My Probinsyana Girl

By IgnotusWriter29

199K 4.3K 158

COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naee... More

P A N I M U L A
K A B A N A T A - 01
K A B A N A T A - 03
K A B A N A T A - 04
K A B A N A T A - 05
K A B A N A T A - 06
K A B A N A T A - 07
K A B A N A T A - 08
K A B A N A T A - 09
K A B A N A T A - 10
K A B A N A T A - 11
K A B A N A T A - 12
K A B A N A T A - 13
K A B A N A T A - 14
K A B A N A T A - 15
K A R A K T E R
K A B A N A T A - 16
K A B A N A T A - 17
K A B A N A T A - 18
K A B A N A T A - 19
K A B A N A T A - 20
K A B A N A T A - 21
K A B A N A T A - 22
K A B A N A T A - 23
K A B A N A T A - 24
K A B A N A T A - 25
K A B A N A T A - 26
K A B A N A T A - 27
K A B A N A T A - 28
K A B A N A T A - 29
K A B A N A T A - 30
AUTHOR'S NOTE
K A B A N A T A - 31
K A B A N A T A - 32
K A B A N A T A - 33
K A B A N A T A - 34
K A B A N A T A - 35
B A G O N G K A R A K T E R
K A B A N A T A - 36
K A B A N A T A - 37
K A B A N A T A - 38
K A B A N A T A - 39
K A B A N A T A - 40
K A B A N A T A - 41
K A B A N A T A - 42
K A B A N A T A - 43
K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 48 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 49 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 50 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 52 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)
K A B A N A T A - 57
K A B A N A T A - 58
K A B A N A T A - 59
K A B A N A T A - 60
K A B A N A T A - 61
K A B A N A T A - 62
K A B A N A T A - 63
K A B A N A T A - 64
K A B A N A T A - 65
K A B A N A T A - 66
K A B A N A T A - 67
K A B A N A T A - 68
K A B A N A T A - 69
K A B A N A T A - 70
K A B A N A T A - 71
K A B A N A T A - 72
K A B A N A T A - 73
K A B A N A T A - 74
K A B A N A T A - 75
E P I L O G O
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT!!!
FACTS!!!

K A B A N A T A - 02

5.2K 98 4
By IgnotusWriter29

VERENA'S POV

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, ay biglang may kumatok sa pintuan.

Tatayo sana si Ama, pero inunahan ko na siya.

Pagbukas ko, nakita ko si Aling Gin, kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Aling Gin? Bakit po?" tanong ko saka binuksan ng malawak ang pinto.

Napatayo naman sila Ama at Ina, saka sabay silang lumapit samin.

"Oh, napadalaw ka. Pasok." sabi ni Ina saka pinapasok si Aling Gin.

Halata ko ang pagdadalawang isip niya na pumasok sa loob.

Nang makaupo na siya sa silya, nakayuko lamang siya at di makatingin samin ng maayos.

"Gin, bakit ka naparito?" biglang tanong ni Ama.

Ako naman ay binigyan siya ng maiinom, mukhang pawis na pawis at pagod.

Napalunok muna siya bago nagsalita.

Hinawakan niya yung kamay ni Ina.

"Marga, kailangan ko ng tulong niyo." sabi niya at halata sa boses niya na ang pagpipigil ng iyak.

"Bakit, ano nangyare?" tanong ni Ina habang hinahaplos ang kamay ni Aling Gin.

Matagal na din kasi silang magkaibigan, kaya ganyan nalang sila magturingan.

Bago pa siya makapagsalita, tuluyan ng tumulo ang luha niya.

Napanguso nalang ako saka binaling ang atensyon ko sa pagkain kong di ko pa natatapos.

Gusto kitang kainin, pero hindi pwede.

Pati ako naiiyak na din, mabuti nalang at nagsalita na si Aling Gin.

"Yung anak ko, wala na kasing gamot. May sakit siya ngayon, eh wala na kaming pambili." sabi niya saka pilit na pinupunasan ang mga luha niya.

Nagtinginan naman kami nila Ama at Ina.

Hala! Pano yun?

"K-kailangan ko sana ng kahit pambili lang ng gamot ng anak ko. Pero kung wala ay maiintindihan---" naputol ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Ina.

"Oo, bibigyan kita ng pambili ng gamot." sabi niya saka ngumiti kay Aling Gin.

Napatigil siya sa pag-iyak at napatingin kay Ina.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Aling Gin.

Ngumiti naman si Ina saka tumango tango.

Napangiti nalang din ako ng lihim.

"Salamat Marga! Salamat ng marami! Ang bait niyo talaga!" halos tumalon na si Aling Gin sa tuwa.

"Sige, diyan ka muna." sabi ni Ina saka nagtungo sa kwarto.

Sumunod naman si Ama sa kanya papasok. Kami lang dalawa ni Aling Gin ang natira sa munting sala namin.

Habang naghihintay, hindi maitago ang tuwang nararamdaman niya.

Hindi na ako nagsayang ng oras para makausap siya. Tumayo ako at tumabi sa kanya.

"Aling Gin," tawag ko sakanya.

"Ano yun Iha?"

"Ano po ba sakit ng anak niyo?" tanong ko dahilan para mapatigil siya.

Nako! Nako! Nako! Ano yung nasabi ko?

Napakagat nalang ako sa labi ko at nag iwas ng tingin kay Aling Gin.

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa magsalita na siya.

"Nung isang araw, nagpabili ako sa anak ko ng makakain namin sa bayan. Hindi kasi ako makalabas ng bahay noon kasi nananakit ang tuhod at balakang ko. Kaya siya ang nautusan ko. Hindi siya nakapagdala ng payong, ayun naabutan ng malakas na ulan. Wala siyang magawa kundi ang maligo sa tubig ulan. Pagdating sa bahay, nanginginig na siya sa lamig at namumutla na. Hanggang ngayon di parin nawawala ang lagnat at sipon niya." mahabang paliwanag niya.

Hindi ko naman maiwasang malungkot sa kwento niya.

Ang hirap talaga magkasakit! Mabuti nalang matibay ang buto ko, kakainom ng gatas ng kalabaw, hehe.

Magsasalita pa sana ako ng dumating si Ina, kasama si Ama.

"Pagpasensyahan mo na, iyan lang ang maitutulong ko sa inyo." sabi ni Ina saka iniabot ang pera sakanya.

"Ano kaba? Malaking tulong na ito!" nakangiting sabi ni Aling Gin saka niyakap ng mahigpit si Ina.

"Maraming salamat ulit, babayaran ko kayo pag nakaluwag na ako."

"Ay, ano kaba Gin, ayos lang kahit hindi na! Tulong ko na iyan sa inyo." sagot ni Ina.

"Nakakahiya---"

"Ayos lang, Gin. Bilhan mo na ang anak mo ng gamot, baka mas lalong lumala pa ang sakit niya." sabat ni Ama.

"Ang bait niyo talagang tao, maraming salamat ulit." yumuko muna siya samin saka lumabas na ng bahay.

Nagkatinginan pa kaming tatlo, at ako naman 'tong si nasisiraan na ng bait na biglang tumawa.

"Hahahahaha!" tawa ko sa hindi malamang dahilan.

"Uy, ano ba anak? Ano nangyare sayo?" natatawang sabi ni Ina.

"Wala lang po, Ina. Masaya lang po kasi nakatulong na naman tayo sa iba." sagot ko saka ngumiti.

"Ganun talaga anak ang buhay ng tao, kapag may nangangailangan ng tulong mo, huwag ka nang magdalawang isip na tulungan yung tao." paliwanag ni Ina habang hinahaplos ang buhok ko.

"At, kapag tumulong ka bukal dapat sa kalooban mo. Walang halong pangamba. Walang hinihinging kapalit, hayaan mo ang Diyos ang magbibigay sayo ng kapalit." tugon ni Ama.

"Aaahhh! Kaya mahal na mahal ko kayo Ama at Ina eh!" sabi ko saka niyakap sila ng mahigpit.

-----

Maaga akong nagising kahit mamaya pa namang tanghali yung pasok ko.

Nasasanay na kasi akong magising lagi ng maaga, ayoko ng tinatanghali ako.

Nagtungo ako sa banyo, pero nakita kong walang nakalagay na tubig sa mga balde.

Kinuha ko yung dalawang balde at nagpaalam kina Ama at Ina na mag-iigib lang ako sa kapit-bahay namin, wala pa kasi kaming sariling poso eh.

"Anak, ako na diyan!" sabi ni Ama at akmang hahawakan ang balde pero nilayo ko na ito.

"Ama, kaya ko na ito. Magpahinga kana muna, para may lakas ka mamaya sa pagtatrabaho sa bukid." nakangiting sabi ko.

"Sige anak, salamat. Mag ingat ka hah." paalala ni Ama at tinanguan ko lang siya.

Pagdating ko kina Aling Berta, nakita ko siyang naglalaba sa tabi ng poso nila.

"Aling Berta! Magandang Umaga!" masayang bati ko saka tumakbo palapit sakanya.

"Oh, ang aga mo Bere!" sabi niya.

"Ganun talaga Aling Ber!" natatawang sabi ko. "Makikiigib lang po ako." dagdag ko pa.

"Oh, sige." sagot niya saka inuurong ang palanggana niyang puno ng damit.

Nakita kong di niya kayang itulak kaya tinulungan ko na siya.

"Ay naku! Maraming salamat Iha!"

"Wala po yun!" sabi ko saka nagsimulang mag igib.

Nang mapuno na ang isang balde, yung isa naman ang sinunod ko.

"Maraming salamat, Aling Ber!" saad ko saka binuhat ang dalawang balde.

Nasa kalagitnaan ako ng daan ng makasalubong ko si Jarrett.

Wala na namang suot na damit pang itaas, nakapulupot na naman sa noo niya yung puting bimpo.

Susugod na naman yata siya sa digmaan.

"Verena! Ang aga---bakit ikaw nagbubuhat niyan?!" gulat na tanong niya saka nagmadaling nilapitan ako at kinuha ang dalawang baldeng hawak ko.

"Ayaw ko kasing madagdagan yung trabaho ni Ama, alam mo naman baka magkasakit siya. Kaya ako na---"

"Sa susunod na mag iigib ka, tawagin mo na ako hah." seryosong sabi niya. "Ayoko ding nahihirapan ka." dagdag pa niya.

Ano daw? Ayaw n-niyang n-nahihirapan ako?

Hindi ko naman maiwasang mag-isip sa sinabi niya habang tinatanaw ang katawan niyang unti-unti ng lumalayo.

Nagmadali naman akong sundan siya.

Pagdating sa bahay, sumalubong si Ina sa amin.

"Ay naku! Bata ka talaga! Bakit ikaw na ang nagbuhat niyan?" natatarantang sabi ni Ina saka tinulungan si Jarrett na buhatin ang balde papasok ng banyo namin.

Sasagot sana ako, kaso nauna na si Jarrett.

"Nakita ko po kasi si Verena na," tumitig muna siya saken bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Nagbubuhat nung balde mag-isa sa daan, kaya tinulungan ko na po." dagdag niya saka ngumiti saken ng matamis.

Natulala ako sakanya, at tinignan ang kabuuan niya.

Nakamaong short lang siya, at walang pang-itaas na damit.

Kitang-kita ko din ang pagtulo ng pawis niya pababa sa kanyang matipunong katawan.

Siguro, kaya lubak lubak ang katawan niya kasi, dinaanan na siya ng malaking traktor?

Napangiwi ako sa sarili kong iniisip.

"Kung ganon, ay maraming salamat sa iyo. Gusto mo bang dito na mag-almusal?" tanong ni Ina.

"Ay wag na po. Papunta na po kasi akong bukid, baka tanghaliin pa ako. May pasok pa mamaya eh." sagot niya at lumapit saken. "Kita nalang tayo sa school." sabi niya saka kinurot ang pisngi ko bago tuluyang lumabas.

Naiwan akong tulala, at nabalik ako sa wisyo ko ng pumalakpak si Ina sa mismong mukha ko.

Napatingin ako sakanya, dala dala ni Ina ang nakakatuksong tingin.

"Ikaw anak hah, may paganun na kayo nung batang iyon." sabi ni Ina saka tinusok-tusok ang tagiliran ko.

"Ina! Wala yun!" sabi ko at nag iwas ng tingin.

Ramdam ko kasi na namumula na ako dahil sa sinabi niya.

"Alam mo anak, wala namang masama kung magkamabutihan kayo ni Jarrett. Mabuting bata siya. Isa pa, masipag at matulungin siyang tao." saad ni Ina na ikinatigil ko.

Anong gustong iparating ni Ina?

"Ina, wala naman kasing ibig sabihin yung ginagawa ni Jarrett saken. Saka, kaibigan ko lang po siya. Ka-i-bi---"

"Kaibigan nga ba o KA-I-BIGAN?" putol ni Ina sa sasabihin ko.

"Ina naman eh!" reklamo ko saka ngumuso.

"Biro lang anak, o maligo kana baka maubos pa yung tubig na inigib sayo ni---" hindi ko na tinapos ang sasabihin niya kasi nagmartsa na ako papasok ng banyo.

Napasandal pa ako sa kawayan na pintuan ng banyo.

Bumibilis ang tibok ng puso ko kahit wala akong ginawa.

Ano 'tong nararamdaman ko?

Napapikit nalang ako at pilit na kinalma ang sarili ko.

Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 646 35
[COMPLETED] "Sa bawat pagkakamali ay laging may pagkakataon" *-------------* Ashey together with her 4 boy best friend.Boy Best F...
63.4K 2.8K 26
(ctto of the photo) Trust is the foundation of love, but what will happen when someone broke your trust. All I did is to love you, all I want is to...
32.7K 656 32
Lumipat ng ibang school si Kearn para lumayo sa pambubully ng mga schoolmates niya at napadpad siya sa Kurogawa International Academy. Akala niya na...
5.6K 276 44
#21- child Highest Rank#3 in Japanese language this is All about the Mortal Pretty Lady who Got married to A Vampire King, She doesn't know that she...