Ang 'syota kong promdi COMPLE...

By SapphiresPage

183K 3.4K 73

Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Ang 'syota kong promdi-teaser
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 18
Special Edition
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue {COMPLETE}

Chapter 17

4K 93 1
By SapphiresPage

Ang 'syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 17

{Author’s POV}

PARIS, FRANCE

            MABILIS lumipas ang mga araw at buwan. Ngayon, walong buwan na ang dinadala ni Danica. Ang sabi ng kaniyang Duktor ay hindi siya aabutin ng siyam na buwan dahil sa laki ng kaniyang tiyan. Paano kase... Kambal ang magiging anak ni Danica! Nahihirapan na nga si Danica na magagalaw dahil sa bigat ng dinadala nito. Mabuti na lang at nandiyan parati si Pierre sa tabi ni Danica. Ito ang umaasikaso kay Danica kahit na anong oras. Isang buwan na ring nag leave si Pierre sa kumpaniyang pag-aari nito para asikasuhin si Danica.

Si Madam Adele naman ay hindi na makapaghintay na lumabas ang kambal. Tinuturing nitong 'Apo' ang kambal ni Danica dahil matagal na nitong nais mag-asawa si Pierre.

Pinag home study din ni Pierre si Danica para makatapos ito ng pag-aaral. Lubos na natuwa si Danica dahil matutupad na rin ang pangarap niyang maging isang dalubhasang dermatologist na gaya ni Vicky Belo. Ang plano nila ay papasok sa isang kilalang kolehiyo si Danica sa Paris makalipas ang limang buwang panganganak nito.

{The story continues….}

                "Danica, tingnan mo 'tong baby boots. Ang cute ano? Nakakatuwa talagang mag shopping para sa baby!" natutuwang sabi ni Keery.

Nasa livingroom silang tatlo nina Keery at Sandra at binubuksan ang mga pinamiling baby clothes.

"Bakit puro pink at blue ang kulay ng mga yan?" nagtatakang tanong ni Sandra habang inaalis ang isang onesies sa balot nito. "at ito rin puro pink. Babae at lalaki ba ang magiging baby mo?"

Nakangiting tumango siya dito.

"Ayyeeeii kelan mo pa nalaman?" si Sandra.

"Kahapon." nakangiting sagot niya dito. "ang kulit kase ni Pierre e gusto niyang malaman kung ano ang gender ng kambal para raw alam niya kung ano ang bibilhin."

"Naku baka bumili na yun ng sports car at buong shopping mall." si Keery.

“Nakikita ko na” wika ni Sandra na pumikit pa na parang manghuhula at nakataas ang dalawang kamay nito “magkakaroon ka ng mini version ni Pierre at mini version mo. Tapos magiging spoiled ang mga yan sa mag-ina lalo na kay Madam.”

“Tama!” segunda naman ni Keery “pero alam mo dai ang suwerti gyud nimo kay boutan kaayo si Pierre.”

“Nag bisaya ka na naman Kiray!” saway ni Sandra dito.

Natawa siya sa pinagsasabi ni Keery dahil hindi na niya naintindihan ang huling sinasabi nito.

“Ay ano ba ang tigas kase ng dila ko e.” humagikhik ito “pati nga si Sir Pierre napagsasalitaan ko ng bisaya. Mabuti nalang at hindi nagalit.”

“Kelan naman gaganapin ang baby shower mo?” tanong ni Sandra sa kaniya.

“Hindi ko alam. Si Pierre na raw ang bahala sa lahat.” Sagot niya dito.

“Hoy Danica nap time muna.” Biglang paalala sa kaniya ni Keery “pumasok ka na dun sa kuwarto mo at kami na ang bahala dito sa kalat. Ipapasok na namin to ni Sandra sa babies room.”

“Ay oo nga pala! Hindi ko man lang namalayan ang oras.” Tumayo na siya sa kaniyang pagkaka-upo at pumasok na sa kaniyang silid.

Pinayuhan kasi siya ng kaniyang Doctor na matulog sa hapon. Hindi na rin siya masyadong pinalalabas ng bahay puwera na lang sa morning exercise niya sa umaga. Naglalakad silang dalawa ni Pierre sa malawak na hardin ng Mansion ng mga Trambley tuwing umaga. Minsan naman ay lumalangoy siya sa swimming pool kasama ang isang Nurse. Nagkatotoo nga ang kaniyang hinala na pagbi-baby sa kaniya ni Pierre dahil habang lumalaki ang tiyan niya ay gumagaan ang mga trabahong pinagagawa nito sa kaniya. Minsan nga e ito pa ang tumatapos sa mga gawain niya gaya ng pagtutupi ng mga nilalabhang damit ng mga ito.

Pumasok siya sa sariling banyo at naghubad para magpalit ng pantulog ng makita niya ang kaniyang buong katawan sa malaking salamin. Napasimangot siya sa laki ng kaniyang balakang. Ang dibdib niya ay parang binombahan ng hangin sa laki. Hindi na nga rin niya maabot ang kaniyang paa tuwing nagtatangka siyang gupitin ang sarili niyang kuko sa paa. Ilang buwan na niyang nais linisin ang mga paa niya, kaya lang ay sadyang sagabal ang malaki niyang tyan.

Tumayo siya sa malapit na weighing scale para tingnan kung gaano ka laki ang kaniyang dinagdag sa kaniyang timbang.

150 pounds!

45 pounds rin ang binigat niya. Hindi naman siya malakas kumain at wala rin siyang cravings gaya ng ibang buntis. Napapansin lang niya na madalas siyang antukin at mapagod.

Napatigil siya sa kaniyang pagmuni-muni ng may kumatok sa kaniyang pinto. Mabilis siyang kumuha ng isang maluwag na duster at nilapitan ang pintuan para buksan.

“Matutulog ka na ba?” bungad sa kaniya ni Pierre.

“Oo” sagot niya dito “kadarating mo lang?” tanong niya dito sabay talikod para umupo sa kaniyang kama.

“Uhuh”

“Anong inasikaso mo at ang tagal mo ‘atang umuwi?” nahihiwagaan talaga siya sa sinabi nitong ‘importanteng bagay’ na lalakarin kanina.

“It’s a surprise.” Sagot nito.

“Pierre…. Alam mo namang ayaw kong sinosorpresa ako dba?” nakangusong sabi niya dito.

Umupo si Pierre sa kabilang panig niya at inakbayan siya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis nahulog ang loob niya sa lalaki. Napaka maalalahanin nito at alam nito kung paano siya susuyuin. Sa iilang buwang pagsasama nila ni Pierre sa iisang bahay ay hindi ito namimilit na gantihan niya ang pagmamahal nito sa kaniya. Kaya hindi na siya magugulat kung isang araw ay maisipan niyang ibigay dito ang kaniyang puso.

“Pagbigyan mo na ako, please…..” sabi nito sabay halik sa kaniyang ulo.

“Sige na nga. Pagbibigyan kita, pero ngayon lang ha kundi magagalit na talaga ako sa ‘yo.” Banta niya dito.

“Promise.”

Naghikab siya. “Haaayy inaantok na naman ako.” Wika niya.

“Matulog ka na.”

Umayos siya sa kaniyang pagkakahiga habang hindi pa rin umaalis si Pierre sa kaniyang tabi. Tinulungan siya nitong kumutan ang sarili niya bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata.

“Huwag ka munang umalis ha.” Hiling niya sa lalaki.

“Sure.”

Narinig niya ang kalabog ng mga sapatos sa sahig tanda ng pagtanggal ni Pierre dito. Tumabi ito sa kaniya kaya inihilig niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito hanggang sa nakatulugan niya ang ganoong ayos.

              LUMUBOG na ang sikat ng araw ng siya ay magising. Humilab konti ang kaniyang tiyan at naramdaman niya ang pagsipa ng isa sa kambal sa may puson niya. Napapangiting hinaplos niya ang ibabaw ng kaniyang tiyan. Ilang araw na lang at masisilayan na niya ang mga ito. Oras-oras siya kung magdasal na sana walang mangyayaring aberya sa kaniyang labor.

Naramdaman niya ang init ng hininga ni Pierre sa ibabaw ng kaniyang ulo, kaya napatingala siya dito. Nakatulog na pala ito sa kaniyang tabi. Ni minsan ay hindi pa natulog si Pierre sa sarili niyang kama. Sinasamahan siya nito sa hapon para matulog pero umaalis din naman ito kaagad bago pa siya magising. Siguro napagod ito ng sobra sa halos ilang araw na pag-alis ng bahay.

Dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising at pumasok sa banyo.

               NAPABALIKWAS sa pagkakatulog si Pierre ng may marinig siyang sumigaw at tinatawag ang pangalan niya.

“Piiieeerrrrreee!!!!” sigaw ni Danica mula sa banyo.

Mabilis siyang bumangon at patakbong nilapitan ang malapit na banyo. Nakita niya si Danica na naka-upo sa saradong toilette seat, hawak ang malaking tiyan nito.

“What happened?” natarantang tanong niya dito.

Nakikita niya ang takot, sakit at pagkataranta sa mukha nito.

“Pumutok na yung tubig ko” wika nito na naiiyak “manganganak na ‘ata ako, Pierre.”

“Sige sige teka ahmm ano ba ang gagawin ko?” natatarantang tanong niya dito. Hindi maka function ng maayos ang isipan niya dahil sa nangyayari.

“Tumawag ka ng ambulansya!!!” sigaw nito sa kaniya.

“Tama! Teka ang telepono nasaan?” umiikot siya sa kaniyang kinatatayuan para hanapin ang wireless phone ng kuwarto ni Danica.

“Pierre! Nasa side table ko” impit na wika nito “bilisan mo!!! Aaaarrrhhhgggg!!!” sigaw nito dahil sa sakit.

“Telepono--- telepono nasaan kana.” Kausap niya sa kaniyang sarili. Hindi talaga siya puwedeng maging Doktor dahil mabilis siyang mataranta sa mga ganitong bagay.

Nagtatakbong inabot niya ang telepono sa kabilang panig ng higaan at tinawagan ang hospital na pagdadalhan kay Danica. Pagkatapos niyang tumawag ay lumabas siya ng kuwarto.

“Keery! Sandra, quick!” sigaw niya sa mga pangalan nito.

Mabilis namang dumulog ang dalawa.

“Ano po yun Sir?” tanong ni Keery.

“Manganganak na si Danica. Paki handa ng mga gamit niya at ang sa mga bata. Sandra, paki samahan ang Madam Adele mo at baka mag-alala na naman yun.”

“O-opo Sir” wika ng mga ito.

HOSPITAL

          APAT na oras ng nasa labor si Danica, pero hindi pa rin lumalabas ang kambal. Nasa tabi niya si Pierre at hinahawakan ang mga kamay niya.

“You can do it.” Sabi ni Pierre sa kaniya.

“Push.” Utos sa kaniya ng Doktor.

“Aaaahhhhmmmmpppppp!!! Ahhhhhhh----- hooo hooo hooo hooo.”

“Aray! Aray! Aray!” sigaw ni Pierre sa kaniyang tabi.

Namimilipit ito sa sakit dahil ang tenga pala nito ang nahawakan niya habang umiiri siya. Naramdaman niya ang masikip na bagay na nakaharang sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang palahaw na iyak ng isang bata.

“It’s a boy!” sigaw ng Doktora. Naghiyawan naman ang ibang Nurse na kasama nila sa OR (operating room).

Medyo nagulat pa siya pagkakita niya sa mukha ng bata dahil kamukhang-kamuha nito ang ama nitong si Jake. Sa mata, ilong at labi pa lang ay ‘di na maikakatwang ama nga nito ang lalaki.

“He’s so cute!” natutuwang sambit ni Pierre sa kaniyang tabi.

Ngumiti lang siya dito.

Hindi rin nagtagal at sumunod ang ikalawang anak niya.

“It’s a girl!” wika naman ng Doktora. At gaya nung una ay naghiyawan na naman ang mga tao sa loob ng OR.

Napahinga siya ng maluwag. Mukhang malulusog ang mga anak nila ni Jake. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng maraming tinik sa kaniyang dibdib. Lumapit ang isa sa mga Nurse kasama ang anak niyang lalaki na papangalanan niyang Miguel, hayo sa second name ni Jake. Nakabalot ito ng puting tela at ang maliit na mukha lamang ang nakikita. Napaluha siya nang sa wakas ay nayakap na niya ang kaniyang anak. Isa pang Nurse ang lumapit dala ang anak niyang babae na papangalanan niyang Daphne. Ito kasi sana ang ipapangalan ng namayapa niyang nanay sa kaniya. Kaya lang nanalo ang tatay niya sa jack en poy ng dalawa kaya siya naging Danica.

          MAKALIPAS ang ilang oras ay nagising siya sa isang pribadong kuwarto. Nakita niya sa di kalayuan si Pierre na nasa harap ng laptop nito. Sigurado siyang ang negosyo na naman nito ang inaasikaso sa ganitong oras. Patay ang lahat ng ilaw kaya ang ilaw na nagbibigay ng konting liwanag sa buong silid ay mula sa gamit nitong laptop. Hindi niya alam kung may liwanag pa ba sa labas ng hospital dahil nakasara ang mahabang kurtina ng kuwarto.

“Pierre” mahinang tawag niya dito. Nagpupumilit siya umupo pero napapabalik din naman agad siya dahil sa nararamdamang sakit.

Tumayo agad ang lalaki at nilapitan siya.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-alalang tanong nito sa kaniya.

“Hindi okay.” Mapakla siyang ngumiti dito. “gusto ko ulit silang makita, Pierre.”

“Sandali at tatawag ako ng Nurse.”

Pinindot ni Pierre ang isang button para na konektado sa Nursing Station. Habang naghihintay sila ay tinulungan siya ni Pierre na umupo ng maayos. Inabot din nito ang suklay at pulbo niya para masuklay niya ang magulo niyang buhok. Makaraan ang bente minutos ay pumasok ang dalawang Nurse na may dalang rolling crib.

Tinulungan siya ng isang Nurse para mapadede niya si Miguel. Totoo nga ang sinasabi nilang Mother’s instinct dahil parang alam na agad niya ang kaniyang gagawin sa pagpapadede ng bata. Habang nag eenjoy siyang masdama ng mukha ni Miguel ay napatingala siya sa direksyon ni Pierre. Matamang nakamasid lang ito sa kanilang mag-ina. Nang maalala niya ang kaniyang ayos ay palihim niyang tinakpan ng maliit na babies towel ang ibabaw ng kaniyang dibdib.

Sumunod niyang pinadede si Daphne. Ang babait ng mga anak niya dahil wala siyang narinig na hindi papuri sa mga Nurses na naroroon. Bago pa kunin ng mga ito ang mga bata ay binigyan muna silang dalawa ni Pierre ng oras para makasama ang mga supling. Para silang isang masayang pamilya. Totoong pamilya. Si Pierre, siya, si Miguel at si Daphne bilang isang pamilya.

Kinakantahan ni Pierre ng isang French song si Miguel sa tabi niya. Napangiti siyang nakamasid sa mga ito.

Tumikhim si Pierre bago nagsalita “My chere, I want to ask you something.” Panimula nito.

“Ano yon?”

“Napagisip-isip ko kanina na panahon na para tanungin kitang pakasalan ako.”

Halos hindi siya makahinga sa rebelasyon ni Pierre.

“Will you marry me?”

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Please leave comments :) thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

124K 3.1K 42
Akala ko, magpapanggap lang ako bilang fiance nya. Naging sekreto ito. Pero, hindi ko inaasahan na pati mga magulang ko, gustong pakasalan ko sya. Na...
104K 211 3
Si Aliah ay lumaki kapiling ang kanyang ina. Mula nang magkaroon siya ng isip ay ito na ang naging kasa-kasama niya. Nagtataka man kung bakit wala an...
154K 396 2
No one knows that love will come to a Casanova like Mark Luis Martinez, ang lalaking hinahabol ng kababaihan, ay sya na ngayong naghahabol sa babaeng...
121K 2.3K 31
What is 'Bestfriend' for you? Kasi para sakin 'Bestfriend' is equal to 'Prince'. Kasama ko siya mula pagkabata ... Hanggang sa paglaki ... Kahit na...