My Probinsyana Girl

By IgnotusWriter29

199K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... More

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)

1.7K 39 0
By IgnotusWriter29

VERENA'S POV

Hindi ako makapaniwalang nandito si Jarrett ngayon, nararamdaman at kayakap ko sa mga oras na ito.

Nakapa ko ang damit niya at para siyang nakapang-alis, hindi ko man nakikita pero ramdam kong umiiyak siya ngayon sa balikat ko.

"J-jarrett? U-umiiyak kaba?" tanong ko at sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan.

"Verena, kahit ngayon lang, manatili ka sa yakap ko, please?" nanghihinang sabi niya kaya tinapik ko naman siya sa likuran.

Mas lalong nagulo ang isipan ko dahil sa nangyayare ngayon. Mas lalong dumagdag ang mga tanong sa isipan ko.

Anong ginagawa niya dito? Paano niya kami nasundan? Saka, saan siya pupunta?

"Aalis na ako, Verena." para akong nabingi sa sinabi niya.

Sa gulat ko ay napahiwalay ako sa yakap niya at tinitigan siya ng may halong pagtataka.

"Ano? Bakit? Saan ka pupunta? Paano na yung pag-aaral mo?" sunud-sunod kong tanong pero nanatili lang siyang nakayuko.

Huminga ako ng malalim saka dinala siya sa isang bangko at pinaupo habang hawak ng mahigpit ang kamay niya.

May konting liwanag na binibigay ang kalangitan kaya medyo nasisilayan ko na ang mukha niya.

Nakasuot siya ng sumbrero at jacket, may bitbit siyang packbag na nakasabit sa kanyang balikat.

"Jarrett, kung biro lang yang sinasabi mo, hindi na nakakatuwa." bigla namang pumiyok ang boses ko sa dulo.

Dinig kong humikbi siya kaya pati ako ay nahahawa na rin sa kadramahan niya.

Ito ang unang pagkakataon na umiyak siya mismo sa harapan ko, sa pagkakaalam ko kasi ay matatag na tao si Jarrett, pero bakit ngayon sakin niya lang pinapakita ang kahinaan niya?

"Hindi ako nagbibiro at kahit kailan, hindi ako nagbitaw ng salitang biro sayo. Lahat ng mga lumalabas sa bibig ko, ay puro totoo." sabi niya habang pinupunasan ang kanyang luha.

Naalala ko bigla lahat nung mga panahong magkasama kami ni Jarrett, lagi siyang may sinasabi saken pero iniisip ko lang na biro lang ang lahat ng iyon.

Kilala ko siyang masiyahin kaya hindi ko pa siya nakikitang umiyak ng ganito, siguro ay sadyang labag sa kalooban niya ang pag-alis.

"Paano na yung pag-aaral mo?" tanong ko.

Ilang beses pa siyang nagpunas ng luha bago niya ako hinarap ng nakangiti, kahit halatang ang lungkot na ng mga mata niya.

Meron pa pala siyang ibang talento maliban sa pagpapangiti saken...
magaling siya magtago ng kanyang nararamdaman.

"Isang sem nalang naman, pwede ko na yun kunin sa ibang eskwelahan." sagot niya.

"Saan kaba pupunta? Bakit ganyan kana lang magdrama? Nako, Jarrett pwede kana yatang mag-artista." biro ko pero hindi man lang ako nakarinig kahit konting tawa sa kanya.

Sa halip ay nakangiti lang siya ng peke habang nakatitig saken.

"Hindi ko pwedeng sabihin eh. Pasensya na, pero sana dumating yung panahon na magkita ulit tayo, at hinihiling ko na sa panahong iyon, wala ng nagmamay-ari sayo para malaya na akong mahalin ka." pahina ng pahina yung boses niya kaya hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya.

"Ano?"

"Wala! Ang sabi ko, kinukuha na ako ni Tito sa...basta!" napakamot pa siya sa kanyang batok at nag-iwas ng tingin saken.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingala sa langit na puno ng bituin kasama ng bilog na buwan.

"Iiwan mo talaga ako?" wala sa sariling tanong ko.

"Ayaw kong iwanan ka. Pero ito ang tatandaan mo Verena, kahit nasa malayo ako, nandito ka parin sa puso ko." sabi niya saka kinuha ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya.

Damang-dama ko ang malakas na pagkabog nito kaya nagbaba naman ako ng tingin sa kanya.

Nakapikit siya at dinarama ang paghawak ko dito. Nag-init naman ang pisngi ko nang maramdaman ko kung gaano katigas ang dibdib niya.

"Mahal kita, kahit ikaw ay pagmamay-ari na ng iba." wika niya kasabay nun ang pagtulo muli ng kanyang luha.

d>>_<<b

Paano ko nagagawang paiyakin ang isang taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako?!

Nailayo ko ang kamay ko sa dibdib niya at napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Hinila niya ako palapit saka kinulong muli sa mga bisig niya.

"Kailangan ko nang umalis, mag-iingat ka." sabi niya at naramdaman kong nilagyan niya ako ng bulaklak sa gilid ng aking tenga.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at hinalikan ako sa noo.

Tuluyan na siyang tumayo pero hindi ko namalayang di ko parin pala binibitawan ang kamay niya.

"J-jarrett," tawag ko sa kanya at di na ako nagdalawang isip na tumayo para yakapin siyang muli.

"Mamimiss din kita." ang emosyong kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ko ng nailabas.

"Wag kang umiyak, di pa ako mamamatay." nakatanggap naman siya ng hampas galing sakin at doon ko lang narinig ang pagtawa niya.

"Sige na, bumalik kana dun. Baka hinahanap kana nila Aling Marga."

"Pero---" bago ko pa tuluyang masabi ang gusto kong sabihin ay naramdaman ko na ang mainit niyang labi na dumampi saken.

dO____Ob

Sa gulat ko ay nakadilat lang ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakapikit.

Unti-unti siyang lumayo at naiwan naman akong tulala sa kawalan.

"Hindi ko kayang iwanan ka, pero sana dumating ang panahon na maintindihan mo yung ginawa ko." wika niya saka tuluyang umalis sa harapan ko.

Napaupo nalang ako ulit sa bangko habang tinatanaw ang katawan niyang unti-unti ng lumalayo.

Naiwan akong lutang at di makapagsalita sa nangyare.

Talaga bang iniwan na ako ni Jarrett?

Hindi ko maiwasang maiyak, pero mukhang umurong lahat ng luha ko ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

Kung gaano kalamig ang hangin, mas doble pa sa boses niya.

"Verena," marahan akong lumingon sa kanya.

Naaninag ko ang isang tao kung saan nakapwesto sa may likuran ko.

Naglakad siya palapit saken na parang lumulutang sa ere, wala kang maririnig kahit na anong tunog galing sa paa niya.

Tumayo siya sa harapan ko at ramdam ko ang malamig niyang titig saken.

"Anong ginagawa mo dito?" napalunok ako sa tanong niya.

Yumuko ako at pasimpleng pinunasan ang natuyo kong luha, siguro naman ay hindi na niya ito mahahalata kasi madilim na.

"Uh, w-wala...n-nagpapahangin lang ako." palusot ko ngunit pakiramdam ko ay hindi siya naniwala sa sinagot ko.

"Stand up." utos niya.

Hindi ako makagalaw kasi di ko pa nakakalimutan yung nangyari kanina.

"Stand...UP!" sigaw niya na nakapagpatayo saken.

Bigla siyang may hinugot sa bulsa niya at marahas niya akong hinila palapit sa kanya.

"Shit! Ayaw ko ng may humahalik sayong iba!" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

May hawak na siyang panyo at yun ang pinampunas sa labi ko.

"Wag siyang magpapakita saken, tatanggalan ko siya ng nguso." sumama naman ang tingin ko sa kanya.

"Nagpaalam lang yung tao sakin---"

"Nang may kasamang halik, ganun? So kung aalis siya, dapat may remembrance galing sayo?" sarkastikong sabi niya saka tinapon sa kung saan yung panyo.

Nakanguso naman ako habang nilalabanan ang matalim niyang titig saken.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko pero di siya natinag.

Nanatili lang siyang nakatingin saken habang lumilibot ang mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko.

"Bakit ka niya hinalikan?" pilit niyang pinahinahon ang kanyang boses habang tinatanong ako.

Hindi ako makasagot sa tanong niya kasi kahit ako ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit iyon nagawa ni Jarrett.

"Uulitin ko...bakit ka niya hinalikan?!" sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses niya.

Kitang-kita ko kung paano yumukom ang kanyang mga kamao kaya mas lalo akong kinabahan sa maaari niyang gawin.

Dinig kong huminga siya ng malalim, maya-maya pa ay hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay at hinila palayo doon.

"Theron, b-bitawan mo a-ako." nahihirapan kong sabi at pilit na kumakalas sa hawak niya.

"Theron, ano ba?! Nasasaktan ako!" sigaw ko pero hindi parin siya natinag.

Hanggang sa makarating kami sa swimming pool kung saan wala ng tao, tahimik ang paligid at tanging ugong lang ng hangin ang maririnig.

"A-anong gagawin natin d-dito?" tanong ko habang nakatingin dito.

Mukha na yata akong baliw kasi nagsasalita ako, pero walang sumasagot sa tanong ko.

Sabagay, kwits lang kami. Di ko rin siya sinagot kanina eh.

d- - .b

dO____________Ob

"AAAAAAAHHHHHHHHHH!!!" tili ko ng binuhat niya ako saka tinapon sa may swimming pool.

"H-hoy! H-hindi ako---" hindi ako makapagsalita kasi parang hinihila ako pababa ng tubig.

"THERON!" tawag ko nang maaninag kong nakatayo lang siya sa gilid ng pool.

"J-jusqo! H-hindi ako....m-marunong..." halos wala na akong masagap na hangin at unti-unti na ring nanghihina ang katawan ko.

Hinayaan ko nalang na lumubog ang katawan ko habang nakapikit ang aking mga mata.

Sa aking isipan ay sinasakal ko na ang lalaking nagtapon sakin dito.

Hanggang sa may yumakap sa bewang ko at naramdaman ko nalang ang marahan niyang paghalik niya saken.

Doon ako nagkaroon ng lakas ng halikan niya ako. Wala naman akong nagawa kundi ang humawak sa kanyang braso para hindi ako lumubog ng tuluyan.

Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan ako sa pisngi ng magkahiwalay ang aming labi.

Matagal kaming nagtitigan at kasunod nun ang pagyakap niya saken ng mahigpit.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa gilid habang basang-basa ang damit.

"No one can kiss you, baby. It was only me...only ME." bulong niya ng makarating siya sa gilid ko.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya, at parang masusugatan na ang kamay ko dahil sa higpit ng kapit ko sa bakal.

Doon ko binaling ang kaba at kiliti na nararamdaman ko nang halikan niya ako sa aking tenga pababa sa leeg ko.

"Gusto mo yatang matikman ang bangis ng isang tigre, Verena?" tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko saken.

"Bakit mo ako tinapon diyan?" pag-iiba ko ng usapan pero mas lalo lang siyang nawala sa katinuan.

"Don't change the topic, baby." napakunot ang noo ko ng may maamoy akong kakaiba sa kanya.

"Uminom ka?!" gulat kong tanong sabay tulak sa kanya palayo.

Bakit ngayon ko lang napansin?

d>_<b

Nakita ko din ang pamumula ng kanyang mukha habang namumungay pa ang kanyang mga mata.

Pati yata ako ay nawala sa sarili kaya di ko napansin ang itsura ng lalaking toh ngayon.

Akmang lalapit siya sakin pero tumayo na ako at hinila siya patayo.

Dinig ko pa ang paghagikgik niya habang gumegewang gewang ang katawan niya sa harapan ko.

"Theron!" tawag ko ng bumagsak siya ulit sa tubig.

d~ ~b

Ano bang ininom nito at ang bilis niyang nalasing?! Kaya pala di ko siya nakitang kasama nila Ina kase nag-iinom na siya mag-isa!

Ano ng gagawin ko? Hindi ako sanay lumangoy kapag malalim!

Sandali akong nag-isip ng gagawin kahit nakikita kong lumulubog na siya sa tubig.

Eh kung iwanan ko kaya siya diyan?

Maglalakad sana ako palayo ngunit may humawak ng mahigpit sa nananahimik kong paa.

"Pa...tay!"

Continue Reading

You'll Also Like

93.6K 2.2K 34
Aera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hind...
13.5K 646 35
[COMPLETED] "Sa bawat pagkakamali ay laging may pagkakataon" *-------------* Ashey together with her 4 boy best friend.Boy Best F...
164K 6.4K 51
I wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK...
5.6K 276 44
#21- child Highest Rank#3 in Japanese language this is All about the Mortal Pretty Lady who Got married to A Vampire King, She doesn't know that she...