Chapter 6

229K 1.4K 15
                                    

Nang makaalis ako sa lugar ng lalaking iyon, agad akong nagdiretso pauwi sa bahay namin. Alam kong sa mga oras na ito ay wala na akong aabutan sa bahay namin dahil nasa trabaho na si Daddy. Malamang ay si Manang ang sasalubong sa akin.


Laking pasalamat ko ng hindi na nagtanong pa si Manang sa akin kung saan ako natulog kagabi. Ngumiti lang siya sa akin at nagdiretso naman ako sa kwarto ko.


"Shit!" Napamura ako ng matandaan kong may meeting nga pala akong pupuntahan. I checked at my phone. And goodness! 50 messages from Jen.


'Best! San ka na?'

'Kanina pa naghihintay ang S.A (student association) dito sa meeting mo'

'WTF! Where are you?'

'Answer my freaking call'

Hindi ko rin napansin ang labing anim na missed call galing sa kanya. Kaya naman dali-dali na akong naligo, nagbihis at nag ayos ng sarili. Inis na inis ako sa sarili ko dahil hindi ko naalala ang meeting ngayon. Bakit ba kasi nakalimutan kong may meeting kami? Next time talaga hindi na ako sasama sa barkada kung bar din lang ang pupuntahan! Ibang-iba ang epekto nito, na kahit ang pagtulog na hindi ko kilala ang katabi ay magagawa ko na. Imagine, it was the first time!


Bago ko paandarin ang sasakyan ko, tinawagan ko muna si Jen. Wala pang limang ring sinagot na niya ang tawag ko.


"God! Finally. Where are you?" Bungad na tanong niya saken.


"I'm on my way. Wait for me, 10 minutes and I'll be there." Ipinasok ko ang susi ng kotse ko at saka ko inistart ang makina.


"Are you driving?" Tanong niya.


"Not yet. Paalis pa lang ako ng bahay." Sinimulan kong imaniubra ang manibela para makaalis ako sa parking.


"Be careful. Kailangan mong magmadali, pero safety first." Paalala sa akin ni Jen bago niya tinapos ang tawag.


Habang nag drive ako papunta sa school, naalala ko ang isang masungit na si Jen.

Jenna Leigh Narvaez. She's our S.A. secretary and my bestfriend too. Ayaw niya talagang tumakbo noon bilang secretary or kahit anong posisyon pero napilit ko siya. Since marami akong hawak na posisyon form different club, nagprisinta siya saken na siya na daw ang mag aayos at magpapaalala ng mga meetings ko. Nung una tumanggi ako. Ayaw kong sabihin ng iba na ginagawa kong alalay or PA ang sarili kong betfriend. Pero mapilit ang isang Jen na kilala ko.


Nang makarating ako sa school ay dali-dali kong nilakad ang distansya patungo sa conference room. Hinanap ko na rin ang cellphone ko para itext si Daddy tungkol sa hindi ko pag-uwi kagabi. Sigurado akong nag-alala siya.


Humingi ako ng paumahin sa kanila dahil sa matagal nilang paghihintay sa akin.


"I'm so sorry. I'm so late.."


"What else can we do?" Mataray na sagot saken ni Jen. Palibhasa bestfriend ko kaya nasasagot sagot ako. Siya lang nagmataray sakin!


Katulad ng isang business meeting, we start formally. Marami kaming agenda na napag usapan at isa na nga dun ang foundation week on 2nd week of September. Kahit matagal pa siya, since kakaumpisa pa lang ng July, nagstart na kaming magplano for the school's celebration. Inayos na rin naming ang magiging budget namin at kung paano kami makaka-raise ng pera. May pera naman ang Student Association na bigay ng school, pero alam kong hindi iyon sapat lalo na't ang daming estudyante ng school namin kahit private ito.


Sa kalagitnaan ng meeting ay naramdaman ko na naman ang sakit ng ulo ko. Hinilot-hilot ko ito habang nakapikit. Muli kong naalala ang tagpo kanina. Shit and damnation! Hinding-hindi na talaga ako uulit.


"Meeting adjourned." Sabi ko matapos ang mahaba habang usapan for the foundation week. Nag-alisan na rin naman sila isa isa. Nakahinga ako ng maluwag after ng meeting. Pinikit ko ang mata ko at hinilot ng unti ang ulo ko. Hang over! Damn!


"Jess!" tawag saken ni Jen. Jess ang tawag sakin upang maikli lang daw.


"Oh? Bakit?" Minulat ko ang mata ko at tiningnan si Jen.


"Anong 'oh bakit'? Saan ka nanggaling kagabi? Bigla ka na lang nawala sa Bar. Alam mo bang tarantang-taranta na kami kakahanap sayo? We were calling you pero ring lang ng ring ang phone mo! Nagphone ka pa!" Gigil na gigil si Jen habang nagsasalita. I know it's my fault. I've reckless to my actions to the point na hindi ko na-control ang sarili ko sa pag-inom.


"I'll tell you the whole story later. Pagpahingahin mo muna ako. Sorry, hang over!" Yumuko ako at muling pumikit.


Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko nang maalala ko kung saan ako nanggaling kagabi. Sobra akong nakahinga nang maluwag ng marealize kong walang nangyari sa amin.


"Okay. Sige na. I gotta go to my class. Buti ka mamaya pang hapon ang class mo. I'll see you later." Paalam saken ni Jen with matching beso beso pa. I sigh as a relief. All I need now, is full silence. Ayaw ko muna na tanungin ako nang tanungin dahil mismong sa sarili ko ay hindi ko alam ang isasagot.


Bumalik na lang ulit ako sa parking area para mapuntahan ko ang sasakyan ko. Uuwi muna ako at magpapahinga. Mamaya pa namang 1pm ang class ko. While on my way home, I decided na magdrive thru na lang sa MCDO for my lunch. Hassle kung magluluto pa ako tapos magpapahinga. Kulang sa oras. Ayaw ko namang paglutuin pa si Manang dahil siguradong ako lang naman ang kakain.

Pakarating ko sa bahay namin, kinain ko ng madalian ang tinake out ko. After nun ay nagderetso na ako sa bedroom ko sabay higa ng bonggang bongga. Kelangan ko ng tulog dahil mamaya pagkarating ni Daddy ay mag-uusap kami. Kahit na alam niyang kasama ko si Jen, alam kong hindi nawala ang pag-aalala niya. Dahil ang paalam ko sa kanya ay uuwi ako.


I feel so tired and exhausted! I close my eyes and sleep. But then as I close my eyes, the face of the stranger appeared.

HIS EYES.

HISNOSE.

HIS HAIR.

HIS LIPS.

HIS HUGS AND KISSES

AND DEFINITELY, HIS SMILE.


Agad akong nagmulat at umiling. Feeling ko ang dumi-dumi ko ng babae dahil sa pumayag ako sa mga halik niya pero alam na alam ko naman na walang nangyari sa amin! Wala talaga, as in wala!


I'm so curious right now.

Sino ba ang lalaking iyon? Ito lang ang tanging tanong sa aking isipan.


Nothing more, nothing less.

-----
Author's Note

Please do FOLLOW, LIKE and SUBSCRIBE to my social media accounts, I am now a married woman. Kaya if you would like to know more about me and my little family (may baby na ako hihi) please SUBSCRIBE to our YOUTUBE CHANNEL.

Youtube: Team Abanggan TV
FB: Team Abanggan TV
IG: delphanie16
Tiktok: @teamabanggan

Personal Account:
FB: Delphanie WP
IG: delphanie16

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now