Chapter 18

209K 1.3K 23
                                    

Natapos ang event sa gym ng pasado alas-onse na ng gabi dahil matapos ng competition ay may guest band ang school na inimbitahan. Sikat na banda sila at talagang tagos sa puso ang mga awitin nila. 


Sabay kaming lumabas ni Andrei sa gym. Tumigil siya ng may tumapik sa balikat niya. 


"Tol, ang sweet mo. HIndi mo ba ako ipapakilala?" Ani ng lalaking nasa harapan namin ngayon.


"Gago! George,  this is Jessica, my girlfriend and  Jess, this is George, bestfriend ko." Ngumiti ako sa bestfriend ni Andrei. Matangkad siya at may pagkamoreno ang kulay. Nagcompliment sa kanyang mga mata ang makakapal niyang kilay.


"Hi Miss President," Ini-abot niya sa akin ang kanan niyang kamay, at ganun dain ang ginawa ko. Ngumiti ako sa kanya. "Nice meeting you..."


"Shit, maganda talaga." Narinig kong bulong ni  George. Napangiti ako ng todo. Agad ko namang naramdaman ang pagpulupot ng braso ni Andrei sa aking bewang.


"Pakyu tol! Mine is mine." Mahinang sinuntok ni Andrei sa braso si George. Tumawa si George at umiling na lang. Nakakatuwang isipin na kahit ang bestfriend nito ay pinag-seselosan niya. Alam ko namang nagbibiruan lamang silang dalawa.

"Sinabihan ko lang naman ng maganda! What's wrong with that? Anyways, victory party on friday night. I know you'll be there kasi sa condo mo gaganapin. Get ready!" I haven't heard anything about their victory party. Nakakapagtaka rin na may victory party sila eh, isang simpleng opening game lang naman ang nangyari nung monday.


"Are you joining us?" Nakangiting tanong sakin ni George. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala naman akong ideya sa victory party na sinasabi niya.


"I.. i don't think so." Simpleng sagot ko rito.


"She'll be joining us. Hindi ko palang nababanggit sa kanya na may party tayo." Biglang singit ni Andrei. Kung victory party ito ng pagkapanalo ng basketball team nila, sigurado ako na it will be all boys party! Hindi maganda tingnan kung pupunta ako, tapos ako lang ang iisang babae. Hindi ko naman pagbabawalan si Andrei, kung gusto niyang pumarty.


"I can't join." Sabi ko kay Andrei nang naglalakad na kami papuntang parking lot.


"Why not? I want you to be there." Malayo pa lang ay tanaw ko na ang sasakyan na kamilitang ginagamit ni Andrei. Pinatunog na niya agad ito kahit na malayo pa ang distansya namin.

"Andrei, puro kayo mga lalaki dun at pagnagkataon ako lang ang nag-iisang babae. Pangit tingnan, hindi ba?" Napatigil siya sa paglalakad matapos kong sabihin yun.


"You're my girlfriend, paanong panget tingnan?" Nagtatakang tanong nito. 


"Look, puro lalaki ang andun -" And before I finished my sentence, he cut me off.


"I'm there. I'm your boyfriend. There's nothing to worry, baby! At hindi lang ikaw ang babae dun, kasi sigurado ako magdadala sila ng kanikanilang mga girlfriend. So don't worry too much, Jess." He said as he kiss my forehead. Wala na akong magawa. Hinatid ako ni Andrei sa bahay namin. Sigurado namang tulog na si Daddy ng ganitong oras at hindi na niya makikita kung sino ang naghatid sa akin. Siguro ay kailangan kong sabihin kay Daddy ang tungkol sa amin ni Andrei.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon