Ang 'syota kong promdi COMPLE...

By SapphiresPage

183K 3.4K 73

Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Ang 'syota kong promdi-teaser
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Special Edition
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue {COMPLETE}

Chapter 23

4.2K 105 6
By SapphiresPage

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 23

-_______- TULALA ang mukha ni Jake sa kaniyang narinig. Hindi niya alam kung bakit ayaw bumukas ng kaniyang bibig. Parang nag freeze ata ang utak niya sa isiniwalat ni Danica.

‘NAGKA-ANAK TAYO!’ inilang ulit niya ang sinabi ni Danica sa kaniyang isipan.

“Binibiro mo ba ako?” napakunot noong tanong niya dito.

Umiling ang babae.

“Paano?”

Nakita niya ang pamumula ng mukha ni Danica. “Ano pa ba sa tingin mo? Huwag mo ng ipa explain sa akin kung paano sila na buo dahil alam kong hindi ka pa nagka alzheimers para hindi maalala ang mga nangyari noon.”

“Sila?”

“Oo sila dahil kambal ang naging anak natin.”

Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ni Danica sa kama dahil parang mawawalang siya ng panimbang. Hindi lang isa kundi DALAWA ang naging anak nila! AT ngayon lang niya nalaman ang lahat-lahat matapos ang halos anim na taon.

“How old are they?” tanong niya sa katabing babae.

“Almost five”

Tumango siya “Ahhh five” pinagdaop niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig habang ang mga siko ay nakatukod sa kaniyang tuhod. “I want to meet them.”

“Okay. Pero wala sila dito, nasa France sila.”

“Anong mga pangalan nila?” nilingon niya si Danica sa kaniyang tabi.

“Ang pinakamatanda si M-miguel… na ipinangalan ko sa second name mo. Ang pangalawa ay babae, si Daphne.”

“L-lalake? At B-babae?” nauutal na sabi niya. “bakit ngayon mo lang ipinaalam sa akin na nagka-anak pala tayo?” may bahid na hinanakit na sabi niya dito.

             NAPAKAGAT labi si Danica sa sinabi ni Jake. Paano nga ba niya sisimulan ang kaniyang inihandang paliwanag dito?

“Hmm natatandaan mo pa noon, nung wala pang nangyari sa atin? Ang saya-saya ko nung mga panahong yun. Kase malayo man ako sa Tatay at kaisa-isa kong bestfriend e may nagpapasaya pa rin sa akin. Kahit gaano kahirap ang mga trabaho ko e parang gumagaan na rin dahil sa kulitan natin” Paliwanag niya dito “masama talaga ang loob ko sa ginawa mo noon. Misan lang kase ako nagtitiwala tapos sinira mo pa ng ganun-ganun lang. Kaya ayun pinilit ko si Sir Arman at Ate Nikki na makalabas ako ng bansa para makalimutan kita…”

“Danica…”

“P-pero ang hirap…” pumiyok ang boses niya “kase ikaw lang ang lalaking minahal ko. Ang lalaking pinagkatiwalaan ko at ang lalaking pinag-alayan ko ng lahat.” Huminga muna siya ng malalim “nang malaman kong nagdadalantao pala ako e muntikan ng mawala sa akin ang mga bata.” Naalala niya ang maldita niyang among babae sa Canada “nagkaroon kase ako ng among babae na masama ang ugali. Pinagdududahan rin niyang nabuntisan ako ng asawa niya. Kaya ayun, hahabalusin sana yung tiyan ko ng baseball bat kung hindi dumating si Pierre at saklolohan ako.”

Pinahid niya ang kaniyang basang pisngi.

                  NILAMUKOS ni Jake ang kaniyang kamao. Nagsisikip ang dibdib niya sa kaniyang mga naririnig. Hindi niya alam ang mga pinagdaanan ni Danica sa pag-alis nito. Kung sana andun siya ng mga panahong iyon. Sana siya ang sumaklolo dito. Sana siya ang nagportekta dito imbes na ang ibang tao.

“Patawad…” mahinang sambit niya dito.

Yumuko si Danica at nilalaro ang mga daliri nito. “Si Pierre ang sumagip sa akin. Kinuha niya akong katulong kahit na hindi naman pang katulong ang pinagagawa niya sa akin. Siya din ang nagpaaral sa akin. Ang nag-asikaso sa akin hanggang sa manganak ako.”

“Mahal mo ba siya?” tanong niya dito.

“Hindi naman mahirap mahalin si Pierre e.”

“Hindi iyan ang tinatanong ko.”

“Hmm Oo, natutunan ko na rin siyang mahalin” sagot nito na nagdala ng hapdi sa kaniyang puso “mahal na mahal din niya ang mga bata.”

Napapikit siya sa kaniyang narinig. “Simula ngayon aakuin ko na ang responsibilidad ko sa mga bata” tumayo siya sa kaniyang pagkaka-upo “I want to meet them as soon as possible.”

“J-jake…” pigil na umiiyak si Danica “kukunin mo ba sila sa akin?” may pagmamaka-awang tanong nito.

“Hindi. Bakit ko naman sila ihihiwalay sa nanay nila?”

“Patawad din. Nung una ay wala talaga akong planong ipakilala sila sa ‘yo. Pero napagisip-isip kong may karapatan ka ring malaman ang lahat sa kanila.”

“Salamat kung ganun.”

“Okay ka lang?” mahinang tanong sa kaniya ni Danica.

“I’m okay. Medyo hindi lang sumi-sink in lahat at one time kaya ganun.” Umiling siya “wow! I can’t believe this! All this time ay isa na pala akong ama. Kinaiinggitan ko pa naman si Bart kase naka dalawa na yung isang yun tsk.”

Maliban kay Kaylie ay nagka-anak ng dalawa ang kaibigan niyang si Bart at asawa nitong si Giselle. Ang dalawa kase ang binigyan ng kapatid ni Bart ng custody matapos itong mamatay sa panganganak. Hindi na rin naghabol pa ang ama ni Kaylie na si Ichiro Nagasake dahil nakita nitong mas napapabuti ang anak sa pangangalaga ng kaniyang kaibigan. Mahal na mahal ni Bart si Kaylie na parang tunay nitong anak. Hindi pa rin nila inaakalang magiging seryoso ang kaibigan nilang iyon sa buhay may asawa dahil ito ang numero unong playboy sa kanilang magkakabarkada. {Read: You, Me and the Baby 1 and 2 para sa story nina Bart at Giselle; short story lang yan.}

                MATAPOS ang masinsinan nilang pag-uusap ay hinatid na siya ni Jake sa harap ng pintuan nito. Maghahating gabi na rin t kinailangan na niyang bumalik sa bahay nila bago pa magising si Pierre at malaman nitong lumabas siya ng bahay.

“Danica…” tawag sa kaniya ni Jake sabay abot ng kamay niya “salamat sa pagpunta mo dito.”

“Walang anuman yun. Ginawa ko lang ang nararapat. Sige Jake aalis na ako baka hahanapin na ako sa bahay.”

Lakad takbo niyang nilisan ang condo ni Jake para makauwi siya kaagad. Nagpatawag siya kay Jake ng taxi sa ibaba kanina para hindi na siya mahirapang kumuha.

               PAPATAYIN na sana niya ang lamp shade sa may living room ng marinig niya ang pagtunog ng door belle. Hindi na siya nagabalang tingnan sa peep hole kung sino ang nasa kabilang pinto sa pagaakalang si Danica na naman ang nandon. Mabilis niyang binuksan ang pintuan. At sa kaniyang pagbukas ay isang suntok sa kaniyang pisngi ang tumama sa kaniya.

“What the---“ sigaw niya “Pierre!?”

“Matino akong kausap Jake, pero huwag mo naman akong gaguhin na pati asawa ko ay papatulan mo.” Galit na sigaw ni Pierre.

“Hey man--- wala kaming ginawa ni Danica. Nag-usap lang kami----woahhh!” sigaw niya ng hablutin ni Pierre ang kuwelyo niya at malakas siyang ibinalibag sa dingding.

“Sabihin mo nga sa akin…. May gusto ka ba sa asawa ko?” tanong ni Pierre sa kaniya.

Nagtitigan silang dalawa--- lalaki sa lalaki.

“Kung sasabihin kong OO e magagalit ka ba?”

**********silence*********

Kapagkuwa’y tinapik ni Pierre ang kaniyang pisngi at ngumiti ito.

“Mabuti nang nagkaintindihan tayo.”

Napakunot-noo siya “Anong ibig mong sabihin? Okay na may gusto ako sa asawa mo o Okay na alam mong may gusto ako sa asawa mo? Teka… nalilito ako sa tinatanong ko. Ano nga ba?”

Inalis ni Pierre ang pagkakahawak sa kaniya at inayos nito ang sarili bago naupo sa pang isanahang upuan. “Maupo ka dahil may sasabihin ako sa ‘yo.”

              HALOS isang linggo na sila dito sa Manila. At sa loob ng isang linggong yun ay marami-rami na rin silang nakikitang progress sa bubuksan nilang negosyo. Pumasok siya sa building ng DANICA TRAMBLEY DERMA CLINIC kung saan malapit-lapit nang matapos ang pagbuo ng kaniyang mga pangarap. Napinturahan na ang lahat ng kuwarto at ngayo’y nagkakabit na ng kuryente, water, bulbs, cabinets etc. Bukas ay dadating na ang mga equipments na inorder nila galing pa sa Europe.

“Ma’am may delivery po kayo sa lobby.” Paalala sa kaniya ng isang staff.

“Sige salamat bababa na rin ako.”

Pagkababa niya’y may nakita siyang isang delivery boy na may dalang malaking boquet ng bulaklak. Excited pa niyang kinuha ang bulaklak at amuyin sa pag-aakalang galing ito sa kaniyang asawa. Ngunit, pagtingin niya sa sa message card ay galing pala kay Jake ang naturang bulaklak. Palihim niyang itinago sa bulsa niya ang naturang card dahil baka mabasa ito ng isa sa kanilan staff. Simula nung ipinagtapat niya sa lalaki ang tungkol sa mga anak nila ay lagi na siyang pinapadalhan ni Jake ng mga bulaklak o kaya ay pagkain dito sa opisina.

Tinatawagan niya ang lalaki pero out of town daw ito, kaya mas lalo siyang nabubwisit dito. Bukas na ang alis ng asawa niya papuntang Singapore. Hanggang ngayon ay tutol pa rin siya sa pag-alis nito dahil ayaw niyang maiwan sa kaniya ang lahat ng responsibilidad sa pag-aasikaso ng lahat. At lalong ayaw niyang mapag-isa sila ni Jake. May asawa na siyang tao at hindi magandang tingnan kung lantaran siyang binibigyan ng mga bulaklak ni Jake. Kilala niya ang ugali nito, wala itong pakialam sa sasabihin ng iba…. For short LOKO-LOKO ang utak ng lalaking yun!

Nanggigigil siyang pumunta sa kaniyang opisina. Sa lahat ng kuwarto ay ito ang inunang ayusin ng contractor nila para makapagtrabaho kaagad siya sa utos na rin ng asawa niya.

Tumunog ang kaniyang cellphone.

“My chere, sorry to dismay you but I have to leave tonight. There was an emergency in one of our companies and I have to personally go there.”

“Hindi ba ako puwedeng sumama?”

“No you can’t. Dapat mong asikasuhin ang business mo dito. I know you can do it Danica. You’re a brave woman and I know you know that already.”

Huminga siya ng malalim. “Nasaan ka na ngayon?”

“Nandito na ako sa airport para kumuha ng ticket.”

“Ha? Hindi man lang kita makita o makasamang mag lunch?”

“Im sorry sweetie” hinging paumanhin ni Pierre “may narinig siyang nagsalita sa background na boses lalaki “i-I have to go. I Love You. Bye!”

“T-teka sinong kasama mo?”

BBBEEEEPPPP

“Hay naku naman magpapa-alam ka na rin lang sa akin ba’t ora-orada?” sigaw niya sa hawak niyang cellphone.

Naiinis na umupo na lang siya sa kaniyang swivel chair para buksan ang kaniyang laptop. Ibubuhos na lang niya sa trabaho ang lahat ng kaniyang mga pinag-iisip.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Attention all passengers G150 bound to Singapore, please proceed to gate 7”

Pinindot na niya ang end button matapos matawagan ang kaniyang asawa. Alam niyang magagalit ito sa kaniya dahil sa konting oras ng kaniyang pagpapa-alam dito. Mas mabuti na rin siguro tong ginagawa niya para madaling matanggap ni Danica ang kaniyang pagkawala. Iilang beses na siyang tinatawagan ng kaniyang Doctor para papuntahin sa Singapore, pero siya ang hindi kumikilos kaagad. Siguro, dahil alam niyang wala ng lunas ang sakit niya. Kahit na anong yaman o dami pa ng recources niya ay hindi pa rin sapat para gamutin ang cancer niya.

Namilipit na naman siya sa sakit.

“Are you ready?” anang boses ng lalaki na nakatayo sa kaniyang tabi.

Tumango lang siya dito. Itinulak na ng ni Jake ang wheelchair papunta sa Gate 7.

Kahit ang simpleng pag-usad ng wheelchair ay naghahatid sa kaniya ng pagkahilo. Pakiramdam niya ay umiikot ang buo niyang paligid. Hindi rin nakakatulong ang maya’t-mayang pag sakit ng kaniyang ulo.

“J-jake” tawag niya sa pangalan nito. Hinawakan niya ang isa nitong kamay na nasa hawakan ng wheelchair “please take care of her.”

“You know I will Pierre. Pero sa ngayon, you have to try to fight this.” Umupo si Jake sa harap niya “mahal ko si Danica at masasaktan ako kung makikita ko siyang nasasakatan sa kalagayan mo. Hindi ko lama kung bakit ayaw mo pang sabihin sa kaniya ang lahat? She’s a strong woman. Makakaya niyang tanggapin ang lahat, Pierre”

Tumango lang siya “She will know…. soon”

Narinig nilang nag announce na naman ang operator para sa flight nila. Pagdating nila sa may bukana ay isang lalaki ang lumapit sa kanila para palitan si Jake.

“T-take care of her, Jake” he said in an agony.

“I will” Jake relpied.

            HATINGGABI na at hindi pa rin siya tinatawagan ng asawa niya. Kanina pa niya sinubukang tawagan ang cellphone nito, pero hanggang ngayon ay naka of pa rin. Kahit kelan ay hindi naman ito nagpapatay ng cellphone kapag nasa business trip ito dahil gusto nitong tinatawagan agad pag may emergency. Lumabas muna siya ng kuwarto dahil ayaw rin siyang patulugin ng kulog at kidlat. Bumaba siya hanggang sa kusina. Binuksan niya ang fridge para maghalungkat ng makakain.

“Hmmmm ano bang masarap lantakin?” puno ang fridge nila pero wala siya sa mood na kumain ng matatamis. Ang hinahanap niya ay maaasim gaya ng mangga, santol at iba pa na puwedeng may sawsawan.

T____T

Naglalaway tuloy siya sa mga naiisip niyang pagkain. Kung bakit ba naman ang hirap bumili ng mga yan sa France. At kung meron man sa oriental store e ang mahal at hindi na presko. Lumipat siya sa cupboards para maghanap ng canned pineapple.

“Ano ba naman to puro canned vegetables lang. Spinach. Carrots. Corns. Ayun! Pineapple” nakita niya ang isang can ng pineapple sa pinakasulok kaya kinailangan pa niyang tumingkayad para maabot niya ito.

Bago pa niya maabot ang nais niyang makuha ay isang kamay ang nakita niyang umabot ng lata. Paglingon niya ay isang basang-basang Jake ang nakatayo sa likuran niya. Bakit hindi man lang niya narinig ang pagdating nito.

‘Duuhhhh kulog?----- kidlat?’ wika ng kaniyang isipan.

“O heto” sabi ni Jake sabay abot sa kaniya ng lata ng pineapple.

“Salamat”

“Sa susunod gumamit ka ng stool para hindi ka masaktan.”

Tumango lang siya dito.

“Bakit ka nga pala nakapasok dito? At bakit nandito ka?”

“May binili akong mangga at san…….”

“MANGGA!” hindi pa nakatapos si Jake sa sinasabi nito ay dinumog na niya ang supot na hawak nito. “Mangga na miss kita!” sabi niya na iniyakap pa ang plastic bag. “may bagoong kang dala?”

Napakamot ng ulo si Jake “Meron”

“Halika samahan mo akong kumain ng mangga” hinawakan niya ang kamay ni Jake at pina-upo niya ito sa isang bar stool sa kusina. “may dala ka bang pamalit ng damit?”

“Oo. Pero mamaya na ako magpapalit.”

“Sige babalatan ko na to ha?”

Matapos ang sampung minuto ay sabay na nilang kinakain ang dala nitong mangga. Para siyang nakipag karerahan kay Jake dahil baka maubos nito ang kinakain nila.

“Ang takaw mo pa rin hanggang ngayon.” Kumento ni Jake.

“Hindi naman sa mangga lang ako matakaw.”

“Sige mauuna na ako sa ‘yo at baka matuyuan pa ako dito sa suot ko.” Paalam ni Jake.

“Uuwi ka na?” pa inosenteng tanong niya.

“Hindi.” Nakakunot noong sagot nito “hindi ba sinabi sa ‘yo ni Pierre na sa guest room ninyo ako matutulog?”

Muntik na siyang malaglag sa sinabi ni Jake.

‘Walanghiya ka Pierre ano tong ginagawa mo sa akin? Parusa ba ‘to?’ sigaw ng kaniyang isipan.

To be continued…..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'


Howdy! I need to know your reactions. Can you spend a minute or two to give feedbacks below? Salamat :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 21.4K 103
Elisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
91K 1.4K 15
Sa buhay, may tao talagang dadating na magkakaroon ng malaking puwang sa puso natin.. Start: September 18, 2018 End: February 3, 2019 Author: oxiidan...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...