The School's Fairy | BxB

Da perverted_banana

232K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... Altro

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Nine - (Colonel Carrot)
Ten - (Finding out a different side)
Eleven - (The Eden kind of revenge!)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Nineteen - (Another's point of view)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty Four - (Evil master)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty One - (The fairy concedes defeat)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Sixteen - (Here's my hero)

3.8K 253 4
Da perverted_banana

Here's double update for yaaa~

[ Third. ]

"Ano? Nasan na si bebe cheese? Hoy, pechay! Pakitext na nga at gutom na gutom na akes!" Reklamo ni France sabay hampas sa katabi niyang si Selena. Pero sa katunayan, di nya rin maiwasang mag-alala dahil kanina pa wala si Eden at sabi pa ni Selena ay hindi raw ito pumasok sa klase nila.

"Gaga! Paano ko nga mate-text eh na sa'kin yung bag niya? Andito yung phone nya oh! Kanina ko pa sinasabi, paulit-ulit na lang, bakla?" Inis na tugon ni Selena dahil maging siya ay nababalisa na rin. May hindi siya magandang kutob at hindi ba sabi nga nila, iba ang kutob ng kababaihan dahil madalas ay nagkakatotoo ang mga ito.

"Nagmamaganda na naman kasi." Sabat ng may pinakamatalas na dila sa kanilang lahat, si Mello. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Oreo habang pinaglalaruan ang cellphone nya. "Um-order na kaya tayo? Ipag-order na lang rin natin siya, baka may pinunatahan lang yun. Kapag di pa siya nagpakita after 20 minutes saka natin siya hanapin."

"Bakla, ba't after 20 minutes pa kung pwede naman ngayon na?!" retort ni France sabay paikot ng mata.

"Sino bang nagmamagandang bakla ang nagsabi na nanghihina na siya sa gutom? Hinayupak na 'to, ako pa sinigawan!"

"Tama na 'yan." Suway ni Oreo habang napailing at napairap na lang sa ere si Selena. "Baka naman kasabay niya na yung ate niya na kumain?" pagpapakalma niya sa mga kaibigan.

Umiling si Selena, "hindi, imposibleng iwan na lang tayo nun nang walang pasabe. Sabi niya kanina hihiram lang siya ng libro sa library, pero hanggayon ngayon hindi parin siya bumabalik. Di kaya may masama nang nangyari sa kanya?"

"Hoy napaka-nega mo naman! Paanong may mangyayaring masama kay bebe cheese eh nasa school tayo? Hello? High level ang security dito!" tanggi ni France.

Napairap si Mello at sarkastikong tumugon, "Hello? Kahit gaano pa kataas ang seguridad nitong school, sino ba sa ating mga bakla ang di pa nasasaktan ni Satanas at ng mga kampon niya? Alam mong maraming galamay ang gagong Jiro na yun na pinapakalat ang terminal homophobe cancer nya! Saka ilang beses nang kinalaban ni Eden si Jiro, tingin mo sa sobrang taas ng ego at pride ng asungot na yun di niya maiisip gantihan ang kaibigan natin?"

"May point ka." napapapangusong sagot ni France. "Haaaay! Ano ba bebe cheese wag mo naman kaming pagalalahanin ng ganito!"

"Selena, ba't di mo kaya subukang tawagan yung ate niya para makasigurado tayo?" suhestiyon ni Mello na tinanguan agad ni Oreo bilang pagsang-ayon.

"Sige." agad na pagpayag ni Selena saka dinial ang number ni Edelle. Ilang ring lang ay sinagot na agad nito ang tawag, halatang handa tuwing tatawag si Selena.

[Selena? Napatawag ka? May nangyari ba?]

"Ate Edelle? Di mo kasama si Eden?" kagat ang labi na tanong ni Selena. Nakatingin lang naman sa kaniya ang tatlo habang hinihintay ang reaksyon niya.

[Hindi ko sya kasama, kakatapos lang ng klase ko. Nawawala ba si Eden?] may bakas na ng pag-aalala sa boses ni Edelle at nagsimula na rin siyang kutuban. [Kelan pa siya nawawala?]

"Kanina po bago magsimula ang klase namin before lunch. Nagpaalam sya na pupunta lang sa library pero hanggang ngayon po di pa sya bumabalik." paliwanag ni Selena. May hindi na talaga siya magandang nararamdaman sa nangyayari. Naramdaman rin ng tatlo ang kaba niya kaya kapwa napakunot ang mga noo nila.

[Ano?! Teka.. Pupunta ako dyan sa building niyo.]

"Sige po."

Itinago nya na ang cellphone niya pagkatapos patayin ang tawag saka tumingin sa mga kaibigan niya.

"Wala raw dun si Eden. San naman kaya sumuot ang isang yun?" nangangambang tanong ni Selena at napahilamos pa sa mukha niya. Kung di niya lang hinayaan umalis si Eden kanina ay hindi ito mawawala ngayon.

"Hanapin na kaya natin?" suhestiyon ni Oreo. Sasagot na sana si Selena nang may tunawag sa kanila mula sa likuran.

"S-Selena.. Fra-France.."

Sabay-sabay silang napatingin at nakita ang nakakaawang anyo ni Nicky. May bandaid sa kaliwang mata niya, napupuno ng mga berde at asul na pasa ang mukha niya, nakabenda ang magkabilang braso at iika-ika maglakad. Pero sa mukha niya ay hindi rumerehistro ang sakit at parang wala lang yun sa kanya, pero bakas ang matinding pag-aalala. Kagagaling niya lang mula sa infirmary, chineck niya agad sa cafeteria kung kasama na ba ni Eden ang mga kaibigan niya pero nabagabag siya nang makitang wala siya sa isa sa mga ito at lalo na nang makita ang nag-aalala nilang mga mukha.

"Sila Jiro ba ang may gawa niyan sayo? Eh si Eden? Nakita mo ba si Eden?" Selena anxiously asked. Sandaling nagtiim ang bagang ni Nicky at nagdilim ang mga mata niya bago tumango, ni hindi naman napansin ng apat ang sandaling pagbabago ng ekspresyon ni Nicky dahil kapwa sila nagaalala para sa kalagayan ng kaibigan.

"Nasaan siya?" nag-aalalang tanong ni France.

"S-Sa b-building na u-under renova-vation.. S-Sasamahan k-ko kayo.."

"Tara!"

Akay-akay ni Oreo ay kasama nilang pumunta sa tinutukoy niyang building si Nicky habang tinext naman ni Selena ang ate ni Eden. Ni hindi naman nila napansin ang pagsunod ni Calvin na siyang nakarinig ng pinaguusapan nila. Pabalik na kasi sana siya ng room pagkatapos niyang bumili ng strawberry milk nang marinig niya ang pangalan ni Eden at lalo syang na-curious nang makita ang mga nagaalalang mukha ng mga kaibigan nito.

Sa narinig niya ay di niya maiwasang mag-alala, lalo na at alam niyang kaibigan niya ang may gawa nun.

Nakarating sila sa sinasabi ni Nicky na under renovation na building. Nakita nilang naka-lock ang isang pinto gamit ang isang mahabang tabla na nakasungkit sa dalawang bakal sa magkabilang gilid ng pintuan. Agad nila iyong inalis at saka nagmamadaling pumasok. May pagkamadilim sa loob ng kwarto dahil may mga nakatakip na plywoods sa bintana pero nabigyan ito agad ng liwanag nang bumukas ang pinto.

Agad umabot sa kanilang mga tenga ang malalim na paghinga at mga hikbi ng taong nasa loob. Nakabaluktot si Eden sa isang sulok habang pilit na pinapaliit ang sarili, ang dalawang kamay niya ay mariing nakatakip sa magkabilang tenga niya habang nakasubsob ang mukha niya sa kanyang tuhod.

"Eden!" si Selena ang unang nag-react at mabilis siyang pumunta sa lugar kung saan nagsusumiksik si Eden. Agad na sumunod ang iba at di na rin nila nasita pa si Calvin na nakasunod lang pala sa kanila.

Hinawakan ni Selena ang braso ni Eden pero nagulat sila nang mabilis itong pumalahaw ng iyak saka wala sa sariling pumalag. Kinampay niya ang mga braso niya at di sinasadyang naitulak si Selena.

"W-Wag niyo 'kong hawakan! Palabasin niyo 'ko dito A-Ayoko na dito... Ayoko na dito! P-Please paalisin niyo na 'ko!" takot na takot na umiyak si Eden habang umiiling at lalo pang pinagsiksikan ang sarili sa sulok. Nanginginig ang buong katawan niya at halos kasing kulay na ng papel ang mukha niya sa sobrang putla.

Hindi pa rin makarecover si Selena sa gulat lalo na nang maramdaman niya kung gaano kalamig ang balat ni Eden.

Napatakip ng bibig si France at Mello, mabilis ring namula ang mga mata ni Oreo na siyang pinaka-sensitive sa kanilang grupo. Nanginginig naman ang kamaong pinapanood ni Nicky ang bawat pagpalahaw ng iyak ni Eden.

Dahan-dahang lumapit si Calvin sa patuloy na umiiyak na si Eden at sinubukan itong pakalmahin.

"Eden.. Eden, kami 'to. Hindi ka namin sasaktan. Eden, nakikilala mo ba ako?" mahinahong tanong ni Calvin. Marahas na umiling si Eden at sa itsura niya ay halatang gusto niyang kumawala, tumakbo ng malayo mula sa kanila.

"W-Wag niyo 'kong saktan.. A-Ayoko na po, iuwi niyo na ako p-pakiusap! I-Ibalik niyo na 'ko kila a-ate.." humihikbi niyang pakiusap at mariing niyakap ang mga tuhod.

Sinubukang hawakan ni Calvin ang nanginginig na mga kamay ni Eden pero agad na naghysterical ang huli at mas lalong nagpanic. Sobrang takot ang bumabakas sa kanyang mukha at halos ipalamon niya na sa pader ang sarili habamg pilit na inilalayo ang sarili sa lahat.

"W-Wag! Wag niyo 'kong hawakan! Pal-Palabasin niyo ko dito! Ate! A-Ate! Mommy! Iligtas niyo ko! M-Mommy!"

Ang bawat pag-iyak at paghingi niya ng tulong ay talagang nakakadurog ng puso. Sanay sila sa masayahin at puno ng enerhiyang si Eden kaya habang nakikita nila ang kondisyon niyang ito, hindi nila mapigilang makaramdam ng kirot.

"E-Eden.. Parating na ang ate mo. Wag ka nang umiyak, kami 'to. Hindi ka namin sasaktan, pakiusap huminahon ka." nakarecover na sa gulat si Selena at pilit nang pinapakalma ang nagpapanik na si Eden. Pero parang walang naririnig si Eden at patuloy lang sya sa pag-iyak at pagsigaw ng tulong. Tinatawag ang ate at mommy niya at inaasahang darating ang mga ito para iligtas siya.

"Eden!"

Dumating ang hinihingal na si Edelle at mabilis na lumapit sa kapatid at niyakap ito. Marahas na nanlaban si Eden at pilit na lumalayo habang mas lumalakas ang pagiyak niya pero hindi yun ininda ni Edelle. Hinigpitan niya ang yakap sa kapatid ay hinagod ang pawisang likod nito.

"Shh, si ate 'to. Andito na 'ko. Wag ka nang umiyak, wala ka nang dapat ikatakot. Nandito na 'ko." pinigilan ni Edelle ang mapaiyak habang pinapakalma ang kapatid. Unti-unti namang tumigil ang panlalaban ni Eden at kinurap ang namamaga at namumula niyang mga mata.

"A-Ate...?"

"M-Mmm. Ako 'to, Eden. Tumahan ka na. Ligtas ka na."

Humihikbing yumakap pabalik si Eden at nawalan ng malay sa yakap ng ate niya. Nang maramdaman ang banayad na paghinga ng kapatid ay napahinga ng maluwag si Edelle.

"Ate? Okay na ba si Eden?" di maiwasang tanong ni Selena.

"Oo, nawalan lang siya ng malay." sagot niya at sinubukang tumayo habang akay ang kapatid. Mabilis namang tumulong si Calvin at hinawakan sa likuran at braso ang walang malay na si Eden.

"Ako na po ang magbubuhat sa kanya." volunteer ni Calvin at nagpapasalamat na ngumiti naman sa kanya si Edelle. Tinulungan nilang isampa si Eden sa likuran ni Calvin at sabay-sabay silang lumabas ng kwartong yun.

Tahimik ang lahat, akay parin ni Oreo si Nicky na nahihirapan maglakad.

"Kumain na ba kayo? Kumain muna kayo, ako na ang bahala sa kapatid ko." sabi ni Edelle nang makarating na sila ng infirmary habang pinupunasan ang pawisang noo ni Eden na kasalukuyang nakahiga sa kama.

"Sige po ate, pakibalitaan na lang po kami kapag nagising na si bebe cheese."

"Mm. Maraming salamat sa inyo."

"Walang anuman, Ate Edelle. Kaibigan kami ni Eden, eh." nakangiting tugon ni Selena. Sabay-sabay silang lumabas ng infirmary at sabay-sabay ring napadapo ang tingin nila kay Calvin na siyang huling lumabas. Naiwan si Nicky sa loob dahil kailangan niya pang magpahinga.

"What?" takang tanong ni Calvin sa mga ito.

"Bakit mo kami sinundan?" masungit na tanong ni Mello. Napa-snort lang si Calvin.

"Masama?"

"Oo masama kasi hindi ka naman namin kaibigan!" pagsusungit rin ni France dito.

"Eh sino namang gustong makipagkaibigan sa inyo, mga bakla!" pangungutya ni Calvin sabay labas ng dila para lalo pang maasar ang mga bakla.

"Ikaw---!" mabilis na inawat ni Oreo at Selena si Mello. Tiningnan ni Selena si Calvin ng seryoso.

"Pagsabihan mo nga si Jiro na huwag na huwag nang sasaktan ni isa sa mga kaibigan ko, kundi ay makakatikim na talaga sya sa'kin!" banta ni Selena. Nagkibit-balikat lang si Calvin at preskong naglakad paalis nang hindi sumasagot.

"Birds with the same feathers flock together talaga! Magsama silang dalawa ni Jiro mga maiitim ang budhi!" inis na sabi ni Mello na sinang-ayunan ni France.

"Baka nakakalimutan niyong tinulungan niya tayo sa pagpapakalma kay Eden kanina? Tapos sya pa yung nagbuhat kay Eden." sabat ni Oreo. Napaismid naman si Mello.

"Di naman natin sya kailangan dun, kaya mo namang buhatin si Eden eh. Saka di rin naman siya nakatulong sa pagpapakalma kay Eden, lalo nya pa ngang pinaiyak eh!" singhal ni Mello.

"Pero nagmagandang loob parin yung tao." sagot naman ni Oreo.

"Tama na nga 'yan, baka 'yan pa pagmulan ng lover's quarrel niyo." pagsuway ni Selena sa dalawa.

"Taralets na at gutom jones na talaga akeeees!" yaya ni France na nauna nauna nang maglakad. Nakahinga na silang lahat ng maluwang ngayong alam nilang ayos na si Eden.

___________________TBC.

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
69.2K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
179K 8.1K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...