My Probinsyana Girl

By IgnotusWriter29

198K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... More

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 13

2.4K 56 0
By IgnotusWriter29

JARRETT'S POV

Maaga akong nagtungo sa bahay nila Verena.

Linggo naman ngayon kaya wala kaming pupuntahan.

Pagdating ko sa bahay nila, kumatok agad ako.

*TOK TOK*

"Tao po!" sabi ko sabay katok ulit.

Mukhang payapa pa ang bahay, wala pa yatang gising.

"Tao po!" pag-uulit ko.

Bumagsak naman ang balikat ko dahil mukhang di pa sila gising.

Nakakapagtaka lang, minsan sobrang aga ni Verena.

Parang ngayon lang yata siya magigising ng tanghali ah.

"Tao---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto at bumungad sakin yung lalaking kasama nila sa bahay.

Bakit siya yung nagbukas? Tulog pa ba si Verena? Asan sila Aling Marga?

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Gulo-gulo pa ang buhok at wala siyang suot pang itaas.

"What? It's too early! Nambubulabog ka ng tulog." sabi niya habang kinukusot pa ang mata.

"Ah, gising na ba si Verena?" tanong ko sakanya.

Napakamot naman ako sa batok kasi parang wala siyang balak sagutin ako.

Baka kailangan pa siyang ligawan?

"Do you think, she will wake up ng ganito kaaga?" sagot niya at akmang pagsasaraduhan ako ng pinto pero humarang ako.

"Huwag kang bastos." seryosong sabi ko dahilan para sumalubong ang kilay niya.

"What did you say?" maangas niyang sabi saka binuksan ng malawak ang pinto.

Englishero pala ang lalake. Tignan ko lang kung maintindihan mo yung sasabihin ko sayo.

"Vurange ka!" sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

(Vurange means panget. )

"What? Pinag-lololoko mo ba ako?!" inis niya sabi.

"Hindi." tipid kong sagot saka tumingin sa bintana ni Verena na ngayon ay saradong sarado.

Tulog pa nga. Pero sa pagkakaalam ko, hindi siya nagsasara ng bintana.

Tatalikod na sana ako para umalis, ng biglang dumating ang Ama at Ina ni Verena.

Napalingon ako ulit dun sa lalake na nakapikit habang nakatayo parin sa pinto.

Ibig sabihin...sila lang dalawa tao ngayon diyan sa loob?!

dO___ob

Paanong----hindi maari?!

"Jarrett! Napaaga yata ang pagdalaw mo ah." sabi ni Aling Marga habang binababa ang dala niyang basket.

"Sinno, he was disturbing me! He breaks my sleep with Verena!" sumbong niya kay Aling Marga habang nakanguso.

Kailan pa siya natutong magsalita ng linguahe namen?

"Ay, pasensya na Theron. Bumalik kana lang ulit dun sa loob." utos sa kanya at siya naman itong sumunod agad.

Taka akong napatingin kina Aling Marga at Manong Francis na ngayon ay natural lang ang reaksyon ng kanilang mukha.

Na para bang hindi nag aalala sa maaaring gawin nung lalaking yun kay Verena.

"Jarrett? Ayos kalang?" tanong sakin ni Manong Francis. "Mukhang may gala tayo ngayon ah, saan punta naten?" dagdag pa niya.

"Ah, pasensya na po. Pupuntahan ko sana si Verena kasi yayayain ko po sana siyang magsimba at magpagupit na din sa Lola ko." sagot ko habang nasa baba ang paningin ko.

"Ay ganun ba? Sandali, gigisingin ko. Napagod siguro kaya natanghali ng gising. Halika pasok ka muna sa loob." sabat ni Aling Marga saka nagpaunang pumasok sa loob.

Sumunod naman kaming dalawa ni Manong Francis.

Umupo muna ako sa may sala nila saka inantay ang paggising kay Verena.

"Iho? Nag almusal kana ba?" tanong sakin ni Aling Marga.

"Opo." sagot ko.

"Sige, gigisingin ko lang si Verena. Naku talagang batang iyon! Dati-rati naman ay sabay kaming gumising, bakit ngayon ay nahuhuli na." dagdag pa niya saka pumasok sa kwarto ni Verena.

Dinig ko pa ang pagtawag niya dito.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, lumabas siya ng kanyang kwarto habang gulo gulo ang pa ang kanyang buhok.

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa pwesto ko.

Tumayo naman agad ako saka lumapit sakanya.

"Magandang umaga." bati ko sakanya.

"Magandang umaga din. Bakit ang aga mo yata ngayon. Hindi pa sumisikat---" naputol ang sasabihin niya ng biglang binuksan ni Aling Marga ang bintana at bumungad samin ang sikat ng araw.

"Umaga na?!" gulat niyang tanong saka sinamaan ng tingin yung lalaking kakalabas lang ngayon sa pinto.

"Ano na namang problema mo? Aga aga, ang sama agad ng tingin mo." sabi nung lalake saka nagtungo sa kusina.

Huminga ng malalim si Verena kasabay nun ang pagyukom ng kanyang kamao.

"Bakit nga pala tanghali kana nagising?" tanong ko sakanya, napatingin naman siya saken.

"Sa kwarto ko kasi natulog yung lalaking yon! Hindi ko alam na sinarado niya pala yung bintana ko kaya hindi ko na namalayan ang oras!" nakangusong sagot niya.

Ganun? Nako nako!

"Sige, maligo kana at mag-ayos. May pupuntahan tayo ngayon." sabi ko saka ngumiti sakanya.

"Saan naman---"

"Basta, maligo kana. Sa bayan na tayo kakain." pagputol ko sa sasabihin niya sabay pilit na tinutulak siya papasok ng banyo.

Nagpadala nalang siya sa tulak ko at padabog na sinara ang pinto.

Hahahahaha!

Sige lang Jarrett, itawa mo lang.

-----

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ko, nakabihis na din siya.

Nagpaalam muna kami kina Aling Marga at Manong Francis.

"Ina, Ama! Aalis na po kami ni Jarrett." sabi ni Verena habang hirap na hirap siyang magsuklay ng buhok.

Tamang-tama at balak ko siyang
pagupitan ngayon.

"Ako na." sabi ko saka kinuha yung suklay sakanya.

Agad ko namang sinuklay ang buhok niyang pagkahaba-haba.

"Sige, mag ingat kayo doon hah." paalala ni Aling Marga.

"Ingatan mo yang anak ko, Jarrett hah. Alam kong responsable kang bata." dagdag ni Manong Francis.

Ngumiti naman ako saka nilapag sa lamesa yung suklay at hinila na siya palabas ng kanilang bahay.

Kakatapak palang namin ng pinto ng marinig kong nagsalita yung lalake.

"Where are they going?" tanong nito.

"May pupuntahan lang silang dalawa sa bayan." sagot ni Aling Marga.

Hindi ko na pinakinggan yung sasabihin niya, nagtuloy tuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapara na kami ng tricycle patungong bayan.

Mamayang pag uwi ko nalang siya dadalhin kay Lola.

-----

Pagdating namin sa bayan, dumiretso kami agad sa simbahan.

Saktong pagpasok namin ay nagsimula na ang misa.

"Sa ngalan ng ama..." habang nagsisimula ang misa, palihim kong pinagmamasdan si Verena na ngayon ay seryosong nakikinig sa pari.

Nakasuot lang siya ng maong na pantalon at simpleng kulay white na T-shirt, kapares ng white converse rubber shoes.

Ang ganda mo talaga tignan lalo na kung ganyan ang porma mo.

"Jarrett? Uy! Makinig ka nga." natatawang sabi ni Verena habang winawagayway pa yung kanyang kamay.

Napangiti naman ako saka binaling ulit ang atensyon sa nagsasalitang pari.

Lumipas ang isang oras at natapos na din ang misa.

Nagtungo muna kami sa isang kainan dito sa bayan. Naghanap muna ako ng mauupuan saka namili ng kakainin.

"Anong gusto mo?" tanong ko sakanya.

"Kung anong gusto mo, yun nalang." sagot niya.

"Paano kapag ikaw ang...gusto ko." halos pabulong na yung huli kong sinabi.

"Hah?"

"Wala! Sabi ko oorder na ako." sabi ko saka tinawag yung waiter.

Nag order nalang ako ng pininyahang manok saka isang adobong baboy.

Kasama ng apat na kanin. Sinamahan ko na din ng mango juice.

"Yaman mo yata ngayon Jarrett. Hahahaha!" biro niya saken habang umiinom ng juice.

"Minsan lang ito kaya lubusin mo na." sabi ko at sabay naman kaming tumawa.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, sinabi ko na sakanya yung tungkol sa pagpapagupit niya.

"Verena, didiretso tayo mamaya kay Lola Ayah hah? Ipapagupit ko iyang buhok mo." sabi ko.

"Hah? Nakakahiya! Wala pa akong pambayad!" wika niya habang nagpupunas ng kanyang labi.

"Ano kaba? Libre yun basta ikaw. Hahaha! Kilala mo naman si Lola."

"Ganun? Sige, salamat." nakangiting sabi niya.

Pagkatapos naming kumain, inaya ko na siyang umuwi.

----

Pagdating namin sa bahay ni Lola Ayah, nakita kong may ginugupitan siyang batang babae.

"Apo! Napadalaw ka, upo muna kayo dito." sabi ni Lola saka binigyan kami ng dalawang upuan.

"Lola, sunod mo si Verena ah. Papagupitan ko siya, kasi kahit hirap na hirap na siyang magsuklay, nagtitiis padin siya sa buhok niya." sabi ko at nakatanggap naman ako ng hampas galing sakanya.

"Sige, madali nalang ito." sagot ni Lola saka pinagpatuloy ang paggupit doon sa bata.

Lumipas ang ilang minuto, si Verena na ang sumunod.

"Hanggang saan ba ang gusto mo Iha?" tanong nito sakanya.

"Bawasan lang po ng konti." sagot niya.

Nagsimulang gupitan naman siya ni Lola.

Hindi ko namalayan ang oras, maghahapon na din pala.

"Ayos lang ba Jarrett?" tanong niya habang pinapakita saken yung buhok niyang bagong gupit.

"Oo naman. Tama lang yan. Kesa naman kasing haba na ng pansit yung buhok mo." sagot ko.

"Talaga? Sige, salamat ulit." wika niya saka ngumiti saken.

"Lola! Alis na po kami. Mag ingat po kayo dito ah." sabi ko saka nagtungo na kami sa labas ng trangkahan nila.

"Sige apo, kayo rin."

"Salamat din po." sabi naman ni Verena.

"Balik kayo ulit Iha. Dapat pagbalik niyo dito, mag asawa na kayo." nagkatinginan kami ni Verena sa narinig namin. "Biro lang! Sige na umuwi na kayo at baka abutan pa kayo ng gabi." dagdag niya pa.

"Sige po." sagot ko saka tuluyang lumabas.

Nagpara na kami ng tricycle pauwi sa bahay nila Verena.

Mga ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe at nakarating na din kami agad.

"Hindi kaba muna papasok?" tanong niya saken.

"Hindi na, baka hinahanap narin ako nila Ama." sagot ko saka ginulo ang buhok niya.

"Sige ingat!" huling sabi niya saka pumasok sa loob.

Sana kahit ngayong araw lang napasaya kita.

d^_^b

Continue Reading

You'll Also Like

627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
164K 6.4K 51
I wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK...
5.6K 276 44
#21- child Highest Rank#3 in Japanese language this is All about the Mortal Pretty Lady who Got married to A Vampire King, She doesn't know that she...
2K 174 24
Kaycee Rivera, she already have everything. She's every man's dream. Bukod sa matalino, may tinatagong kagandahan din. Pero not so friendly. Laging i...