Chapter 42

161K 1.2K 92
                                    

“What were you thinking! Ang gulo mo, Jess. Naguguluhan na ako sa mga inaakto mo!” Pabalik balik si Jen sa paglalakad habang nakalagay ang kamay niya sa bewang.

Halatang iritado at naguguluhan nga siya. Nasa labas kami ngayon ng clinic habang andun naman si Andrei sa loob ng clinic at ginagamot ng nurse. Sinabihan ko siya na magpadala na lang sa hospital baka kasi masama ang tama sa kanya, pero ayaw niyang magpadala.

“Oo nga naman Jessica! Ano bang nasa isip mo? That man inside that clinic, killed your child! Siya nga ang may pakana ng lahat ng pagpapa-abort tapos ganyan ang trato mo sa kanya! Parang walang nangyari ah!” Tumaas na ang boses ni Ara. Samantalang si Jana ay nakatingin lang samin. It’s like she lost her words. Nakatitig lang siya saming tatlo. Ang dalawa ko namang bodyguard ay medyo malayo samin. Napakiusapan ko sila na sasama lang ako saglit sa clinic then after that sasama na ako pauwi sa kanila.

Sinilip ko ng konti ang ginagawa ng nurse kay Andrei at muli kong sinaraduhan ang pinto. Awang awa ako sa nakita ko. Hindi ko aakalain na ganun ang mangyayari sa kanya. Ang lakas pala manuntok ni Luke! Damn!

“I don’t know. Alam kong malaki ang kasalanan niya, but I can’t just leave him like that! After all may pinagsamahan naman kami at siya pa rin ang ama ng anak ko. After all –“

“After all, mahal mo pa din siya. Diba?” Singit ni Jana. Hindi nga siya umiimik kanina tapos ngayon naman umimik siya, na-bull’s eye naman ako. Natigil si Jen sa paglalakad at tumitig sakin. Ganun din ang ginawa ni Ara. Naghihintay sila sa magiging sagot ko. Isa isa ko silang tiningnan, at lahat sila ay nakataas ang kilay sakin.

“Yes.” Pumikit ako at yumuko. Alam kong mali at martir ang ganito pero hindi niyo ako masisisi. Hindi pa ganun kahaba ang panahon na nakipaghiwalay ako sa kanya, at tagos sa puso ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ganoong kadali na makalimot at magtanggal ng pagmamahal.

Alam kong alam niyo ang pakiramdan ng ganito. Yung sariwa pa ang lahat ng sakit ngunit mahal mo pa rin ang taong nanakit sayo. It’s never easy.

Narinig ko ang malalim na paghinga ng mga kaibigan ko. Agad akong yinakap ni Jana at nagsisunod naman sila Jen at Ara. Muling pumatak ang mga luha sa ganitong eksena. Hindi ko man sabihin sa kanila, pero alam kong alam nilang nasasaktan at nagmamahal ako ng patuloy.

“Sshh. Hush now. No one said it will be easy. But it will be worth it. Your pain, your love and all your sacrifices, it’ll be all worth it.” Yes, I’ll hold on to what Jen told me. That everything will be worth it.

I am so blessed that I have best friends like them. Yung kahit na nasabihan mo ng masama ay andyan pa rin upang tulungan at suportahan ka.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jen. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon namin.” Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni Jen. Kahit na ganun ako kadali bumigay kay Andrei, hirap na hirap ako sa sitwasyon namin. Hindi mawala sa isip at puso ko na ninais niya na mawala ang anak naming. Na nais niya itong ipaabort at patayin. Yun ang hindi ko matanggap.

Ngunit isang lapit lang niya, ang dali daling bumigay ng puso ko.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now