Chapter 45

151K 1.3K 116
                                    

Yakap yakap ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa bench malapit sa soccer field at hanggang ngayon ay naghihintay ako sa kanya. Nagba-baka sakaling mapadpad si Andrei dito. Panay ang text sakin ni Jen na siya na ang bahalang maghanap pati na rin sila Jana.

Pero hindi ako mapakali, kelangan ko ring gumawa ng paraan upang mahanap siya.

Tumayo ako upang magptuloy sa paghahanap sa kanya nang biglang nagvibrate ang phone ko. Binalewala ko ito at patuloy na naglakad paalis sa soccer field. Ginugutom na rin ako at siguro bibili muna ako ng pwede kong ma-take out para makakain habang naglalakad.

Dala-dala ko ang dalawang cheeseburger na binili ko sa Mcdo. Naramdaman kong nagvibrate ulit ang phone ko ngunit sa ikalawang pagkakataon ay binale-wala ko ito.

Naramdaman kong nagpatuloy ang pagvibrate ng phone ko. Kaya kinuha ko na ito sa bulsa ko. Si Jen pala, natawag siya.

“Hello, Jen.”

“My gawd! Where are you! Kanina pa kita tinatawagan, sobra sobra na kaming nag aalala sayo.” Halata mo sa boses ni Jen na nag alala siya. Medyo mataas ang boses nito at galit.

“Bumili lang ako ng pagkain, after nito hahanapin ko na ulit si Andrei.” Kahit na may laman ang bibig ko ay sumagot ako sa kanya. Patuloy naman ako sa pag-nguya habang naghihintay kong sumagot si Jen. Narinig ko ang malalim na paghinga niya.

“Nasaan ka ngayon? Pupuntahan ka namin nila Ara. Don’t go too far.”

“Ha? Hindi na, kayo na lang ang pupuntahan ko.” Hindi na naman nagpumilit pa si Jen na sila ang pupunta sakin. Nakakahiya na rin kasi lalo na’t sobra ko na silang naaabala.

Nakarating ako madali sa canteen ng school. Sinalubong agad ako ni Jana.

“Are you okay? Gusto mo pang kumain?” Tanong niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Inalalayan pa nga niya ako sa pag-upo ko. Nakakatuwang isipin na sobra nila akong inaalagaan.

“Any news?” Tiningnan ko silang lahat. Nag-iwas ng tingin si Ara sakin. Si Jen naman ay pinagpatuloy na lang ang pagkain.

“You’re creeping me out! What happened?” Sa totoo lang, medyo ginagapangan na ako ng kaba. Kapag kasi ganyan sila na hindi makatingin ng diretso ay may tinatago sila.

Ayaw nilang sabihin sakin, pero nahahalata ko yun. Bakit ba ayaw nilang umimik?

“Cancel your flight.” Sabay tingin sakin ni Jen. Nagulat ako sa sinabi nya or rather utos niya.

Tumawa ako ng bahagya.

“Why would I do that?”

“Non sense. Non sense ang pag-alis mo.” Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Paano niya nasasabing walang kwenta ang pag-alis ko. Anong pinanghuhugutan niya para masabi sakin ang mga ito?

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Место, где живут истории. Откройте их для себя