I'm In Love With My Sister's...

By Slowding

386K 5.7K 1.4K

(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o... More

I'm In Love With My Sister's Boyfriend
Update 1
Update 2
Update 3
Update 4
Update 5
Update 6
Update 7
Update 8
Update 9
Update 10.1
Update 10.2
Update 11
Update 12
Update 13
Update 14
Update 15
Update 16
Update 17
Update 18
Update 19.1
Update 19.2
Update 19.3
Update 20
Update 21
Update 22
Update 23
Update 24
Update 25
Update 27
Update 28
Update 29
Update 30
Update 31
Update 32
Update 33
Update 34
Update 35
Update 36
Update 37
Update 38
Update 39
Update 40
Update 41
Update 42
Update 43
Update 44
Update 45
Update 46
Update 47
Update 48
Update 49
Epilogue
Author's Note ♥

Update 26

5.4K 78 21
By Slowding

Happy 10k IILWMSB! Muah muah!



X X X X X X X X X X X X X X X

 

CHARLES' POV

(Waterfront Hotel, Cebu, 11:34 AM)

Nang makarating na ako dito sa hotel kung saan ginaganap ang event, may sumalubong sa akin na isang lalaki at isang babae na I think nasa mid-twenties na.

"Good morning, Mr....." He paused, waiting for me to introduce myself.

"Charles Buenafe from JB Constructions." Sabi ko.

"Oh I see. By the way, this is Heidi," Turo niya sa kasama niyang babae. "..And I am George, one of the organizers of this event. Thank you so much for being here and granting our request."

Ningitian ko silang dalawa. "Nice meeting you and you're welcome. It's my pleasure to be here." Sabi ko sabay tingin sa paligid.

"We already prepared your room. Ihahatid na namin kayo." Sabi ni Heidi

Tumango ako at saka sinundan sila papunta sa magiging room ko. Habang naglalakad kami, inintroduce nila sa akin ang lahat ng nadadaanan namin. Restaurant, bar, pati na rin ang function hall kung saan dinadaos ang event.

After a while, nakarating na rin kami sa room ko.

"Tatawagin na lang namin kayo once magsisimula na ang activities this 1 o' clock in the afternoon. Enjoy your stay Mr. Buenafe," Pagpapaalam ni George sa akin.

"Thank you." Sabi ko sabay pasok sa loob ng kuwarto.

* * * 

JULES' POV

"Environmental sustainability has become a mainstream issue, with profound effect on the architectural profession. Within the past several decades, architects have realized that buildings must take into account their effect upon the environment. Major examples of this can be found in greener roof designs, biodegradable materials, and more attention to a structure's energy usage."

Nakikinig kami ng lectures ngayon dito sa hall ng hotel where we stay in.

Naisipan ko munang magbanyo dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Pre, banyo muna ako sandali." Pagpapaalam ko sa kasama ko.

"Sige." Sagot niya.

Habang nagmamadali ako sa pagpunta sa banyo, may nabangga ako. Nahulog ang suitcase na dala niya at nagkalat ang laman nun kaya tinulungan ko siyang ligpitin ang mga iyon.

"Sorry." Paghihingi ko ng tawad sa kanya.

"It's alright." Sagot naman niya. Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako. Maging siya ay nagulat rin.

"Julius??" Saad niya.

"K-kuya Charles..."

* * *


CHARLES' POV

Pinuntahan ako ni Heidi sa room ko telling me na magsisimula na ang activities this afternoon. This is also the time na maglelecture ako sa mga participants. Nagpuyat pa talaga ako para lang matapos yung speech ko. Si Tito Johnny naman kasi, wrong timing tamarin.

"This way Sir.." Giya ni Heidi sa akin as we entered the function hall.

I can see a lot of people here. Nakaupo silang lahat, listening attentively sa isang speaker na naglelecture ngayon. Nilibot ko lang ang tingin ko sa kabuuan ng hall ng marinig ko si Heidi na magsalita.

"Mr. Buenafe," I raised my hand para pigilan siyang magsalita na siya namang ikinagulat niya.

"Drop the formality. Just call me Charles. Feeling ko kasi matanda ako pag ganun eh. Hahaha."

Natawa rin naman siya sa sinabi ko."I'm sorry Sir-ah, I mean Charles. Nakakahiya naman kasi kung tatawagin lang kita through your first name. But if you insist, sige. Uhm.. I'm sorry to say pero kailangan muna kitang iwan dito. May aasikasuhin muna ako. Medyo nagkaproblema kasi eh."

"It's alright. You need help?" Tanong ko.

"Ah! Hindi na. We can do this. Thanks Charles. By the way, just head this way," Turo niya sa kaliwang parte ng hall. "Makikita mo si George doon. Sige Charles, see you around."

"Okay, thanks." Nang umalis na siya, agad ko namang tinungo ang direksyon na sinasabi niya.

Habang naglalakad ako, nakatuon lang ang atensyon ko sa paligid. Wala masyado ang atensyon ko sa dinadaanan ko. I'm very sure naman kasi na wala akong mababangga--- aray!

Nagsikalat ang mga laman ng suitcase na dala-dala ko. Agad-agad ko namang pinulot ang mga iyon. Mga importanteng papers ang mga iyon. Tinulungan din naman ako nung nakabangga sa akin.

"Sorry." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. "It's alright--" I stopped. I was shocked. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Julius?" Sabi ko nang makabawi ako sa pagkagulat.

Alam kong maging siya ay nagulat din. But he still managed to talk. "K-kuya Charles.."

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin. I didn't know what to do. I didn't know what to say. I wasn't prepared for this. Matagal na panahon na rin kasi mula ng mawala siya sa amin.

Nag-isip ako ng maaari kong sabihin. Pero hindi ko na nagawa iyon dahil may tumawag na sa akin.

"Mr. Buenafe,"

Lumingon ako. It was George.

"Punta na po tayo doon. The bosses would like to meet you." Sabi niya.

I had no choice. Besides, for sure, in the next days nandito pa rin siya. So there are a lot of chances na magkita ulit kami. To patch things up. Sinundan ko si George sa paglalakad.

Lumingon ako ulit para tingnan si Julius pero he's gone.

* * *

JULES' POV

Agad akong lumabas ng hotel at umupo sa isang bench, nakahilamos ang mga kamay sa mukha. Hindi makapaniwala sa nangyari kanina lang.

Yung pagkakataon na matagal na panahon ko ng iniiwasan, nangyari na. Bumalik ulit lahat ng alaala. Bumalik ulit ang sakit. Bumalik lahat...

(4 years ago..)

"K-kuya, tama na yan.. Hayaan mo na sila.. Kuya!!" Patuloy pa rin akong pinipigilan ng kapatid kong si Hannah.

Hindi ko siya pinansin. Patuloy pa rin ako sa pakikipagkarerahan sa mga ungas na yun.

"Pare, Ipahiram mo na muna sa amin yan! Huwag kang madamot! Paliligayahin namin siya. Bwahaha." Sigaw sa amin nung ungas na nagda-drive sa kabilang kotse.

Shit! We need to get away from those bastards. Nakikita kong nakakatakot na si Hannah. Hindi ko hahayaang bastusin nila ang kapatid ko. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil, they're dead!

Binilisan ko pa ang pagda-drive. Nakikita ko na nakakapit ng mahigpit si Hannah sa braso ko. Ramdam ko ang panginginig niya.

"K-Kuya, tama na.. P-please slow down!!!!" Naiiyak na saad niya.

Their car is still next to us. Binabangga-bangga rin nila ang kotse namin. Binilisan ko pa ng binilisan ang takbo ng kotse ko. Pero nang makarating na kami sa intersection,

May biglang dumaan na ten-wheeler truck.

It's too late.

"KUYA!!!!!!! AAAAAAAAH!!!!"

Ang tunog ng mga nabasag na salamin ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.

Ako lang ang nakaligtas. Dead on arrival si Hannah.

Hindi man direktang sinasabi ng pamilya ko, pero ramdam ko na galit sila sa akin. Ramdam ko na ako ang sinisisi nila. Ako ang dahilan kung bakit nawala sa buhay namin ang aming tanging prinsesa.

Ang dating pamilyang masayang magkakasama at nagmamahalan, napuno na ng kalungkutan. Naging malamig ang pakikitungo nina Mama at Papa sa akin. Kahit si Kuya Charles.

I felt rejected. Feeling ko nag-iisa ako. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Sana hindi ko na lang pinatulan yung mga ungas na yon para sana buhay pa si Hannah... para sana masaya pa rin ang pamilya ngayon.

Hindi ko na nakayanan at pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Napagdesisyunan ko ng umalis sa bahay. Lumayas. Tumakas palayo. Alam ko rin naman na hindi nila ako hahanapin.

Humingi ako ng tulong sa ilang mga kaibigan, pero wala.

Naisipan kong humingi ng tulong sa ilang kamag-anak, pero hindi ko na lang din itinuloy.

Ilang araw akong pakalat-kalat sa lansangan. Walang mapuntahan. Halos mabaliw na ako sa depression at sa lungkot. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Naisipan kong magpakamatay.. pero may nagligtas sa akin mula doon.

Sina Nanay Mildred at Tatay Rogelio.

Nakita ako ni Nanay at Tatay sa pagkakataong iyon - handa ng ialay ang kaluluwa kay Kamatayan na naghihintay sa malaking ilog.

Pinigilan niya ako at inilayo sa lugar na iyon. Dahil walang anak, naisipan nilang kupkupin ako.

Mula noon, sila na ang itinuring kong nanay at tatay. Ang bago kong pamilya. Ang pamilya na nagparamdam sa akin ng pagmahahal at mainit na pagtanggap. Kahit hindi nila ako kadugo, itinuring pa rin nila ako na parang tunay nilang anak.

Pinalitan ko na rin ang apelyidong Buenafe. Ginamit ko ang apelyido nila... Ybañez.

Wala na akong naging balita tungkol sa tunay kong pamilya mula noon. Ni hindi man lang din nila ako hinanap. Siguro, naging masaya ulit sila dahil wala na ako sa buhay nila.

Naramdaman ko na lang na nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Akala ko nakalimutan ko na lahat.. Hindi pala. Akala ko matatakasan ko na ang lahat.. Hindi pala. Akala ko hindi ko na sila makikita.. Hindi pala.

X X X X X X X X X X X X X X X X 

Ang saklap naman pala ng nakaraan ni Papa Jules. :( 

Slowding ♥

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
69.9K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
660K 11.1K 64
Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo...
57K 1.2K 95
Started: March 14,2021 Status: Completed Finished: June 1,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong...