Chapter 35

170K 1.1K 164
                                    

Patakbo akong bumababa sa hagdanan ng building naming. Alam kong maaaring may mangyaring masama sa akin at sa anak ko once na madulas ako o magkamali ng hakbang. Pero hindi ko yun ininda, kelangan kong maabutan si Andrei. We need to talk! I have to fight!

Dinala ako ng aking pagtakbo sa parking area ng school. Narinig ko ang isang alarm ng sasakyan kaya agad akong lumingon doon. Tama ang hinala ko, si Andrei nga. Bago pa siya makasakay ng tuluyan ay tinawag ko ng siya.

“Andrei!” Sa lakas ng sigaw ko paniguradong rinig na rinig ito sa buong parking area. Buti na lang at walang tao ngayon dito. Naglakad ako patungo sa kanya habang nakatingin lang siya sakin.

“Anak mo rin ito! Hahayaan mo na lang bang walang makilalang ama ang magiging anak natin? Ano na lang ang sasabihin niya sakin kapag lumaki siya?” Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko.

“You did this! We, actually!”

“No Jessica! Narinig mo na ang desisyon ko. Hindi ako –“

Agad kong pinutol ang sinasabi niya. “Hindi ka ano? Hindi ka magiging ama sa anak natin? Why don’t you consider this! Hindi natin ito ginusto pero nangyari. Hindi ko kayang bigla na lang mawawala kung ano mang meron tayo. Mahal natin ang isa’t isa, diba?” Mas lumapit ako sa kanya at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Nangingilid na rin ang mga luha nito.

“Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko, Jess? Simula pa lang nung nalaman ko na buntis ka, sinabi ko na sayong hindi ako magiging ama ng anak mo! Ayaw ko sa batang iyan.”

Lumapat ang aking palad sa pisngi ni Andrei. Namula ang pisngi nito dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal ko sa kanya.

“Bakit Andrei? Anong dahilan mo at ayaw mo sa batang ito? Mahirap din bang intindihin na anak mo rin ito? Andrei, bakit?” Tumungo ako matapos kong itanong. Itong mga tanong na ito ang matagal ko ng gustong itanong sa kanya. Gustong gusto kong marinig ang dahilan niya kung bakit ayaw niya sa batang dinadala ko. He must give me a valid reason!

“Paano na tayo? Andrei, paano na ako?”

“Gusto mo bang maging maayos tayo?” Akala ko makakarinig ako ng sagot galing sa kanya pero sinagot na ng tanong ang tanong ko. Tiningnan ko siya gamit ang nagtatakang mga mata. Nasaan na ang sagot na nais kong marinig?

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Ano, Jess! Sumagot ka! Wag mo akong titigan na lang dyan!” Yinugyog pa niya ako ng bahagya nang tinititigan ko lang siya.

Hindi na siya, hindi na siya ang Andrei na nagmamahal sakin. Yung Andrei na una akong nakilala. Kitang kita ko yung sa mga mata niya. This is not my Andrei anymore.

Tumango lang ako bling sagot sa kanya. Oo, gusto kong maging maayos kami dahil nagbabaka sakali akong maging okay na din sa kanya ang batang dinadala ko. Baka sakaling matanggap niya na kami. Hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwa kong braso at hinila ako papasok sa kotse niya. Gustong gusto ko ng magreklamo na ang sakit ng pagkakahawak niya sakin ngunit mas pinili kong manahimik.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now