Dahyun's Pov:
Kasalukayan kaming naghahanda ngayon dito sa venue para sa graduation namin maya-maya.
Biglang tumunog yung phone ko, may nagchat request sakin sa messenger na panibagong dummy account.
"Goodluck. Congrats, Dahyun. Fighting!"
Sino naman kaya 'to? Naalala ko tuloy yung nagchat sakin noong isang araw. Nababaliw na yata yun. Ang kulit kasi. Nakakakilabot pa. Stalker ata yun. I-block ko nga siya! Tapos meron na naman ngayon? May nantitrip ba sakin? Ini-block ko na lang ulit.
Nakakairita na talaga yung mga taong nagpupumilit na pumalit sa pwesto ni Mina ss buhay ko. Kahit anong gawin nila, hindi magbabago yung gusto ko. Si Mina padin.
"Hoy Dahyun, Mukhang may problema ka. Ano yun?" Tanong ni Somi.
"Wala. May nangungulit lang sakin sa facebook at messenger."
"Palagi naman. Araw-araw namang may nagpapapansin sayo sa social media. Di ka pa nasanay?" Sagot ni Somi.
"Nung isang araw kasi may kung sino na nagchat sakin, kinukulit niya kong makipagdate. Ayoko nga. Ini-block ko na. Tapos eto may nagchat na namang dummy account kaya ini-block ko na ulit."
"Malay mo nakikipagkaibigan lang."
"Asus! Alam nga niya na naggrocery kami nung isang araw ni Irene. Stalker yata yun eh. Ang creepy!"
"Talaga? Omg! Mag-ingat ka, Dahyun. Baka may na-obsessed na sayo. Baka bigla kang kidnapin."
"Gague! Tama na nga. Magsisimula na ang graduation maya-maya."
"Tinawagan ako ni Irene. Parating na daw siya." Dagdag ni Somi.
"Mabuti naman."
"Hindi ka ba talaga naa-attract kay Irene?"
"Si Mina lang." Seryosong sagot ko.
"Aish. Baliw na baliw ka sa Mina na 'yun noh."
"Wala akong pakialam sa sinasabi niyo. Basta si Mina lang."
"Grabe na talaga, Kim Dahyun."
Napahinto kami sa pagkukwentuhan nang magsalita na yung mc. Heto na ang pinakahihintay ko. Gagraduate na ko. Matutupad na ang pangarap kong makapagtapos ng highschool.
Kinakabahan ako na nalulungkot. Hindi kasi masasaksihan ng mahahalaga sa buhay ko ang pag-akyat ko sa stage. Di bale, alam ko namang nakabantay sila sakin.
Nagsimula na ang graduation program namin hanggang sa ako na ang umakyat sa stage. Masaya kong nakuha ang diploma ko. Napalingon ako kila Somi at Irene na nakangiti sakin.
Lumipas ang ilang oras ng event, natapos rin sa wakas. Nang lapitan ko sina Somi at Irene, sinalubong nila ako ng yakap.
"Waaaaaaah. Graduate na tayo ng highschool." Sabi ni Somi.
"Congrats satin." Nakangiting sagot ko.
"Congrats sa inyo. Proud ako sa inyo." Sabi naman ni Irene.
"Salamat sa pagpunta, Irene."
"Sabi ko naman sayo, dadating ako." Sagot ni Irene sakin kaya napangiti na lang ako sa kanya.
"Guys! Magcelebrate naman tayo mamayang gabi." Yakag ni Somi.
"Good Idea!" Dagdag ni Irene.
"Saan naman?" Tanong ko sa kanila.
"Party Party tayo mamaya sa bar." Sagot ni Somi.
"Pass muna ko."
"Sige na, Dahyun. Sumama ka na samin. Parang di ka naman kaibigan oh." Pangungulit ni Somi.
"Tama! Ngayon lang naman eh. Sumama ka na. Magsecelebrate nga tayo eh."
"Okay. Fine. Sasama na ko. Happy?"
"Yeeeeees! Excited na ko mamaya." Masayang sabi nila Somi at Irene.
"Magpahinga na muna tayo sa bahay ngayon. Mamayang gabi pa naman eh." Dagdag ko.
"Sige ba. Excited na rin ako." Dagdag ni Irene.
"Tara na munang umuwi." Yakag ko sa kanila sabay lakad na.
Nang mapalingon ako sa isang tabi, napansin kong parang may nakita akong familiar na tao.
"Mina?"
"Ano 'yun?" Tanong nila Irene sakin.
Nagmadali akong tumakbo para habulin yung nakita kong kamukha ni Mina. Pero bigla siyang nawala. Si Mina ba talaga yun? Namamalik-mata lang ba ko?
"Dahyun, Bakit tumatakbo ka?" Tanong ni Somi.
"Parang si Mina yung nakita ko."
"Sure ka? Diba matagal na kayong hindi nagkikita?" Sabi ni Irene.
"Namamalik-mata lang ba ko?" Tanong ko sa kanila.
"Baka gutom lang yan, Dahyun. Kumain na muna tayo sa bahay. Baka naman namimiss mo lang siya." Dagdag ni Somi sabay hila na sakin.
Tama sila. Baka nga namamalik-mata lang ako. Baka nga namimiss ko lang nang sobra si Mina. Siguro kung nandito siya, mas masaya ako. Siguro kung alam niyang graduate na ko, proud na proud sakin yun.
Umuwi na lang kami sa bahay para kumain. May party pa kaming pupuntahan mamaya. Hindi talaga ako mahilig magparty pero dahil niyaya nga ko nila Somi, wala na kong nagawa kundi pagbigyan sila.
Naalala ko tuloy sina Jeongyeon at Chaeyoung noong mga panahong para silang bata na nagyayakag sakin. Miss ko na rin sila. Ang tagal na nilang wala. Sigurado kong proud na proud sila sa kung anong achievement ko ngayon. Dapat maging masaya ako. I'm sure na masaya sila para sakin.
Kinagabihan, pumunta na kami nila Somi sa bar. Pagpasok palang namin ang ingay na. Agad rin naman kaming pumuwesto sa isang pwesto't nagmasid lang sa mga taong nagsasaya sa paligid.
"Kukuha lang ako ng maiinom natin." Sabi samin ni Somi sabay lakad na.
Naiwan kami ni Irene sa pwesto namin.
"Sayaw tayo, Dahyun." Sabi niya sakin.
"No. Hindi ako sumasayaw eh. Ikaw na lang."
"Ang daya naman. Sige na. Ngayon lang ako hihiling nang ganito." Dagdag niya kaya naman napakamot ako sa ulo.
"Irene, Hindi talaga ako pwede. Sige na. Pumunta ka na dun. Enjoy."
"Daya talaga nito. Sige na nga. Diyan ka muna ah." Sagot niya sabay lakad na para maki-party sa iba pang tao.
Maya-maya, may natanggap na naman akong message request mula sa isa pang dummy account. Grabe naman! Bakit parang dinudumog ako ng mga dummy accounts ngayon?
"Mag-behave ka. Tama 'yan."
Sino na naman 'to? Napahinga na lang ako nang malalim sabay block ulit sa fb acc na yun. Nabubwisit na talaga ako sa kung sinong nantitrip sakin.
Dahil ang tagal bumalik ni Somi at abala pa sa pakikiparty si Irene, nagdesisyon akong tumayo na muna sa kinauupuan. Nababagot ako sa pwesto ko. Nababagot ako sa lugar na 'to. Ang ingay-ingay ng music. Umuwi na lang kaya ako? Iwanan ko na lang kaya sila Somi at Irene?
Buti pa 'tong mga taong 'to. Nagagawa nilang magsaya. Ako, alam ko sa sarili kong may part paring kulang kaya hindi ko magawang maging masaya nang lubusan kahit na may natupad na ko sa pangarap ko.
Habang naglalakad-lakad ako sa loob nang mag-isa, mas lumakas pa yung music kaya napakunot-noo ako.
Ano ba 'yan? Kala mong binabagyo ang lugar na 'to. Sasabog na yata ang tenga ko sa ingay nila.
Sa kalagitnaan ng pagtunganga ko sa isang tabi, biglang may naglagay ng headphone sa ulo ko.
Agad akong napalingon sa kung sino ang taong 'yun. Nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakangiti sakin. Yung eye smile niya.
Totoo ba 'tong nakikita ko? Baka naman namamalik-mata na naman ako. Baka namimiss ko na naman siya nang sobra. Si Mina ba talaga 'tong kaharap ko? Sakto namang humina yung malakas na tugtog sa bar.
Hindi ako dapat magpadalos-dalos. Baka namamalik-mata lang ako o kamukha lang ni Mina ang taong kaharap ko ngayon.
May naisip na kong paraan para malaman ko kung totoo bang si Mina ang kaharap ko nababaliw lang ako. Wala namang tumutugtog sa headphone na inisuot niya sakin.
"Si--Sino ka? Bakit mo ko nilagyan ng headphones na hindi tumutugtog?" Initanong ko sa kanya.
"Ahm. Kasi hindi nakasaksak yan sa mp3 player ko kaya hindi natugtog." Sagot niya sakin sabay ngiti ulit.
"Ah. Oo nga. Hehe. I mean, what's the purpose?"
"Kasi--"
"Kasi ano?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi mukhang naiingayan ka sa ingay ng music dito at ingay ng mga tao. Mas magandang magheadphones na lang." Sagot niya sakin kaya nagsimula na kong maging teary eyes.
"Pero wala namang natugtog sa headphones na 'to." Dagdag ko.
"I see, Si--Sige. Lalagyan natin ng tugtog." Mas lumapit pa siya sakin kaya naman mas naramdaman ko yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Inisaksak niya yung mp3 player.
"Magkakatugtog na 'yan. I-play mo na lang. Mamili ka na lang ng kanta." Hindi ako makapaniwalang ngayon ang araw na muli ko siyang makikita.
"Sa--Salamat. By the way, anong pangalan mo?" Napapaluhang tanong ko sa kanya.
"No need to know. Mag-enjoy ka na lang." Gayang-gaya niya yung pagkakasabi ko sa linyang 'to noong una kaming magkita.
"Wait!" Akma na sana siyang paalis kaya naman pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay kaya naman napalingon siya.
"Ano 'yun?"
"Sayo 'to. Ibabalik ko na. Ayos lang naman ako. Di na naman masyadong maingay." Sagot ko sa kanya.
"No. Sayo na 'yan ngayon. Take it as a gift." Sagot niya kaya tuluyan na kong napaluha.
Hindi ko binitawan ang kamay niya. Hinila ko na siya palapit sakin at niyakap nang mahigpit.
"Mina, Miss na miss na kita." Lumuluhang sabi ko habang kayakap siya. Tama na ngang re-enactment ng unang pagkikita namin noon. Hindi ko na napigilan yumakap sa kanya eh.
"Don't cry. Ang daming tao oh. Miss na miss na rin kita. Sa wakas, nagkita na rin tayo nang harapan." Sagot niya habang kayakap ako.
"Wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sakin, nandito ka na ulit sa tabi ko."
"Nandito na nga ulit ako. Marami tayong dapat pagusapan. Kim Dahyun." Sagot niya sabay pahid sa luha ko kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti.
"Kanina, hindi buo yung saya na nararamdaman ko. Ngayon, buong-buo na. Nandito ka na kasi ulit. Finally, I found you. My beautiful paradise." Nasabi ko na lang sabay yakap sa kanyang muli.
🎧To Be Continued🎧
A/N: Kumusta na kayo? Haha. Konting kembot na lang tapos na 'to. Abangan niyo yung special chapters. Fighting!
Don't forget to leave some comments.