Chapter 67

82.1K 1.6K 226
  • Đã dành riêng cho caasoy
                                    

(twitter&IG: @delphanie16)

Tatawa-tawa kaming lumabas ni Luke sa sasakyan niya. Kung anu-ano na lang ang sinabi nitong joke hanggang sa napalayo na kami sa aming topic which is kidnapping my daughter.

“Shizz! Hindi ko pa nadala ang regalo ko kay Sir.” Sana pala dinala ko na ito para isang bigayan at punta na lang. Pero biglaan nga pala ang pagpunta namin dito.

“Na-kidnap ang anak mo ng mga kaibigan mong may sira sa ulo kaya hwag ka nang manghinayang na hindi mo nadala ang regalo mo.”

Inakbayan ako ni Luke habang papasok kami sa function hall. Nagsasabi pa ito nang joke at sobrang benta talaga nito sa akin. Hindi na ako makaimik kakatawa sa mga joke niya. Masaya ako dahil naging kaibigan ko si Luke. Alam kong may parte sa aming pagsasamama noon na hindi maganda, but who cares? Basta ngayon, magkaibigan kami.

Marahil iniisip niyo na sayang kaming dalawa, sayang dahil ikakasal na si Luke sa iba, at sayang hindi kami ang magkakatuluyan. Pero ito talaga siguro ang tadhana! May kanya-kanyang taong nakalaan para sa bawat isa. May makilala man tayo, makarelasyon pero nauwi sa wala, marahil sadyang hanggang dun na lang yun dahil may ibang nakalaan para sa atin! Sadyang dumaan lang sila sa buhay natin para makilala natin ang tamang taong nakalaan para sa atin.

Nagtaka ako kung bakit hindi ganoon kaingay sa function room. Tila walang tao. Marahil tapos na ang program at nag-uuwian na ang mga bisita.

“Wala na agad na bisita?” Tanong ni Luke. Nagkibit-balikat na lang ako bilang tugon.

Bakit parang unti-unting humihina ang tibok nang puso ko? Pati ang paghinga ko ay tila bumagal. Napansin ito ni Luke at tinanong niya ako kung okay lang ako. And I said yes. Pero kahit ako ay nagtataka kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Uunti-unting binuksan ni Luke ang pinto nang function hall. Tiningnan ko ang kulay asul na carpet na nakalatag sa sahig bago ako tumingin sa harapan.

Nang tumingin ako sa aking harapan, nalaglag ang aking panga sa sitwasyong aking naabutan. Nanlamig ang buong katawan ko. Naramdaman ko na lang na biglang nawala ang pagkakaakbay sa akin ni Luke. Unti-unting namasa ang aking mga mata.

“Gorgeous, do you wanna meet your Daddy?” Nakaluhod si Jen sa harap ni Alexis. At sa unahan nila ay isang tao na hindi ko aakalain na andito. Malayo ang kinatatayuan nila Jen sa taong hindi ko inaasahan na andito. Pero kitang-kita ko ang paninitig nito kay Alexis.

Nang makita kong tumango ang aking anak ay naglaglagan ang aking mga luha.

“Yes Tita Ninang! Are you going to grant my wish?” Masayang tanong ni Alexis. Tumango lang si Jen at pinunasan ang kanyang mga luha.

“You know your Dad, right?” Tanong ni Jen. Tumango lang si Alexis at ngumiti rito habang patuloy naman sa pagpatak ang aking mga luha.

“Good pretty. Now, I want you to look for your Daddy in this room. I wanna test if you really knew him!”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ