Chapter 12

211K 1.4K 27
                                    

Bumalik kami ng school ni Andrei after ng lunch. May aasikasuhin pa ako para sa meeting and I do believe na may klase pa rin siya. I forgot to ask more bout himself. Nakakagulat nga na schoolmate kami. But I don't know his course.


Madami ang population ng engineering dito sa DMU. Halos one-fourth yata ng mga estudyante dito sa school ay engineering ang kinukuhang kurso. Marami naman talagang may gusto may engineering kahit mahirap. Kaya sa gym gaganapin ang meeting.


"Sir, ready na po tayo para sa meeting." Sabi ko sa Dean ng Engineering, si Engr. Cabatay.

Nakahilera ng maayos ang mga upuan. Ang sound system na gagamitin ay maayos na rin. Isa-isang nagdatingan ang mga estudyante. Karamihan sa kanila ay sa bandang likod umupo kaya bakante ang mga upuan sa unahan.


"Sige, simulan na natin once dumami na lahat estudyante. Para madaling matapos ang meeting natin."


Instead na ako ang nagsimula, pinaubaya ko na sa President ng Engineering Department ang meeting na ito. Baka masabihan pa akong bias sa kapwa department ko kung ako ang magpapaliwanag. Pinaliwanag ko na ang mga dapat i-point out nya na sobrang importante na malaman nila. Sinabihan ko na lang siya na kung may tanong na hindi niya alam, saka na lang ako magsasalita sa harap. Umupo ako sa bandang harapan kasama ang iba ang Engineering dept. officers at ilang mga professors.


Isa sa agenda ng meeting na ito ang nalalapit na foundation week ng DMU. Sa week na ito, nakalaan ang tatlong araw na competisyon ng iba't-ibang department, IT, Educ at kung anu-ano ang department na kalahok. Isa sa mga pinaghahandaan ay ang cultural competition. May vocal solo at flash mob.


College of Business Administration ang mahigpit na kalaban ng Engineering Department.


Nagsimula ang meeting sa isang maikling opening remarks ng Dean. Sa speech nito, ay halata mong palaban at handa muling manalo.


"I will give the time to Mr. Jordan to discuss more about the upcoming event." Umupo si Dean at pumalit sa kanya si Jordan, ang President ng Engineering.


"Good afternoon. This will be brief you everyone will listen." Tumahimik nang bahagya ang buong gym.


"This coming September, magaganap ang inaabangan ng buong university. Maraming kompetisyon na dapat paghandaan at dapat pagkagastusan. Unang agenda ko ay ang ating pagkakaisa. Upang maipakita na iisa tayo, we have this Organization Shirt. Everyone is expected to order and your payments will be received by the Treasurer of each class or major. Nagdesign ang isa sa mga officer ng shirt, at naaprobahan naman ito ng mga faculty." Pinakita ng officers ang sample shirt na naghahalagang 350. Isa siyang simpleng polo shirt na may kulay puti, yellow at gray na collar.


Sunod na pinag-usapan ang mga kompetisyon na lalahukan. May nagtanong kung ano ang magiging paraan ng pagpili ng mga participants. Tumingin sa akin si Jordan. Sa tingin niya pa lang, alam ko ng humihingi siya ng tulong sa akin. Tumayo ako.


"Good afternoon, everyone. For the selection of the participants, napag-usapan namin ni Dean and the rest of the faculty, that there will be an audition proper..." Natigilan ako nang may makita akong familiar na mukha sa mga estudyante. Kumunot ang noo ko at nakita ko siyang nakatitig sa akin habang pinaglalaruan niya ang lower lip niya. I pause for a moment.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Kde žijí příběhy. Začni objevovat