Chapter 53

115K 1.1K 94
                                    

“Hello?”

“Jessica! Oh my god! Bakit ka napatawag?” Alam kong natutuwa siya dahil sa pagtawag ko sa kanya. Ilang linggo lang naman ang nakakaraan noong huli naming pagkikita pero ramdam ko ang pangungulila namin sa isa’t-isa.

“Can we talk? I mean meet. Andito na ako sa Manila.” Sagot ko kay Ara.

“Sure. Saan ba?”

“Sa isang coffee shop na lang. Can you ask Jana to come?” Gustong-gusto ko na silang makita. Mas gusto ko sana kung kompleto kaming apat pero naalala ko nga pala na wala si Jen, kasama siya ni Andrei.

“Okay. I’ll text her. Now na ba? How about your baby? Kung walang mag-aalaga pwede mo namang isama siya then kami ni Jana ang bahala.” Sabi niya habang tumatawa. Nais ko sanang dalhin si Alexis kaya lang mas maganda siguro kung magpopokus kami sa pag-uusapan namin mamaya.

“As much as I wanted to bring her, I can’t. May personal maid naman sila Tita dito for her, kaya siya na muna ang bahala. We need some serious talk, you know.”

“Why? Anong meron?”

“I’ll tell you later. Sige na, mag-ayos na tayo. See after an hour?” Pumayag naman siya kahit one hour preparation lang kasama na ang biyahe.

Hinabilin ko si Alexis sa personal maid na kinuha ni Mommy Laila para sa kanya. Sabi kasi ni Mommy Laila mas mabuti na daw na may mag-aalaga kay Alexis para naman daw mapuntahan ko ang mga nais kong mapuntahan at ma-enjoy ko pa ang aking kabataan. Para sa akin naman, okay lang kahit walang maid si Alexis. Hindi ko man ginusto ang mabuntis nang maaga, pero reponsibilidad kong alagaan ang anak ko.

Nagpaalam na rin ako sa mommy ni Andrei na aalis muna ako saglit. Pumayag naman agad siya, dahil baka daw maboring lang ako sa bahay nila. Hindi naman nakakaboring kasi magkasama kami ng anak ko.

Lampas 1hour na nang makarating ako sa coffee shop, ang tagpuan namin. Nakita kong andun na ang dalawa kong kaibigan na masayang nakukwentuhan. Dali-dali akong pumasok sa coffee shop at lumapit sa kanila.

“Oh my! Jess!” Tumayo si Jana at yinakap ako nang sobrang higpit. Nagbeso-beso naman kami ni Ara pagkatapos kumalas ni Jana sa pagkakayakap.

“Sexy momma! Parang hindi ka nabuntis at nanganak ah! Kailan ka pa nakabalik?” Tuwa kaming tatlo sa sinabi ni Jana.

“Syempre, she needs to look hotter than before.”

Umiiling na lang ako at inanyayahan silang maupo. Nag-order muna kami ng inumin. Ang daming kwento ng dalawa kong kaibigan. Halos ikwento nila ang mga araw simula nang umalis ako sa school. Kung iisipin mo, kulang ang isang araw para sa pag-uusap na ito. Hindi ko rin naman agad ipinasok at sinabi ang mga nais kong malaman. Nakikinig na lang ako sa mga kwento nila at tumatawa sa mga katangahang nagaawa nila noong panahong wala ako.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now