Chapter 52

120K 1K 56
                                    

Lumabas ako ng CR at sinigurado kong hindi mahahalata ni Andrei na umiyak ako. Ang daming tanong sa aking isipan na nagpapagulo sa aking nararamdaman. May sakit ba siya at ano? At bakit alam ni Jen? Anong kinalaman ng bestfriend ko tungkol kay Andrei? I know it’s too early to conclude pero hindi ko maiwasan na isiping may sakit si Andrei. Masakit. Lalo na’t nagsisimula pa lang ulit kami.

Bumungad sakin si Andrei na nakahiga sa kama at nakaharap sa natutulog na si Alexis. Nakangiti siya na tila walang iniindang problema. Nilalaro niya ang itim na itim na buhok ni Alexis. How could he smile like that? Bakit parang masaya pa siya? Samantalang itong puso ko tila mamamatay na kakaisip.

Lumapit ako sa kanila at humiga sa kabilang side ng kama. Ngayon napapagitnaan namin si Alexis. Ramdam ko ang titig sakin ni Andrei. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang mga ngiti niya.

“She looks like you. I wonder kung bakit wala man lang nakuha sakin? Bakit ikaw lang ang kamukha niya?” Tiningnan ako ang anak namin na himbing na himbing sa pagtulog.

Tumawa nang mahina si Andrei. Napatingin ako sa kanya at pinagtaasan ko siya ng kilay habang nakangiti nang tila nakakaloko.

“You love me that much kaya kamukha ko si Alexis.”

“Ang hangin naman!”

“Bakit hindi ba totoo?” Natawa ako sa tanong niya. Para kaming mga teenager na naglolokohan. Tinitigan ko siya nang matagal tagal at ganun din ang ginawa niya. Ngumiti ako ng unti unti sa kanya.

“I love you that much.”

Sobra kong pinipigilan ang aking emosyon. Alam kong maiiyak lang ako pero kelangan kong masabi sa kanya na sobra ko siyang mahal at hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nawala ulit siya.

“I love you more, baby.” Lumapit siya sakin at hinalikan ang aking noo.

Sa dami namin napagkwentuhan ni Andrei bago matulog, na-nalate tuloy kami sa pag gising. Kung hindi pa namin narinig ang malakas na iyak ni Alexis baka abutin kami nang hanggang alas-9 sa kama. Naramdaman kong basa na ang diaper nito.

“Ihahanda ko na ang liguan ni Alexis para tayo naman ang makapaghanda.” Sabi sakin ni Andrei. Tumango ako bilang tugon.

Ngayong araw ang alis naming para pumunta sa bahay nila Andrei. Doon muna kami mamamalagi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon at okay lang naman sakin as long as na magkasama kami. Yes, I am thinking na baka sakali ay may makuha akong iba pang impormasyon.

Nagpaalam kami kay Daddy. Sinabihan niya kami na dumalaw every weekend sa kanya kahit Sunday lang daw. Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Andrei. Kabadong kabado ako dahil ngayon ko pa lang makikilala ang Daddy niya. Inaamin ko naman na hindi ako close sa parents niya at sana ngayon mabigyan ako ng pagkakataon.

“Let’s go inside.” Bumaba si Andrei sa sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now