Chapter 9

225K 1.3K 37
                                    

Dumating ang linggo at naalala ko ang ipinangako kong pagsama kay Henry para sa isang dinner. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero mas mabuti na rin siguro ito para matapos na ang lahat. Matagal na naman tapos, ang kailangan ko lang ay paliwanag!


Henry texted me na susunduin niya ako bago mag-alas sais. Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba. Nakita kong nasa salas si Daddy habang nagbabasa ng newspaper. Lumapit ako sa kanya at humalik.


"Good morning, dad. I miss you..." Kahit na magkasama kami ni Daddy sa bahay ay hindi ko maiwasang mamiss siya. Hanggang sabado ang trabaho niya at tuwing linggo lang kami nagkakasama ng matagal sa bahay. Parati rin kasi siyang ginagabi sa pag-uwi dahil sa trabaho. My dad runs our own company. Nagsu-supply kami ng iba't-ibang furniture sa mga condo unit and towers. My Dad is an Architect, architect Melvin Santos. Hindi pa ganoon kalaki ang kompanya ni Daddy, pero kilala na ito bilang isa sa mga good supplier.


"Any plans for today, princess?"


"Mamaya pa po. Dinner with Henry." Napatigil siya sa pagbabasa ng newspaper at bumaling siya sa akin.


"Henry? I thought... you two broke up? Are you getting back together?" Inakabayan ako ni Daddy. Legal ang relasyon namin ni Henry kay Daddy. Kilala siya nito dahil dito sa bahay nanligaw noon si Henry sa akin.


"No... may pag-uusapan lang kami." 


"Okay. Would you like to go with me? I'm gonna visit your mom, kinda missed her." Excited akong tumango kay Daddy. Nagligo ako at nagbihis ng madalian. Para sa akin ayaw kong pag-antayin si Mommy sa pagdating namin.


Dumaan muna kami ni Daddy sa isang flower shop. Mabuti na lang at maganda ang panahon ngayon. Panata namin ni Daddy na bumisita dito sa puntod ni Mommy thrice a month. Hindi ko man matagal na nakasama si Mommy pero sobra ko siyang mahal at miss na miss. 


Kumain kami ni Daddy sa paborito namin karinderya. Hindi kami madalas kumain sa mamahaling restaurant kapag kami ni Daddy ang magkasama. Mas gusto niya kasi yung mga lutong bahay dahil sabi niya namimiss niya ang mga luto ni Mommy. 


"Be sure, you'll be home before 9pm. Or else, susunduin kita doon." I know my dad's kidding about his last statement. But for sure I'll be home before 9. Humalik ako sa pisngi niya at tumalikod para pumunta sa kotse ni Henry. Ngunit napabalik ako ng makita kong papalapit si Henry sa kinatatayuan ni Daddy.


"Tito..." Kumamay siya kay Daddy at ngumiti.


"9pm okay?" Natawa ako sa pagiging awtoridad ni Daddy. Noon pa man ay ganito na siya noong kami ni Henry. Laging may curfew.


Oh great, Jess! Bakit mo ba binabalikan ang mga panahon na kayo pa?


"Yes po. Uuna na po kami..." Paalam niya.


"Bye, dad." Naglakad kami sabay ni Henry habang inaalalayan niya ako. He's wearing a denim longsleeve shirt. Pero nakatupi ito hanggang sa siko nito. Samantalang ako ay naka simpleng lace dress lang na kulay puti. Above the knee ito ngunit hindi naman ganoon kaikli. Nagdala na rin ako ng cardigan dahil sleeveless ang suot ko.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें