The School's Fairy | BxB

By perverted_banana

231K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... More

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Nine - (Colonel Carrot)
Ten - (Finding out a different side)
Eleven - (The Eden kind of revenge!)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Sixteen - (Here's my hero)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty Four - (Evil master)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty One - (The fairy concedes defeat)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Nineteen - (Another's point of view)

4.4K 284 37
By perverted_banana


[ Eden. ]

Flabbergasted. Ang salitang pinaka-suitable na magpapaliwanag sa nararamdaman ko ngayon.

Habang nakanganga (pero gwapo parin) na nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ay hindi ko mapigilang mapaisip, napakaliit nga naman ng mundo oh! Akalain mo yun, sa dinami-rami nang tao na pwede kong makasalamuha ngayon, ito pa talagang asungot na 'to? Di lang yun, niligtas ko pa!

Well, hindi naman sa nagsisisi ako sa ginawa ko kasi talaga namang nakakatakot yung mga goons na yun. Pero sa ugali ng asungot na 'to, alam kong hindi siya magpapasalamat sa ginawa kong pagtulong sa kanya. Baka nga mandiri pa siya at sabihing wag ko siyang hawakan, eh! Tsk. Hindi sa iniisip ko kung anong magiging reaksyon niya sa'kin, pero parang ganun na nga rin yun. Pero mas concerned ako sa sarili ko dahil gumawa ako ng mabuting hindi naman makakatanggap ng pasasalamat! Hmmmp.

At gaya nga ng inaasahan ko, matapos magising sa pagiging daze niya ay tila napasong binitawan niya ako at lumayo ng ilang hakbang mula sa'kin.

"What the fuck are you doing here?" salubong ang kilay niya at bakas ang annoyance sa mukha niya. Siguro iniisip niya kung ano bang pumasok sa isip niya at hinila niya ako, isang bakla na siyang kinamumuhian niya (kahit di naman ako tunay na bakla!), para magtago. Ganyan kasama ugali niyan sinasabi ko sa inyo!

Pero dahil mas gusto ko pa siyang mainis, itinagilid ko ang ulo ko at ngumiti sa kanya nang pagkatamis-tamis, "Akala ko ayaw mo sa'kin, pero kung magtanong ka parang concerned ka sa'kin. Tsundere ka 'no?"

Disgust spread all over his face as he spits out a, "fuck off!"

Nilabas ko lang ang dila ko para asarin pa siyang lalo na agad namang naging successful dahil rumehistro sa mukha niya ang sobrang pagkainis.

Sinamaan niya ako ng tingin at aalis na sana mula sa pagkakatago dito sa maliit na espasyo nang makarinig ako ng yakap. Dala na ng reflex ay agad kong hinawakan ang damit niya at hinila siya para hindi siya makita.

"May tao ba dyan?"

Isang boses ng lalaki ang narinig ko. Dinilaan ko ang labi ko at ginawa ang unang bagay na pumasok sa isipan ko.

"M-Meow..."

Anak ng tae, nauutal ba yung mga pusa?! Napapikit ako ng mariin dahil sa epic failure ko pero narinig kong huminga ng maluwang yung lalaki at bumulong.

"Pusa lang pala."

Matapos kong marinig ang paalis na yapak ng mga paa niya ay nakahinga ako ng maluwang. Akalain mong lumusot pa yun? Ang galing galing ko talaga!

Pero ang walang modong lalaking nasa harapan ko, matapos ko siyang iligtas sa pangalawang pagkakataon ay di man lang nagawang magpasalamat, marahas pang tinanggal ang mga kamay kong nakahawak sa damit niya. Napa-aray naman ako at inis siyang tiningnan pero sinamaan niya lang ulit ako ng tingin saka tuluyan nang lumabas mula sa pinagtataguan namin.

Nanlaki ang mga mata ko at pabulong siyang sinigawan, "Hoy!"

Baka nandun pa yung mga goons, eh. Patay kami pag nakita nila kami dito!

"Stupid. Wala na sila!"

Napakibot ang labi ko nang marinig ko ang nakakainis na boses ni asungot. Sinundan ko siya palabas habang sinasamaan siya ng tingin.

"Stupid mo ulo mo!"

Marahas siyang lumingon at masama ang timpla nang mukha niya. "Anong sabi mo?!"

Napalunok ako at sumagot, "W-Wala ah.."

Bakit ba badtrip ang isang 'to? Niligtas ko na nga, eh. Moody! Weirdo! Panget! Hindi magkakagusto si Selena sayo kasi bipolar ka!

"Tsk." hindi na niya ako pinansin at naglakad na lang paalis habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng track pants niya.

Naiwan naman ako dun na nakatingin sa kanya at pagkalipas ng ilang segundo ay agad rin akong humabol.

"Teka lang!"

Hindi niya ako pinansin o nilingon, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Aba! Nangii-snub ang loko! Akala mo gwapo! Oo nga gwapo sya pero mas charming ako so dapat hindi niya ako inii-snub 'no!

Binilisan ko ang paghabol ko.

"Teka lang sabi! Jirong asungot, kabayo ka ba?! Bakit ang bilis mong- Uhmp!"

Dahil sa tumatakbo na ko dahil di hamak na mas mahaba ng biyas ng hinayupak na 'to at mas mabilis siyang maglakad ay di agad ako nakapagpreno. Kaya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad ay bumangga ako sa likod niya.

"A-Aray ko pooo.." mangiyak-ngiyak kong bulalas habang sapo-sapo ang kawawa kong ilong.

"Ano bang gusto mo ha, fairy?!" bakas na ang matinding yamot sa tono ng boses ni Jiro. Kinurap ko ng ilang beses ang maluha-luha kong mga mata saka tumingala kay Jiro.

"W-Wala ka ba talagang utang na loob? Niligtas kita ng dalawang beses ah!" complain ko habang hinihimas ang ilong ko.

"Niligtas rin naman kita ah?! Quits na tayo kaya lumayo-layo ka sa'kin! Tsk, faggot."

Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya at full of righteousness and dignity na nagsalita. "Hindi pa tayo quits! Isang beses mo lang akong niligtas, ako dalawang beses kitang niligtas! At saka baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sa'kin sa school?! Hindi ka pa nga nagsosorry dun, eh! Marami kang utang sa'kin!"

"Anong gusto mong gawin ko?! Magpasalamat sayo?!" nanggigigil na sabi niya. Nakakatakot tumingin, parang gusto niya kung sapakin ng matinde ah! Pero hindi ko na lang pinansin yun.

"Hindi ko kailangan ng thank you mo. Pero para quits na tayo, gawin mo ang favor ko." seryoso kong sabi. Lalong kumunot ang noo niya at alam ko na kung anong pumapasok sa utak niya kaya muli akong nagsalita, "Hindi ako hihingi ng pabor na lalabag sa moral ng isang tao. Wag kang mag-isip ng kung ano, hindi kita type. Kailangan ko lang mangheram ng cellphone para ma-contact ang ate ko." paliwanag ko.

Naningkit ang mga mata niya.

"At bakit ko naman kailangang gawan ka ng pabor?" mapang-uyam na tanong niya.

Binasa ko ang ibabang labi ko bago sumagot, "Dahil alam kong kahit ganyan kabaho ang ugali mo, may konsensya ka parin. Kaya para patulugin ka ng konsensya mo, tulungan mo ko."

"Hah.." mapang-asar na singhal niya saka humalukipkip. May nakakainis na ngisi sa labi niya habang ang mga mata niya ay nanunuya. "You're lost."

"A-Ano naman ngayon?" sagot ko kahit na alam kong namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. T-Teka nga... bakit ba 'ko nahihiya?! Eh ano ngayon kung naliligaw ko? Pakialam ko sa opinyon ng demonyong 'to? Tumikhim ako at tiningnan siya ng diretso sa mata. "Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Pahiramin mo na 'ko ng cellphone para ma-contact ko na ang ate ko at mawala na rin ako sa harapan mo! O baka naman sinasadya mong tagalan para pahabain ang pagsasama nating dalawa?"

Agad nawala ang mapang-asar niyang ngisi at sumama na naman ang mukha niya. Nyahahaha! Syempre wala pa rin siyang laban sa teasing skills ko ano! Nabubuwisit na kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng jeans niya at binigay yun sa'kin.

"Oh. Bilisan mo, naaalibadbaran ako sa mukha mo."

Binelatan ko na lang siya at saka kinalikot ang cellphone niya. Naaalibadbaran. Baka ako naaalibadbaran sa kanya 'no! Hindi niya ba alam na lahat ng taong nakakakita ng mala-anghel kong mukha ay agad umaaliwalas ang pakiramdam? Palibhasa pinaglihi siya sa sama ng loob. Hmp.

Pagka-dial ko sa number ni ate ay tinapat ko agad ang cellphone sa tenga ko. Maka-ilang ring ay sumagot na rin naman ang kabilang linya.

[Hello? Sino 'to?]

"Ate! Ako 'to si Eden." masayang sagot ko at wala sa sariling napatalon pa. Syempre, kanina pa ko naglalakad dito sa dilim at gutom na gutom na 'ko kaya naman ng marinig ko ang boses ni ate ay hindi maiwasan ng puso ko ang tumalon sa tuwa.

[E-Eden?! Sabihin mo sa'kin, nasan ka ba?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap! Okay ka lang ba? Sabihin mo sakin kung nasan ka, pupuntahan kita.]

Nakaramdam ako ng guilt dahil talagang pinag-alala ko si ate ng husto. Siguradong kanina pa niya ako hinahanap at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakakain.

"Nandito ako sa..." teka nasan nga ba ako? Napakurap ako saka bumaling kay Jiro. Nakita ko ang pagkibot ng bibig niya bago ituro ang street sign sa di kalayuan.

Agad kong sinabi kay ate kung nasan ako.

"May malapit na 7/11 dito. Dun na lang kita hihintayin."

[Sige. Papunta na 'ko.]

Binaba ko na ang tawag at binalik kay Jiro ang cellphone. "Salamat."

Ibinulsa niya ulit ang cellphone niya at nagsimula nang maglakad paalis. Maglalakad na rin sana ako papunta sa 7/11 pero nagdalawang isip ako. Sa huli natalo rin ako ng konsensya ko kaya tinawag ko ulit si Jiro.

"What?!" he snapped.

"Ang sungit. Itatanong ko lang naman kung paano ka. Hindi sa nag-aalala ako pero... makakauwi ka ba sa inyo?"

Mga ilang segundong di naalis ang tingin niya sa'kin kaya akala ko may sasabihin pa siya. Pero he just sneered at me bago tumalikod at nakapamulsang naglakad paalis.

"Woy, baka makita ka nung mga goons kaya dapat umuwi ka agad sa inyo!" pahabol ko pa saka nakangusong naglakad na papunta sa 7/11 sa di kalayuan. Bahala na nga siya sa buhay niya. Basta ako pinaalalahanan ko na sya.

Hindi ko na siya tiningnan kaya naman di ko nakita ang pagkatigil niya sa paglalakad at paglingon niya sa'kin.

♡♡♡

[ Jiro. ]


[Tangina mo kasi pre, bakit mo naman ginawa yun kay Eden? Alam mo bang may phobia yung tao? Makakapatay ka pang gago ka, eh!]

Napaka-bakla pakinggan ni Calvin habang nadadrama siya sa kabilang linya. Mula sa pagkakahiga sa kama ay umupo ako at sinipa ang bola ng basketball na nasa paanan ko na siya namang agad tumama sa nakasarang pinto ng kwarto ko.

"Tsk. Wala naman akong pake sa fairy na 'yon. Edi mamatay siya."

Gumanti lang naman ako sa ginawa niya. Sinira niya ang diskarte ko kay Selena- tsk. Kung kailan pa malapit nang mapalapit sakin yung isa. Nakakayamot.

Saka hindi ko naman alam na may phobia pala siya or whatnot na natrigger dahil sa ginawa ko, eh. Tangina. Malay ko ba?!

[Tangina mo.]

"Tangina mo rin, gago! Bakit ba masyado kang affected sa nangyari? Nababakla ka na ba sa fairy na yon? Hoy, dudurugin ko talaga bungo mo sinasabi ko sayo."

Psh. Alam ko namang hindi mangyayari dahil masyadong straight 'tong gagong 'to para mabakla sa fairy na yun. Pero kung sakali, babasagin ko talaga bungo ng gagong to. Wala akong kaibigang bakla!

[Gago. Di ba pwedeng may konsensya lang ako?]

Bobo amputa.

"Bakit ka naman nakokonsensya? Kasama ka ba namin?" sarkastiko kong tanong.

[Kahit na. Kaibigan niyo ko kaya damay ako sa mga kagaguhan niyo. Alam mo bang mga sinasabi nila? Birds with the same feather flock together. Kaya kahit di ako kasama sa inyo kahapon, nakokonsensya pa rin ako!]

"Tsk. Over-dramatic."

[And you're childish.]

"Fuck you. Came from you? Mas masahol ka pa sa'king hinayupak ka, eh."

[Hahahahahaha fuck you too!]

Matapos mag-usap ay binato ko sa kama ang phone ko at tumayo. Kingina nagugutom ako. Inayos ko ang magulong buhok ko gamit ang mga daliri ko habang naglalakad pababa ng hagdan mula sa kwarto ko.

Nang makababa ay nakita ko si Mom na nakaupo sa sofa. Halatang kadarating niya lang galing sa trabaho dahil nakaayos pa siya. Mom is one of the most beautiful women that I've ever seen. She's tall and exudes elegance and luxury. You know, those type of dominant women. She's intimidating that people can't help but bow down to her and obey her words.

Tss.

"Mom." bati ko at lumapit para humalik sa kanya.

"Mm." ang tangi niyang responde. Itutuloy ko na sana ang pagpunta sa kusina pero napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong tinawag niya ko. "Jiro."

Humarap ako sa kanya. "What?"

"Bakit mo pinaiyak si Maecy? Her mom called and told me that her daughter went home crying yesterday. Why is that?" nakasalubong ang perpektong nakahugis niyang mga kilay. Napaikot ang mga mata ko sa hangin.

Napakaarte talaga ni Maecy gaya ng ibang mga babaeng pinakilala sa'kin ni Mom. Tsk, nagdrama pa talaga sa Mommy niya para ano? Para magsumbong ang Mommy niya kay Mom?

"It's her fault for being so nosy." I sneered.

"Bakit ba lahat ng babaeng pinapakilala ko sa'yo ay pinapaiyak mo? People started thinking that I'm an incompetent mother for raising such a son like you! I even freaking fired one of my employees because I heard her saying that you're gay!" rumehistro ang pandidiri sa mukha ni Mom nung sabihin niya yung huling sentence.

My mouth twitched, "Whatever."

"Tell me, are you a disgusting faggot too like your jerk sperm donor?!"

Masakit sa tenga ang boses niya, at mas lalo pang nakakainis ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Mom! I'm not a faggot, okay? I just don't like them." tukoy ko sa mga babaeng pinapakilala niya sa'kin. I was starting to feel irritated, but I supressed it.

"How did you know you don't like them without even trying to get close to them, huh?!" she reasoned out. Thinking na lahat ng sinasabi niya ay tama.

It was annoying. And it happens all the time.

But this time, I didn't know what stimulated me, but I snapped.

"When did you even fucking care of what I like or what I want?!"

I couldn't take back what I just said. Though I didn't really plan to. Gusto ko nang i-confront si Mom dahil ako ang mas nahihirapan.

"What?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Can you just stop controlling my life?! Stop controlling me! Just let me be.. let me take control of my own life. This is my life! Mine! Not yours!

Napatayo siya at tinuro ang sarili niya, "I'm your mother! Of course I know what's the best for you!"

"No you don't! Stop calling yourself my mother when you can't even act like one!"

"W-What?" halatang nagulat siya sa sinabi ko. Napakuyom ang mga kamay niya at nanlisik ang mga mata niya.

But I don't care.

"Just- how dare you say you know what's the best for me when you don't even know of what I like? How could you say that when you never even considered my feelings?! Just how fucking dare you---"

Isang malakas na sampal.

Namanhid ang kanang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal ni Mommy, parang nabingi rin ang kanang tenga ko dahil sa impact.

"H-How could you say that to your own mother? I only care about you!" nanginginig ang boses niya at halatang malakas ang impact sa kanya ng sinabi ko.

But like I said, I don't care. She's being too much.

Sinasakal niya 'ko ng sobra at hindi na 'ko makahinga. Pakiramdam ko isa akong robot na kinokontrol niya.

Kaya bilang pagrerebelde, naging gago ako. Naging sobrang gago ako at nanakit ng mga tao para maramdaman ko na may kontrol parin ako sa buhay ko. Para maramdaman ko na hindi niya pa ako tuluyang bilanggo sa lahat ng utos at mga desisyon niya.

Para maramdaman kong malaya pa rin ako.

Pinipigilan ang mga luha, inangat ko ang mukha ko at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.

"What I need is a mother, not a control freak like you."

With that, I left her standing there in rage while shouting at me to get back there and apologize.

But like everytime, I don't care.

♡♡♡

Fuck life.

I left the house without anything.

Without money, car key, and my fucking jacket. Ang lamig, tangina. Napa-walkout ako ng hindi handa. Tsk. Pero sino ba namang tanga ang magdadala pa ng car key at pera para lang pumunta sa kusina?

Bwisit talaga.

Dinala ko ang mga paa ko sa kung saan. I jammed my cold hands in my front pockets just so I could feel a bit of warmth.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang makarating ako sa harapan ng isang shop ng mga musical instruments. Nakadisplay sa harap ng glasswall ang isang napakagandang kulay itim na grand piano.

"Daddy, when I grow up, I want to hold a biiiig concert and play my own compositions! Then I will invite you to be my guest and we will play together on the stage!"

"Hahaha, then I'll wait for it."

Mabilis kong iwinaglit sa isipan ko ang ala-alang yun at nagpatuloy sa paglalakad. Ano pang halaga nun, ngayong hindi na ako pwedeng tumugtog ng piano, hindi na makapagsulat ng kanta..

At wala na rin ang inaasahan kong magiging guest ko.

I let out a mocking laugh.

Well, your life is so fucked up, Jiro.

Masyadong naging okupado ang utak ko kaya hindi ko nakita ang taong nasa harapan ko.

Nagkabanggaan kami at dahil ako ang mas malakas, napasalampak siya sa sahig.

I looked down and seeing it was an androgynous gay, my face instantly scrunched up in disgust.

"Fucking disgusting. Tabi!" pagtataboy ko na parang nagtataboy ako ng peste saka siya sinipa kahit na hindi pa siya nakakarecover.

"A-Aray..!" daing niya pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Hoy!"

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon. Nakita ko ang grupo ng malalaking tao sa di kalayuan na masama ang mga mukhang nakatingin sa'kin. Lalo na yung kalbong lalaki na kasalukuyang inaalalayan yung baklang sinipa ko.

"Bakit mo sinaktan ang kapatid ko?! Ikaw na nga 'tong nakabangga, hindi ka man lang nagsorry?! Gago ka ah!"

Tsk. Napakadambuhalang tao, napakaiyakin.

"Itago mo kasi yang kapatid mo nang hindi na nakakapameste ng iba. Nakakadiri."

"Aba't tarantado 'to ah!"

Agad silang umakmang babanatan ako kaya naman- mabilis akong tumakbo palayo.

Tangina. Hindi sa duwag ako o di ako marunong lumaban. Pero alam kong brute force always wins over technique. Lalo pa kung marami sila, aanhin ko ang technique ko? Tsk. Isa pa, I'm not some overpowered male lead in a teenfiction story. Harapin ang mga sangganong yun ay isang napakatangang desisyon, so no thanks.

Hindi ko alam kung san na ko napunta pero nang makakita ng isang espasyo sa pagitan ng dalawang nagtataasang building sa di kalayuan ay agad akong pumunta dun para magtago.

Madilim at medyo masikip na hindi lalagpas sa tatlong tao lang ang magkakasya, sakto.

Pinakinggan ko ang nangyayari sa labas. Narinig ko ang boses nung sanggano, may tinanungan sila. I know when he said 'masasamang tao' he was talking about me.

Pamilyar yung boses nung pinagtanungan nila.

Pero bahagya akong nagulat nang pagtakpan niya 'ko. Not paying back is not my thing. Kaya naman nang sumilip ako at nakita siyang tatakas, mabilis ko siyang hinigit para kasama kong magtago.

Nagulat naman ako nang maramdaman kong... ang lambot niya. Yeah, the soft kind na hindi mo pagsasawaang yakapin kahit buong magdamag pa.

Is this a girl? Her voice sounds like a guy, though...

I was contemplating about it when suddenly, may sumilip na konting liwanag pero sapat na yun para makita ko ang taong nasa harapan ko.

The first thing I saw was a fluff of pink hair.

Wait- pink hair?!

Binaba ko ang tingin ko at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.

The fuck?! Bakit nandito ang fairy na 'to?!

Halatang nagulat rin siya dahil nanlaki ang mga mata. Ang haba ng mga pilikmata niya, at dahil sa liwanag ng buwan, nagca-cast yun ng anino na dumadampi hanggang sa cheekbones niya.

He's so fucking annoying, lalo na ang mga pang-aasar niya. Aaminin ko, masyado siyang malakas pagdating sa pang-aalaska that sometimes it leaves me speechless.

And then he did something I didn't expect.

Like an instict, kumapit siya sakin at hinila ako nang may marinig kaming tao.

Then he meowed.

He fucking meowed and I don't want to admit it, but that's kind of cute.

Naiinis ako sa mga naiisip ko kaya naman ininsulto ko na lang siya. Pero talaga yatang walang talab sa kaniya dahil nagpatuloy lang siya sa pangyayamot sa'kin.

He even asked a favor. The guts!

Tsk.

When I was about to leave, he said something that made me halt my steps.

"Woy, baka makita ka nung mga goons kaya dapat umuwi ka agad sa inyo!"

I looked back and saw him half-walking, half-running towards the convenient store nearby.

His words kept on repeating in my mind.

I balled my fists.

Don't.

Stop doing it.

Stop showing care and don't you ever fucking get soft on me.

Because you were supposed to hate me, and I supposed to hate you.

A homosexual like you ruined my life, so I won't forgive you.

__________________________TBC.

Sinabi ko bang bukas? HAHAHAHAHAHA. Natapos ko agad, eh. So enjoy!!!

Mwaps.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.9M 49.5K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
374K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...