You Are The Reason

By IBLEEDBLUE1415

46.7K 749 123

Ricci Rivero// Complete More

WARNING
UMPISA
One
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Fourty

Two

1.6K 26 5
By IBLEEDBLUE1415



Tahimik lang akong naka sakay sa kotse nya. Ni ayaw kong gumalaw dahil pakiramdam ko iba ang hangin dito.

Nakakahiya naman 'tong ginawa ko kanina.

Sinigawan ko sya at ilang beses inirapan pero nagmagandang loob pa rin sya sakin. Imbis na lampasan nalang ako hindi nya ginawa.

"Uhmm.. Sorry pala kanina ha? Naging masungit ako sayo." sabi ko.

Seryoso itong nagda drive sa gilid ko habang kagat yung labi nya. Nag iwas ako ng tingin nung makita ko sya. I dont know why pero i find him.. attractive.

No! Sinabi ko ba yun?

"Lagi ka bang masungit?" tanong nito.

"Hindi naman. Minsan lang pag wala sa mood." agaran kong sabi.

Nakatingin parin ito sa kalsada. Tumango ito ng dahan dahan pero ngayon nakataas pa ang kilay nya.

Tahimik kaming dalawa ng biglang may narinig ako. Halos mahiya ako sa lalaking katabi ko ng marinig ko ang ingay ng tiyan ko.

"Hindi ka pa kumakain.." mahinang sambit nya.

Hindi tanong yun. Para bang sigurado na talaga sya na hindi ako kumain.

"Kumain naman ako kanina."

"Mga anong oras yon?" tanong nya.

"Mga 3 ng hapon.."

"Anong oras na ngayon? It's already 6:00 in the evening." sabi nya.

Yumuko nalang ako.

Niliko nya ang sasakyan nya. Nakita kong papuntang fastfood ito. Bigla naman akong nagulat doon. Fast food? Baka may makakita samin.

"Ricci.." sabi ko.

Bigla naman itong napalingon sakin. Nakita ko ang gulat sa nga mata nya at kalaunan ay ngiti sa labi nya.

"Hindi pa tayo kumakain. Lalo ka na." sabi nya.

"Kasi baka may makakita satin dyan." mahinang sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

"Yan pa talaga ng iniisip mo ha? Gutom kana pero ganyan parin sinasabi mo." malalim ang boses nya.

Hindi nalang ako sumagot.

Bumaba na sya sa sasakyan. Umikot ito papunta sa pwesto ko at saka dahan dahang binuksan ang pintuan. Lumabas na ako sa kotse.

Nauna na akong maglakad sakanya. Habang sya ay nasa likod ko. Pinsadahan ko ang lugar na ito. Walang tao. Para namang na relieve ako dahil sa nakita ko.

Bubuksan ko na sana ang pintuan sa Mcdo ng si Ricci ang nagbukas nito para sa akin. Kanina lang nasa likod ko ito pero nakakabiglang nang nasa harap ko na sya ngayon.

Ngumiti nalang ako sakanya. Pumasok na ako sa loob. Sumunod din sakin si Ricci.

"Hanap ka nalang ng pwesto. Ako na oorder satin." sabi nya.

Tumango naman ako.

Iniwan ko na sya at nagsimula ng maghanap ng pwesto. Medyo puno sa loob kaya nahirapan ako maghanap. May nakita naman akong libreng upuan sa dulo. Kaya lang may mga grupo ng mga lalaki roon.

Sinubukan ko maghanap ulit pero wala talaga akong mahanap. Wala akong choice kundi umupo doon. Nang papunta ako roon napatingin naman ang mga lalaki sakin. Yumuko naman ako bigla.

Umupo naman ako doon. Nakatalikod ako sa mga lalaki dahil nahihiya ako. Iba kasi sila tumingin. Parang kilala na talaga nila ako.

Lumingon ako para tignan kung nasan na si Ricci. Sya na ngayon ang nag oorder. Napangiti ak ng makitang seryoso ito sa ginagawa.

"Ah miss.. Parang kilala kita. Ikaw yung volleyball player diba?" tanong nung isang lalaki sa harap ko.

Nagkantyawan naman ang mga kasama nyang lalaki sa likod ko. Pinasadahan ko ng tingin uli ang lalaki sa harap ko. Nahihiya itong nakatingin sakin.

"Uhmm. Oo. Volleyball player ako." sabi ko at ngumiti.

Bigla namang namula yung lalaki. Natawa ako sa itsura nya dahil para syang bata. Pero feel ko nasa college na itong lalake.

"Excuse me." sabi ni Ricci.

Nagulat naman yung lalaki sa pag dating ni Ricci. Umusog yung lalaki at nagbigay daan kay Ricci. Umupo ito sa harap ko. Umalis na yung lalaki at umupo sa may likuran ko.

"Ang dami naman nito." sabi ko kay Ricci.

"Kulang pa nga yan. Tignan mo katawan mo.. ang payat."

Inirapan ko nalang sya.

Tahimik kaming kumakain. Nakita ko si Ricci na nakatingin sakin. Nang nakita nyang nakatingin ako sakanya ay yumuko sya. Ngumiti naman ako.

"Salamat sa libre ha." sabi ko pagka tapos kung kumain.

"Ha? Anong libre? Bayaran mo yan." sabi nya.

Kinagat ko ang labi ko sa inis.

"Di bale kapag hinatid moko ibibigay ko yung bayad." sabi ko.

Kumunot naman ang noo nya.

"I dont need your money." sabi nya.

"Ano ba talaga kasi gusto mo? Ayaw mo ng pera pero kailangan kung magbayad?"

"Gusto ko kasing lumabas tayo ulit." sabi nya.

"Ano? Parang date?"  tanong ko at ngumiti.

Umiwas naman ito ng tingin sakin.

"Date? Huh.. hindi ah!!"

"Edi ano? Ganon din kasi yun! Date din yun.." sabi ko.

Hindi naman ito sumagot sakin.

"Sige. Kailan ba?" tanong ko.

Bigla nya akong tinignan. Nagulat ito sa sinabi ko. Nakakagat labi sya habang nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin.

Oh shit.

Bakit ganon sya tumingin?

"Kung kailan mo gusto." sagot nya.

"Sige. Libre ko."

"What? No! Ako ang sasagot sa lahat.."

Hindi nalang ako sumagot.

Nagpaalam ako na magsi cr ako. Tumango nalang ito sakin. Tumayo na ako sa upuan ko at diretsong pumunta sa banyo.

Nang makapasok ako sa banyo ay huminga agad ako ng malalim. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Maayos pa din naman ang itsura ko. Pero parang na stress ito ng konti. Maayos pa din ang kilay ko na nakalagay sa tamang pwesto. Ang brown na mata ko ay nagpa kulay sa buong mukha ko.

Nang ma satisfy ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng CR. Pagkalabas ko palang may lumapit na mga babae sakin may dalang camera. Humiling sila na magpa picture sa akin kaya pinaunlakan ko naman yun.

"Ate! Ang ganda mo po talaga sa personal." sabi nung isang babae.

"Hala. Salamat po.. kayo rin po." sabi ko.

Nagulat naman yung babae sa sinabi ko pero ngumiti naman ito. Yumuko ito na parang nahihiya kaya mas natuwa ako.

"Totoo po ba na sa Ateneo na kayo? Sayang naman po kasi kung lilipat pa kayo. Pwedeng gumanda ang future sa La Salle. Lalo na kay Coach Ramil." sabi pa nung isa.

Bigla naman akong natahimik. Alam ko naman na tama sila pero nakapag desisyon na ako. Masaya ako sa La Salle pero mas sasaya ako sa Ateneo dahil ito ang dream school ko noon pa man.

"Alam nyo.. kapag mahal nyo yung ginagawa nyo kahit saan ka pa mapunta hindi na mahalaga. As long as masaya ka." sabi ko.

Ngumiti naman sila.

"Alis na po kami ha. Ingat po kayo. At susuportahan ka po namin kahit saan ka man." sabi nung babae.

Nagpaalam na ako sakanila. Papunta na ako sa pwesto namin ng bigla akong napahinto. Nakita ko si Ricci na nakaupo parin doon pero may babae na nasa harap nya.

Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng inis. Parang bumigat ang puso ko ng makita iyon. Pinilit kong tignan ang ibang tao pero sa kanila parin bumabalik ang mga mata ko.

Nakatingin parin ako sakanila. Nakangiti si Ricci habang nakikinig sa kwento nung babae. Bigla naman akong napa yuko dahil sa nakita ko.

Ano ba tong nasa isip ko?

Bakit ganto tong nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Pero hinde.. baka nahihilo lang ako. Wala lang 'to.

Napatingin naman sakin si Ricci. Huminto ito sa pagtawa nang makita nya ako. Ngumiti naman ako sakanya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatalikod.

Kailangan ko na talagang umalis dito. Dahil pakiramdam ko mahihirapan ako kapag nandito ako. Pakiramdam ko mapanganib dito. Nakakatakot ang nararamdaman kong ito.

Unknown Number:

Where are you? Wait me. Ako mag hahatid sayo.

Bigla naman akong napailing. Hindi pwede.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
124K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
22.7K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!