Chapter 10

231K 1.5K 25
                                    

Kahit na may tama na sa akin ang alak, ay gising na gising ang diwa ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ng lalaking ito. Pumupungay ang mga mata ngunit dapat hindi ako makatulog.


"Saan ka nakatira? Iuuwi na kita." Ayaw kong umuwi. I wanna hang out for a while. I wanna escape! Tingnan ko ang lalaking diretso ang tingin sa kalsada. Naka-side view siya kaya kitang-kita ko ang tangos ng ilong nito. Medyo magkahiwalay ang mapupula niyang labi dahilan kung bakit tila gusto ko siyang halikan.


"Can I kiss... you?" Shit! Jess, wake up! Ano ba ang pinagsasasabi mo?! Kinagat ko ang lower lip ko at saka umiling. Bigla niyang tinapakan ang accelerator. Napahawak ako sa seatbelt.


"Don't mind me. Just drive or ibalik mo na lang ako sa Encore." Biglang bawi ko.


Ipinikit ko ang mga mata ko pero mas lalong sumakit ang ulo ko nang magising ako ng bahagya. Hilong-hilo ako. Halos hindi ko maaninag kung nasaan kami. Tumigil ang sasakyan at may nagbukas ng pinto para sa akin.


"Can you walk?" Tumango ako at tinanggal ang seatbelt. Tumayo ako ngunit agad din akong nahilo. Sinalo niya ako. Hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa tama ng alak pero alam kong nasa tama pa ang utak ko.


"Sorry." Umiling siya at binuhat ako. Hiyang-hiya ako sa ginawa niya ngunit alam kong hindi ko kayang maglakad ng maayos. Mas doble purwisyo ang maibibigay ko sa kanya kung pipilitin kong maglakad.


Nararamdaman ko ang pagbaba ng aking mga mata. Mas lalo akong nahilo ng sumakay kami sa elevator. Pumikit ako ng mariin at gusto ko ng matulog. I don't know what floor ang pupuntahan namin.


Naramdaman ko na lang na dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na naman ang mga labi niyang nakakaakit. Agad kong ikinawit ang aking braso sa batok niya at saka ngumiti. I heard him groan. I bit my lower lip. Sumisigaw ang utak ko na mali ang ginagawa ko ngunit ayaw papigil ng puso ko.


"Do you wanna kiss me?" Marahan niyang tanong. Muli kong kinagat ang ibabang labi ko.


"Come on, baby. Just answer and I'll kiss you..." Dinampian niya ang halik ang pisngi ko. Hindi ako sumagot. He's tempting me. Muli ay hinalikan niya ako malapit sa aking labi. Agad kong hinabol ang halik na iyon at tumama ang labi niya sa labi ko.


All my worries left me. All I know is I am kissing this mysterious guy. He looked familiar, I just can't remember him.


He softly bit my lower lip. He sucked it like an ice cream. Ganun na lang ang pagkawala ng aking sarili. Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa mga halik niya. Naramdaman kong inangat niya ang likod ng ulo ko dahilan para mas lumalim ang halik niya.


Tinapos niya ang halik at ngumisi sa akin. Damn! Those red lips are delicious. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ako na mismo ang humigit sa vneck nitong tshirt at muling naglapat ang mga labi namin. I moaned as I feel his tongue inside my mouth. This kiss is very different and addicting.


Hanggang sa naramdaman ko ang pagtaas ng aking dress. Naramdaman ko ang mahihina nitong haplos sa aking hita dahilan para mas lalong tumaas ang tensyon sa pagitan namin. Inangat ko ang shirt niya at agad niya itong tinanggal. Yumuko ako at nakita ko ang perpekto nitong katawan. Damn, that abs! Muli ay inatake niya ang labi ko.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now