Chapter 70

83.4K 1.5K 134
                                    

Tanghali na nang makarating kami ni Andrei sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Nilibot ko ang aking paningin at tunay na namangha ako sa kagandahan ng lugar. Para kaming nasa ibang bansa sa ganda ng buong paligid ganun din ang structure ng building nito.

“Wow!” Mahina kong sabi. Napatingin ako kay Andrei nang itinigil niya ang sasakyan.

“Welcome to Thunderbird Resort. Baby, we’re in La Union.” Matapos niya itong sabihin at bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Muli kong inilibot ang aking paningin at sadyang pinahanga ako ng lugar na ito. Sa green land nila, pool hanggang sa building nila na tila pang Greece ang style, sadyang mapapanganga ka sa ganda. Kung pagmamasdan mo nga, ay parang nasa Greece ka na.

Natigil na lamang ako sa pagmamasid nang maramdaman kong hinawakan ni Andrei ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang ngiti niya.

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, “Mas mamamangha ka sa suite natin. So let’s go?”

Hinampas ko na lang siya ng mahina. Paano na lamang kung may nakarinig ng sinabi niya? Tunay na nakakahiya!

Lalo akong humanga sa buong lugar ng makapasok kami sa tila hotel or accommodation area nito. Everything is perfect! Paano nalaman ni Andrei ang lugar na ito?

“How’d you know this amazing place?” Tanong ko sa kanya matapos naming makuha ang card for our room. Naglakad kami patungo sa aming suite.

“I’m planning to have our honeymoon in Greece, but since we can’t leave Alexis for too long, naghanap ako ng lugar dito sa Pilipinas na parang Greece. And here we are! The finest and and only five star hotel in Northern Philippine Region!”

Agad na binaba ni Andrei ay ilang gamit namin matapos niyang buksan ang suite namin. Sa aking obserbasyon, mahal ang isang gabi dito sa lugar na ito lalo na nang makita ko ang suite na kinuha ni Andrei para sa aming dalawa.

Nakita kong nakapikit si Andrei. Halatang pagod siya sa pagmamaneho. Mahigit tatlong oras din yata kaming naglakbay. Humiga ako sa tabi niya at yinakap siya.

“I love you.” Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman agad ang yakap niya sa akin.

“You wanna take a rest first?” Paglalambing ko.

“No. Let’s go outside?” Tumayo kaming pareho ngunit nagsabi ako sa kanya na magbibihis muna. Ganun din naman ang ginawa niya.

Unang araw palang namin ito at siguro kailangan ko nang magsimula ng pagtatanong kung ano ang buong nangyari sa loob nang halos anim na taon. Ngayon, handa na akong makinig. Hindi yung tatakbuhan ko na lang basta.

Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng suite namin hanggang sa beach part ng lugar. Dahan-dahan kaming naglalakad sa buhanginan.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now