Epilogue

101K 1.7K 148
                                    

Epilogue

Agad kaming lumabas sa Principal’s office nang matapos ang matinding pag-uusap namin ng Principal ng school. Sobrang nag-init ang ulo ko nang malaman ko ang dahilan kung bakit kami biglaang napatawag! Nilingon ko ang mag-ama ko sa aking likuran. Nakaakbay si Andrei kay Alexis. Sa tangkad nito ay hindi mo mapagkakamalang 16 years old pa lang siya.

Lalong nag-init ang ulo ko nang makita kong nagtatawanan ang dalawa! Mas pinili ko na lang na magdirestso sa sasakyan. Papahupain ko muna kahit papaano ang galit ko. Patuloy ang masayang kwentuhan ni Andrei at Alexis kahit na nagbibiyahe na kami pauwi. Hindi na natapos ni Alexis ang klase niya ngayong hapon dahil sa nangyari na hindi kaaya-aya.

Alam kong hindi maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa pagkunot nang aking noo. Inis na inis ako sa nangyari at gusto kong pagalitan si Alexis. Mas naiinis pa ako nang parang walang pakielam si Andrei at ayos lang sa kanya ang nangyari.

Hinayaan ko silang mag-usap kahit na kating-kati na akong magsalita! Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa bintana at tumingin sa mabilis na takbo ng mga sasakyan.

Ang sobrang inis na nararamdaman ko ay tila nawala nang maramdaman ko ang kamay ni Andrei sa ibabaw ng kamay ko. Hinawakan niya ito at hinalikan.

Napabuntong hininga ako nang lumapat ang labi niya sa likod nang aking palad. 

Tiningnan ko siya nang hindi nakangiti samantalang siya ay todo sa pagngiti.

“I love you baby.” At muli niyang hinalikan ang aking kamay.

Damn it! Diba nga galit ako? Pero bakit parang nakalimutan ko na ang galit ko!

“We’ll talk later.” Yun na lang ang tanging naisagot ko. Muli kong ibinalik ang aking paningin sa bintana. Hindi pa rin naman binibitawan ni Andrei ang aking kamay.

“You’re mad, baby. Come a little closer so I can kiss that away.” Kahit na ang lambing-lambing nang pagkakasabi niya ay pilit kong nilabanan ang aking sarili na gawin ang nais ni Andrei.

“Mommy…”

“We’ll talk later, Alexis!” Madiin kong sabi sa kay Alexis nang hindi siya nililingon.

“Alex, don’t mind your mommy…”

Agad kong nilingon si Andrei at hindi ko na hinayaan pang matapos niya ang kanyang sasabihin. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Ayan ka na naman! Don’t mind me? Kaya ang tigas-tigas nang ulo niyang anak mo! Lagi mo na lang pinagbibigyan ang mga nais niya at hinahayaan ang mga pagkakamali niya! Hindi ito ang unang beses na napatawag tayo sa school, Andrei! ‘Yan ang hirap sayo –“

“Ssshh. I love you…”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now