Chapter 63

83.9K 1.3K 151
                                    

Jen’s POV

Nabigla ako sa biglang desisyon ni Tita. Paanong ganun kabilis ang lahat? Kakarating lamang namin pero agad-agad ay ipupunta si Andrei sa Amerika para ipagamot.

“Tita, bakit naman po biglaan? We can wait until he –“

“I can’t wait, Jen! I need to save my son! You know that.” Tinalikuran ako ni Tita Laila at nagsimula ulit siyang magpipindot sa kanyang cellphone. Napaupo ako at nasapo ang aking noo. Ganito na ba kalala ang lahat? Ganito na ba kalala na wala na akong magagawa upang mapagtagpo ang dalawa na importante sa akin?

Nagsimulang mamasa ang aking mga mata. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Naramdaman ko na hinahaplos ni Lola ang aking likuran. Nilingon ko siya at sinabi niyang, “Malapit ang chapel dito, manalangin ka muna.”

Nabuhayan ako sa sinabi ni Lola. Tiningnan ko si Kuya Marco at tumango lang siya sa akin. Naramdaman kong sinusundan niya ako papuntang chapel. Hindi ko siya nilingon habang naglalakad ako. Pero bago kami makarating sa chapel ay hinila niya ang braso ko.

Tinitigan niya ako na tila naghahanap siya nang sagot.

“Tell me what’s happening to Andrei!” May diin ang bawat salita nitong binibitawan.

“And don’t tell me na wala ka sa lugar para magsabi, dahil ikaw lang ang maaari kong pagtanungan ngayon. I can’t ask her mom!”

Huminga ako nang malalim.

Umupo kami sa bench sa labas ng chapel.

“I lied. Ang sabi ko kila Ara at Jana, cancer ang sakit niya. But I lied. I lied to them Kuya Marco para malaman ko kung nasaan si Jessica. Pero nabigo ako! Hindi nila sinabi sa akin.”

“What do you mean? Naguguluhan ako.” Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha niya.

“Puso. Puso ang laging problema nang tao. Pero sana ang kay Andrei, simpleng heartbreak lang. Yung kinabukasan, next week or next month, magaling na yung puso niya dahil heartbreak lang naman. Pero hindi. Andrei has Arrhythmias, ventricular tachycardia to be exact.”

“What? Anong sakit yun?” Nagkibit-balikat na lang ako.

“I am not a doctor but as far as I know the heart beats too quickly that it cannot effectively pump blood. It is a serious but uncommon condition.”

“Saan nakuha ni Andrei ang sakit niya?”

“To the mother of her mom, Lola niya. That is also one of the reasons kung bakit gustong ipalaglag ni Andrei si Alexis noong una. Dahil natatakot siya na makuha nang bata ang sakit niya. Kapakanan ng anak niya ang iniisip niya noong mga panahong yun, health condition of the baby.”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now