Chapter 48

142K 1.3K 91
                                    

“Bakit hindi pa siya nagigising?”

“Excited ka naman! Syempre pagod pa yan, ikaw kaya ang umire ng umire!”

“Calm down everyone. Just be thankful kasi naging successful ang panganganak niya.”

Rinig na rinig ko ang ingay sa loob ng aking kwarto. Nagbukas at nagsara ang pintuan. Ayaw ko pang imulat ang aking mga mata. Pagod na pagod ako sa aking panganganak. Pero mas malakas ang parte sakin na magmulat na upang masilayan ang anak ko. Upang malaman ko na rin kung tunay baa ng taong nakita ko sa operating room.

Kulay puting dingding ang sumalubong sakin. Ang daming nakapalibot sakin. Unti unti akong ngumiti sa kanila kahit na half open pa lang ang mata ko.

“Finally, you’re awake!” Boses pa lang alam ko ng si Jen ang nagsalita.

“Anak, how are you? May masakit ba?” Lumapit sa may ulo ko si Daddy. Hinagod niya ng dahan dahan ang buhok ko. Tumango ako sa kanya habang nakangiti.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako naimik. Nais kong magtanong kung nasaan si Andrei o kung andito ba siya ngunit natatakot ako dahil baka panaginip o hallucination lang ang lahat ng nakita ko sa operating room. Iginala ko ang aking paningin. Andito si Lola Maria, Kuya Marco, Amelia, Daddy at ang tatlo kong bestfriend.

Ni anino ni Andrei, wala akong nakita!

Tama nga, panaginip lang ang lahat!

Mali! Hallucination ang tawag doon.

O baka imahinasyon!

Natutulad na yata ako kay spongebob na mahilig sa imahinasyon!

Walang Andrei. Walang nagsabi ng ‘I love you’. Walang humawak sa kamay ko. Lahat ng yun ay ginawa lang ng utak ko. Naluluha ako, pero pinigilan ko dahil kelangan masaya ako. Masaya dapat ako kasi makikita ko na ang anak ko. Mahahawakan ko na siya. Malalaman ko na kung sino ang kamukha niya.

“Where's my baby?” Mahinang tanong ko sa kanila. Ngumiti si Daddy sakin at hinalikan ang noo ko.

“She’s so wonderful, just like you.” Lalo akong napangiti sa sinabi ni Daddy. Ibig sabihin kamukha ko siya. Ang lakas ata ng dugo ko.

“So beautiful.” Kitang kita ko ang saya sa mata ni Daddy ganun na din ang mga tao sa paligid ko.

“Hindi pa ba siya maaaring makita?” Tanong ko.

“Pwede na. Maya maya ay ipupunta na siya ng nurse dito.” Sagot ni Ara.

“May mga dalang prutas si Jen, fresh na fresh galing bukid.”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now