My Probinsyana Girl

By IgnotusWriter29

199K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... More

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 02
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 11

2.6K 71 1
By IgnotusWriter29

THERON'S POV

"Ouch! Masakit!" daing ko habang ginagamot ang sugat ko sa mukha.

Paano ba naman kase!

Sinuntok ako sa mukha nung babaeng yun.

Natumba pa ako kanina sa sahig, kaya nanakit na naman tuloy pati yung katawan ko.

Bwisit! Babae paba siya?!

Hindi ko pa naman siya nadidikitan kanina, sinapak na ako!

"Ano ba kasing nangyari sayo Iho?" tanong nung Mommy niya.

Nakaupo ako ngayon sa isang sofa---or should I say simpleng upuan na may sandalan na gawa sa kawayan yung inuupuan ko ngayon.

Sinamaan ko lang ng tingin ngayon si Verena na ngayon ay nagpipigil ng tawa sa likod ng kanyang Mommy.

May araw ka din saken, babae.

"Wala!" sigaw ko saka tuluyang tumayo at lumabas muna ng bahay nila.

Huminga ako ng malalim saka sinuksok ang mga kamay ko sa loob ng sweatshirt.

Malamig na din kasi sa labas.

Hanggang sa may makapa ako sa loob nito.

Panyo? Saan galing toh?

Binuklat ko yun at nakita ko yung pangalan ni Verena na nakaburda mismo sa panyo.

Verena Naira M. De Los Santos? Ang haba ng pangalan niya shit!

Napangisi ako ng may maisip akong ideya. Sigurado akong magsisisi siyang ganito ang ginawa niya saken.

----

VERENA'S POV

Nakaupo lang ako ngayon sa upuan na nasa loob ng kwarto ko.


Tinatanaw ko yung mga nagkikinangan na bituin sa langit.


Nakakaginhawa ng pakiramdam sa tuwing nakikita ko silang kumikislap.


Pakiramdam ko, kasama ko si Kuya pag ganun.


Sila Ama at Ina ay pumuntang bayan pagkatapos gamutin yung lalaking yun.


Bibili pa daw sila ng masarap na ulam, baka magreklamo na naman daw yung lalake.


Pahirap talaga siya eh noh? Imbes na pwede na kaming mag ulam kahit mga gulay diyan, siya pa itong namimili.


Pasalamat nga siya, pinapakain pa siya nila Ama at Ina.


Kung hindi lang sila matulunging tao, baka kanina pa siya kinain ng kapwa niya tigre doon sa damuhan.


Napatayo ako bigla ng makaramdam ako ng uhaw.


Lumabas ako sa kwarto ko saka nagtungo sa kusina.


Kinuha ko yung babasaging baso na---alam niyo na, padala ulit ni Kuya.

Hahahahaha!

Habang nilalagyan ko yun ng tubig, biglang may tumawag sa---buong pangalan ko?!


"Verena Naira M. De Los Santos!" sabi nung lalake habang papalapit sa pwesto ko.


Nilapag ko muna yung pitsel saka yung baso at hinarap siya.


"Ano na namang kailangan mo?" malumanay kong tanong saka ininom yung tubig.


Naubos ko na lahat lahat pero nakatitig parin saken yung lalake habang nakangisi.


Luh, may saltik na ba siya?

Napangiwi nalang ako ng lihim saka akmang babalik sa loob ng kwarto ng hawakan niya ako sa braso.

Nilayo ko agad ang braso ko saka sinamaan siya ng tingin.


"Ano bang gusto mo lalake?!" inis kong tanong.


"You know what Verena, I have my name. Gusto mo bang ako pa magpakilala sayo para tawagin mo naman ako sa mismong pangalan ko?" tanong niya na para bang nagyayabang.


Wala akong pake kahit kapangalan mo pa ang tigre.


"Hindi ako interesado." tipid kong sagot.


Huminga siya ng malalim na para bang nagpipigil ng inis.


Ano suntukan?


"Well, my name is Thero---"


"Sabi ng hindi ako interesado eh!"


"Theron Niklaus---"

"Sabi ng---"


"Theron Niklaus D.---"


"Ano ba?!"

"Theron Niklaus D. Lennox!" mabilisang sabi niya.

Wala parin akong pake! Basta lalake parin itatawag ko sayo.


"Ano naman?" tanong ko dahilan para sumalubong ang kilay niya.


Ayan! Mas lalong nagiging kamukha mo yung tigre.


"Ano naman?! ANO NAMAN?! Are you crazy Verena? Alam mo ba kung bakit ako nagpakilala sayo? Hah?!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Amoy...colgate? Teka, kailan pa ito nakapagsipilyo? Wag niyang sabihin na nakigamit siya ng sipilyo samen?

Mabuti nalang nilublob ko sa inidoro kanina yung sipilyo ko. Madami naman akong sipilyo sa aparador eh.

(*v*)

"Hindi. Paano ko naman malalaman kung, hindi mo naman sinasabi saken." inosenteng tanong ko habang nasa kisame ang tingin.


"Argghh! What the hell Verena! Ganyan kaba katanga?!" galit niyang sigaw dahilan para matigilan ako.


T-tanga? Ganun ba tingin niya saken? Pwes! Tignan ko lang kung sabihan mo pa ako ng ganyan kapag sinagot sagot kita.

"Ulitin mo nga sinabi mo." utos ko na para bang walang pakealam sa sinasabi niya.


Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatayo ng maayos.


Ano natauhan kana ba sa sinabi mo?


"Kung hindi mo naiintindihan, uulitin ko. Ang sabi ko, ULITIN MO ANG SINABI MO?!" sigaw ko din habang siya ay nagulat sa inasta ko.


"Alam mo Theron Niklaus D. Lennox o kahit na sino ka mang nilalang, IKAW!" saad ko sabay dinuro pa siya. "Ikaw lang ang nagbubukod tanging tumawag sakin ng tanga! Alam mo ba yon hah? ALAM MO BA?! Kahit sila Ama at Ina ay kahit kailan hindi ako tinawag ng ganyan! Maski si Kuya Earl! Sino ka sa akala mo? Hindi ka kabilang dito kung alam mo lang! Alam mo ba kung nasaan sila Ama ngayon hah? Ayun! Nandun sa bayan, namimili daw ng masarap na ulam para sayo. Kasi nakakahiya naman daw na baka di mo na naman kainin yung ihahain mamaya. Baka naman gusto mong mahiya diba?! Tapos makatawag ng tanga saken, wagas! Kilala mo na ba ako hah! Dagdag pahirap ka nga lang sa amin kung tutuusin eh!" mahabang sabi ko saka padabog na pumasok sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko saka nagtalukbong ng unan at umiyak.


Grabe siya sakin ah! Porket ba ganun ang sinabi ko, may karapatan na siyang pagsabihan ako ng ganun?

Ngayon ko lang naranasan ang matawag na tanga.

Ang pangit pa dun, sa taong di ko pa kilala at hindi ko pa gaanong kilala, doon pa ako nakatanggap ng ganung salita.

Anong akala niya saken? Inosente? Ignorante? Siya nga mukhang tigre eh!

"Bwisit ka Theron!" sabi ko habang umiiyak.

Basa na nga yung unan ko, dinagdagan ko pa.

Wala eh, siya palang karamay ko ngayon. Wala pa si Kuya Earl.

"Isusumbong kita kay Kuya pagdating niya! Tandaan mo yan." atungal ko kahit wala naman akong kausap.

Nahawa na yata ako sa kabaliwan nung lalaki.

"Ipapalapa kita sa kapwa mo tigre!" dagdag ko pa saka umiyak ulit.

Hanggang sa marinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan ko.

Natahimik ako sandali saka pinakiramdaman kung sino man yung pumasok.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa kama ko.

Sino toh? Waahhh! Baka may multo na akong kasama dito sa bahay! Wala pa naman sila Ama.

"Ama? Ina? Kayo na ba yan?" tanong ko habang nakatakip parin ng kumot.

"Verena," bigla ay sabi ni Theron dahilan para uminit ulit ang dugo ko. "S-sorry. I didn't mean to---shit." dinig kong bulong niya.

Kailan pa natutong manghingi ng pasensya ang isang tigreng tulad niya?

"Fine. I'm really sorry. I just carried away---" bumangon ako saka tinignan siya habang may tumutulong luha sa mata ko.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha.

"S-sorry? Para saan pa? Nasabi mo na eh." sabi ko at sinabayan ng pekeng ngiti kahit patuloy na umaagos ang luha ko.

Nakita ko ang paglunok niya saka nag iwas ng tingin saken.

Sana naman, natauhan ka sa sinabi ko.

"Sorry na nga diba?" sagot niya pero nakababa parin ang tingin niya.

"Pasalamat ka, mabait ako. Kung hindi---"

"Kung hindi ano?" tanong niya.

Magsasalita sana ako ng marinig ko ang boses nila Ama at Ina.

"Verena, Theron! Kain na!" sigaw ni Ina mula sa labas.

Napatayo agad ako saka naunang lumabas sa kwarto.

Napansin ko ang madaming plastik na nakalapag sa lamesa.

"Ina? Saan ho galing yang mga yan?" tanong ko habang nakaturo doon.

"Nagtext kasi si Kuya Earl mo na kunin ko na daw ang padala niya sa Cebuana, kaya dumiretso muna kami doon ng iyong Ama bago bumili sa bayan." sagot ni Ina habang nakangiting hinahalungkat yung mga pinamili nila.

"Nga pala anak, nasaan si Theron?" tanong ni Ama.

Tumingin lang ako sa pinto ng kwarto ko at paglipas ng ilang segundo, lumabas na siya kasama ang delubyo.

Biro lang! Hahahaha!

"Oh, nariyan kana pala Theron. May binili kaming iilang gamit mo para may pansamantalang magamit ka habang nandito ka sa puder namin." sabi ni Ama.

"Ano?!" gulat kong tanong na nakaagaw ng atensyon nilang lahat.

"Bakit anak, may problema ba?" sabat ni Ina.

Tinignan ko ng masama yung lalake na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

Hala! Wala lang.

"Wala po! Tara na, nagugutom na po ako." pag iiba ko ng usapan saka kinuha na yung ulam na binili nila at nilipat sa palangganita.

Nilagay ko na din yung mga plato at baso kasama ng kutsara sa lamesa.

Umupo na naman sila Ama at Ina habang si Theron, nakatayo lang.

"Bakit ka nakatayo diyan? May upuan oh." sabi ko habang naglalagay ng kanin sa pinggan ko.

"You said a while ago, that I am not belong here. Tapos ngayon aayain mo akong umupo." malumanay niyang sagot.

Aba, maarte kang lalake ka ah.

"Eh di wag! Ikaw na nga inaaya diyan, nag iinarte kapa. Lechong manok pa naman yung ulam." sabi ko habang pinapainggit sa kinakain ko.

Kinakagatan ko yung manok habang nakatingin sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas baba ng lalamunan niya, senyales na natatakam na siya.

Bwahahahahahaha!!!

"Fine! Uupo na ako!" sigaw niya saka dali daling umupo sa tabi ko.

Bibigay din pala. Kailan pa ba tumanggi ang isang tigre sa ipapakain sakanyang karne?

Continue Reading

You'll Also Like

14.4K 753 30
"BOYS NEVER REALIZE HOW MUCH LITTLE THING CAN HURT A GIRL" -Avriella "ANG PLASTIK NIRERECYCLE HINDI INUUGALI"-Train "PAANO MAG MOVE-ON? SIMPLE LANG...
93.6K 2.2K 34
Aera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hind...
2.9K 168 23
(The cover is not mine,credits to the rightful owner) Just because of the Dating App their path crossed until they decided to meet each other in pers...
32.7K 656 32
Lumipat ng ibang school si Kearn para lumayo sa pambubully ng mga schoolmates niya at napadpad siya sa Kurogawa International Academy. Akala niya na...