Rain.Boys VII

Rain.Boys VII

484 Reads 41 Votes 4 Part Story
Adamant By Adamant Updated Jul 30

RAIN.BOYS VII
[Teen Fiction|Yaoi|BXB]

"Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na." Ang bulong ni Nick Patrick sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan mula sa loob ng sasakyan.

"Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng kapayapaan, pakiramdam ko umiiyak ang langit para sa akin, iniisip ko na sinasamahan ako nito sa pag-iyak at bumubuhos siya para hindi makita ng iba ang mga luha ko. Kasalanan ko bang maging ganito ako, maging isang bakla, pinipilit ko naman ang magpakalalaki, pinipilit ko, pero itong puso ko, ito ang problema eh, kasi alam niya na bubuhayin ko lang ang sarili ko sa kasinungalingang straight ako kahit na alam kong baluktot ako." Ang bulong ni Claude sa sarili niya habang nakaupo sa isang bench sa isang parke, at dahil sa ulan ay hindi mapapansin ang pagluha nito.

  • adamant
  • arwin
  • boys
  • boyxboy
  • bxb
  • claude
  • enpi
  • luke
  • rain
  • romance
  • romcom
  • teenfiction
  • umbrella
  • vii