Chapter 49

140K 1.4K 133
                                    

Ayaw!

Sawang sawa na ako sa salitang yan! Ipaparamdam na naman ba niya sakin na ayaw niya sa anak ko, anak niya? Akala ko tapos na ang lahat? Bakit may ganito na namang sitwasyon?

“What do you m-mean?” Pilit kong itinatago ang panginginig ng aking boses. Ayaw kong mahalata niya ang takot na namumuo sa aking puso pati na rin ang kaba. Ayaw kong malaman niya na nanghihina ako dahil sa sinabi niya. Simple lang ang binitawan niya, pero para sakin ay napakalakas ng impact nito.

“Ang hirap. Parang pati ako nahihirapan nung nanganganak ka.” Hinawakan ni Andrei ang kamay ko bago niya ako hinalikan sa noo. Tila tumigil ang aking paghinga kakahintay sa kanyang sagot. This should be good!

“Nung nakikita kong hirap ka na, parang gusto ko ng itigil ang lahat at akuin yun sakit at hirap na nararamdaman mo. Kahit imposible parang hinihiling ko na sana ako na lang ang nasa pwesto mo. Ayaw ko ng makita kang ganun ulit.”

Nakahinga naman ako sa sinabi niya. Napangiti.

“Part yun ng pagiging babae namin. It makes us complete. Kahit gaano pa yan kasakit, mawawala lahat kapag nakita mo na ang resulta ng paghihirap mo.”

Ngumiti lang sakin si Andrei. Tila matutunaw ako sa paninitig na ginagawa niya. Hinawakan niya ang pisngi ko, ang mata, ilong pati labi. Parang sinasaulo niya ang aking mukha.

“I’m so happy I met you.” Biglang sabi niya.

“Ikaw lang yung minahal ko ng ganito. If one day, I’ll be gone, tell her my name. Tell her that I love her!” Nakita kong namamasa masa ang kanyang mga mata ngunit nakangiti siya.

“Tell her I’m sorry for trying to get rid of her. That was a mistake and I’m sorry –“

“Ano ba yang pinagsasabi mo? Para namang iiwan mo kami.” Malambing kong sabi sa kanya. Umiiling siya.

“I love you so much.” Bulong niya habang nakapikit. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang luhang bumagsak sa kanyang mga mata.

“I love you too, so much.” Hinalikan niya ako sa aking labi.

Ayaw kong mag isip na iiwan niya ulit ako, kami. Pero hindi ito mawala sa aking isipan. Hindi! Maybe it’s his way of saying sorry for everything, especially what happened in the past. Kompleto kami at yun lang ang nais ng puso ko. Siya bilang ama ng anak ko, ako at ang little princess namin.

Kinagabihan ay umunti ang bisita sa room ko. Ang tanging natira lang ay si Daddy at Andrei. Nakahiga si Daddy sa couch habang kami naman ni Andrei ay magkasama sa bed katabi ang princesa namin. Hindi nakuntento si Andrei at nilabas niya ang phone niya. Nag picture siya habang nakahiga kami. At yun ang first family picture namin.

Nais ko sanang itanong sa kanya, kung alam na ba ng mga magulang niya ang tungkol sa anak namin. Pero napanghihinaan ako ng loob. Hanggang sa dalawin na kami ng antok ay hindi na ako nakapag tanong.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz