Goodnight Like Yesterday (MiH...

By DuBulilay

57.4K 1.9K 1.2K

"Goodnight Like Yesterday" Would you risk everything for a stranger? What if that stranger becomes your ever... More

"Goodnight Like Yesterday"
"Goodnight Like Yesterday" Short Vid
1: Imprisoned
2: Survival
3: Pajama
4: Inner Circle
5: High School Classmate
6: Party Party
7: Headphones
8: Pretty Girl
9: Disgrace
10: Human
11: A Princess
12: My Weakness
13: Kidnapped
14: It Can't Be
15: Dahyun's Pain
16: Mysterious
17: No Choice
18: My Death?
19: Risk
20: Her Name
21: I'll Be Fine
22: Realize
23: Turn Back Time
24: Break-Up
25: Perfect
26: Should I?
27: My Hero
28: Who's That Girl?
29: The Gift
30: Her Magic
31: Jealous
32: Stay With You
33: Closer
34: Invisible
35: First Move
36: Happy Memories
37: City Lights
38: She's Magical
39: Sadness
40: Just A Dare
41: Protecting You
42: Secrets
43: Goodbye
44: Alone
45: Concerned
46: F R I E N D
47: A l i p i n
48: S a v e H e r
49: Hopeless
50: Myoui's Mansion
51: Leave Me Alone
52: A Letter From Yaya
53: I'll Protect You
54: You Don't Know
55: I'm Not Dahyun
56: Cause of Death
57: I'm Sorry
58: Feelings
59: A Bad Person
60: Here For You
61: Cup Noodles
62: O f f e r
63: Awkward
64: It's You
65: Don't Give Up
66: Another Poem
67: I'll Be That Person
68: Kiss Me Slowly
69: The Kiss
70: You & Me
71: It Hurts
72: Reasons
73: Chocolates
74: M a d
75: You Stole My Heart
76: With You
77: A Date ?
78: First Date
79: Crescent Moon Bracelet
80: Secret Love
81: One Sided Love ?
82: Dating
83: P L A N S
84: Hugs & Kisses
85: She's Mine
86: Stay Away From Dahyun
87: Secrets
88: My Everything
89: Remember That
90: Goodnight
91: Goodnight Like Yesterday
92: In Your Eyes
93: B r a v e
94: Dahyunie & Minari
95: Sacrifice
96: I Love You
97: Before You Go
98: Forget Her
99: Missing You
100: Kiss Me
101: Back To You
102: Wish You Were Here
103: Piano
104: Mean
105: Why?
106: Threats
107: Yourself
108: Forgiveness
109: Too Late
110: Rewrite The Stars
111: When You Look Me In The Eyes
112: Safe
113: A Night To Remember
114: Crazy In Love
115: Predator
116: Friends
117: Father-Daughter Bonding
118: Bike
119: Goodbye
120: Kailan?
121: 4 Years
122: Cheater
124: My Paradise
125: Stuck
About "GLY"
~ Questions ~
Next Story (Spoiler Alert)
Special Chapter #1
Next Story (Spoiler #2)
Next Story (Spoiler #3)
Special Chapter #2
H E L P 😙
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Next Story (Spoiler #4)
Special Chapter #6

123: Chat

363 15 17
By DuBulilay

Mina's Pov:

Nang dumating ako sa mansion, sinalubong agad ako ni Tita.

"Saan ka ba pumunta kanina, Mina? Bakit nagmamadali kang lumabas sa kotse?" Tanong niya sakin.

"Nakita ko si Dahyun." Naupo na ko sa sofa sa living room.

"Talaga? Anong nangyari? Nagkausap ba kayo?"

"Hindi po eh."

"Bakit naman? Hindi mo siya nilapitan? Ang tagal niyo nang hindi nagkakausap eh. Pagkakataon na sana 'yun."

"Kakausapin ko sana siya. Lalapit sana ako sa kanya pero ----"

"Pero ano?"

"May kasama siyang iba." Malungkot na pagkakasabi ko.

"What do you mean?"

"May lumapit sa kanyang babae. Hinawakan ang kamay niya. Sinundan ko sila. Namili sila ng groceries nang magkasama. Magkatabi pa yung tinitirahan nila. Mukhang close na close sila."

"Ah. So, nagseselos ka?"

"Tita, Bakit naman ako magseselos? Pag-untugin ko pa sila eh." Nakakunot-noong sagot ko.

"Alam mo kumain ka na lang. Nagluto na ko. Baka naman nagkakamali ka lang. Malay mo magkaibigan lang sila."

"May nalalaman pang papout-pout yung babae sa kanya. Tapyasin ko nguso nun eh."

"Hahahaha!" Napalingon ako kay Tita na humagalpak ng tawa.

"Bakit tumatawa ka, Tita?"

"Wala naman. Nakakabigla lang na makitang ganyan yung mood mo. Gigil na gigil talaga."

"Paano ba naman ako hindi magigigil? Siya 'tong nagsabi sakin na walang magbabago kahit na matagal kaming hindi magkasama tapos magugulat na lang ako, may kasama na siyang iba. Buti nga sa kanya, binato ko yung pintuan ng bahay niya."

"What? What the hell? Buti hindi ka nahuli at naidemanda." Dagdag ni Tita.

"Eh, inis na inis kasi talaga ako. Tita naman. Gustong-gusto kong bugbugin si Dahyun kanina."

"Kalma, Mina. Ang mabuti pa, kausapin mo siya nang maayos. Alamin mo sa kanya kung ano ba talagang meron sa kanila ng babaeng yun."

"Ayoko na. Bahala na siya. Magsama sila." Napalingon ako sa charmander stuffed toy kong nasa tabi. Kinuha ko yun at sinakal-sakal.

"Mina, Hindi makakalaban sayo yan. Yung tunay na Dahyun ang sakalin mo. Huwag yang stuffed toy. Maawa ka diyan. Haha." Natatawang bilin ni Tita.

"Ayoko na rin nito." Hinubad ko yung bracelet at inihagis sa sahig.

"Bakit ihinagis mo?" Gulat na tanong ni Tita sakin.

"Ayoko na niyan. Pakitapon na lang po."

"Sigurado ka?"

"Yes, Tita. Pakitapon na rin yung lumang bike sa labas. Hindi ko na rin kailangan yun."

"Ayos ka lang ba, Mina? Baka mamaya niyan magbago ang isip mo. Sure ka?"

"Yes, Tita. Ikaw na pong bahala diyan. Isama mo na rin 'tong stuffed toy. Pati yung headphone at mp3 player sa kotse. Magpapahinga na po muna ako sa kwarto. Salamat po."

"Hindi ka ba kakain?"

"Wala po kong gana ngayon. Mamaya na lang po ko kakain." Tumayo na ko't dumeretsyo na sa kwarto.

Nahiga na muna ko sa kama't nagtaklubong na lang ng unan.

"Bwisit ka, Kim Dahyun!" Nanggigigil na sabi ko.

I can't believe it. Akala ko never na magagawa sakin ni Dahyun yun. Ako nga, kahit madaming nanliligaw o lumalapit sakin---iniiwasan ko. Dahil siya lang yung kaisa-isang gusto ko tapos ganito lang pala.

Sa tuwing maaalala ko yung nasaksihan ko kanina, mas nagiinit ang ulo ko.

Napalingon na lang ako sa picture frames na nasa tabi ng kama ko. Napalingon ako sa litrato nila Yaya, Mom at Dad.

"Yaya, Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Inis na inis ako kay Dahyun."

"Mom, Kapalit-palit ba ko?"

"Dad! Sana mapabilis na ang paglaya mo. Pakibugbog na si Dahyun."

Para akong baliw na nagsasalita mag-isa. Pati pictures kinakausap ko. Siguro kung nasa tabi ko sila ngayon, magagawa nila akong tulungan.

Aish. Ano bang dapat kong gawin?

"Mina, Iba na yan. Pati pictures kinakausap mo na." Napalingon ako kay Tita na nakapasok na pala sa kwarto ko.

"Ah. Nandiyan ka pala, Tita. Hindi ko po kasi talaga alam ang gagawin ko. Hindi po ko mapakali sa nakita ko kanina." Malungkot na sabi ko.

"Hay nako. Ang pamangkin ko. Wala man ang Dad, Mom at Yaya mo sa tabi mo ngayon. Nandito naman ako. Pwede mo kong hingan ng tulong." Sabi ni Tita sabay upo sa tabi ko.

"Salamat po, Tita. Namimiss ko na rin po kasi sila. Ni hindi ko pa nga po nagagawang mabisita ang puntod ni Yaya."

Sinubukan kong makipag-ugnayan sa pamilya ni Yaya Jihyo sa probinsya para bigyan sila kahit na konting tulong. Pero ipinagtabuyan nila ako. Naiintindihan ko naman na hindi madaling kalimutan ang mga nangyari. Alam kong nasaktan sila sa pagkawala ni Yaya. Pinagbawalan nila akong puntahan yung puntod ni Yaya kaya naman wala na kong nagawa kundi respetuhin ang desisyon nila.

Hanggang ngayon, umaasa padin akong mapapatawad nila ako at ang Dad ko sa nangyari kay Yaya. Umaasa parin akong mabibisita ko rin yung puntod ni Yaya.

"Mina, Hindi ka nagiisa. Nandito ako para gabayan ka. Magkapamilya tayo. Basta sabihin mo lang sakin yung mga gusto mong sabihin. Kung may problema ka, sabihin mo sakin."

"Tita, Ano po bang dapat kong gawin? Dapat ko po bang hayaan na lang si Dahyun kasama yung babaeng 'yun? Mukhang masaya sila eh."

"Mina, Hindi mo malalaman ang katotohanan hanggat hindi mo siya kinakausap. Subukan mo munang alamin yung side niya sa nasaksihan mo. Hindi ba't may social media naman. Bakit hindi mo siya ichat?" Advice ni Tita sakin.

"Paano po kung may iba na siyang mahal?"

"Mina, Ano bang pagkakakilala mo kay Dahyun?"

"Mabuti po siyang tao. Maalaga. Sweet. Thoughtful. Masipag. Mabuting kaibigan. Marami pa pong iba."

"Sa tingin mo, siya yung tipo nang manloloko?"

Natahimik ako sa sinabi ni Tita. Bigla tuloy nagflashback sa isip ko lahat ng mga kabutihang ginawa ni Dahyun para sakin. Lahat ng bagay na sinabi niya.

"Pag-isipan mong mabuti. Sige na. Magpapahinga na rin ako. Kumain ka na ah. Saka nga pala, yung mga ipinatatapon mo. Naitapon ko na."

"Po?"

"Naitapon ko na yung mga ipinatatapon mo."

"Si--Sige po. Salamat po." Lumabas na si Tita ng kwarto ko kaya naman nahiga na lang ako.

Naisip ko yung advice ni Tita. Nagmadali akong nagopen ng phone. Sa totoo, alam ko naman yung social media acc ni Dahyun pero ni isang beses hindi ko inicheck dahil nirerespeto ko yung napagusapan naming paghihiwalay muna ng landas.

Tama ba 'tong gagawin ko? Aish. Bahala na. Gumawa muna ko ng dummy acc para hindi niya malaman na ako 'yun.

Binisita ko ang facebook acc niya. May mga nakita akong pictures niya kasama yung babaeng kasama niya kanina. May mga pictures din siya kasama ang iba pang kaibigan at classmates niya.

Nalaman ko rin na mas nagfocus siya sa pagpi-piano ngayon. Kahit inis ako sa kanya, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga achievements na nakukuha niya.

Nalaman ko ring nagpa-part time job siya. Nagsipag pala talaga siya para makapag-aral. Nakakaproud.

Bigla kong naisipang icheck yung status niya. Single lang ang nakalagay. Pero maraming nagkocomment sa posts at pictures niya. Mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Tsk. Naging babaero na ba si Dahyun ngayon?

Nagpost siya ngayon pa-tungkol sa graduation niya. Sa isang araw na pala siya gagraduate. Online siya!

Nagwave ako sa kanya sa messenger.

"Sorry, Napindot."

Dahyun: "Okay."

"Hello, Malapit na pala graduation mo. Congrats."

Dahyun: "Thanks. Sino ka ba?"

Medyo natawa ako sa reply niya. Mukhang hindi parin nagbabago yung cold attitude niya sa mga strangers. Hahaha.

"Hindi na mahalaga kung sino ko. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Dahyun: "Sige. Ikaw ang bahala."

Let's see kung bibigay ka, Kim Dahyun.

"Pwede ba kitang mayayang makipagdate sakin?"

Dahyun: Sino ba 'to? Bakit ako?"

"Kasi matagal na kitang crush. Single ka naman eh. Sige na. Pumayag ka na."

Dahyun: "Ah. Ganun ba? Pasensya ka na. Hindi ako pwede."

Anong hindi siya pwede? Anong ibig sabihin nun? Busy siya kaya hindi siya makakasamang magdate?!

"Bakit hindi pwede? Busy ka? Sa ibang araw na lang."

Dahyun: "No. I mean, hindi ako interesado. I'm sorry."

"Why? Masarap ako. Este, masarap yung kakainin natin sa date."

Dahyun: "Sorry talaga. Huwag ako. Humanap ka ng iba na papatulan ka. Taken na ko. Huwag mong hayaan na may mag-take advantage sayo. Igalang mo yung sarili mo bilang tao."

"Sigurado ka? Bakit ba ayaw mo? Jowable naman ako ah."

Dahyun: Balakajan!

"Taken ka na? Single kaya nakalagay sa profile mo. Pwede mo naman akong idagdag sa collection mo ng girls? Ang dami kayang may crush sayo. Nakita ko sa mga comments sa pictures mo."

Dahyun: "Sino ba 'to?! Miss, Please. Stop it. Taken na nga ko. Girls? Hindi ako nangongolekta ng girls. Wala akong pakialam kung maraming may crush sakin. Tigilan mo na ko. May nagmamay-ari na sa puso ko!"

"Sino ba yang nagmamay-ari sa puso mo? Yung kapitbahay mong babae na nagpout na lang nang nagpout habang naggo-grocery kayo?!"

Dahyun: "Huh? Stalker ka ba? Sino ba 'to?! Magkaibigan lang kami nung babaeng yun. Taken na nga ko!"

"Mukhang nageenjoy ka nga kasama yung babaeng yun. Tas pa-taken taken ka pa diyan. Nagchi-cheat ka ba sa girlfriend mo?"

Dahyun: "Kahit kailan, hindi ako nagloko sa kanya. Marami mang lumalapit na babae sakin. Ni isa sa kanila hindi ko hinayaang magkaroon ng pwesto sa puso ko. Isa lang yung gusto ko. Sa ngayon, hindi pa kami magkasama dahil nangako kaming tutuparin muna namin ang mga pangarap namin. Pero alam kong balang araw, babalik siya sa tabi ko. Walang makakahigit sa pagmamahal ko sa kanya. Siya lang! Kahit anong mangyari."

"Totoo ba yan?"

Dahyun: "Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi. Wala akong pakialam sa sasabihin niyong lahat. Basta ang mahalaga sakin, alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Tigilan mo na ko. Bye!"

Magrereply pa sana ako kaso ini-block na niya ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga sinabi niya. Nagkamali ako. Siya parin yung Dahyun na minahal ko noon. Hindi niya ko niloloko.

"Yeeeeeeeeeees! Ako parin pala! Woohoo!" Tuwang-tuwa akong nagpagulong-gulo sa higaan ko.

Gumaan ang pakiramdam ko sa nalaman ko. Nagoverthink lang pala talaga ako. Para akong ewan dahil pinagisipan ko siya nang masama.

Sa kalagitnaan ng nararamdaman kong kilig, napahinto ako.

Naalala ko yung mga ipinatapon ko kay Tita na galing kay Dahyun. Omg! Ang tanga ko.

Waaaaaaah. Nagmadali akong tumakbo palabas ng mansion para i-check sa basurahan yung mga gamit. Nagpanic ako nang hindi ko makita. Lagot na. Halos mabaliw ako kakahalungkat sa basurahan.

"Wala diyan ang hinahanap mo." Nagulat ako kay Tita na nakatayo sa isang tabi.

"Ti--Tita. Nandyan ka pala. Akala ko natutulog ka na."

"Rinig na rinig ko yung ingay mo sa kwarto mo eh. Parang nanalo ka sa lotto." Sagot niya sakin sabay ngiti pa.

"Po? Sorry sa ingay ko, Tita." Napakamot ako sa ulo.

"Mukhang may hinahanap ka ah."

"Nasaan yung mga ipinatapon ko kanina?"

"Wala na diyan. Sinigaan ko na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita.

"What? Nalate na pala ako." Malungkot na pagkakasabi ko. Para kasi akong tanga.

"Joke lang. HAHAHAHA." Nabigla ako kay Tita na humagalpak ng tawa.

"Bakit po?"

"Dahil alam ko namang magbabago talaga ang isip mo dahil hindi mo siya matitiis. Initago ko yung mga gamit. Hindi ko sinigaan o initapon."

"Talaga po? Omg! Thank you, Tita." Niyakap ko si Tita nang mahigpit.

"Mabuti pa kumain ka na muna. Mamaya ko na ibabalik sayo yung mga gamit. Mukhang may dapat kang ikwento sakin."

"Salamat po. Sige po. Tama po kayo, Tita." Masaya kaming bumalik sa loob ng mansion. Sinimulan kong ikwento kay Tita yung mga napagusapan namin ni Dahyun sa chat.

Nababaliw na yata ako. Mabuti na lang nalaman ko yung katotohanan kundi lagot na ko. Malapit na yung graduation niya. Proud na proud ako sa kanya.

💖To Be Continued💖

A/N: What's Up? Guys! Kumusta kayo? Nagbavlog nga pala ko sa youtube. Muntanga lang ako sa videos ko. Pinagkakaabalahan ko din yun. Skl. Support niyo ko. Lol. Hahahaha. Fighting!

Don't forget to leave some comments.

Continue Reading

You'll Also Like

143K 2.9K 12
| Fin - Short Story | Blair, the goddess that's ready to take her revenge on her long time enemies, Via and Chase.
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
708 220 44
Gender doesn't matter of our love, as long as well felt love even we're still young at this age we know that this will gonna be forever.
140K 8.7K 67
Sa mundong ito, iba iba ang uri ng tao. Iba-iba ang kinalakihan pati na uri ng pamumuhay. Magkakaiba man, isa lang ang sigurado may lugar ang pag...