LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-P...

By helene_mendoza

845K 21.6K 1.5K

He left because he had to. He know that there won't be a future in a relationship founded with lies. She wai... More

• 1 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• 43 •
🌟🌟🌟TAKE TIME TO READ🌟🌟🌟
•••ANNOUNCEMENT•••

• 2 •

34.3K 716 15
By helene_mendoza

Yes! Nakasingit ng UD. 😊
——————-


Two months ago

Mason's POV

"Sir, parang ang tagal mong hindi nadalaw dito, ah."

Tinawanan ko ang bartender na agad na nagbigay ng isang baso at ang keep bottle kong Hennessy.

"Maraming trabaho," maikling sagot ko at nagsalin ako ng alak sa baso.

"Kaya nami - miss ka ng mga fans mo dito," tumatawa pa siya. Naglilinis na siya ng mga baso ngayon.

Inisang inuman ko ang alak na isinalin ko sa baso tapos ay muli akong nagsalin.

"Fans? Saan? Wala akong makitang maganda ngayong gabi," tumatawa din ako habang luminga - linga.

Wala akong planong mambabae ngayon. Pagod ako sa katatapos lang naming operations. One of my best agent was shot dead. I just got the news and Carl was one of my best agent. All of the members of my team are the best. Hindi ako pumipili ng hindi magaling. Ayoko ng may sasablay. Gusto ko lahat maayos. Lahat perfect. Dahil hindi ako naging head ng Circuit agency na ito kung hindi ako magaling.

Kaya talagang masama ang loob ko, masakit sa akin na malaman ang nangyari sa kanya. Everything was planned, everything was in order kaya hindi ko matanggap na nalagasan ako ng isang magaling na agent because he didn't trust his fucking instinct.

Tumungga ulit ako sa baso at muling nagsalin. My phone is vibrating non stop. I put it on the table at nakita kong si JD ang tumatawag. Isa pa 'tong lalaking 'to. Nagkasira - sira din ang trabaho dahil sa babae. Lucy was his mission. 'Tang ina, ngayon papakasalan na niya. But I am happy for him. At least, he found his happiness. Sana naman hindi matulad si Dale. Pero kilala ko iyon. Mahilig lang 'yun sa babae pero hindi marunong magseryoso. Isa pang sakit ng ulo ko si Ferdie. Kung bakit naman kasi ni - recruit ni Dale. Pero in - fairness naman dun sa bata, may potensiyal naman talaga. Matalino at magaling din.

Pinabayaan ko lang na mag - ring ng mag - ring. Matatapos din naman ang tawag niya. I don't want to talk to someone right now. I just want to be alone. I want to clear my head kasi hanggang ngayon, parang naririnig ko pa ang malalakas na panaghoy ng nanay ni Carl ng tawagan ko siya at sabihin ang masamang balita.

Mahina akong napamura at muling tumungga sa baso ko. Naalala ko pa ang report ni Carl sa akin. He trust his informant so much. That was the first time I saw Carl smitten over a woman. Fucking women. Talagang babae ang sumisira sa diskarte ng mga lalaki. Ilang beses ko na silang sinasabihan. Never mix mission and women.

Dinampot ko ang telepono ko at binuksan ko ang phone gallery. Napahinga ako ng malalim ng makita ko uli ang mga litrato ni Carl. Nakayukyok sa mesa at nagkalat ang dugo, some parts of his brain. Three gunshots to his head ended his life.

"Fuck this," inis na sabi ko at ibinalibag ko ang telepono ko. Gulat na napatingin sa akin ang bartender at mabilis iyong dinampot at inilapag sa mesa.

"Bad mood, Sir. Hindi na kita iistorbohin. Sabihin mo na lang kung may kailangan ka," at nilayuan na ako ng bartender.

Fuck. Fuck! Iniisip ko kung saan nagkamali ang agent ko at napatay siya. Lahat ng intelligence na nakuha namin, tama. He was going to meet an informant. Matagal na niya iyong ginagawa.

A report came into me na babae ang tumira kay Carl. A female assassin under the codename "Snake."  She must be good para mapatay niya si Carl. And I swear on his grave, hanggang sa dulo ng impiyerno, hahanapin ko siya at gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa agent ko.

"Angry? Magbato ka pa ng baso. It will make you feel better."

Napatingin ako sa nagsalita noon sa tabi ko. Babae na may kaharap ding baso at isang bote ng 1800 Añejo. Wow. Mukhang malakasan ang inom ng babaeng ito.

"Andie." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya sa akin ng sabihin ko ang pangalan niya. Nagtataka siguro kung paano ko nalaman.

"Its written on the bottle," sabay turo ko sa pangalan na nakasulat sa bote na kaharap niya.

Napa - ah lang siya at mabilis na ininom ang laman ng hawak na shot glass. Tumaas ang kilay ko ng muli siyang magsalin. Wow. She must really know her brand. Mukhang nag - eenjoy siya sa pag - inom nito kahit na wala siyang kaharap na salt and lemon na talagang ka - partner ng inumin na ito.

"Does it make me release my anger if I throw a glass?" Sabi ko habang nagsasalin ng alak sa baso ko.

Nagkibit siya ng balikat. "Well, it does for me."

Napatango - tango ako. "Alright. I might need to buy a new set of glasswares when I get home."

"You want to try? I have lots of those at the back." Sabi niya at ininom ulit ang nasa shot glass. Natawa ako sa nakita kong pagngiwi ng mukha niya dahil sa tapang ng iniinom niya.

"Baka hindi na ako pabalikin ng may - ari kapag nagbasag ako dito," natatawang sagot ko.

"I know the owner. Tara," sabi niya at magkasunod na na ininom ang shot ng alak na hawak niya at tumayo bitbit ang bote ng alak.

Tumingin ako sa bartender at natatawa siyang tumango sa akin.

"Okay lang 'yan, Sir. Ako na bahala sa mga iniinom 'nyo."

Kahit nahihiwagaan ako sa babae ay tumayo ako at sumunod sa kanya. I am a regular in this bar, I know some guys, some of the staff but this is the first time na nakita ko ang babaeng ito.

Nakasunod ako sa kanya ng pumasok siya sa loob. Maliit na hallway ang dinaanan namin tapos ay pumasok kami sa isang maliit at madilim na kuwarto. Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang napakaraming baso, plato. Nagkalat ang mga basag na piraso sa harapang parte ng kuwarto. Kumuha siya ng isang baso at sinipat - sipat iyon tapos ay walang sabi - sabing ibinato sa sementadong pader. Basag at nagsabog ang mga piraso sa lapag.

"Wow. What is this?" Naguguluhang tanong ko.

Muli siyang dumampot ng baso.

"This is my friend's therapy room. She got some anger management issues and she read somewhere that this is some kind of a therapy. And I think this works for her. Hindi na madalas mainit ang ulo niya," sabi niya at muling nagbato ng baso sa pader.

"And this works for you too?" Tanong ko.

Nagkibit - balikat siya. "During this time that I really, really need to release my anger." Muli siyang nagbato ng baso. "You could say that this helps." Binuksan niya ang bote ng alak at tumungga doon.

Natawa ako at napailing sa inaakto ng babaeng ito. Kung may mabigat akong dinadala, tingin ko mas mabigat ang problema nito.

"Would you mind if I ask why do you need to release your anger?"

Nagbato siya ng dalawang baso. Magkasunod iyon tapos ay muling tumungga.

"I just feel worthless. Alam mo iyon? For five years I keep on asking myself kung talaga bang wala akong kuwenta."

Kitang - kita ko ang lungkot sa mukha niya habang sinasabi niya iyon.

"Dalawang lalaki kasing mahal ko ang iniwan ako." Sabi niya.

"Boyfriend problems," hindi ko mapigil hindi mangiti.

"Boyfriend? Of course not. Kayang - kaya kong magpalit ng boyfriend kung meron man ako. Hindi ko problema ang boyfriend."

"Who are those two guys?"

"My friend died two weeks ago because of a heart attack. It was so sudden. Hindi ko matanggap kasi he has lots of dreams. For himself, for his family. Hindi ko matanggap na sa isang iglap, nawala iyon lahat," her voice cracked at napapikit - pikit ang mata niya para mapigil ang mapaiyak.

"I am so sorry to hear that," parang nakunsensiya naman ako. Malalim pala ang pinaghuhugutan ng pain niya.

"Pero at least I know that he is dead. Wala ng babalik. Wala na akong aasahan. Mas masakit iyong umalis ng hindi nagpapaalam. 'Yung sinabi lang na magta - trabaho lang pero wala na palang uwian. Hindi ko alam kung patay na o ano na ba ang nangyari sa kanya," mabilis na pinahid ng babae ang mga luhang naglandas sa pisngi niya tapos ay pinilit na ngumiti. "Sorry. Today is my father's fifth year disappearance anniversary."

Kumunot ang noo ko. "Disappearance?"

Tumungga siya sa hawak na bote at tumango.

"He is missing. Nagpaalam lang na papasok sa trabaho but he never came back. We tried looking for him everywhere and his job was a bogus one. It doesn't exist. I grew up knowing he was a manager in that company."

This sounds familiar. This is just like my job.

"Ang unfair kasi. Bakit bigla na lang siyang nawala? Bakit bigla na lang niya kaming iniwan? Ang daming tanong na hindi ko masagot. Does he have another family? Sana man lang merong sagot at least hindi ako nahihirapan ng ganito. I was longing for him," tuluyan na siyang napaiyak pero mabilis din niyang na - compose ang sarili niya.

"Sorry," natawa siya. "You found me in this time of the year na talagang umaalsa ang galit sa dibdib ko. Mabuti pa yung mga namatay. At least may closure 'di ba? But this situation with my dad, wala."

"Did you ask the help of police officers? Private investigators." Tanong ko pa.

"We did everything. Lahat na ng ospital, punerarya, police stations sa buong Pilipinas nagalugad na yata namin. But still, dead end. Napagod na rin ako. If he is still alive and he chose to leave us, then alam ko na. Wala kaming kuwenta para sa kanya."

Hindi agad ako nakakibo. Nag - iisip ako. I can help this woman. Our agency has lots of connections. We can easily find a missing person.

"Your name is Andie right?" Paniniguro ko.

Natawa siya. "Wow. Ngayon ko lang na - realize I am talking and opening myself to a stranger."

"Don't worry, harmless ako. I am Ma-, Tim. My name is Tim." I can't give my real identity to anyone I just met.

"Andie. Andrea Dimalanta."

"So about your dad. Maybe I can help."

Tumaas ang kilay niya. "How? Why? Are you a police officer?"

"No. I work in a newspaper. I am a member of an investigative team of journalists. We have some contacts that maybe can help." Gusto kong mangiti. I am still good at this. Akala ko kinakalawang na ako dahil matagal - tagal na rin akong hindi gumagawa ng mga mission orders.

Nakatingin siya sa akin na parang naninigurado.

"But if you don't want its okay. Nakita ko lang kasi kung gaano mo nami - miss ang daddy mo," patuloy ko pa.

"You can really help me?"

I know she is really hoping that I can help her. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. What am I doing? Hindi ako dapat nakikielam sa affairs ng ibang tao.

"Yeah. I can try. Just give me the name of your father."

Napahinga siya ng malalim.

"Jess. Jessie Dimalanta."

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Nice meeting you Andie. And I'll try my best to look for your dad."

Ngumiti lang siya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.4M 40.4K 42
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I w...
281K 1.3K 3
Our relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman tha...
1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...