Rain.Boys

By Adamant

399K 13.6K 618

[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na... More

Rain.Boys (Teaser)
Rain.Boys (DEDICATION)
Rain.Boys Chapter: 1
Rain.Boys Chapter: 2
Rain.Boys Chapter: 3
Rain.Boys Chapter: 4
Rain.Boys Chapter: 5.1
Rain.Boys Chapter: 5.2
Rain.Boys Chapter: 6.1
Rain.Boys Chapter: 6.2
Rain.Boys Chapter: 7.1
Rain.Boys Chapter: 7.2
Rain.Boys Chapter: 8
Rain.Boys Chapter: 9.1
Rain.Boys Chapter: 9.2
Rain.Boys Chapter: 10
Rain.Boys Chapter: 11.1
Rain.Boys Chapter: 11.2
Rain.Boys Chapter: 12
Rain.Boys Chapter: 13
Rain.Boys Chapter: 14.1
Rain.Boys Chapter: 14.2
Rain.Boys Chapter: 15.1
Rain.Boys Chapter: 15.2
Rain.Boys Chapter: 16.1
Rain.Boys Chapter: 16.2
Rain.Boys Chapter: 17
Rain.Boys Chapter: 18.1
Rain.Boys Chapter: 18.2
Rain.Boys Chapter: 19
Rain.Boys Chapter: 20.1
Rain.Boys Chapter: 20.2
Rain.Boys Chapter: 20.3
Rain.Boys Chapter: 21.1
Rain.Boys Chapter: 21.2
Rain.Boys Chapter: 22.1
Rain.Boys Chapter: 22.2
Rain.Boys Chapter: 22.3
Rain.Boys Chapter: 23
Rain.Boys Chapter: 24
Rain.Boys Chapter: 25.1
Rain.Boys Chapter: 25.2
Rain.Boys Chapter: 26.2
Rain.Boys Chapter: 27.1
Rain.Boys Chapter: 27.2
Rain.Boys Chapter: 28.1
Rain.Boys Chapter: 28.2
Rain.Boys Chapter: 29
Rain.Boys Chapter: 30
Rain.Boys Chapter: 31.1
Rain.Boys Chapter: 31.2
Rain.Boys Chapter: 32
Rain.Boys Chapter: 33 <>Finale<>
Rain.Boys II [Sneak.Peek]
RAIN.BOYS SAY

Rain.Boys Chapter: 26.1

4.4K 164 4
By Adamant

        Thursday, 2:00AM, July 25, TRIP DAY namin for the Art Exhibit at higit sa lahat mas importante kesa sa epal na exhibit na yon ay 2nd MONTHSARY NA NAMIN NI DROP!!!!!

        Maaga ako gumising ngayong araw hindi dahil excited ako sa trip kundi excited lang ako i-greet si Arwin para sa 2nd Monthsary namin, for sure kasi tulog pa yung mokong na yon kaya naman I will take this opportunity para ipabatid sa kanya how thankful I am.

        Kinuha ko ang cellphone ko saan pa eh di sa ilalim ng unan ko, yakap yakap si Arluke, yung teddy bear na binigay sa akin ni Arwin ay agad akong nag-type ng message para sa kanya:

Happy 2nd Monthsary and good morning sa pinakamamahal ko na Kapreng Hilaw!

Alam ko tulog ka pa sa mga oras na to Drip and I want to take this opportunity para

magpasalamat for always being there for me, for the care and affection, for making

me feel so special at all times, for always making me feel that I am the only for one

you which is dapat lang kung hindi ibabaon kita sa lupa ng buhay. At siyempre most

of all gusto kong magpasalamat sa pagmamahal na ibinigay, ibinibigay, ibibigay,

pinaramdam, pinaparamdam, at ipaparamdam mo sa akin, you are the only person

that I want to be with until sa pagtanda kaya walang susuko no matter what happen

kaya natin to as long we are together. HAPPY MONTHSARY AND I LOVE YOU DROP!

Mamimiss kita today kasi hindi man lang tayo magkakasama, magpakabait ka ah.

I LOVE YOU! MWAH! MWAH!

       
        Nang matapos ko i-type ang maala nobela kong message para kay Arwin ay agad ko itong sinend sa kanya, double send pa nga ang ginawa para sure na sure.

        Ilang minuto after ko i-send ang message ko kay Arwin ay tumunog ang cellphone ko, si Arwin tumatawag, aba ang aga naman atang magising ng mokong na to.

        "Hello!" ang bungad kong sabi.

        "Happy 2nd monthsary sa atin Drip." ang bati ni Arwin.

        "Happy 2nd monthsary din Drop, nabasa mo ba yung message ko?" ang tanong ko bilang paninigurado kung nareceive nga niya ang text ko.

        "Oo nareceive naiyak nga ako sa haba eh akala ko nagbabasa ako ng 7 series ng Harry Potter." ang biro ni Arwin.

        "Nakakainis ka naman hindi mo man lang naappreciate yung effort ko." ang sabi ko na kunwaring nagtatampo.

        "Ha-ha joke lang na-touch nga ako eh, okay na ba ang pagmamahal ko bilang reply sa mahaba mong mensahe?" ang sabi ng mokong.

        "Okay na okay." ang sagot ko.

        "Teka bakit ang aga mo atang nagising may lakad ka din?" ang tanong ko sa kanya.

        "Wala gusto lang kita makausap at least before ka pumunta sa pupuntahan niyong art exhibit ay ma-inspire ka man lang sa boses ko." ang sabi ni Arwin.

        "Wow ah bakit may words of wisdom ka bang sasabihin at kung makasabi ka ng salitang inspire diyan ay wagas." ang sabi ko at mayamaya pa ay may nadinig ako sa background na gitara at bigla siyang kumanta, ano pa ang paborito naming kanta at theme song namin ang walang kamatayang "I'll Be" pero this time sariling version niya.

        Napapangiti ako habang kumakanta siya, at mayamaya pa ay sinabayan ko siya sa pagkanta at todo birit kami sa mataas na part.

        "Thank you Drop. I love you!" ang sabi ko nang matapos kami kumanta.

        "I love you too Drip! Wala yun sana nagustuhan mo sa ngayon yan lang magagawa ko for you dahil nga hindi tayo magkakasama ngayong araw." ang sabi niya sa akin.

        "Gustong gusto ko, salamat talaga, I love you! Super nabuo mo na agad ang araw ko Drop, basta magpakabait ka sa school at yung usapan natin kahapon ah." ang sabi ko ulit sa kanya.

        "Opo, don't worry gagawin ko yun, basta mag-ingat kayo lalo ka na, at wag kang makikipag-usap sa di mo kakilala okay?" ang sabi niya na parang parent kung makapagpangaral.

        "Opo daddy." ang sabi kong pabiro.

        "Daddy ka diyan, umayos ka Drip naku." ang sabi niya.

        "Ha-ha oo nga po promise, tsaka ikaw ang pasaway sa atin kaya no need to worry about me." ang sabi ko.

        Ilang oras din kami naglandian este nagpakiligang dalawa, siyempre kasama na dun ang kulitan at asaran, hanggang sa magpaalam na kami sa isa't isa, ako para gumayak siya para matulog pa ulit.

        4:30AM na ng makatapos ako gumayak, nang ma-check ko na lahat ng mga dapat dalhin ay agad na akong lumabas ng bahay para umalis. Nag-text na din ako kay Arwin upang i-inform siya na paalis na ako at papunta na ng terminal ng jeep.

        Medyo madilim pa ang langit noon, halatang super aga pa talaga pero kailangan kasi before 7AM daw ay dapat na nandoon na kami, mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko, si Francis ang tumatawag, at sinagot ko naman ito agad.

        "Hello?" ang bungad kong sagot.

        "Hello girl nasaan ka na?" ang tanong sa akin ni Francis.

        "Heto kakaalis pa lang ng bahay, papunta na ko sa terminal ng jeep, kayo ba?" ang tanong ko habang patuloy sa paglalakad ko.

        "Nandito na kami kanina pang alas-tres." ang sagot ni Francis.

        "Wow ah masiyadong excited lang?" ang sabi ko.

        "Ha-ha hindi naman girl sabay sabay kami namili ng mga babaunin na pagkain sa daan." ang sabi ni Francis.

        "Aww." ang sabi ko.

        "Oh bakit girl ano nangyari?" ang tanong na may pag-aalala ni Francis.

        "Wala pala ako nabiling babaunin na pagkain." ang sabi ko.

        "Ay akala ko naman kung ano na girl, wag mo na alalahanin yon naisip na ni Papable Russel yan, dahil daw sa mood mo kahapon possible na makalimutan mo na ang total preparation at tama naman siya kaya bumili na din kami ng para sayo." ang sabi ni Francis.

        "Naku sorry talaga ulit about sa nangyari kahapon ah." ang sabi ko, "salamat din sa pag-alala sa akin, pakisabi na din kay Russel, palitan ko na lang yung ginastos niyo." ang sabi ko.

        "Naku wag na girl i-treat mo na lang kami mamaya if ever mag-stp over, chos lang." ang sabing pabiro ni Francis.

        "Naku sure yun lang pala madami na akong utang sa inyo." ang sabi ko, "oh nandito na ko sa terminal ng kitakits na lang tayo diyan, sabihin niyo kay Sir wag ako iiwanan papunta na ko." ang sabi ko at agad na akong sumakay ng jeep.

        "ha-ha don't worry girl tinanggal namin yung gulong ng bus para di makaandar agad." ang biro ni Francis.

        "Oh sige push yan, ha-ha, sige bye na muna. Salamat ulit." ang sabi ko.

        "Sige girl, ingat sa pagpunta dito." ang sabi ni Francis at ibinaba na ang tawag.

        Nakasakay ako sa harap ng jeep non, medyo may kalamigan din ang hangin non ang sarap sa pakiramdam, kaya nagpasak muna ako ng earphones at nakinig ng music habang hinahintay ko na umandar ang jeep, busy pa din kasi si manong driver na magkape sa mga oras na yon.

        Mayamaya ay umandar na ang jeep sa pag-andar nito ay nanibago ako, kasi naman wala si Arwin sa tabi ko, mas na-realize ko na sobrang laki na ng pinagbago agad talaga ng buhay ko since na maging kami ni Arwin, paano kaya kung hindi na kami... Hep! erase, erase, erase, ayoko ng ganoong thoughts hindi ko kinaya agad, hindi pwedeng mangyari yon, hindi ako papayag, kahit ako pa mismo ang makipaglaban sa mga impakto't mangkukulam na magtatangkang sumira sa amin, I will knock them dead talaga subukan lang nila.

        Lumiliwanag na ang kalangitan at malapit lapit na din ako sa university namin, siguro papasok na din ang mokong ngayon, kaya tinext ko siya:

        'Ingat ka sa pagpasok. I love you!" ang text ko.

        'Opo, ikaw din mag-ingat ka muah I love you too!' ang reply niya.

        Ilang sandali pa nga ay nakarating na ako sa university namin at nakita ko na agad ang mga bus na sasakyan ng lahat ng sasama sa school trip at agad kong hinanap sila Francis para magkasamasama na kami.

        "Luke!" ang sigaw ni Russel ng makita niya ako, at agad naman ako lumapit kung nasaan sila.

        "Bongga saktong sakto ang dating mo girl, at malapit na umalis." ang sabi ni Francis.

        "Ganon ba buti na lang pala umabot ako." ang sabi ko, habang lumilingolingo ako sa paligid, I was hoping kasi na baka makita ko si Arwin bago umalis.

        "Oh sino hinahanap mo? si Arwin na naman? Para ngayon lang kayo hindi magkakasama makahanap ka naman wagas, mag-usap na lang kayo sa phone." ang sabi ni Clarence.

        "Oo nga ikaw talaga, tsaka ibinilin ka na niya sa amin kaya i-enjoy na natin tong tour na ito." ang sabi ni Kris.

        "So true mga sis, dahil kumpleto na tayo mabuti umakyat na tayo sa bus para di tayo maunahan sa magandang pwesto." ang sabi ni Francis na excited na excited talaga.

        Sinundan namin si Francis sa loob ng bus, doon kami sa bandang gitna ng bus naupo naupo ako sa left side near sa window gustong gusto ko kasi makita yung mga dadaanan namin papunta sa lugar ng exhibit. Katabi ko sa upuan ay si Russel, then sa kabilang side ay si Kris at Fancis ang magkatabi at sa harap namin ay sila Chini at Clarence.

        "Oh okay na ba ang lahat?" ang tanong ni Francis sabay tayo na akala mo ay isang tour bus girl ang loka.

        "Kami po ang inyong mga tour bus godesses, remember not guides, and not just simple girls because we are godesses." ang sabi ni Clarence.

        "Maari lamang po ay mag-relax kayo habang nasa biyahe, at naway mag-enjoy kayo salamat po." ang sabi naman ni Francis na pa-girl ang boses.

        Basta ang KFC Sisters ang mag-umpisa ng kalokohan walang mababagot sila talag ang buhay sa section namin.

        Ilang sandali pa ay sumakay na din sa bus si Sir Leo at nag-check ng attendance ng makasigurado na siyang kumpleto kami ay kinausap na niya ang driver at ilang sandali pa ulit ay umandar na ang bus namin, tumanaw ako sa labas to look for Arwin pero nakalabas na ng University yung bus namin ay hindi ko siya nakita kaya nag-text ulit ako sa kanya to say na nakaalis na yung bus namin pero hindi siya nag-reply marahil siguro ay nasa klase na niya yung mokong.

        Habang umaandar na ang bus ay hindi ko maiwasang maalala yung unang beses na magkasama kaming bumiyahe ni Arwin para pumunta sa SM North, nakakamiss talaga ang mokong bakit kasi hindi na lang din sila nagkaroon ng same trip tutal di ba may part pa din naman sa mga civil ang kailangan maunawaan ang arts? Pero mga technical arts nga lang siguro, hay ewan basta na-mimiss ko na si Drop, I just hope na maging maganda talaga ang tour na to naku kung hindi isusumpa ko si Sir Leo for ruining our monthsary date, ha-ha pati prof sinumpa, just kidding mabait kaya si Sir.

        Medyo malayolayo at matagaltagal na din kaming bumabiyahe, naaaliw na ko sa mga scenery na nakikita ko sa dinadaanan namin, nakakaramdam na din ako ng antok sa mga oras na yon...

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 2.3K 17
Paano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan...
685K 17K 59
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
7.1K 585 39
RAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...