muna yung mga naunang models, wala naman kasi akong magawa sa loob kaya lumabas ako.

Pero sa kasamaang palad ay parang nananaginip pa yata ako, kaya napasampal pa ako saking pisngi para magising.

Kaya ang ending ay nasaktan ko lang ang sarili ko.

Kitang-kita kasi mismo ng dalawa kong mata na si Verena yung photographer namin ngayon.

Hindi ako makapaniwalang sa ganitong klaseng lugar ko siya ulit makikita.

Parang hindi na siya yung babaeng nakita at nakasama ko eight years ago, ang laki na kasi ng pinagbago niya.

Lalo na ang kanyang pangangatawan at pananamit, at ng sandaling tumayo siya ng maayos ay muli kong nasilayan ng buong-buo ang kanyang mukha.

As in laglag ang panga ko ng makita ko siya.

Gustung-gusto ko siyang lapitan at kausapin pero hindi ko magawa kasi nagtatalo mismo ang utak at puso ko sa gusto kong gawin.

Parang yung isa ay sinasabing matagal na panahon na ang lumipas, bakit ko pa siya lalapitan at kakausapin? Para saan pa?

Samantalang yung isa ay pilit akong pinagtutulakan palapit sa kanya.

Shit! Magpapakatanga kana naman ba Theron?! Iniwan kana niya, kinalimutan ka na, kaya dapat ikaw din!

d>>___<<b

Nagsalubong naman ang kilay ko ng makita kong inabutan siya ng tubig nung isang lalaki kasabay nun ang pagpupunas niya ng pawis ni Verena.

Who the hell is that boy?

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila hanggang sa bumalik ulit sa trabaho si Verena.

Naiyukom ko ang mga kamao ko, hindi dahil sa kanila kundi sa nararamdaman ko ngayon.

Hanggang sa nagpatupad ng break yung Director, sinundan ko ng tingin si Verena at nakita kong lumabas siya ng studio.

Sa kabilang pinto ako lumabas para hindi ako mapansin hanggang sa may mabangga akong tao.

"S-sorry po," nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Verena na ngayon ay nakapasok na pala ng CR.

Did she apologize to me?

Pinalakas ko ang loob ko saka inantay ang paglabas niya mula sa loob, at sakto namang bumukas ang pinto kaya naharangan ko siya.

Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat, ako din naman eh, nagulat sa kagandahan niya.

d>_<b

What the hell?

"Eh? Model kaba dun? Bakit ka nandito?" tanong niya na nakapag-patulala saken.

Ang tagal ko ng gustong maring ang mala-anghel niyang boses, parang gusto ko tuloy bumalik kami sa dati...kahit na alam kong malabo.

"Excuse me, may trabaho pa po ako. Kung gusto niyong makipagtitigan, sa pader nalang po kayo humarap." napaawang ang labi ko sa sinabi niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako bigla ng mapansin kong hindi parin nawawala ang kakulitan niya.

Para akong baliw habang naglalakad pabalik ng studio, kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi saka napapangiti ng wala sa oras.

"Nakainom kaba ng gamot Theron? Bakit parang wala kana naman yata sa sarili mo?" naglaho ang mga ngiti ko ng marinig kong nagsalita si Russ na ngayon ay kakagising lang.

"Gusto mong patulugin kita ulit diyan?" tanong ko na agad niya namang inilingan.

Lumipas ang isang oras ay kami na ang sasalang kaya mas lalo akong naexcite kasi makikita ko ulit si Verena.

How I miss her...

Pero bago pa man ako maupo sa upuan ay may naisip na akong kalokohan.

Wala pa man siyang inuutos ay agad kong hinawakan sa bewang yung babaeng kasama ko, baka sakaling mainis siya sa gagawin ko.

d- - ,b

Siya naman itong click ng click sa camera at mukhang hindi napapansin ang pang-iinis ko sa kanya.

Sabagay, hindi pa naman niya alam na ako toh, kaya wala talaga siyang pakealam.

Habang kinukuhanan niya kami ay nasa kanya lang ang mga mata ko at hindi sa camera kaya,

"Focus on the camera please?" utos niya pero hindi ako sumunod.

Ngunit subalit datapwat, lumapit siya samin habang masama ang kanyang tingin.

"Ah Sir? O kahit ano pang pangalan mo, pakiusap ho, sa camera lang kayo tumingin hah? Hindi yung kung saan-saan dumadapo yang mga mata mo," sabi niya at parang namagnet yung mata ko patungo sa suot niyang necklace.

dO______Ob

What.....the.....fuck! Kay Mommy yung necklace ah! Paano napunta sa kanya yun?

Kinabahan ako bigla saka pilit na inisip na baka magkatulad lang yung necklace na suot niya sa necklace na binigay ko kay Mommy nung birthday niya.

Patay na si Mommy, bakit naman ako nag-iisip ng ganito?!

——-

Pinilit kong magpa-iwan dito sa studio kahit na hinihila na ako pababa ni Russ kanina, nagmatigas parin ako.

Hindi ko pa tinatanggal yung suot kong maskara para hindi siya magulat kung makita niya ako ulit.

Gusto ko kasing makausap si Verena, madaming akong tanong na gustong itanong sa kanya.

Pinagmamasdan ko lang siyang nakaupo dito sa may rooftop at narinig kong nagpapatugtog siya sa kanyang cellphone.

Napangisi naman ako ng bigla siyang napalingon saken, mukhang nakaramdam na may tao sa likod niya, akala ko manhid parin siya hanggang ngayon.

"Sinusundan mo ba ako lalake? Kanina kapa hah!" sigaw niya saken pero hindi ako nagpatinag.

Palasigaw at mataray parin pala.

"Ano bang problema mo sakin at tinitignan mo ako ng ganyan? Kilala ba kita? Anak ba kita? Kaano-ano ba kita?" medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi parin ako umimik.

"Ito lang sasabihin ko hah, kung hindi ka nagsasalita pwes kumausap ka ng taong makakaintindi sayo, kase ako? Hindi ako pipi tulad mo, kaya pwede ba, lumayo—-" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap ako ng mahigpit sa kanya.

"Verena," tawag ko sa kanya.

Sa gulat niya ay napalayo siya sakin at namumutlang tinignan ako.

"Siguro nalaman mo lang yung pangalan ko sa staff noh? Siguro tinanong mo lang yung pangalan ko sa iba kaya mo ako kilala," napailing ako sa sinabi niya.

"No, hindi lang kita kilala sa pangalan, kundi buong pagkatao mo ay alam ko," seryosong saad ko at walang pag-aalinlangang tinanggal ang suot kong maskara at tinapon yun kung saan.

Kitang-kita ko kung paano mamilog ang mga mata niya ng sandaling magtagpo ang mata naming dalawa.

"Long time no see, baby."

"For your information, hindi mo ako baby. Kailan pa kita naging Papa huh?" tanong niya na naging dahilan ng paghagikgik ko.

"Nagbago ka lang sa pananamit, and isang beses ko lang sasabihin ito...mas lalo kang gumanda ngayon," pormal kong sabi na nakapag-pairap sa kanya.

"Ang layo ng sagot mo sa tanong ko,"

"Bakit mo ako iniwan?"

"Theron, heto kana naman eh! Ilang taon na oh! Ilang taon na ang lumipas, hindi ka parin makamove-on? Kung kinakausap mo ako ngayon para tanungin kung pinatawad na kita...Oo Theron, pinapatawad na kita at pwede ba, kahit ngayon lang, bigyan mo ako ng oras para magpahinga," parang hindi ko na kilala ang babaeng nagsasalita ngayon sa harap ko.

Hindi ko inaasahan na susumbatan niya ako ngayon.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na ilang taon na ang lumipas, hindi paba sapat yun para sa pagpapahinga mo?" may halong pait saking pananalita.

"Theron ayoko ng bumalik sa nakaraan, ayaw ko ng pag-usapan pa kung anong meron tayo dati. Ano pa bang purpose mo sa buhay ko? Hindi pa ba sapat yung pag-gising mo saken sa katotohanan? Hindi pa ba sapat yung sakit na pinadama mo saken kaya heto ka na naman ngayon muling nagbabalik para saktan ako ulit?" parang nadurog ang puso ko sa mga sinabi niya.

Ano pa nga bang purpose ko sa buhay niya? Tang ina! Bakit ang dali lang sa kanya na sumbatan ako ng ganito? Siya pa ba yung babaeng minahal ko at patuloy kong minamahal  hanggang ngayon?!

Damn it! She had no idea kung ano yung naramdaman ko nung mga panahong wala na siya sa tabi ko.

Halos gabi-gabi ay umiiyak ako dahil sa katangahan ko, at saksi mismo yung mga magulang niya sa paghihirap ko.

"Hindi na kita kilala, nagbago na ang lahat sayo," wala sa sariling sabi ko.

"At yun ay dahil sayo," isa pang sagot niya na nakapagpabagsak ng luha ko.

"Verena, inaamin ko...nagkasala ako sayo, sabi mo pinatawad mo na ako, pero bakit kung magsalita ka ay parang hindi mo parin nakakalimutan ang nakaraan?"

"Kung ikaw kaya yung nasa posisyon ko? Makakalimutan mo ba ang lahat?"

"Verena ang sakit mo magsalita,"

"Mas masakit yung pinadama mo Theron, mas masakit yung ginawa mo,"

Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko saka ngumiti ng mapait sa kanya.

"I love you...and I can't stop my self to fall in love to you, siguro parusa na sakin ng Diyos dahil sa mga maling nagawa ko noon itong pagmamahal ko sayo. Kasi kahit anong pilit kong kalimutan ka, kahit anong pilit kong sabihin na tama na...talagang hindi ko kaya Verena. Di ko kayang bumitaw sayo,"

"Tama na Theron—-"

"Please? Come back to me, I've waited so long for you." sabi ko habang humahakbang palapit sa kanya.

"Wala na akong babalikan sayo Theron, at pinangako ko sa sarili ko na kakalimutan na—-"

"Stop, hindi totoo yan."

"Hindi, totoo yun, matagal ng burado sa puso ko ang pangalan mo,"

"YOUR BEING UNFAIR TO ME! FUCK! I KNOW YOU WAS LYING, AND I BEG YOU TO TELL THE TRUTH!" sigaw ko sa kanya.

"Yun ang totoo,"

"Pwes sakin hindi, kitang-kita ko sa mga mata mo ang totoo,"

"Kita mo naman pala, bakit mo pa tinatanong sakin?" natigilan ako sa sinabi niya.

Paano niya nagagawang magbiro sa gitna ng ganitong sitwasyon?!

"I'm serious, sabihin mo nalang ang totoo para matapos na ito."

"Sinabi ko na ang totoo, kaya tapos na—-" sa sobrang gigil ko sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong itulak siya pasandall sa glass railings.

Nanuot naman bigla sa ilong ko ang pabango niya kay mas lalo akong nahibang.

Tinuon ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng kanyang bewang.

"Verena, hindi ikaw ang nagising, kundi ako. Hindi ikaw ang nagdusa, kundi ako," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Hindi naman ikaw ang nasaktan!" sigaw niya at pilit akong tinutulak palayo.

"Bakit mo ginagawa sakin ito Verena?"

"Theron ano pa bang gusto mong makuha saken?! Wala na tayo diba?! Kung gusto mong marinig ang katotohanan, sige...ipaparinig ko sayo." seryosong sambit niya saka tinulak ako palayo.

I can't believe this, I wanna cry now!!! I feel like my heart is breaking on to thousand pieces.

"Hindi na kita mahal, at kahit na anong gawin mo hindi na tayo babalik sa dati, hindi na ako babalik sa piling mo." huling sabi niya saka ako iniwang tulala dun.

Hindi na kita mahal, at kahit na anong gawin mo hindi na tayo babalik sa dati, hindi na ako babalik sa piling mo.

Parang sinampal ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya.

Nanikip ang paghinga ko, kasabay nun ang biglang pag-usbong ng kalungkutan sa damdamin ko.

Hindi ko yata kaya...Pero dahil mahal ko siya, sige, pagbibigyan ko siya sa gusto niya.

Kilala ko si Verena, walang lumalabas sa kanyang bibig na hindi totoo, lahat ay galing sa kanyang puso.

Napasipa ako sa pader saka wala sa sariling napaluhod, at napahagulgol ng iyak.

"ANG TANGA KO NA NAMAN!" sigaw ko at napasuntok na lang sa sahig.

Iba na siya, hindi na siya yung babaeng nakilala at nakasama ko dati.

Pangalawang beses na niya akong sinasaktan ng ganito, ayaw ko mang maniwala sa sinabi niya, pero pilit na sinisiksik ng utak ko na totoo ang mga lumabas sa bibig niya.

Kahit labag sa kalooban ko ay kinapa ko saking bulsa yung cellphone ko, saka tumawag kina Timothy na sunduin ako dito kasi pupunta ako ng bar.

Gusto ko munang magsaya kahit sandali lang. Gusto ko na ulit maramdaman ang tunay na ligaya.


**********
Featured Song:
Hindi na nga by This Band

⚠️A/N:
Actually wala silang happy ending...Bitter si author eh, charot.😂

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
106K 1.2K 86
© 2010 by iammejlyn She (Jane) unexpectedly fell in love to her Best Friend named Jake. But, because of the incident that happened, they became enemy...
838K 10.8K 71
EATON SERIES 1 Copyrights ©LoveParanoia "You'll be the slave of my love Alexa."-Alexander Drace Eaton Highest rank Vampire: Rank #1 Warewolf: Rank #1...
20.7K 1.3K 21
CHARACTERS: APINK's Eunji as Nica EXO's Sehun as Seith Hunter/Sehun INFINITE's L as Leigh/L TWICE's Sana as Shin SHINee's Onew as Oliver Newton/Onew ...