Chapter 59

102K 1.4K 169
                                    

Jen’s POV

Nagpasya akong umuwi sa bahay nila Mama. Masyado na akong nahihirapan sa sitwasyon ko, at nasasaktan na rin ako sa binibitawang salita ni Andrei. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, kung andito lang sana ang mga kaibigan, siguradong matutulungan nila ako at mabibigyan nang payo.

Dumaan muna ako sa isang fastfood na malapit sa bahay namin. Naisip kong pasalubungan ang dalawa kong kapatid pati na rin sila Mama.

“Meal C at apat na BFF fries.” Nag-order ako nang favorite na food nang mga kapatid ko.

“Dine in or take out, Ma’am?”

“Take out.” Ngumiti ako sa babaeng nasa counter. Habang inaayos niya ang aking order, may pumukaw sa aking atensyon.

“Shut up, Jana! Hindi natin pwedeng ipaalam kahit kanino kung nasaan si Jess. Hayaan na muna natin siya at palakihin niya nang maayos si Alexis! At wala na dapat tayong problemahin kasi alam naman ni Tito Rafael kung saan namamalagi si Jess.”

“I know, pero hindi ba dapat bigyan ni Jess nang pagkakataon na magpaliwanag si Andrei at Jen. Isa pa namimiss ko na rin si Jen eh. We’ve been avoiding her for too long.”

Agad akong lumingon sa aking kaliwa kung saan nanggaling ang mga boses na narinig ko. Alam na alam ko na sila Jana at Ara ang nag-uusap. At hindi nga ako nagkamali, sila nga itong dalawa. Paglingon ko sa kanila ay saktong lingon din nila sa akin.

Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Basta ko na lang silang nilapitan at yinakap nang sobrang higpit. Tila naging estatwa ang aking mga kaibigan, dahil hindi sila agad nakagalaw. Tumulo ang mga luha ko nang tiningnan ko sila.

I really need my friends right now!

“Jen.” Kitang kita ko ang lungkot sa mata ni Jana. Lalong pumatak ang aking mga luha nang yakapin ako ni Jana.

“You bitch! I miss you!”

Hindi ako nakaimik at tumango lang ako habang yakap-yakap niya ako.

“You have so many explanations to –“ Naputol ang pagsasalita ni Jana nang tinawag ako ng babae sa counter kung saan ako nag-order.

“Excuse me, Ma’am. Ito na po yung order niyo.” Kinuha ko naman agad ito at hinila na ako nila Jana at Ara palabas nang fastfood. Hindi pa sila nakaka-order pero alam kong mas importante ang magiging pag-uusap namin ngayon.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi.

“Where are you going?” Mataray na tanong sa akin ni Ara.

“Home, bumili lang ako nang pasalubong para –“

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now