Mina's Pov:
Naglalakad-lakad ako ngayon sa tabing dagat habang inaalala lahat ng bagay na napagdaanan ko.
Simula sa pagiging imprisoned princess ko sa mansion. Sa araw na muli kong nakita si Nayeon kung saan nagawa kong magpunta sa bar kasama niya. Yung moment na nakilala ko yung kaisa-isang tao na nag-approach sakin sa dami ng taong nasa bar.
Hanggang sa ma-risk yung life ko kung saan nakilala ko ang pinakasnob pero pinakaprotective na bantay ko.
Yung moment na hindi ko na kinaya yung pagiging strikto ni Dad sakin. Hanggang sa mapadpad ako sa kalsada kung saan muling narisk ang buhay ko. Pero nagkrus ang landas namin ng hero ko. Nakatagpo ako ng taong handang tumulong sakin.
Hanggang sa makakilala pa ko ng ibang kaibigan. Papunta sa moment na importante na sila sa buhay ko.
Siyempre, hindi mawawala yung revelation kung saan nalaman ko ang mga kasalanang ginawa ni Dad. Hinding-hindi rin mawawala yung heartbreaking scene na pagkamatay ni Yaya.
Hindi rin mawawala sa flashbacks yung masasayang alaalang kasama ko si Dahyun. Kasama na dun sila Nayeon.
Lahat ng 'yun hindi ko makakalimutan. Kahit yung masasakit na part, hindi rin mawala-wala sa isip ko. Yung sunod-sunod na pagkamatay nilang lahat.
Sinong mag-aakala na aabot kami hanggang dito? Masaya. Masaya talagang mabuhay nang mapayapa. Pero hindi mawawala yung lungkot na kailangan pang marami ang magbuwis ng buhay nila.
Si Mom at si Yaya na kasama ko simula pagkabata.
Sila Nayeon, Momo, Jeongyeon at Chaeyoung na naging sandalan ko noong mga panahong wala sa tabi ko si Dahyun.
Si Tzuyu na puro gulo ang inidulot sa buhay ko pero nagawang bumawi sakin sa huli. Hindi ko inakalang pati siya mawawala. Ang unfair naman. Kung kailan nagkabati na kami, saka pa siya nawala.
Siyempre, hindi mawawala si Dahyun. Si Dahyun na palaging nasa puso ko. Siya yung taong nagparealize sakin kung ano ba talagang mahalaga sa buhay na 'to. Dahil sa tulong niya, nagawa ko yung mga bagay na hindi ko magawa noon. Dahil sa kanya, natuto akong magpakatatag at lumaban.
Sa kalagitnaan ng pageemote ko, biglang may nagbackhug sakin. Alam na alam ko kung sino 'to.
"Gising ka na pala." Sabi ko sa kanya.
"Oo. Nagising ako kasi wala ka na sa tabi ko kanina." Sagot niya.
"Dahyun, Matatapos na ang lahat ng gulo."
"Tama ka. Patapos na nga. Masaya akong magkasama parin tayo sa huli. Pero nakakalungkot parin na wala na yung mga kaibigan natin."
"Tama. Nakakalungkot na hindi na natin sila kasama. Alam naman nating nasa payapang lugar na sila."
"I'm sure masaya sila para satin." Dagdag ni Dahyun sakin.
"Mamimeet nila dun yung ex mo." Nasabi ko na lang kaya pumunta siya sa harapan ko.
"Eh, ano naman kung mameet nila dun si Sana?"
"Wala. Sinabi ko lang naman. Haha. Malay natin maging friends sila dun."
"Nako. Baka nga iganti pa nila ko sa heartbreak na iniwan ni Sana sakin noon." Biro ni Dahyun.
"Hindi natin masasabi. Nako! Maghanda na si Sana sa kanila."
"Masaya akong kasama parin kita hanggang ngayon. Pangako. Wala nang makakasakit pa sayo." Sabi ni Dahyun sabay hawak sa kamay ko.
"Nangangako rin akong hindi kita hahayaang malagay sa panganib. Hindi kita hahayaang mamatay. Baka magkita pa kayo ni Sana eh, mahirap na." Sabi ko sa kanya kaya bigla siyang napatawa.
"Nagseselos ka kay Sana? Haha." Tanong niya sabay tawa.
"Anong nakakatawa dun?"
"Wala lang. Ang cute mo kasi. Haha. Ang cute mo kahit si Sana na namamayapa na pinagseselosan mo."
"Eh ikaw kasi, alam mo namang ayaw kong may ka-share."
"Ka-share? Ni hindi mo pa nga ko sinasagot." Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga noh. Wala pa pala talagang official na kami.
"Yes." Sagot ko sa kanya.
"Anong Yes?" Tanong niya sakin.
"Sinasagot na kita."
"Ta--Talaga?"
"Oo. Bakit? Ayaw mo?"
"Omg! Yes! Girlfriend ko na si Mina!" Nagulat ako dahil bigla siyang nagsisigaw sabay takbo sa tabing dagat.
"Parang baliw 'to. Haha." Dapat matagal ko na siyang sinagot. Ngayon ko lang tuloy nakita yung tuwa niyang ganyan ka-grabe. Hahaha.
"Oo! Baliw na baliw sayo." Nakangiting sagot niya sakin.
"Binobola mo na naman ako!"
"Hindi kaya. Nagsasabi ako ng totoo. Baliw na baliw na talaga ako sayo. Paano ba 'yan? Kiss mo naman ako." Nagpout siya sakin kaya naman napangiti na lang ako't tumakbo palayo.
"Ayoko~"
"Yah! Mina! Isang kiss lang." Hinahabol-habol niya ko kaya naman nagtatakbo ko.
"Ingudngod ko yang bibig mo sa buhangin eh. Hahaha. Gusto mo lang ng kiss, bobolahin mo pa ko."
"Ayoko! Mas gusto kong ingudngod mo yung bibig ko sa bibig mo. Payag ako 'pag ganun." Sagot niya kaya napapamewang ako.
"Magbehave ka muna."
"Behave naman ako ah." Sabi niya sabay pout ulit.
"Gague! Para kang predator kapag nahuhuli mo ko."
"Hindi naman ah. Kapag nahuli kita, hug lang naman yung ibinibigay ko." Depensa niya.
"Hug lang daw. Wala kang maloloko dito, Kim Dahyun."
"Eh di wag na. Kakain na lang ako ng breakfast." Sagot niya sabay lakad pabalik sa villa kaya naman nilapitan ko na siya.
"Mas mabuti pa." Akala ko tumigil na talaga siya, hindi pa pala.
"Huli ka!" Nabigla ako nang bigla niya kong mayakap nang mahigpit sabay tawa pa.
"Yah! Madaya ka, Kim Dahyun."
"Kala mo ah. Ngayon, pagbabayarin kita sa pagpapahabol sakin." Bigla niya kong kiniliti kaya naman tawa lang ako nang tawa.
"Stop it, Dahyun. Nakikiliti ako. Hahahahaha." Hanggang sa matumba kami pareho sa buhangin.
Natumba ko sa ibabaw niya. Pareho kaming napahinto nang magkatitigan kami. Wala nang mas sasaya pa sa tuwing makikita ko si Dahyun. Sa tuwing pagmamasdan ko yung mata niya, pakiramdam ko nasakin na ang lahat ng magagandang bagay sa mundo.
"Ah. Kain na tayo ng breakfast." Sabi niya sakin nang di parin umaalis sa pwesto niya. For some reason, natripan ko siyang i-tease.
"Ako na lang ang gawin mong breakfast."
"Huh?" Nagulat siya sa sinabi ko.
"Mas masarap ako kaysa sa breakfast na nakaready sa bahay." Dagdag ko sabay smirk sa kanya.
"Ikaw ah ~ Hinahamon mo na naman ako. Akala mo aatrasan kita? Hindi. Ikaw talaga yung paboritong breakfast ko eh." Sambit niya na akma akong iki-kiss kaya naman pinigilan ko siya gamit ang kamay ko.
"Ooops. Sinong nagsabing pwede mo kong i-kiss?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Bawal ba? Akala ko ikaw ang breakfast ko?"
"Joke lang 'yun. Ikaw ah ~ Napaghahalataan ka. Hindi makapagpigil." Pang-aasar ko sa kanya.
"What the ---- ?Myoui Mina, Why are you doing this to me?" Tanong niya sakin.
"Hahaha. Ang cute mo lang kasi asarin. Para talagang predator."
"Sige na nga. Huwag na. Madaya 'to. Kakain na lang talaga ako ng breakfast sa loob." Dagdag niya. Nakakatawa talaga yung mukha niya kapag inaasar ko siya sa ganitong bagay.
Pero bago pa siya makakilos patayo, hinila ko siya palapit sakin. Hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat niya. Hindi ko maitatanggi na attractive parin siya kahit na nakakunot-noo sa tuwing aasarin ko siya. Hindi ko mapigilan yung sarili kong halikan siya.
"What the ---- ?" Gulat na tanong niya.
"Ang kissable lang kasi nung lips mo." Sabi ko sa kanya.
"Talaga lang huh? Sinong predator ngayon?" Tanong niya sakin bago tuluyang maglapit ulit ang labi naming dalawa.
Sa bawat dampi ng labi naming dalawa, nararamdaman ko yung puso kong nagwawala. Mas nagiging passionate ang kiss namin hanggang sa magsimula na namang maglibot yung kamay niya. Mas naturn on ako nang maramdaman ko yung halik niya sa leeg ko.
Pinahinto ko muna siya dahil alam kong nagiging mas mapangahas na yung nangyayari sa pagitan naming dalawa.
"Ituloy natin sa loob." Yakag ko sa kanya.
"Dito na lang. Wala namang ibang tao dito." Nakangising sagot niya.
"Seriously? Pero ----" Bago pa ko matapos sa pagsasalita, hinalikan niya kong muli.
Naramdaman ko yung kamay niyang naglalakbay sa ilalim ng blouse ko.
"Dahyun-ah~" Ini-squeeze niya yung breast ko dahilan para mapa-moan ako.
Hindi ko na yata kaya 'to. Mababaliw na yata ako sa ginagawa ni Dahyun sakin.
"Gawin natin dito." Bulong niya sa tenga ko kaya mas maturn on ako dahil na rin sa seductive voice niya.
"Ahem. Excuse me po. Anong gagawin niyo dito?" Pareho kaming nagulat ni Dahyun nang biglang may nagsalita.
Napaiktad kami sa pagkakapwesto sa buhanginan sa tabing dagat. Nanlaki ang mata naming dalawa ni Dahyun nang makita ang tauhan ni Dad.
"Ah. Ka--Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Hi--Hindi naman po, Ma'am Mina." Pansin ko naman yung expression niyang 'di malaman.
Aish. Ang awkward nito. Tahimik lang kami ni Dahyun habang nakatingin sa tauhan ni Dad.
"Pa--Pasensya na po sa abala sa ginagawa niyo." Sabi niya samin.
"Huh? Wa--Wala. May hinahanap lang kami ni Mina dito sa buhangin. Nalaglag ata yung bracelet ko." Palusot ni Dahyun sabay acting na naghahanap.
"Suot niyo po." Sagot ng tauhan ni Dad.
"Ay! Suot ko nga pala. Nahanap na namin." Nakita ko namang nagpipigil ng tawa yung tauhan ni Dad kaya naman napakamot-ulo na lang ako.
Ang ganda kasi ng dahilan ni Dahyun. Grabe! Hindi halata.
"Mina, Gawin na natin dito." Sabi ni Dahyun sakin kaya naman natigilan ako. Aish. Anong sinasabi nito? Shet.
"Ano po bang dapat na gagawin niyo dito?" Tanong ng tauhan ni Dad. Tungunu. Ang awkward talaga nito. May ibang tao pang nakasaksi sa kalokohan namin ni Dahyun.
"Yung ano ----" Pinandilatan ko si Dahyun nang mata kaya hindi niya matapos-tapos ang sasabihin niya.
"Yung pagkain ng breakfast. Sige na. Maiwan ko muna kayo para makuha ko na yung breakfast." Nagtatakbo na si Dahyun papunta sa villa.
Aish. Nakakahiya! Ano na lang kaya ang nasa isip ng tauhan ni Dad?
"Nagpunta po ko dito para sabihin sa inyo ang magandang balita." Sabi niya.
"Ano 'yun?"
"Nahuli na ang mga tauhan ng Tito niyo. Ibig sabihin, maaari na kayong bumalik. Nandito po ko para sunduin kayo." Sagot niya.
"Ma--Mabuti kung ganun. Salamat sa balita."
"Magbreakfast na muna kayo bago tayo umalis. Iready ko lang po yung sasakyan." Dagdag niya bago tuluyang lumakad.
Agad rin naman akong pumasok sa loob ng villa. Natagpuan ko si Dahyun na kumakain na ng breakfast.
"Sabi ko sayo wag dun eh."
"Haha. Anong magagawa ko?"
"Aish. Nakakahiya!"
"Hayaan mo na. Ang mahalaga, nagenjoy tayo." Dagdag niya kaya naman napaglare ako sa kanya.
"Kahit na. Ang awkward parin. Makulit ka kasing predator ka."
"Sino kaya dito ang tunay na predator? Ikaw nga 'tong naunang kumiss sakin eh."
"Kumain na nga lang tayo ng breakfast."
"Itutuloy ba natin dito?" Pang asar niya.
"Sira ulo! Aalis na tayo."
"Huh?"
"Nahuli na yung mga tauhan ni Tito. Sinusundo na tayo ng tauhan ni Dad. After natin magbreakfast, aalis na tayo."
"Ay! Sayang. Akala ko matutuloy yung ano."
"Suntukin kaya kita diyan. Hahaha."
"Sige na nga! Sa van na lang natin ituloy." Pangaasar na naman niya.
"Gague talaga 'to. Baliw na baliw eh. Napaghahalataan talaga."
"Siyempre joke lang. Para namang adik na adik ako sa ano. Haha. Di bale, alam ko namang sa pagbalik natin matutuloy yung ano eh." Sabi niya sakin kaya napailing na lang ako sa kalokohan niya.
Matapos kumain, nagready na kami para umalis. Marami na rin kaming memories sa lugar na 'to kahit paano. I'll make sure na makakabalik kami dito. Sa ngayon, kailangan muna naming umalis.
Bago sumakay sa van, pinagmasdan ko muna yung view sa dagat.
"Paalam muna sa ngayon." Nasabi ko na lang bago sumakay sa van.
"Let's Go." Sabi ni Dahyun kaya naman bumiyahe na kami.
Alam kong sa pagbabalik namin. Maraming ala-ala ang babalik sa isipan namin. Kasama na dun yung masasakit na ala-ala.
Isa pa. Naalala ko yung pangako ni Dad na sa oras na mahuli na yung mga tauhan ni Tito, aamin na siya. Sana tuparin niya. Umaasa kong this time, tutuparin na niya.
Marami-rami din kaming dapat pag-usapan eh. Sana talaga magawa niyang harapin yung mga kasalanan niya.
💖To Be Continued💖
A/N: Guys, Sorry sa slow update. Busy ako eh. Fighting.
Don't forget to leave some comments.