Take Me To Your Heaven (PUBLI...

By Miss_Sixteen

12.6M 104K 7.4K

(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong u... More

Take Me To Your Heaven
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Author's Note
NOT AN UPDATE
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Special - Take Me To Your Heaven
SOON ON POPFICTION

Chapter 50

134K 1.3K 247
By Miss_Sixteen

“Ready na ba lahat ng gamit mo?” Tanong sakin ni Daddy.

Andito kami ngayon sa kwarto na tinuluyan ko sa bahay ni Lola. Busy ako kakalagay ng mga damit sa maleta. Si Andrei, andun sa salas nakatambay habang karga karga niya ang anak namin. Dalawang linggo matapos ako manganak ay napagdesisyunan ko ng bumalik sa Maynila. Panay na rin kasi ang tawag ng magulang ni Andrei. Pati si Jen, kinukulit na ako na pabalikin ko na si Andrei at sabihin ko na lang dawn a susunod ako.

  

Pero itong si Andrei ang matigas ang ulo. Kahit na pinapauna ko na siya pabalik sa Maynila ay ayaw niya talaga. Lagi niyang sinasabi na hindi siya babalik doon ng hindi kami magkasama. Kaya ngayon, kahit dalawang linggo pa lang ang anak ko, ay babalik na kami sa Maynila.

“Baby boo, wake up.” Rinig kong sabi ni Andrei. Bumaba ako upang icheck ang mag-ama ko.

“Lagi ka na lang tulog.” Dagdag pa niya.

Lumapit ako sa kanila. Yumakap ako sa kanya galing likuran at ipinatong ko ang baba ko sa shoulder niya. Nakapulupot ang braso ko sa may bandang leeg niya at dibdib niya.

“Ganyan talaga ang mga baby, tulog ng tulog.” Hinarap niya ako at ngumiti sakin.

“Kanina ko pa nga ginigising, My. Pero wala pa din.” Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.

“Mabuti pa, ilagay mo na yung mga gamit natin sa sasakyan.” Kinuha ko ang anak ko sa bisig ni Andrei at umakyat naman si Andrei sa kwarto upang kunin ang mga gamit.

Hapon pa ang schedule ng flight naming kaya sama sama kami nila Lola ngayon tanghalian. Madaming pinaluto si Lola. Tinanong ko siya kung anong meron pero ang sagot niya lang ay isang matipid na ngiti. Kompleto kaming lahat, andito ang magulang ni Kuya Marco at ang dalawa niyang nakakabatang kapatid kasama sila Tita Cely at Tito Rony na siyang magulang ni Kuya Marco. Andito rin ang mga pinsan ko na sobrang kaiingay. Tawa sila ng tawa sa mga jokes ni Maricar. Kahit si Andrei ay maluha luha na kakatawa kay Maricar.

Naging masaya ang tanghalian namin. Bukod pa doon, sobrang busog ang lahat. Matapos kumain at natahimik ang lahat dahil na rin siguro sa kabusugan. Nagulat na lang ako ng marinig ko ang iyak ng aking anak. Agad kong nilapitan si Kuya Marco na siyang may hawak dito.

“Oh! Wala akong ginagawa!” Biglang sabi niya sakin.

“Defensive ka Kuya Marco. Akin na nga!”

Binigay niya ang anak ko sakin. Marahil at gutom na ito. Pinangako ko sa sarili ko na pure breastfeed ang gagawin ko sa kanya. Gusto ko kasing maging strong ang healthy ang baby ko. Yung mataba siya pero malusog. Cute na cute kasi ako sa mga matatabang bata. Ang sarap pisilin ng mga pisngi.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay para pumunta sa kwarto. Pero bago ako tuluyang makapsok sa kwarto ko ay narinig ko ang isang boses na pamilyar sakin. Hindi agad ako pumasok at nakinig sa usapan nila, kung sino man ang kausap ni Andrei.

Lumapit ako ng konti para mas marinig ko. Ingat na ingat ako dahil baka tuluyang mabuksan ang pintuan sa kwarto ko.

“Yes Ma. Wag na po.”

“Ma, don’t panic. Everything’s alright!” Medyo may diin ang kanyang pagkakasabi.

“Hintayin niyo na lang kaming makauwi dyan.”

“Okay Ma. Yes, I’m taking it. Okay, see you later. Bye.”

Pagkababa niya ng phone niya ay saka ako pumasok. Mama lang naman pala niya ang kausap niya. Dapat hindi na ako nakinig.

“Hey.” Lumapit sakin si Andrei at hinalikan ang mga labi ko.

“She’s awake.”

“Yes, umiyak noong hawak ni Kuya Marco. Gutom na siguro. Magpapa-breastfeed lang muna ako then aalis na tayo.” Sumandal ako sa head board ng aking kama. Ramdam ko ang titig ni Andrei sakin habang pinapa-breastfeed ko ang anak namin.

“It’s rude to stare too long, Daddy.” Nakangiting sabi ko ngunit hindi ko siya tiningnan.

Nagulat ako ng lumapit siya sakin at agad na inilapit niya ang labi niya sa labi ko. Hawak niya ang likod ng ulo ko habang hinahalikan niya ako. Tumigil siya at sinandal ang noo niya sa noo ko.

 Huminga siya ng malalim. “Damn, you complete me so much.”

 Marahan akong tumawa sa kanya.

 “Mahal na mahal kita, Jess. Kayo ng anak ko.”

 “Mahal. Na mahal. Din kita.” At ako na ang humalik sa mga labi niya. Ingat na ingat siya sa paglapit sakin dahil nasa pagitan namin ang anak namin.

 Nagpaalam kami ni Andrei kay Lola Maria. Nangako ako na babalik ako dito at dadalawin siya. Kung hindi naman ay sila angdadalaw sa amin doon sa Manila. Medyo nauha si Lola dahil sa aking pamamaalam. Yinakap niya ako ng mahigpit. Kinarga niya rin ang apo niya.

 Isa isa na rin kaming nagpaalam sa mga pinsan ko at sa mga tito at tita ko. Isa isa nila akong yinakap at nakita ko na lang na pinagpapasa pasahan nila ang anak ko na sobrang tulog na tulog. Nang makarating ako kay Kuya Marco ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

Yinakap niya ako ng mahigpit. Sa maikling panahon ng pamamalagi ko dito sa Davao, si Kuya Marco ang sobrang naging malapit sa puso ko. Bukod sa close talaga kami dati pa, ay siya rin lang ang napagsasabihan ko ng mga sakit na nararamdaman ko. Saksi siya sa mga pag-iyak ko gabi gabi at alam kong sawang sawa na siyang marinig sakin kung gaano ko ka-miss si Andrei.

“Stop crying! Ang panget mo talagang umiyak.” Pinahid ni Kuya Marco ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi.

“Magkikita pa naman tayo! Hwag kang OA.” Hinampas ko siya sa braso niya.

“Kakainis ka naman eh! You ruined my drama!” Tumawa lang si Kuya Marco sakin ganun din ang ibang nakakarinig sa aming usapan.

“Take care always , Jess. Kayo ng baby mo at ng bagong pamilya mo. Always thank God for everything. You see, every tears you shed were worth it.”

Hinalikan ako ni Kuya Marco sa noo bago niya ako pinakawalan.

  

Lumingon ako sa paligid at nakita kong si Andrei na ang may hawak sa baby namin. Dumiretso kami ni Andrei sa sasakyan pati na rin si Daddy. Babalik na rin siya sa Manila dahil dalawang linggo na daw niyang naiwan ang maliit naming company at negosyo.

“Mag-ingat kayo. Bye!”

“Bye Ate Jess and Kuya Andrei.”

“Bye baby!”

Kanya kanya silang paalaman samin. Kumaway ako sa kanila. Sobra ko talagang mamimiss ang Davao pari na rin ang mga pagkain dito.

Mabuti na lang at hindi traffic kaya nakarating agad kami sa airport. Halatang pagod na si Andrei at si Daddy. Ang sarap ng tulog ni Andrei habang nasa eroplano kami. Samantala, si Daddy naman ay gising na gising pa dahil nilalaro niya ang anak ko kahit na tulog. Ang sarap nilang pagmasdan.

Habang nakatingin ako kay Daddy, nakita kong umIlaw ang cellphone ni Andrei. Nasa hita niya ito at kinuha ko na lang.

Napangiti ako ng makitang kaming tatlo ang wallpaper ng iphone niya.

Nakita kong nag-appear ang name ni Jen sa screen ng cellphone ni Andrei. Kumunot ang nook o. wala naman sigurong masama kung bubukasan ko ang text message ni Jen. Ano kaya ang pinag uusapan nila?

Matapos kong iswipe ang unlock, direktang nagpunta ito sa message ni Jen.

Ano ito? Anong ibig sabihin ng text niya? Natigilan ako at kinabahan.

“Andrei, medical results are here. Where are you?”

----------------------------------------------------------------------------------------

P.S:

Please do help me! Isip kayo ng name para sa baby girl ni Jess! Please? Ang mapipili ko ay mag libreng load galing sakin. Seryoso po. Pero yung afford ko lang :D

Thank you! 

♥Lots,

Miss_Sixteen

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25K 33
"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita totoo,madalas palabas lang ito. Roxann...
13.4K 5.9K 34
"Saan nga ba natin natatagpuan ang pagibig?" --- Sa kababata natin? na 'di naman natin magawang aminin! Sa jeep? yung nagabot ng bayad kaya lang hin...
888K 23.8K 23
Si Pinkie Diwata dela Rosa ay naniniwalang size doesn't matter. Aba, hindi na niya kasalanan kung maraming pagkain ang ref nila, 'no. Masarap kaya an...
6K 490 14
The birth of chaos before extinction. (from the short story collection of To Do is To Dare) Prios Series: Prelude of the Cursed © October 2021 by Ele...