The School's Fairy | BxB

By perverted_banana

232K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... More

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Nine - (Colonel Carrot)
Ten - (Finding out a different side)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Sixteen - (Here's my hero)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Nineteen - (Another's point of view)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty Four - (Evil master)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty One - (The fairy concedes defeat)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Eleven - (The Eden kind of revenge!)

5K 295 38
By perverted_banana


[ Eden.  ]

Crunch.

Crunch. Crunch.

"Ano ba, eden! Pwede bang wag kang maingay kumain dyan?! Kung ipagpapatuloy mo yan, dun ka sa kwarto mo kumain! Nakakainis pakinggan yang pagnguya mo!" bulyaw ni ate na katabi kong nakaupo sa sofa. Ang lakas ng volume ng bosed nya, kamuntik nang tumalsik yung eardrums ko!

Inis na nginuya at nilunok ko ang pagkaing nasa bibig ko saka sinimangutan si ate.

"Ako kaya nauna dito saka nanonood ako! Ikaw yung umeepal dyan, eh! Kung gagawa ka lang naman ng assignment, dun ka sa kwarto mo!" balik sigaw ko sabay hakot ulit ng chips sa bowl na hawak ko at sinalaksak lahat yun sa bunganga ko. Sinadya ko pang lakasan ang ingay ng pagnguya ko para asarin sya.

"Eden--- Isa! Tatamaan ka sa'ken!"

CRUNCH. CRUNCH.

"Aba't ang tigas talaga ng bunbunan mo ah! Hindi ka titigil?" pagbabanta nya. Nagbigay lang ako ng nakakaasar na ngiti habang punong-puno ang bibig ko at--- crunch! crunch! crunch--!

"Huk--!!"

Muntik na 'kong mabulunan nang biglang ihampas ni ate ang ulo ko gamit ang notebook nya! Mabilis kong nilunon ang laman ng bibig ko saka hinimas ang naaubuso kong ulo.

"Ate! Masakit yun ah!" reklamo ko habang nakanguso at sinasamaan sya ng tingin. Sininghalan nya 'ko at saka piningot sa ilong, "A-Aray! Araaaay!!!! Ate! Masaket!" hiyaw ko!

"Pasaway ka! Yan ang dapat sayo!" ismid nya bago bitawan ang ilong ko na paniguradong namumula na ng sobra ngayon! Sa ngayon alam kong namamasa na rin ang mata ko. Ang sakit kaya!

"Hindi pa ba sapat ang bukulan ko, talagang balak mo pa yatang tapyasin ang ilong ko? Sadista ka, ate! Sadista! Sadista! Dapat sayo nirereklamo sa bantay bata o sa DSWD!"

"Anong sadista ka dyan? Saka hoy! Hindi ka na bata 'no! Ang laki-laki mo na! Talagang baby damulag ka lang! Masyado ka kasing isip bata at pabebe!"

Napasinghap ako at pinanlakihan sya ng mata, "Ako? Pabebe? Sa gwapo kong 'to?! Masyado akong magandang lalaki para saktan lang ng isang ordinaryong mortal na kagaya mo ate! Alam ko namang naiinggit ka lang kasi panget ka!" pang-aasar ko na sinabayan ko pa ng paglabas ng dila para mas mapikon sya.

Hindi naman ako nabigo. Dahil kulang na lang magtransform si ate at maging si hulk. Baka nga magsiputukan pa ang mga ugat nya sa noo dahil sa frustration!

Hah! Hahahaha! Goal! One point for Eden! Yuhoooo!!! Gusto kong mag-chicken dance sa tuwa!

"Ikaw talaga-Um!" binatukan nya 'ko!

"Masaket!" protesta ko sabay usog hanggang sa gilid ng sofa para makalayo sa mapang-abuso nyang galamay at hinimas ang nasaktan kong batok. "Ate naman!"

"Anong ate naman? Sinong nangunguna satin ha? Ikaw diba?! Ngayon ikaw pa may ganang magreklamo? Hmp!" masungit nyang pahayag sabay irap sakin ng malupet.

Nginusuan ko sya. Sus! Tingnan mo 'to! Ako daw yung pabebe eh sya nga tong umaarte-arte pa ng ganyan! At sa harap ko pa! Ewe kaderder. Buti pa si Selena babes ko hindi kasing pabebe nya. Siguro ilalayo ko na lang si Selena at wag hayaang lumapit kay ate para di sya mahawa sa pabebe disease ni ate. Tama, tama! Di ko kakayanin kung ang love of my life ko maging katulad ni ate 'no! Sadista na nga, pabebe pa! Kala mo naman maganda! Eh di hamak na mas magandang nilalang naman ako sa kanya. Sa aming dalawa ni ate, ako ang mas may karapatang mag-inarte 'no! Wag nyang ipaglaban ang pagiging babae nya kasi I'm advocating gender equality dito!

"Hoy anong binubulong-bulong mo dyan?"

Tiningnan ko si ate at binigyan sya ng isang inosenteng ngiti.

"Wala po~"

"Whatever."

Nye nye. Nilihis ko ang mukha ko at nag-makeface.

"Anyway, kamusta naman yung mission impossible mo?" biglang bago nya ng topic. Pinaglaruan ko ang chips sa bowl gamit ang daliri ko at sumimangot.

"Tinuturing na 'kong malapit na kaibigan ni Selena at alam kong magaan na rin ang loob nya sa'kin. Para na kaming inseperable bestfriends ngayon kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala."

"Good. Oh, eh bat ka nakasimangot dyan?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka kinunot ang noo ko. Nakatitig parin ako sa chips na pinaglalaruan ko.

"Kasi meron talagang isang mantsa na hindi maalis-alis! Ang asungot na Jiro na 'yon..." nanggigil ang lahat ng internal organs ko kapag naaalala ko ang lalaking yun. Isang linggo na 'ko sa school at ilang beses nya na 'kong napagtripan!

Nandyan yung bigla akong babanggain, itutulak, papatirin, babatuhin ng lukot na papel, at mga verbal abuse nya! Mabuti nga at hindi sya umaabot sa physical abuse dahil hindi nya gustong tuluyang magalit ng sobra sa kanya si Selena. Hindi ko alam kung anong trip ng bwisit na lalaking yun sa buhay nya! Mga walang magawa! Mga kulang sila sa aruga, lalo na si Jiro! Bwisit sya.

"Anong ginawa sayo ni Jiro?" tanong ni ate at bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Tiningnan ko sya at binigyan ng maliit na ngiti.

"Wala naman. Swerte nya naman kung magawa nya 'kong kantiin 'no!" matapang na sabi ko pero sa totoo lang ayoko lang pagaalahanin si ate. Nang makita kong napahinga sya ng maluwag ay nakaramdam rin ako ng relief.

"Mabuti naman kung ganon. Pero bakit naman tila galit na galit ka sa kanya? Threatened ka?" may halong pangma-mock ang huling tanong nya kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Threatened ka dyan! Sa bakulaw na yon? No way! May sarili akong charms 'no! Wala akong pake kung mas matangkad, mas athletic at mas mayaman sya! Tsk." yamot na pinagkrus ko ang braso ko at pinaningkit ang mga mata ko, "Pero talagang masyadong madikit ang lokong yun kay Selena! Masyado syang persistent! At alam mo bang sinabihan nya pa 'ko ng punggok na bakla?! Hindi naman ako maliit, matangkad lang talaga sya!"

"Anong balak mong gawin?" nakataas ang isang kilay na tanong ni ate.

"Revenge." mariing sabi ko.

"Revenge? Pfft."

Kumunot ang noo ko, "Anong nakakatawa?"

"Maghihiganti ka kay Jiro? Alam mong di hamak na mas malaki sya kumpara sayo, tingin mo anong magagawa mo laban sa kanya? Hmm?"

Mas lalo akong napasimangot.

"Alam ko naman yun! Aware ako sa height difference namin! Alam ko kung anong pinagkaiba naming dalawa. Alam ko kung gaano kalayo ang gap namin sa isa't isa. Alam na alam ko yun! Pero gusto ko paring makaganti sa kanya ate!" salubong ang kilay na sabi ko sabay pakawala ng isang buntong hininga.

Natawa ng bahagya si ate.

"Sige nga.. may naisip ka na bang paraan para makaganti sa kanya?" naghahamon ang tonong tanong nya.

Hinalukay ko naman ang utak para hanapin akong sagot sa tanong nya pero kahit anong gawin ko, kahit isa-isahin ko pa ang ugat ko sa utak at brain cells ko... sa huli wala akong nahanap.

Desperadong hinawakan ko ang kamay ni ate sabay nagmakaawa sa kanya, "Tulungan mo 'ko, ate! Anong dapat kong gawin para makaganti kay Jiro???"

Hinaplos nya ang ulo ko na parang aso sabay labas ng isang ngiti.

"The best way to get revenge is to know your own strengths and your opponent's weaknesses. Tapos kapag nalaman mo na yun, saka ka mag-isip kung paano magagamit yun para makaganti ka. Naiintindihan mo?"

I blinked a few times as I stared at her dumbly.

Know your own strength... and your opponent's weakness.

Strength...

Weakness..

Oh.

Sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa labi ko sabay kiss sa pisngi ni ate.

"Gets ko na! Haha! Salamat ate! Maaasahan ka talaga!" magiliw at natutuwang sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko, iniwan ko ang bowl ng chips sa coffee table.

Hah! Humanda ka Jiro!

♡o。.(✿ฺ。✿ฺ) (*˘︶˘*).。.:*♡

Pinasingkit ko ang napakaganda kong pares ng mga mata habang nagtatago sa isang malapad na puno dito sa field. Sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang grupo ng mga ulupong na pinamumunuan ng asungot na si Jiro.

Anong ginagawa ko?

Spying!

Heh. Kanina pa hindi mawala ang napakalapad na ngiti sa mukha ko dahil sa nararamdaman kong excitement. Pakiramdam ko rin mas lalong tumaas ang coolness level ko dahil sa pag-aact ko as spy ngayon!

Grabe. Pang romcom na, pwede pang pang-action! Napaka-versatile mo Eden. Magaling! Magaling!

Lunch time kasi kaya naman nagkaroon ako ng time para makagpalit ako ng uniform ng mga janitor. Saan ko nakuha? Of course sa aking number one most loyal and reliable source!

Si ate Edelle! Hihi~

Nakasuot rin ako ng malaking salamin na may ilong at bigote.

Mukha naman akong hindi kahina-hinala diba? Saka hindi naman siguro ako mamumukhaan? Sus! Imposible yun. Ang galing ko kayang mag-conceal!

Mula ngayon, tatawagin na akong...

Concealer king!

Teka.. parang may mali?

Ninja na nga lang! I'm a ninja! Hiyaaa!

"E-Eden? Anong ginagawa mo dyan?"

Σ(-᷅_-᷄๑)

Gulat na napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang mahina at malumanay na boses na yun. Napahawak ako sa dibdib ko at napahinga ng maluwag nang makitang si Nicky lang pala yun. Akala ko teacher na, eh. Baka bigla akong dalhin sa admin dahil sa kahina-hinala kong anyo.

Pero....

Nicky naman eh! Ang cool ko na sana---bakit kailangan mo pang umeksena?

I silently wiped my tears in my mind.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, sa ekspresyon ng mukha nya halatang nawe-weirduhan sya sa'kin. "B-Bakit ganyan ang suot mo?" tanong nya nang muli nyang salubungin ang tingin ko.

Napakamot ako sa pisngi saka sinilip sila Jiro sa likod ko saka ako muling humarap kay Nicky.

"Ah... ano kasi.. Nagpa-practice lang ako! Tama... hehe.. alam mo na. Kasali ako sa theatre club kaya kailangan kong mag-ensayo sa pag-arte." I smoothly made a lie. Tinitigan nga 'ko ng matagal kaya naman bigla akong na-conscious.

"N-Nageensayo kang umarte bi-bilang....janitor?" kunot ang noo at nagtatakang tanong nya. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan.

Huhu. Tae, hiya.. buhay ka pa pala?! Ang tagal na nang huli kang nagparamdam ah! Gago seryoso may hiya pa pala ako?

Di ko in-expect OAO

"Nakita rin kitang pinanonood ang basketball team." sabi nya pa. Bigla syang nagseryoso at nawala rin ang paguutak nya pero hindi ko na pinansin yun at ngumuso na lang.

Shoot. Marami siyang alam! Kailangan ko na ba syang itumba?

De joke lang. Napakamot ulit ako ng pisngi saka binigyan si Nicky ng puppy eyes.

"Shh ka lang Nicky. May kailangan lang kasi akong malaman! As in kailangan na kailangan!" nagpapaawang sabi ko habang nakatingin sa kanya with teary eyes. Napaiwas naman sya ng tingin at kita ko ang pamumula ng tenga niya.

"S-Sige... h-hindi naman kita isusumbong.." aniya sa maliit na boses. Ngumiti ako ng napakalaki saka kinuha ang kamay nya at natutuwa syang tingnan.

"Nicky, you're such an angel!"

Napayuko sya bigla dahil sa sinabi ko, siguro dahil sa hiya. Nakangiting pinat ko ang ulo nya sabay balik sa pwesto ko kanina at muling sinilip sila Jiro.

Nagtatawanan sila. Nakita ko pa na sinuntok ni Jiro ang balikat ni brand ng brip na si Calvin.

Nakarinig ako ng kaluskos sa gilid ko kaya napatingin ako at nakitang tumabi sakin si Nicky sa pinagtataguan ko.

"Na--N-Nasaan nga pala sila F-France?" bulong nya.

"Tinakasan ko lang sila hehehe. Sabi ko sasabay ako kay ate mag-lunch. Hindi ko kasi magagawa yung kailangan kong gawin kung kasama ko sila." bulong ko rin pabalik at muling sinilip sila Jiro. Hanggang ngayon ay nagtatawanan pa rin sila sa kung ano mang sinabi ng isang member ng team nila.

"K-Kung ganon hindi ka komportableng gawin t-to na kasama nila?"

Napaisip ako sa tanong nya saka bahagyang tumango. Maingay kasi si France kaya baka makita agad kami. Tapos baka hindi pa ako makapag-focus kung kasama si Selena kasi sa kanya matutuon ang lahat ng atensyon ko.

"B-Bakit?" tanong pa ni Nicky.

"Because this is a secret mission~" Sagot ko while grinning pagkatapod ay binigyan pa sya ng kindat bago muling ibalik ang tingin sa magkakaibigan.

Teka nga.. paano ko ba malalaman ang sikreto ni Jiro sa ganitong paraan?

Kanina naisip ko na yung tungkol sa pagtugtog nya ng piano. Pero na-realize ko na hindi naman ako ganun kasama para ipagsabi yun. Yung naramdaman at nakita kong galit kay Jiro, masyadong matindi. Masyadong seryosong bagay at hindi maganda kung ipapahamak ko ng ganun ang buhay ko no! Taboo ang word na yun, alam ko. Very wrong kung ipagkakalat ko ang bagay na yon.

Narinig kong may binulong si Nicky pero di ko na nagawang pansinin dahil masyado akong engrossed sa pagiisip ko ng malalim.

"You mean you're comfortable doing this... with me?"

Ano bang ayaw na ayaw ni Jiro? Ah, ang mga bakla! Galit sya sa mga bakla at syempre... bilang homophobic.. isa lang ang kahinaan nya!

Yun ay ang maging bakla!

Tama, tama.

Pwede kong gamitin yun laban sa kanya. Sa paanong paraan? Hah. Simple lang. Gamit ang lapis at papel, kaya ko nang isagawa ang plano kong paghihiganti!

Kung si ate ay musically inclined. Ako naman, magaling ako sa paghawak ng art tools! Mapa-paint brush, ballpen, lapis o mouse man yan, kayang kaya kong gumawa ng magic!

Heh~ Diba nga, ang mga Carillo, likas na talented. Magaling ako sa pagda-drawing, kaya sisiw lang para sakin kung gagawan ko ng fanart si Jiro.

Ay wait, hindi ako fan. So... haterart? Anti-art?

Ah basta art!

Iguguhit ko si Jiro... kasama si Calvin... na naghahalikan!

Mwahahahahahahaha! Sumilaw ang isang mapaglarong ngiti sa labi ko sa naisip ko. Tingnan ko lang kung hindi kumbulsyunin si Jiro sa makikita nya.

Pero first, kailangan ko ng pictures nila para may referrence ako sa mukha nila. Hindi ko naman kabisado ang bawat detalye ng mukha nilang dalawa kaya syempre kailangan ko ng paggagayahan.

Napatingin ako kay Nicky na kasalukuyang pinagmamasdan ang mukha ko at nginitian sya.

"Nicky, pwedeng peram ng phone mo? May facebook ka ba?" tanong ko. Wala kasi akong cellphone dahil nga nasira nung binato ko. Pinagalitan ko ni ate syempre at walang awang sinermunan. Sabi nya next na padala ni Mommy ibibili nya ko ng bago.

"A-Ah oo... E-Eto oh." nilabas nya ang cellphone nya mula sa kanyang bagpack at inabot sakin. Kukunin ko na sana nang biglang tila may naalala sya bigla at iniwas yun sa kamay ko saka nagpipipindot. Hinintay ko na lang hanggang sa iabot nya sakin ulit ang phone nya at nang kunin ko, nakita kong naka-open na ang facebook app.

Hindi ko na inintindi yun at agad sinearch ang pangalan ng dalawa.

Inuna ko si Jiro.

Hmm.. 100, 000 ang followers sa facebook. Tsk. Di na 'ko nagulat. I saved his profile picture bago sunod na pinindot ang account ni Calvin. Naka-tag kasi ito sa latest post ni Jiro kasama ang iba pang members ng team. Nagtaka rin ako kung bakit walang apelyido ang account niya, tanging pangalan niya lang.

'Di kaya isa talaga siyang brip na nagkatawang tao? Teehee.

♡o。.(✿ฺ。✿ฺ) (*˘︶˘*).。.:*♡

[ 3rd Person. ]

Napataas ang isang kilay ni Calvin out of amusement. Kanina nya pa kasi napapansin ang isang certain fairy na sumisilip-silip at pinapanood sila mula sa likod ng isang malapad na puno na hindi kalayuan mula sa pwesto nila. Nakasuot man ito ng pang-janitor at isang nakakatawang salamin, nakilala nya agad si Eden dahil sa pink nitong buhok. Dito sa buong school, sino lang ba ang may buhok na kulay pastel pink?

That kitten..

"Bro? Ano? Tutunganga ka na lang dyan?" nakakunot ang noong tanong ni River. Paalis na kasi sila nang makitang nakatingin si Calvin sa kung saan, amusement is painted all over his face. "Ano bang tinitingnan mo?"

Agad syang sinapok ng mahina ni Calvin, "Wala! Mauna ka na. May gagawin lang ako."

"Tsk. Bahala ka sa buhay mo."

Natawa na lang si Calvin at pinanood ang kaibigan na sumunod sa iba pa. Sanay na sya sa ugali nito na parang araw-araw nireregla. Napaka-suplado. Napailing na lang si Calvin at muling tumingin sa direksyon na pinagtataguan nila Eden. Hindi na ito sumisilip pero nakita nyang hindi pa rin ito umaalis sa pwesto mula sa likod ng malapad na puno.

Tahimik siyang naglakad papunta doon at nang makarating ay hindi sya napansin ng dalawa. Nakatingin si Eden sa cellphone habang yung kasama nya ay nakatingin sa mukha nito. Hmm. Hindi ba at ito yung bakla na pinagtripan nila sa canteen at niligtas ni Eden? So they're close.

Sinilip ni Calvin ang kung ano mang ginagawa ni Eden at nakitang ang facebook account nya pala ang tinitingnan ito.

The corner of his lips tugged upward.

"I didn't know you're a stalker."

"Wahh!!!" napatalon sa gulat si Eden at naihagis nya pa ang cellphone na hawak nya. Inistretch naman agad ni Calvin ang braso at sinalo ang humagis sa ereng cellphone.

Napatingin si Calvin sa screen pagkatapos ay kay Eden na ngayon ay tila estatwang nanigas sa kinatatayuan nya. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya, nakauwang ang mga labi, at gumagalaw-galaw ang lalamunan nito dahil sa sunod-sunod na paglunok. Siguro kung mas malapit pa sya, maririnig nya ang mabilis at malakas na kabog ng dibdib ni Eden.

All in all, the scene looks quiet comical. Hindi maiwasang mapa-chuckle ni Calvin.

"So you're a tsundere type of stalker, huh?" nakakaloko ang ngiti ni Calvin habang pinaglalaruan ang cellphone na nasa kamay.

Nang makarecover si Eden sa gulat ay agad nyang sinamaan ng tingin ang brand ng brip sa harapan nya at mabilis na hinablot ang cellphone mula sa kamay nito.

"Asa ka!" singhal ni Eden.

Itinagilid ni Calvin ang ulo, ang ngisi sa mukha nya ay hindi maalis-alis. This kitten is really... really interesting.

"Eh bakit tinitingnan mo ang facebook account ko?" Calvin taunted.

Kinagat ni Eden ang labi at pinaglaruan yun habang hinahalukay ang utak para sa isang magandang comeback.

"Hindi ko naman sinasadyang mapadpad sa facebook account mo 'no! Sadyang nung nag-search lang ako kung sinong pinakawalang kwentang lalaki sa mundo, lumabas ang pangalan mo! Wow, congrats! Pangalawa ka kay Jiro!"

Mas lalong natawa si Calvin sa sinabi ni Eden. Nakataas pa ang noo nito at mayabang nanakatingin sa kanya na parang sinasabing, 'Ano?! May maisasagot ka pa?!' Mas nakakatuwa pa syang tingnan dahil sa 'disguise' nya.

How adorable~

"Talaga lang ah? Sigurado kang hindi yun dahil sa type mo 'ko?"

Pinaglapat ni Eden ang mga labi nya at tiningnan ang nakangisi at tatawa-tawa paring si Calvin. Sa isip nya, sinasakal nya ito ng malupet.

"Gusto mo bang makarinig ng sikreto?" biglang tanong ni Eden na ikinataas ng kilay ni Calvin. Eden beckoned him to get closer as if he was about to whisper something confidential. Sinakyan nya naman ito at nilapit ang mukha nya. Nilapit din ni Eden ang mukha nya hanggang sa nasa tabi na ng tenga ni Calvin ang bibig nya.

Nararamdaman ni Calvin ang mainit na hininga ni Eden at nalalanghap rin nya ang amoy nito. Strawberry with a tinge of vanilla. Hmm. Refreshing. It made Calvin's heart feel itchy.

"Calvin..." bulong ni Edeg. "Si jollibee ba yung lumilipad sa likod mo?"

Kumunot ang noo ni Calvin at tumingin sa likod nya pero wala namang nandun. Nang muli syang humarap ay nakita nya na lang ang papalayo nitong likuran habang tumatakbo at hila-hila ang kasama nito.

Natatawang napailing ng ulo si Calvin.

Habang hinihila sya patakbo ni Eden, hindi maiwasan ni Nicky na lingunin ang direksyong pinanggalingan nila kung saan hanggang ngayon ay nakatayo parin si Calvin.

♡o。.(✿ฺ。✿ฺ) (*˘︶˘*).。.:*♡

Author: Ahhh~ I'm so tired TwT

Continue Reading

You'll Also Like

190K 8.4K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
16.7K 350 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine SerraΓ±o is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...