Chapter 30

182K 1.1K 66
                                    

Miting De Avanze. Ito yung pagtitipon kung saan lahat ng tatakbo para sa SA ay andito. Kompleto ang tatlong partido. Dito mo ilalahad ang plataporma na nais isagawa ng isang partido. I've been doing doing for 2 years at wala pa ring pinagbago ang kaba sa dibdib ko. 

Pinagplanuhan namin ng mabuti ang mga plataporma na ilalahad namin at sinisugurado namin na ito ay makakatulong sa mga estudyante. Lahat ata kami kinakabahan pero dahil sa mga jokes ni Sir Gelo ay nawawala ng paunti unti ang kaba namin.

Ang sabi ni Andrei siya daw ang campaign manager ko at dapat kasama siya kung saan kami pupunta at mangangampaya. Pero ngayong Miting De Avanze pa siya nawala. Ni walang text kung nasaan siya or kung makakahabol pa siya.

"Wala pa rin?" Nilingon ko si Luke. Nakabilog ang team namin for final meeting bago magstart ang Miting De Avanze, nasa backstage lahat ng patido.

"Wala eh." Sumulyap ulit ako sa cellphone ko at nagbabaka sakaling may isang text na naligaw. 

"Tawagan mo na." Ngumiti siya sakin at ibinalik ang tingin sa mga kateam ko. Kahit naman tawagan ko siya hindi siya nasagot. Kaninang umaga ilang beses ko ng tinawagan pero wala. Pag minsan nga out of coverage na.

Arg! Andrei! Magresign ka na bilang campaign manager ko! Kainis!

Inilagay ko na lang ang phone ko sa bag at hindi na muli nagbaka sakaling may text o wala. Sampung minuto na lang at magsisimula na. Inaayos na lang ang set up ng sound system. Halos mapuno na rin ang gym ng mga estudyanteng nais makapanuod at makarinig ng mga plano ng bawat partido.

 

"Okay! Guys! Get ready. Once na tinawag ang name ng team lalabas kayo. At syempre babanggitin ang pangalan niyo isa isa so, mag-step forward kayo. Naiintindihan ba?" Laging ganito ang istruction ni Ma'am Rosa. 

Unang tinawag StudWel Partylist. Ayon sa kanila kaya dae StudWel kasi STUDENT WELFARE. Inilahad nila ang kanilang plataporma. Marami rin silang supporters lalo na nung pinakilala ang Secretary nila, lalaki eh at karamihan ng sumisigaw at babae.

Sunod kaming tinawag. Tinawag kaming UNO partylist. Bakit UNO? Simple lang, pagkakaisa ang tema ng partylist namin. We aim to make students united as ONE. Ipinakilala isa isa ang mga kasamahan ko. From every departments' governor, pataas sa treasurer, auditor hanggang makarating sa Presidente. 

Unang nagsalita samin ang tatakbong secretary.

"Isang magandang hapon sa inyong lahat! UNO bilang pagkakaisa! Ako si --" Mahaba ang sinabi niya tungkol sa pagpapaliwanag ng ibig sabihin ng pangalan ng partylist. Naglahad din siya ng isang plataporma. 

Nang si Luke na ang nagsalita simpleng 'Hi' lang niya, sobrang lakas na ng iritan sa gym. Lalo na nung nagpakilala siya. Grabe lang! Hindi magkamayaw ang mga babae kakairit at kakasigaw ng pangalan ni Luke.

"Okay girls! Relax. Andito ako to present our party. Kanina binigyan na kayo ng aming secretary background tungkol sa aming party. Nagbigay na rin siya ng isang plataporma na isasagawa namin."

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now