My Probinsyana Girl

By IgnotusWriter29

199K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... More

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 61

1.6K 43 5
By IgnotusWriter29

⚠️A/N:
Ito na yata ang pinakamahabang chapter na ginawa ko.😂 It contains 3,600 words...💕

VERENA'S POV

Mga tanghali na kami nakarating sa studio na pangyayarihan ng unang photoshoot ko.

Sa totoo lang, ay kinakabahan ako ngayon kasi si Tita Martina mismo yung pumili sakin na maging photographer sa mga models niya.

Kapag nairaos ko daw itong shooting ko ay ipupublish nila sa Cosmo Clan Magazine yung mga kuha ko.

Mga professional models pa naman yung kukuhanan ko ngayon, kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Kalma Verena, kaya mo yan." sabi ko bago pumasok sa loob ng studio bitbit ang mga equipments ko.

Naiwan kasi sila Kuya at Ate Gia sa parking lot, binibitbit pa yung mga natira kong gamit na hindi ko nadala.

Pagpasok ko ay bumungad na sakin ang mga stylist at mga damit na nakahanger sa isang mahabang sampayan.

May limang package type pa na aircon na nakalagay sa mga sulok, mabuti nalang at mahilig akong magsuot ng jacket, kaya hindi ako natatablan ng lamig.

"Verena right?" sabi sakin nung isang babae na naglalakad palapit sakin bitbit ang isang damit na nakahanger pa.

"Uhm, yes. Dove sono i modelli?" tanong ko saka nilapag yung dala-dala kong bag.

( Where is the models? )

"Ancora fissando il loro aspetto," sagot niya kaya napatango naman ako.

( Still fixing their looks. )

"Devo andare, aspetta solo loro." paalam niya saka ako iniwan at inayos yung mga damit.

( I have to go, just wait for them. )

"Verena," tawag sakin ni Kuya na ngayon ay bitbit yung backdrop na gagamitin ko.

Kasunod naman si Ate Gia na dala ang softbox at bowens box, sabay nilang nilapag yun sa gilid at nagpabuga ng hangin.

"Grabe itong studio ng Tita niyo huh? Nasa 6th floor ng building?" hingal na sabi ni Ate Gia.

"Oo nga bunso, hindi ka hiningal? Dala-dala mo pa yung camera saka ilang lenses na gagamitin mo," komento naman ni Kuya na ngayon ay nagpapaypay sa tabi.

"Eh? Ganun talaga Kuya, saka sanay na naman akong bitbitin itong pinakamamahal kong gamit," sagot ko saka nagsimulang iorganize yung backdrop.

Tinulungan naman ako ni Kuya na itayo yung mga legs nito at para hindi bumagsak.

Habang si Ate Gia naman yung nagpwesto ng mga lightning.

Kumuha ako ng tape sa bag at nilagyan yung mismong gitna para alam nung mga models kung saan sila pupwesto.

Makalipas ang ilang oras na pagse-set up ay nagsimula na ang photoshoot.

Habang kinukuhanan ko sila ay nakapalibot sakin ang mga stylist na handang may bitbit na make up, blower o kung anu-anong ipang-aayos dun sa model.

Una kong kinuhanan ay nag-iisang babae na naka-three inch heels at nakasuot lang ng white shorts pero walang pang-itaas na damit.

AS IN HUBAD TALAGA SIYA.

Pero dahil sa masyado akong creative, nagpalagay ako ng sofa at dun ko siya pinaupo.

Buong oras na kinukuhanan ko siya ay tanging kamay niya lang ang tumatakip sa malaki niyang dibdib.

Hiyang-hiya naman yung akin, hahaha! Buti, natakpan pa ng payatot niyang kamay.

Sumunod ay isang lalaki na nakasuot lang ng boxer at black sando, with matching messy hair.

Oh diba, taray nung mga models.

Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang isang taong dapat na hindi ko na inaalala pa.

Ilang beses ko pang inalog yung ulo ko saka bumalik saking wisyo.

"Okay, turn around!"

"One more time!"

"Yeah, good. Okay,"

Inabutan ako ng isang babaeng stylist ng bottled water na agad ko namang ininom.

Siguro nasa lima pang models yung kinuhanan ko bago kami nagbreak.

Kahit naka-aircon dito ay tumulo ang pawis ko galing saking noo.

Sino ba naman ang hindi pagpapawisan habang nagshoshooting?

Kung hindi ko gamit ang tripod, bitbit ko mismo yung camera. Luhod dito, dapa dun, tayo ng ayos, lahat gagawin mo makakuha lang ng maayos na anggulo.

"Nice one Aira! Para ka talagang professional na photographer," nakangiting bati sakin ni Ate Gia sabay abot sakin ng pandoro cake.

"Eh, sa totoo lang Ate, kinakabahan ako habang kinukuhanan ko sila," wika ko sabay kagat dun sa cake.

"Huh? Bakit naman? Habang pinapanood kita, parang wala lang sayo,"

"Akala mo lang yun Ate," natatawang sabi ko.

Si Kuya ay pinunasan ako ng pawis saka nilagyan ng towel sa likod.

"Wag masyadong magpagod, baka magkasakit ka, may next project kapa kay Tita," seryosong sambit ni Kuya.

Napanguso naman ako saka bumalik sa trabaho.

Mukhang magiging bitter pa yata ako ng sandaling makita ko yung susunod na model.

Isang babae at lalaki na mukhang magkarelasyon pa yata, tss, magbibreak din kayo!

Napangiwi nalang ako at akmang sisimulan ang pagkuha sa kanila ng litrato nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

Napatingin ako kay Kuya na ngayon at tatawa-tawa habang nasa tabi ni Ate Gia.

Sige tawa, maghihiwalay din kayo!

"Wrap your hands around her waist!"

"COME CLOSER!"

"Hold his hands, please! Don't let it go!" hindi ko alam kung bakit tanging sila lang yung sinigawan kong models.

"CUT!" sigaw ko saka padabog na lumabas ng studio.

Grabe! Bakit ba ako nagkakaganito! Dumating lang sila, aargghhh!

Dumiretso ako sa banyo at sandaling naghilamos ng mukha ko.

"Kumalma ka nga Verena okay! Ano ba, first photoshoot mo ito tapos sisigaw-sigawan mo lang yung mga models! Jusqo, baka ireport pa ako nito ako kay Tita." napapikit nalang ako sa inis saka bumalik ng studio.

Pagpasok ko ay para silang mga mannequin na nakatingin sa pagpasok ko.

"Back to work," utos ko saka umupo sa tapat ng camera.

Nandun parin yung dalawang modelo habang inaayos yung kanilang buhok.

Lumipas ang ilang segundo ay muli akong nagsimula, pilit na kumalma kahit nanggigigil na.

Mukhang natrauma na yata yung dalawa kaya inayos na nila yung ginagawa nilang dalawa sa harap ng camera.

"Come closer. More, yes, like that."

"Okay, uhm, look at the camera fiercefully,"

"Hold her nape then look at each other,"

Halos nasa kanila lang yung atensyon ko habang nagki-click yung camera.

"Regola il lampo a sinistra, per favore!" utos ko na agad namang ginawa ng isang lalaki.

( Adjust the lightning to the left, please! )

Natapos ko yung dalawa at ang mga sumunod pang tatlo.

Nang matapos ang photoshoot ay kaagad kong hinubad ang suot kong jacket at nagpalit ng T-Shirt.

"Nangangamoy celebration babe!" sabi ni Ate Gia kay Kuya na ngayon ay tinutulungan akong ayusin yung mga ginamit kong equipments.

Maayos kong tinanggal sa saksakan yung mga lightning at pinulupot yung mga mahahabang wire.

"Mamaya, magvivideo call tayo kina Ina habang kumakain tayo sa bahay," sabi ni Kuya na nakapagpawala ng pagod ko.

"Talaga? Mabuti naman. Nga pala Kuya, kailan ba yung schedule ng photoshoot ko sa Pilipinas? Gustung-gusto ko na kasing makita sila Ina," tanong ko.

"Sa pagkakaalam ko ay sa susunod pang taon, meron kapa kasing project sa ibang bansa bago sa Pilipinas. Hinuli yun ni Tita kasi next year din daw yung anniversary ng company niya, kaya isasabay na niya yung celebration." nalungkot naman ako sa sinagot ni Kuya.

Halos apat na taon na din kasi kami dito sa Italy, walang uwi-uwi at puro trabaho ang inaatupag.

Kaya kung sa susunod pang taon ang uwi ko, di parang limang taon na rin akong nawala dun.

"Tara na at para makakain kana ng ayos," sabi ni Kuya habang bitbit ang ilang bag ko.

——-

Pagdating namin sa bahay ni Tita Martina ay sinalubong na kami ng madaming pagkain na nakahain sa mahabang mesa.

Maya-maya pa ay lumabas na si Gab bitbit ang isang kahon na may gift wrapper, kasunod si Tita Martina.

"Complimenti! Hai fatto un ottimo lavoro," bati sakin ni Tita sabay upo.

(Congratulations! You did great job, )

Sumunod naman agad kami nila Kuya at nagsimulang nag-usap tungkol sa naganap na photoshoot.

"Salamat po Tita,"

"Congrats to you Verena, here's my gift," sabi naman ni Gab sabay abot sakin nung hawak niya.

"Salamat din Gab, hindi ko naman magagawa ang lahat ng ito kung wala kayo," nakangiting sagot ko.

"Kapag natapos mo ng iedit yung mga pictures Hija, past it on me para maipa-publish na natin sa CC Magazine," wika ni Tita sabay inom ng wine.

"Sige po, pero, I just need one to two weeks para matapos ko yun," sagot ko naman.

Napatango-tango naman siya kaya nagsimula na kaming kumain.

"Tita, kung pwede po ay makikipagvideo call muna kami kay Ina, sasabihin lang po namin na natapos na ni Verena yung first photoshoot niya," paalam ni Kuya habang binubuksan yung laptop.

"Sure Hijo, para makausap ko na rin yung Mommy niyo," sagot ni Tita.

Nag-antay lang kami ng ilang sandali hanggang sa sagutin na ni Ina yung tawag ni Kuya.

[ Naku, anak, napatawag ka. ] panimulang bati ni Ina, sumilip ako dun sa laptop at nakita ko si Ama na katabi niya.

"Uhm, napatawag po ako kasi..." nagkatinginan pa kami ni Kuya bago namin sabay na sinabi yung ibabalita namin. "TAPOS NA YUNG FIRST PHOTOSHOOT KO/NIYA!" napatawa naman yung mga taong nasa paligid namin.

[ Talaga? Jusqo, binabati kita anak. Maayos mo naman bang nagawa yung trabaho mo, baka mamaya ay sumablay diba? Nakakahiya naman sa boss mo, ] sabi ni Ina.

"Don't worry, she did a great job." sagot naman ni Tita Martina.

"Maraming salamat po madam, napakalaking tulong po yung ginawa niyo..." sabay-sabay kaming natahimik ng may makita kaming dumaan na lalaki sa likuran ni Ina.

Sa sobrang bilis ng pagdaan niya ay hindi ko na masyadong napagmasdan kung ano ang itsura niya.

"Ah, anak? Ayos lang ba kayo?" nabalik lang kami sa reyalidad ng magsalita si Ina pero nakaiba na yung puwesto niya.

"Opo Ina. Nga pala, sino po yung kasama niyo diyan?" tanong ni Kuya at kitang-kita ko kung paano siya namutla.

[ Kasama? Wala anak, baka nawawala lang yung signal, ] parang hindi ako naniniwala sa sagot ni Ina.

"Huh? Eh malinaw na malinaw po na may dumaan sa likuran niyo," pagsabat naman ni Ate Gia.

"Baka...MULTO?!" napatakip ako sa bibig ko kasi di ko na namalayang napasigaw na ako.

"Hahahahaha! You're so paranoid Verena," napangiwi naman ako sa pagtawa ni Gab.

[ Ah sige mga anak, mag-ingat nalang kayo diyan hah? Balitaan niyo ako kung kailan kayo uuwi, para mapaghandaan namin, ]

"Sige ho, paalam na."

"Bye misis. Hope to see you soon," nakangiting wika ni Tita.

Nakanguso lang ako habang pinapanood na patayin ni Kuya yung laptop.

"Kaya pala maganda ang anak, may pinagmanahan," malisyosang saad ni Tita.

"Hehe, hindi naman po ako maganda, maganda lang sapakin," biro ko na nakapagpatawa ulit sa kanila.

Para tuloy akong nangangating umuwi sa Pilipinas para malaman kung totoo ba talaga yung sinasabi ni Ina, hindi kasi ako kuntento sa sinagot niya eh.

May mali talaga eh. May mali.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THERON'S POV

FOUR YEARS AGO...

"Anak, ayaw mo ba munang pumasok sa loob? Malamig na diyan sa labas," dinig kong sabi ni Sinno sakin.

"Dito po muna ako, gusto ko munang mapag-isa," sagot ko saka tumingin sa kalangitan.

"Sige Iho, pag nakaramdam ka ng gutom tawagin mo lang ako, paglulutuan kita," tinanguan ko nalang si Sinno hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presensya niya.

Napabuntong hininga nalang ako saka dinama ang pag-ihip ng malamig na hangin.

Mabuti nalang at tinanggap pa ako ng buong-buo nila Sinno at Amo kahit na may masama akong nagawa sa anak nila.

Habang dito ako naninirahan sa kanila ay napagpasyahan kong magtrabaho pansamantala sa isang kainan, tumutulong ako na magserve ng pagkain.

Para yung tatanggapin kong sahod ay pwede kong ibigay kina Sinno, kapalit nung pagpapatira nila dito.

Ayaw naman nilang tanggapin at palaging sinasabi sakin ni Sinno at Amo na ipunin ko yun para may gamitin akong pera pagbalik ko ng Manila.

Bago ko napagdesisyunang sundan si Verena sa Laoag, ay buong loob kong kinausap yung mga magulang nila ng hindi nalalaman ni Earl.

Parang nabuhusan pa ako ng malamig na tubig ng marinig kong aalis na siya ng bansa.

Humingi ako ng tawad sa nagawa kong kasalanan kay Verena, dahil sa pagiging desperado ko ay lumuhod pa ako mismo sa kanilang harapan para lang hingin ang kanilang tawad.

Wala na akong masabi pa ng walang pag-aalinlangang pinatawad nila ako at binigyan ako ng lakas ng loob sumunod kay Verena.

Napakaswerte ko at nakilala ko ang ganitong klase ng mga tao, handang tumulong at magpatawad ng buong-buo.

Yung hiniram kong pera kay Timothy nung nasa Ilocos pa kami ay yun ang ginamit kong pamasahe papuntang airport bitbit ang mga bagay na binigay sakin ni Verena.

Pero, bumalik lang ako sa Isabela ng wasak at luhaan, walang kalaban-laban.

Pagdating ko dito ay halos maubos ang luha ko at matanggal ko na yung mga bermuda grass sa tapat ng bahay nila Verena.

Paulit-ulit kong sinasabi na ang tanga tanga ko, na bakit hinayaan ko lang na mawala siya sakin, bakit hindi ko siya pinaglaban at tuluyang pinakawalan.

Pero, wala na akong nagawa kundi ang magsisi at tanggapin ang katotohanang hindi na siya sakin.

Malaya na siya sa mga kamay ko at paniguradong sa ilang buwan na lumipas na wala siya sa tabi ko, ay tuluyan na niya akong nakalimutan.

FLASHBACK

Nakatanaw lang ako kina Timothy na ngayon ay sarap na sarap parin sa nakahandang pagkain.

Nasa tabing dagat ako habang pinapanood ang paglubog ng araw ng biglang may tumawag sakin.

"Theron," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

Ang saya at ginhawang naramdaman ko biglang naglaho ng makita ko si Aviana.

"What the hell are you doing here?" tanong ko saka tumayo at lumayo sakanya.

"I-i'm sorry sa nagawa ko sa girlfriend mo," nagtangis ang mga bagang ko ng maalala ko ang ginawa niya kay Verena.

"Hindi ka dapat sakin humihingi ng tawad, kundi sa kanya." seryosong sagot ko saka nag-iwas ng tingin.

"B-but...I didn't find her—-"

"Nasa kwarto siya ni Earl, natutulog." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"P-pwede mo ba a-akong samahan?" napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya.

"Wala ka bang paa? Hindi kaba makalakad papunta sa kanya? Wala ka bang bibig para sabihin sa kanya ang salitang SORRY?" mariin at sarkastikong sambit ko.

"I m-mean, baka kasi hindi niya ako patawarin,"

"Hindi ganung klase ang girlfriend ko, she has a good manners...unlike you," pagpaparinig ko sa kanya.

"Please?" napapikit nalang ako sa kakulitan niya.

Wala naman akong nagawa kundi ang samahan siya kahit na labag sa kalooban ko.

Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood siyang pumasok sa kwarto ni Earl, pero makalipas ang ilang minuto ay nakatayo parin siya dun.

"Faster! You're wasting my time!" sigaw ko at sa halip na pumasok siya sa loob ay naglakad siya patungo sakin.

"Kukuha lang ako ng tubig, kinakabahan kasi ako."

"Fuck! Ang dami mong palusot—-"
hindi na niya pinakinggan ang sinabi ko at dali-daling bumaba.

Nagtaka pa ako ng matagal bago siya bumalik at may bitbit ng dalawang baso at may lamang juice.

"Sabi mo kukuha ka ng tubig, eh bakit juice yung laman niyan? Saka bakit dalawa? May kasama kaba na hindi ko nakikita?" sunud-sunod kong tanong hanggang sa ilapag niya sa harapan ko yung isa.

"Baka kasi mainip ka kakahintay na matapos yung pag-uusap namin, kaya dinalahan na rin kita," nakangiting sagot niya saka pumasok sa loob ng kwarto ni Earl bitbit ang isang baso.

Sakto namang nakaramdam ako ng uhaw kaya wala naman akong nagawa kundi ang inumin yung binigay niyang juice.

Nakailang inom siguro ako dun, at maya-maya pa ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, kasabay nun ang panlalabo ng mga paningin ko.

"DAMN! WHAT'S HAPPENING ON ME?!" I said while holding my head.

Kakaibang init ang naramdaman ko at hindi ko na alam kung paano ito mawawala sa katawan ko.

Pinagpapawisan ako at parang wala na ako sa tamang wisyo, kaya napakapit ako ng mahigpit sa sofa.

"Fuck Verena!" nanunuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko ay gustung-gusto ko na siyang mahawakan gamit ang aking mga kamay.

Napatingin pa ako sa ininom kong juice bago unti-unting nawala ang malay ko.

END OF FLASHBACK

Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng yun, dapat hindi ko nalang sinamahan ang babaeng yun.

Dahil sa kanya kaya ako iniwan ni Verena! Sinira niya ang imahe ko, hindi lang sa pamilya ni Verena kundi pati na rin sa pamilya ko.

"PERO...TANG INA! ANG TANGA KO TALAGA!" sigaw ko at napaiyak nalang dahil sa nararamdaman kong inis para saking sarili.

"Anak," pinahid ko agad ang luha ko saka tumingin kay Sinno.

"S-sinno, bakit po?" pinilit kong umayos pero tinatraydor ako ng aking boses.

"Alam kong masakit parin sayo yung nangyare, pero...gusto mo bang kausapin si Verena?" tanong niya na nakapagpatigil sakin. "Halos isang taon na rin mula ng magkita at magkausap kayo ng anak ko," dagdag pa niya.

"Wag na Sinno, baka bumalik lang ang lahat ng sakit na naramdaman niya kapag narinig niya ang boses ko," mahinang sagot ko saka nag-iwas ng tingin.

"Magpapasko pa naman bukas, ayaw mo talaga siyang kausapin, kahit na batiin man lang?" pangongonsensya niya pero umiling lang ako.

"Sinno please, kapag po kakausapin niyo siya...wag na wag niyo pong babanggitin na dito po ako pansamantalang tumitira sa inyo, baka tuluyan na siyang magalit sakin kapag nalaman niyang nandito ako sa puder niyo,"

"Sige Iho, kung yan ang gusto mo," sagot ni Sinno sabay haplos sa buhok ko.

Makalipas ang ilang minuto ay tumawag na siya kay Verena, niloud speaker pa ni Sinno yung cellphone na padala nila nung nakaraang buwan.

Parang tinusok ng milyong-milyong kutsilyo ang puso ko ng tuluyan ko ng marinig ang boses niya.

Walang bahid ng kalungkutan at parang sobrang saya na niya sa ginagawa niya dun.

Narinig ko pa na pinagpapatuloy na niya yung naudlot niyang pag-aaral dito sa tulong ng isang kaibigan ni Earl.


PRESENT...

"Sinno, mamayang hapon na po yung biyahe ko pabalik ng Manila, kaya gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng tinulong niyo sakin at sa pagpapatira niyo sakin dito ng halos apat na taon, kaya masayang-masaya po talaga ako na nakilala ko kayo. Siguro, pagala-gala lang po ako ngayon sa kalsada kung hind niyo ako tinanggap ng buong-buo," mahabang sabi ko habang iniimpake yung mga gamit ko.

"Walang anuman Iho, tinuring na din kitang tunay na anak at salamat dahil sa pagiging responsable mong tao,"

"Lahat po ng iyon ay dahil sa inyo," sagot ko.

Natawagan ko na kasi sila Timothy at pinaalam ko na sa kanila na babalik na ako sa Manila, pero hindi sa bahay.

Kundi sa isang condo unit na pinabili ko kay Neal, at nang may matirahan ako pagbalik ko dun.

Sinabi kasi sakin ni Russ na may trabaho siyang ibibigay sakin, at sila na yung nag-ayos ng online study ko.

Pwede na akong makakuha ng diploma dun after one year sabi nila, hindi ko naman din kasi kailangang mag-aral ng matagal.

Ang mahalaga ay makahanap ako ng magandang trabaho at pag nakaipon ako ng pera ay dun ko na sisimulang magtayo ng sarili kong negosyo.

I want to be independent, ayaw ko na kasing umasa na may babalikan pa ako kina Dad pagkatapos ng nangyari.

Kaya mas mabuti ng handa sa maaaring mangyari sa feature diba?

Narinig kong may kausap si Sinno sa kanyang cellphone kaya sinamantala ko na yung pagkakataon na lumabas para kunin yung sinampay kong damit.

Mga T-Shirt lang naman saka iilang shorts yung nilabahan ko. In my whole life, hindi ko naranasan kung paano maglaba, pero dahil wala naman akong katulong na pwedeng utusan, ako na mismo yung gumagawa nito para sa sarili ko.

Pagpasok ko sa loob ay dinaanan ko pa sila Sinno at Amo na busy sa pagkausap sa tumawag sa kanila.

Bumalik ako sa dating kwarto ni Earl at nagsimulang mag-ayos ulit ng damit.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagliligpit at kasabay naman nun ang biglaang pagpasok ni Sinno sa kwarto.

"Sinno? Bakit po?" tanong ko kasi napansin kong namumutla siya.

"Nakita ka nila Verena," bahagya namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paano naman po nila ako makikita, eh nasa ibang bansa sila," natatawang sagot ko.

"Anak, tumawag sa skype si Earl at lahat sila dun pati si Gia ay nakita na may dumaang lalaki sa likuran namin, mabuti nalang at nalusutan ko sila," napanguso naman ako saka tumingin sa labas ng bintana.

"Aish, hayaan niyo nalang po kung magtaka sila na may kasama kayo dito, aalis na rin naman po ako mamaya," nakangiting sambit ko.

"Alam mo anak, malayong-malayo ka na sa dati mong ugali...Dati-rati ay parang kaibigan mo lang kami kung makipag-usap ka, ngayon ang laki ng pinagbago mo,"

"Sabi ko nga po, lahat ng mabuting nangyari sakin ay dahil sa inyo ni Amo. At hinding-hindi ko po makakalimutan ang lahat ng ginawa niyo para sakin...Hayaan niyo po, kapag nakapagtrabaho ako ng maayos sa Manila ay papadalhan ko kayo ng pera,"

"Parehas na parehas talaga kayo ni Verena, ganyan na ganyan yung sinasabi niya sa tuwing kakausapin ko siya sa telepono...Saka wag mo ng ibigay samin yung makukuha mong pera, para sayo yun anak, hindi mo na kailangang palitan ang lahat ng mga bagay na naitulong namin sayo," hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napayakap kay Sinno, siguro ay dahil na rin sa tuwang nararamdaman ko.

Sa loob ng apat na taon, dito ko sa kanila naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.

Yung tipong kahit hindi mo sila kaano-ano, yung wala ka namang nagawang maganda sa kanila, pero grabe sila kung makatulong sayo.

"I'm so glad I met you and Amo, thanks for all the things that you've done for me,"

************
Featured Song:
Heaven Knows by Rick Price

Continue Reading

You'll Also Like

156K 2.8K 46
A teenager star who becomes a Young Father...
2K 174 24
Kaycee Rivera, she already have everything. She's every man's dream. Bukod sa matalino, may tinatagong kagandahan din. Pero not so friendly. Laging i...
164K 6.4K 51
I wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK...
20.7K 1.3K 21
CHARACTERS: APINK's Eunji as Nica EXO's Sehun as Seith Hunter/Sehun INFINITE's L as Leigh/L TWICE's Sana as Shin SHINee's Onew as Oliver Newton/Onew ...