Chapter 66

84.3K 1.5K 236
                                    

“What? I can’t go.” Ito agad ang sagot ko kay Ara nang matanggap ko ang isang balita.

“Sinasabi ko lang naman sayo. Invited tayo, alam mo naman favorite student tayo ni Sir Gelo, at tinutupad lang niya ang pangako niya na iimbitahan niya tayo sa kasal niya.”

After so many years, sa wakas ikakasal na si Sir Gelo! Ang balita ko ang tagal nitong na-engage sa kanyang girlfriend. Hindi ko alam kung bakit natagalan ang pagpapakasal. Hindi ko lang aakalain na malaki na si Alexis saka pa magpapakasal si Sir.

“I really can’t. Birthday ni Alexis ang date na yan, remember? And merong konting salu-salo.” Nanlaki ang mata ni Ara. Siguro ay hindi niya rin naalala ang birthdate ni Alexis.

“Oh my! Oo nga pala! But no worries, hindi naman kita pipilitin. Gusto lang talaga ni Sir na imbitahan ka. So, sige na aalis na ako at may date pa ako! Bye!” Nagbeso-beso kami bago siya tuluyang umalis.

Ilang araw na lang ang birthday na ni Alexis. Hindi naman magkakaroon kami nang magarbong handaan, simple lang ang magiging salu-salo. Siguro sa ika-7th birthday na lang niya kami maghahanda nang madami.

Napaisip ako, ano na naman kaya ang isasagot ko sa kanya kung sakaling hanapin niya ang kanyang Daddy sa araw nang birthday niya? Wala kasi birthday na lumulipas na hindi niya tinatanong si Andrei. Maliban na lamang noong one year old siya.

“Mommy, I wanna wear this on my birthday. So that Daddy will be impressed!” Sobrang laki nang ngiti ni Alexis. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

Sa huli, tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.

  

“Yehey!” Patalon-talon si Alexis nang umalis siya sa harap ko.

Palaging ganito ang scenario naming mag-ina kapag malapit na siya mag-birthday. Lagi siyang titingin nang mga fairy dresses at ipapakita sa akin. 

Nagulat na lang ako nang biglang may magsalita sa aking likuran.

“Gaano mo katagal lolokohin ang anak mo? Lumalaki na siya at nagkakaisip, hindi habang buhay na maitatago mo sa kanya ang katotohanan.” Lumingon ako kay Daddy na nakatingin sa isang masayang Alexis.

“I don’t know.” Mahinang sagot ko.

“Pinapaasa mo ang anak mo, Jessica!”

“Dahil hanggang ngayon Dad, umaasa pa din ako!” Natigilan si Daddy. Kumunot ang noo nito.

“Umaasa na sana panaginip ang lahat! Umaasa na magigising ako sa umaga na katabi ko si Andrei, yun naririnig ko ang tibok nang puso niya at bawat hinga niya! Daddy, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na kahit anim na taon na ang nakakalipas, ay buhay siya! Ang – ang sakit kasi! Dito oh!” Tinuro ko ang kaliwang bahagi nang dibdib ko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Anim na taon na ang lumilipas pero parang kahapon lang ang lahat nang sakit. Parang kahapon lang ang lahat nang nangyari.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Onde histórias criam vida. Descubra agora