Chapter 24

191K 1.2K 61
                                    

"Mukhang readyng ready ka ng umuwi ah! Naunahan mo pa si Sir na maglabas ng mga maleta natin." Puna sakin ni MJ. Ngayon ang ika-9 na araw namin dito sa Cebu. Kaninang mga 3pm nagclosing program na ang convention. Ngayong alas-singko kami nakaoras na aalis dito sa hotel sa Mactan. Naka-schedule kami ng 6:30pm flight back to Manila. Malapit lang naman ang airport from the hotel.

"Ha? Mabilis lang talaga akong kumilos." Paliwanag ko kay MJ habang binubuksan ko ang cellphone ko. Kakagaling lang kasi nito sa charge.

"Mabilis nga ba? O excited ka lang talagang umuwi?" Nakakalokong tanong niya sakin.

"Sinong hindi mae-excite umuwi? Kahit Cebu lang ito, gugustuhin mo talagang umuwi sa sarili mong bahay."

Nakarating kami sa airport ng eksaktong 6pm. Nagdirediretso na kami sa loob since 30minutes na lang ay aalis na ang eroplano. Sigurado akong wala pang isang oras ay nasa Maynila na kami. Si Daddy ang sinabihan kong sumundo sakin sa Airport. Alam ko namang kakagaling din lang ni Andrei sa flight kaya hindi ko na siya inabala pang sunduin ako.

"Anak!" Salubong sakin ni Daddy nang magkita kami sa Airport. Sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap.

"Dad! I miss you."

"I miss you too, honey! Anong pasalubong mo sa Daddy?" Masayang tanong ni Daddy sakin habang inaakbayan niya ako at isang kamay niya ang may hawak ng maleta na gamit ko.

"A hug? Is that enough?" 

Tumawa si Daddy. "Yakap bilang pasalubong? Hmn! Pag iisipan ko."

Simula't sapol close na kami ni Daddy. Ako ang nag iisang anak nila ni Mommy. Unfortunately, my mom died because of colon cancer. Bata pa ako nun, if I'm not mistaken siguro 9years old pa lang ako nun. May kapatid sana ako kaya lang nung time na pinagbubuntis na siya ni Mommy, ay siya namang pagkamatay nito. 

Simula nun, kami na lang ni Daddy ang magkasama. Lumaki ako sa kanya. Kahit may work siya, lagi nyang sinisigurado na may oras siya para sakin. Hindi yan aattend ng mga meeting makarating lang sa recognition at graduation ko nung elementary.

Kumain kami ni Daddy sa malapit na restaurant sa bahay. Nagkwentuhan kami saglit habang kumakain. Lahat ng nangyari ay nakwento ko. Nakarating kami sa bahay ng mga 9pm. Nagdiretso agad ako sa kwarto ko to rest. Agad akong humiga sa kama at sinilip ang phone ko. Bumungad sakin ang wallpaper ko na kasama si Andrei.

Napabalikwas ako at agad na bumangon. Nagbihis ako ng simpleng damit at bumaba ako para magpaalam kay Daddy.

"Oh kakarating mo lang aalis ka na agad? At gabi na, san ka ba pupunta? Ihahatid na kita?"

"Dad, kila Andrie lang. Nakalimutan kong ngayong araw din palang ito ang uwi niya. Kaya ko na po. Magkokotse na lang ako. Bye daddy!" And I kissed him o the cheeks and bid goodbye.

Nagdere-deretso ako kung saan nakapark ang kotse. Agad ko itong pinaandar at nagtungo sa condo unit ni Andrei. Gabi na nga, bukas na ang mga ilaw sa kalsada. Iba't ibang kulay idagdag mo pa ang makukulay na billboard. HIndi na rin ganun kadami ang sasakyan sa labas. Hindi na ganun katrapik. 

Mabilis kong tinungo ang condo unit ni Andrei. Sa elevator pa lang sobrang naeexcite ako na parang kinakabahan. Parang ang sobrang tagal naming hindi nagkita. Nasasabik ako sa muli naming pagtatagpo.

Pagkatapat ko sa pintuan ng unit niya, ay siya namang paglabas ni manang.

"Iha!" 

"Manang! Gabi na ah!"

"Oo nga eh, ginabi na ako dito. Sobrang dami ko kasing nilinis. Pasok ka. Gising pa si Andrei, naliligo lang. Uuna na rin ako at iniintay na ako sa mansion." Paalam sakin ni Manang,

"Sige po. Ingat kayo." 

Matagal ng kasambahay si Manang sa mansion nila Andrei. Alam ko simula elementary si Andrei ay andun na siya. Siyang nag aalaga kay Andrei. Pumasok na ako sa unit ni Andrei. Walang tao sa salas kaya pumasok na ako sa kwarto niya.

"Manang okay na po pwede na --" Naputol ang sinasabi ni Andrei ng ako ang makita niyang kaharap niya. Kakalabas lang nito sa banyo at busy sa pag pupunas ng kanyang buhok kaya hindi nito agad ako napansin. Isang tuwalya lang ang nagtumataklob sa katawan niya, sa lower part.

"Andrei~" mangiyak ngiyak kong bati sa kanya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Parang hindi agad siya nakareact sa pag yakap ko pero niyakap rin naman niya ako pabalik.

"I miss you, Drei." bulong ko sa kanya.

"I miss you too, baby. Tama na ang yakap ay nabubuhay si junior." Napabitaw ako ng yakap sa kanya. Oo nga pala, nakatowel lang siya.

"Bastos!" singhal ko sa kanya. Hinila niya ako at niyakap muli.

"Eh anong gagawin ko, nabubuhay talaga siya dahil sayo." mahina ngunit malambing niyang sabi sakin. Idiniin niya pa ang lower part niya sa katawan ko.

"ANDREIIII!" Sigaw ko sa kanya. Ikinulong niya ang aking mukha sa kanyang mga palad. Hinawakan niya ang aking mata, pababa sa ilong hanggang sa aking mga labi. Napapikit ako ng hawakan niya ang aking labi.

"Drei~~" mahinang sambit ko. "Damn!"

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now