The School's Fairy | BxB

By perverted_banana

232K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... More

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Nine - (Colonel Carrot)
Eleven - (The Eden kind of revenge!)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Sixteen - (Here's my hero)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Nineteen - (Another's point of view)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty Four - (Evil master)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty One - (The fairy concedes defeat)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Ten - (Finding out a different side)

4.7K 254 29
By perverted_banana


[ Eden. ]

Nanatili akong nakanguso hanggang sa makarating kami ng school. Dala ng pag-aalala, walang tigil ang pag-comfort sakin ni France at pagbibigay ng assurance na walang mangyayaring masama sa 'nag iisang petchay sa grupo' at kung meron man ay kaya nya namang protektahan ang sarili niya dahil nag-aral siya ng taekwondo, judo at kendo.

Okay.... Dahil sa sinabi nya lalo akong nainlab kay Selena.

Ang galing galing ni wifey! Hindi talaga katulad ng ibang babae. She is so unique! Hihi.

Pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng yamot, inis, pag-kairita, pag-aalala at pagka-selos.

Kasi sige aaminin ko na mga bro, kumpara kay Jiro, walang-wala ako!

Matangkad sya, average lang height ko. Gwapo ako, pero mas gwapo sya! Hindi ako payat o mataba, pero ang lean niya! Alam ko nang kapag inangat ang damit nya, babalandra ang abs nya! Pucha.

Kahit alam kong man-hater si Selena at walang interes sa 'love life' eh alam ko namang babae pa rin sya. May kahinaan, at ang bwisit na Jiro na yun ang eksaktong modelo ng kahinaan ng mga babae! Ma-charms ang mokong at kung talagang mananatili syang consistent at magiliw sa panliligaw kay Selena babes, eh di malayong bumigay ang babes ko!

At yun ang sobrang ikinatatakot ko!

Wala akong laban kung sakaling mahulog nga ang loob ni Selena kay Jiro at isang choice na lang maiiwan sakin.... ang sumuko.

Tapos dumadagdag pa sa anxiousness ko ang fact na hindi pa sila bumabalik hanggang ngayon!

Uwaaaah! Selena, kailangan ka ng future ko! Huhuhu.

Eh kung pasukin ko kaya ang bahay nila Jiro at sugatan sya sa mukha habang mahimbing ang tulog nya? Kaso ang gwapo ko naman masyado para maging akyat-bahay lang.

Sana aksidenteng madulas si Jiro at maputol ang ochinchin nya. O kaya naman ay magkaroon ng heavy injury ang ochinchin nya para maging incompetent na sya habang buhay na walang kakayahang magka-anak! In that way, wala nang babaeng magkakagusto sa kanya at masosolo ko na ang Selena babes ko!

Mwahahahahahaha!

Bwahahahaha!

Nyahahahahahahaha!

Gyahaha--- "A-Aray!" daing ko nang bigla na lang may kumurot sa pisngi ko, at di pa nakontento, pinanggigilan pa!

Syempre, sino pa ba ang suspect? Edi si France!

"Ano bang tumatakbo dyan sa pretty little brain mo at ganyan ka makangiti? Para kang batang gagawa ng kalokohan." tanong ni France habang kurot-kurot parin ang parehong pisngi ko. Nandito kami sa cafeteria dahil may ilang minuto pa bago magsimula ang klase. Si Mello at Oreo nauna na sa room nila, si France sinamahan lang ko kasi tinatamad pa raw syang pumunta sa room ng next class nya.

"E-Eh may naiisip lang. Pero pwede bang bitawan mo na 'ko? Masakit!" reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang galamay nya sa'kin.

Hehe. Galamay. Bad Eden. Bad!

Nilamutak nya muna ang pisngi ko hanggang sa mamula ito bago ako bitawan. Nakasimangot na hinimas ko ang naabusong pisngi ko. Araaaayyy. Paiguradong pulang-pula at namamaga na ang pisngi ko sa ginawang paglamutak ni France! Ginawa ba namang dough ang pisngi ko?!

"Hihi sorry bebe cheese. Ikaw kasi ih!"

At sinisi pa talaga ako ah!

"Pero Francy.... sigurado ka bang ayos lang si Selena? Diba bilang mga kaibigan, tayo dapat ang maglalayo sa kanya sa mga masasama?" tanong ko kay France habang hinihimas parin ang namamagang pisngi ko. Maarteng sumubo si France ng cake at tumingin sa'kin.

"Trust Selena. She can handle herself naman saka, wala tayo sa posisyon para magdedisyon para kay Selena. Saka malay mo, siya na pala ang makagamot sa playboy disease ng Jiro! Tapos si Jiro rin ang makapagpa-realize kay Selena na hindi lahat ng boylet ay gaya ng iniisip nya. Ganern! Oh diba? Shooting two birds with one stone lang ang peg. Edi magkaka-love life na rin ang ating pechay! Ihhh keleg to the pwet!"

Tila ako tinamaan ng kidlat sa sinabi ni France. Nagpaulit-ulit ito sa utak ko na parang isang sirang plaka!

Isa lang ang masasabi ko.

"Hindi pwede!!!" malakas kong violent reaction. Napatayo pa ko sa kinauupuan ko, habang kunot na kunot ang noo ko.

"Bebe cheese!" suway ni France at hinila ako paupo ulit. "Gravity naman ang reaction mo! Bakit ba? Ganyan ka ba kagalit kay Jiro? May past ba kayo?"

Nginusuan ko si France pero hindi ako sumagot. Dahil sa utak ko, minomotivate ko na ang sarili ko na ipaglaban ang pagmamahal ko kay Selena! Tama! Handa kong hamakin ang lahat masunod ka lamang, my loves! At yang Jiro na yan? Hah! Height at looks lang ang laban nyan. Pero kung ikukumpara sa kanya ang kakulitan at determinasyon ko? Nako! Walang wala sya sa kalingkingan ko! Hanggang sa dumi lang sya ng kuko ko! Saka isa pa, ang cute ko kaya! Isang pacute ko lang kaya ko nang magpatunaw ng puso ng mga babae. Humph. Isang show off ko lang ng dimples ko, kaya ko na silang paikutin sa palad ko! Heheh. Ang evil-evil man pakinggan, pero totoo ang sinasabi ko!

Saka alam ko naman na ang tingin ni Jiro kay Selena eh parang isang laruan, gaya ng mga babae nya. Gagamitin, paglalaruan at iiwan rin sya ni Jiro kapag nagsawa na sya. Hindi ko hahayaang masaktan si Selena!

She doesn't deserve that.

I know I'm being judgemental at unfair kay Jiro... Wala akong karapatang husgahan sya. Pero sa mga nasaksihan ko at mga narinig ko mula sa kanya, hindi ko naman syempre maiiwasang isipan sya ng masama. Lalo na at ako mismo ang nakakita at nakarinig! Ako mismo ang nakasaksi kung gaano kasama ang ugali niya.

Una, bully siya. Pangalawa, babaero sya. Pangatlo, nanakit sya ng damdamin ng mga babae. Pang-apat, nanakit sya ng mga gays dahil lang ayaw niya sa kanila. Pang-lima, masyado syang unreasonable, ignorante, mayabang, prejudice at ang pangit ng ugali nya!

Dalawang araw palang ako sa school na 'to. Dalawang araw ko pa lang syang nakikilala. Pero sapat na 'yon para masabi kong hindi siya mabuting tao.

At hinding-hindi ko hahayaang isama niya sa mga koleksyon nya si Selena.

He doesn't deserve Selena.

Kailangan ko silang paglayuin. Kailangan kong iwasan ang mahulog sila ng tuluyan sa isa't-isa. Kilala ko ang mga gaya ni Jiro. Hindi sila nakokontento sa isa, kaya dapat maagapan ko.

Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi sila maglapit pa.

Pero paano?

Habang nag-iisip ako ng malalim, may kamay na lumapat sa balikat ko dahilan para mabalik ako sa diwa ko at tumingala sa kung sino man 'yon.

Isang professor.

Lalaking professor.

Tila napasong napatayo ako mula sa kinatatayuan ko at mabilis na umatras palayo sa professor na 'yon.

Gulat syang nakatingin sa'kin, nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin rin sa kanya.

"Are you okay?" taka nitong tanong na may halong pag-aalala. "I was just about to tell you na pumunta na sa klase nyo dahil magta-time na."

"Bebe cheese?" rinig kong tawag ni France.

Hindi ako sumagot. Tila may nakabara sa lalamunan ko. Nanlalamig ako, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi ako makahinga...

"Sige po, prof. Pupunta na po kami sa klase namin."

"Why don't you send him to infirmary? Mukhang di maganda ang pakiramdam nya."

"Opo, prof. Tara na, bebe cheese..." naramdaman kong inalalayan ako ni France palabas ng cafeteria.

Niyukom ko ang nanginginig kong kamao at tumalima sa kanya.

Pero maya-maya ay huminto kami. Tiningnan niya ako ng may halong pagtataka at pag-aalala.

"Bebe cheese? Ayos ka lang?"

Bumuka ang bibig ko para sumagot pero wala akong mahanap na salita. Tumingin ako sa paligid, wala nang masyadong estudyante. Tiningnan ko ulit si France saka ko sya binigyan ng isang pwersadong ngiti.

"O-Okay lang ako.. a-ano... pumunta ka na sa klase mo. Magc-cr lang ako."

"Ha? Samahan na kita--"

"Wag na." mariing sagot ko saka tinanggal ang pagkakahawak nya sakin at muling ngumiti. "Ayos lang ako. Kita na lang tayo mamaya!" sabi ko at mabilis na tumakbo sa kung saang direksyon.

"Teka--- Eden!!"

Hindi ko sya pinansin at mas binilisan pa ang takbo ko pero pagliko sa isang pasilyo ay bumagal ang takbo ko hanggang sa naglakad na lang ako. Nakahawak ako sa pader bilang suporta dahil pakiramdam ko magcocollapse ako.

Dahil sa pagtakbo ko ay mas lalong bumilis ng tibok ng puso ko.

Patuloy akong naglakad.

Hindi ko alam kung saan ako papunta.

Hinihingal ako.

Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko pero pakiramdam ko hindi parin ako makahinga. Ang sakit ng dibdib ko.. naluluha na 'ko.

Shit. I'm having panic attack.

Patuloy akong naglakad na tila zombie sa mahabang pasilyo hanggang sa...

..makarinig ako ng tugtog.

Napatigil ako sa paglalakad at hinanap ko kung saan nanggagaling yun. Kumunot ang noo ko at napasandal ako sa dingding saka ako pumikit para pakinggan ng maigi ang tinutugtog ng nagpapiano.

Mabagal... malungkot.. tila may hinahanap.

Sabi ni ate, mararamdaman mo raw sa music ang emosyon ng isang tao. Sa paraan ng pagtugtog nya, malalaman mo kung galit ba sya, masaya, malungkot o galit.

Kaya gaya ng sabi ni ate.. tila naramdaman ko ang emosyon ng tumutugtog na yun.

Ang lungkot nya.

Bakit ang lungkot-lungkot nya?

Nasasaktan sya.

Sinong nanakit sa kanya?

May hinahanap sya.

Sinong espesyal na tao ang hinahanap nya at tumutugtog sya ng ganito?

Masyado akong nadala sa tugtog...kaya naman hindi ko agad napansin na tumigil na ito. Napadilat ako.

Eh? Bakit tumigil?

BLAG-!

Napatalon ako sa gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa lalaking kakalabas lang ng music room.

Bakas rin ang gulat niya nang makita ako, pero ilang sandali lang ay napalitan iyon ng galit. Nag-aapoy ang mga mata niya.

Jiro...?

"You... What the fuck are you doing here?!" mariin at malalim. Nakakapanindig ng balahibo ang tono ng pananalita at ang matalas niyang tingin.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"A-Ah.."

Gusto kong isigaw sa kanya na 'Engot! School 'to! Estudyante ako! Ikaw lang ba may karapatang pumunta ng music room?!' pero hindi ko tinuloy dahil alam kong nakalagay sa kapahamakan ang buhay ko ngayon.

Para syang asong lobo na handa akong dakmain at lapain at pagpira-pirasuhin. At alam kong hindi ko magagawang tumakas dahil mahuhuli niya agad ako kapag tumakbo ako. Kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko at mukhang tangang nakatingin sa kaya at sinasalubong ang matatalim at nagdidilim niyang mga tingin.

Sa utak ko, may nag-aalarm nang kulay pulang ilaw at may sumisigaw ng 'Warning! Warning! Mission abort! Retreat! Retreat!'

Lalong nagliyab ang mga mata niya at mabilis na lumapit sa'kin gamit ang malalaking hakbang at bago pa man ako makapag-react ay hawak niya na ng mariin ang kwelyo ko. Halos magkadikit na rin ang mga ilong namin dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Dumagundong ng malakas ang dibdib ko. Pucha! Mamamatay na yata ako!

"What the fuck are you doing here, faggot?" madiin at galit na tanong nya. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa mukha ko kaya inatras ko ang ulo ko palayo.

"B-Bakit ka ba nagagalit?!" nilakasan ko na ang loob kong magsalita. "Napadaan lang nama ako t-tapos narinig ko yung tinutugtog mo kaya...napatigil ako.. yun lang yun! Hindi ko alam na ikaw pala yung tumutugtog!" Kung alam ko edi sana wala ako dito! Umalis agad ako! Hindi ako mags-spare ng kahit konting oras sayo no!!!

Malalim ang paghinga niya at matalim at malalim rin ang paraan ng pagtingin nya.. parang hinahalukay ang kaluluwa ko at may kung anong hinahanap.

"So you heard..." bulong nya through gritted teeth. Alam kong hindi niya yun sa sinabi sakin kundi sa sarili niya.

Nabaliw na nga ang lolo nyo at nagsasalita na mag-isa. Shet! Mas lalong delikado!

Dumiin pang lalo ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko at napilitan akong tumingkayad kundi ay masisira ang damit ko!

"Listen to me, you faggot. Whatever you heard and whatever you saw here, stays here. If you ever dare to say what you witnessed here even to a single soul... I will fucking bury you alive. Do you understand?" pananakot niya. Napalunok ako at ramdam kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa threat niya. Natagalan ako sa pagsagot kaya tumalim pa ang mga mata niya, "I said do you understand?!!"

I squeaked out a "Yes!"

Shet. Nakakatakot naman pala ang asungot na 'to.

He sneered at me. "Tsk."

Malakas niya akong binitawan dahilan para matumba at mapaupo ako sa sahig.

"Aray!" yung pwet ko!

Masamang tiningnan ko sya pero binigyan nya lang ako ng isang nagbabantang tingin bago mayabang na naglakad paalis.

Walk out mo 'to!

Tch.

Nakaramdam ako ng matinding yamot.

Pero... bakit parang ayaw nyang may makaalam na marunong syang tumugtog ng piano?

At saka.. bigla ko lang naalala.

Nawala yung panic attack ko.

♡・゚:*。.:*・゚゚・*:.。*:゚・♡


Meet Jiro and Eden!

Author: They are so so cute, 'no? Haha. Hello bananas~ The fab king is back lol.

Welp. Our baby cheese had a panic attack... what do you think happened amd the reason? hmm~?   Stay tuned!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
50.5K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...