Goodnight Like Yesterday (MiH...

By DuBulilay

57.4K 1.9K 1.2K

"Goodnight Like Yesterday" Would you risk everything for a stranger? What if that stranger becomes your ever... More

"Goodnight Like Yesterday"
"Goodnight Like Yesterday" Short Vid
1: Imprisoned
2: Survival
3: Pajama
4: Inner Circle
5: High School Classmate
6: Party Party
7: Headphones
8: Pretty Girl
9: Disgrace
10: Human
11: A Princess
12: My Weakness
13: Kidnapped
14: It Can't Be
15: Dahyun's Pain
16: Mysterious
17: No Choice
18: My Death?
19: Risk
20: Her Name
21: I'll Be Fine
22: Realize
23: Turn Back Time
24: Break-Up
25: Perfect
26: Should I?
27: My Hero
28: Who's That Girl?
29: The Gift
30: Her Magic
31: Jealous
32: Stay With You
33: Closer
34: Invisible
35: First Move
36: Happy Memories
37: City Lights
38: She's Magical
39: Sadness
40: Just A Dare
41: Protecting You
42: Secrets
43: Goodbye
44: Alone
45: Concerned
46: F R I E N D
47: A l i p i n
48: S a v e H e r
49: Hopeless
50: Myoui's Mansion
51: Leave Me Alone
52: A Letter From Yaya
53: I'll Protect You
54: You Don't Know
55: I'm Not Dahyun
56: Cause of Death
57: I'm Sorry
58: Feelings
59: A Bad Person
60: Here For You
61: Cup Noodles
62: O f f e r
63: Awkward
64: It's You
65: Don't Give Up
66: Another Poem
67: I'll Be That Person
68: Kiss Me Slowly
69: The Kiss
70: You & Me
71: It Hurts
72: Reasons
73: Chocolates
74: M a d
75: You Stole My Heart
76: With You
77: A Date ?
78: First Date
79: Crescent Moon Bracelet
80: Secret Love
81: One Sided Love ?
82: Dating
83: P L A N S
84: Hugs & Kisses
85: She's Mine
86: Stay Away From Dahyun
87: Secrets
88: My Everything
89: Remember That
90: Goodnight
91: Goodnight Like Yesterday
92: In Your Eyes
93: B r a v e
94: Dahyunie & Minari
95: Sacrifice
96: I Love You
97: Before You Go
98: Forget Her
99: Missing You
100: Kiss Me
101: Back To You
102: Wish You Were Here
103: Piano
104: Mean
105: Why?
106: Threats
107: Yourself
109: Too Late
110: Rewrite The Stars
111: When You Look Me In The Eyes
112: Safe
113: A Night To Remember
114: Crazy In Love
115: Predator
116: Friends
117: Father-Daughter Bonding
118: Bike
119: Goodbye
120: Kailan?
121: 4 Years
122: Cheater
123: Chat
124: My Paradise
125: Stuck
About "GLY"
~ Questions ~
Next Story (Spoiler Alert)
Special Chapter #1
Next Story (Spoiler #2)
Next Story (Spoiler #3)
Special Chapter #2
H E L P 😙
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Next Story (Spoiler #4)
Special Chapter #6

108: Forgiveness

292 14 15
By DuBulilay

Mina's Pov:

Isang linggo na rin naming hindi kasama sina Nayeon at Chaeyoung. Nasa malayong lugar na kasi sila.

Nakakabigla. Parang kahapon lang tumatawa pa kami nang sama-sama, ngayon nasa payapang lugar na sila.

Sa mabilis na pangyayaring naganap, nawalan kami ng dalawang kaibigan. Nawalan na naman ako ng mahal sa buhay. Hindi lang isa, kundi dalawa.

Hindi madaling maging okay pero kahit paano sinusubukan ko naman. Sobrang hirap para samin na tanggaping hindi na namin makakasama sina Chaeyoung at Nayeon.

Hindi okay si Jeongyeon. Araw-araw siyang umiiyak. Naiintindihan ko siya. Talagang mahirap pakawalan ang taong mahalaga sayo. Mahirap na tanggaping hindi mo na siya makakasama. Mahirap tanggaping wala na siya.

Kung masakit na para sakin yung pagkawala ni Nayeon, ano pa kaya yung nararamdaman ni Jeongyeon ngayon? Simula pagkabata magkakasama na sila nila Dahyun.

Speaking of Dahyun, hindi ko parin alam kung nasaan na siya. Babalikan pa kaya niya ko? Alam kong magugulat siya sa oras na malaman niyang wala na sila Nayeon.

Nakakalungkot rin na nadamay pati ang pamilya ni Nayeon. Inimbestigahan na ng mga pulis kung sino yung may kasalanan sa pagkawala nila.

Pero ako? Sigurado ako sa nakita ko. Familiar sakin yung van na gamit ng pumatay kila Nayeon. Familiar din yumg boses ng taong 'yun.

Kilala ko kung sino ang may gawa nun. Walang iba kundi ang Dad ko.

Ni hindi ako makareact nang maayos nang araw na mamatay sila Nayeon. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang puntahan ba si Dad o ang sundan ang ambulansyang nagdala kila Nayeon sa hospital. Hindi ko alam.

Pero sa huli, mas pinili kong sumunod na sa hospital kung saan nakita kong iyak lang nang iyak si Jeongyeon na pinatatahan naman ni Momo.

Sa puntong 'yun, nalaman ko na hindi na sila umabot. Wala na sila. Wala na yung mga kaibigan ko.

Tahimik lang kami nila Jeongyeon at Momo dito sa bahay. Nagdesisyon muna kami ni Momo na huminto muna sa pagtitinda para damayan si Jeongyeon.

"Everything will be okay." Sabi ko sa kanila.

"Okay? I don't think so." Malamyang sagot ni Jeongyeon.

"Ni hindi parin alam ni Dahyun ang nangyari." Malungkot na sabi naman ni Momo.

"Mukhang wala na nga siyang pakialam satin eh. Wala na!" Napalingon ako kay Jeongyeon. Mukhang unti-unti na nga siyang nawawalan ng pag-asa.

"Hi--Hindi pa naman natin alam kung nasaan siya ngayon. Ma--Malay natin bumalik na siya." Nasabi ko na lang.

"Bakit? Nasaan ba siya ngayon? Bakit wala pa siya? May magagawa ba ang pagbabalik niya para ibalik ang buhay nila Chaeyoung?!" Tumayo na si Jeongyeon at padabog na lumayo samin.

Naiintindihan ko naman si Jeongyeon. Alam kong mahirap tanggapin na wala na sila Chaeyoung. Hindi ko naman siya masisisi.

Nasaan ka na ba, Dahyun? Kailangan kong magpakatatag para sa aming lahat.

"Mina, Pagpasensyahan mo na si Jeongyeon." Sabi ni Momo.

"Naiintindihan ko. Lahat naman tayo nahihirapan eh."

"Wala ka ba talagang nari-receive na tawag o text mula kay Dahyun? Kailangan niyang malaman ang nangyari."

"Wala eh. Hindi parin siya tumatawag o nagtetext sakin."

"Nakakalungkot isipin na nawalan tayo ng dalawang kaibigan. Sana malaman na ng mga pulis kung sino ang may pakana nito."

Kung alam lang sana nila na ang Dad ko ang may gawa nito. Nahihirapan akong aminin sa kanila. Hindi ko magawang sabihin na ang sarili kong ama ang nagpapatay sa mga kaibigan ko.

"Ta--Tama. Sana nga." Sagot ko na lang sabay iwas ng tingin kay Momo.

Oo. Duwag ako. Naduduwag akong aminin ang katotohanan. Wala na naman akong magawa.

Siguro panahon na para kausapin ko si Dad tungkol dito. Mahalaga siya sakin pero alam kong hindi na tama 'to. Panahon na para simulan kong gumawa ng aksyon.

"Momo, may pupuntahan lang ako ah."

"Saan?"

"Basta. Babalik din ako agad." Sagot ko na lang sa kanya bago tuluyang umalis.

Sumakay na ko ng taxi at bumiyahe papunta sa mansion. Nang marating ko ang mansion, pumasok na ko sa loob kasama ng mga tauhan ni Dad na nagbabantay sa labas.

"My daughter. Long time no see." Bati ni Dad na akma sanang yayakap sakin pero lumayo ako sa kanya.

"Dad, What do you think you're doing?"

"What?"

"Inosente ka ba talaga o nagkukunwaring inosente?"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ikaw yung may pakana ng pagkamatay ng mga kaibigan ko. Diba?!"

"Me? Bakit ko naman gagawin 'yun?" Nagkukunwari na naman siyang walang alam sa nangyari.

"Dahil masama kang tao."

"Mina, Wala akong kinalaman diyan."

"Really? Sa tingin mo di kita kilala? Kaya mong gawin ang lahat para lang makuha ang gusto mo!"

"Nangyari 'yun dahil hindi ka nagpakabait sakin. Alam mong seryoso ko. Alam mong hindi ako nagbibiro sa mga salitang binibitawan ko. Kung sumunod ka na lang sana." Sagot niya kaya nagsimula nang mamuo ang luha sa mata ko.

"Pinatay mo ba talaga sila Chaeyoung at Nayeon at ang pamilya nito?" Naluluhang tanong ko.

"Oo! Tama ka. Ako nga ang nagpapatay sa kanila. Mina, Listen to me. Ginagawa ko ang lahat ng 'to para sa ikabubuti mo. Wala kang mapapala sa kanila. Dito sa mansion, maibibigay ko sayo ang lahat." Sagot niya sakin.

"Hindi ko kailangan ng yaman mo, Dad. Gusto ko lang naman na magbago ka na. Pinilit ko ang sarili kong huwag magsalita dahil sa pagpatay mo kay Mom noon. Nanahimik din ako noong napatay mo rin si Yaya Jihyo. Isama na rin yung mga tauhan mong kapag nawawalan na ng silbi para sayo, ipinapapatay mo na rin. Tama na, Dad. Marami nang nasaktan nang dahil sa kasakiman mo."

"Ginawa ko ang lahat nang 'yun para itago ang sikretong makakasira sakin, sayo at sa pamilya natin. Kung hahayaan ko silang mabuhay, malalagay sa pahamak ang kompanyang mamanahin mo balang araw. Para sayo ang lahat nang 'yun, Mina. Anak kita. Mahal kita. Mahalaga ka sakin."

"Bakit parang hindi ko maramdaman na mahalaga ako para sayo? Mahalaga ba ko dahil mahal mo ko o mahalaga ako dahil mahal mo ang kompanya mo?"

"Mina, Nangyari na ang nangyari. Gagawin ko ang lahat para manatiling ligtas ang mga sikretong nangyari. Hindi mo naiintindihan."

"Enough, Dad. Sawang-sawa na kong umasa na magbabago ka pa. Kung mahal mo ko, maiintindihan mo kung ano talagang makakapagpasaya sakin." Lumakad na ko palabas.

"Saan ka pupunta?"

"Sa mga kaibigan ko. Poprotektahan ko na sila simula ngayon. Hindi na ko papayag na may masaktan ka na naman." Sagot ko sa kanya.

"Babalik ka rin sakin, Mina." Sabi niya bago ko tuluyang makalabas ng mansion. Sumakay na ulit ako sa taxi pauwi kila Momo pero biglang tumunog ang phone ko.

May tumatawag sakin na "unknown number" naman. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko pero sa huli, sinagot ko parin.

On The Phone :

"Hello, Sino 'to?"

"Pwede ba tayong magkita?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Sino 'to?"

"Si Tzuyu."

"Paano mo nalaman ang phone number ko?"

"Basta! Kailangan nating mag-usap."

"Bakit naman?"

"Huwag ka nang magtanong nang magtanong. Importante 'to." Sagot niya.

"Fine. Siguraduhin mo lang. Kung bubwisitin mo lang din ako ulit, wag na."

"Itetext ko sayo kung saan tayo magkikita." Sagot niya.

"Fine!"

End Call

Ano naman kaya ang kailangan ni Tzuyu sakin? Malamang manggugulo na naman siya. Nako. Sinasabi ko na kung bubwisitin na naman niya ko, hindi na ko magdadalawang isip na labanan siya.

Pagod na pagod na kong magtimpi sa isang 'yun. Sinabi ko na sa taxi driver yung location kung saan kami magkikita ni Tzuyu.

Sa isang simpleng restaurant ako bumaba ng taxi. Bakit naman dito naisipang makipagkita ni Tzuyu? Anyare sa pagkasosyalin niya?

Nang pumasok ako sa loob, nakita ko siyang naghihintay sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Maupo ka na muna." Kalmadong sabi niya kaya naman naupo na ko.

"Ano ba 'yung paguusapan natin?"

"Ahm. It's about you and me."

"Oh?"

"Gu--Gusto ko sanang humingi ng --- ano---" Hindi niya maituloy kung anong sasabihin niya. Ano bang trip nito? Ang weird niya ngayon.

"Ng ano?"

"Kasi ano eh ----- ahm ---- paano ko ba sasabihin 'to?" Napakamot siya sa ulo.

"Ano nga? Tzuyu, sinasayang mo ang oras ko."

"Fine. Gu--Gusto ko sanang humingi ng tawag sayo." Natigilan ako sa sinabi niya. Siya? Humihingi ng tawad? First time 'yun ah.

"Anong pinaplano mo? Bakit humihingi ka ng tawad?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong masamang plano, Mina. It's just ---- narealize ko na yung mga bagay na nagawa ko sayo. Gusto ko nang matapos yung gulo na namamagitan sating dalawa."

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka ngayon."

"Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko eh. Siguro dahil sa taong nakasama ko nitong mga nakaraang linggo ang may gawa sakin nito. Dahil sa kanya, narealize ko na mas mahalagang piliing maging masaya kaysa pilitin yung sariling magbago para sa iba." Paliwanag niya.

Oopps. Ngayon ko lang narinig ang mga bagay na 'yan mula kay Tzuyu. Sino naman kaya yung tinutukoy niyang nakasama niya? Eh, wala namang pinakikinggan ang isang 'to kundi sarili niya.

"Tapos?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana kalimutan na natin yung masasamang ala-ala. Sana mapatawad mo ko. Hindi man ngayon, sana balang araw kapag handa ka na. I'm so sorry, Mina."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang inuusisa kung bakit nagkakaganito siya ngayon.

"Pangako. Magbabago na ko. Babawi ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Kung kinakailangan na bumisita ko sa inyo para lang humingi ng tawad sayo, Gagawin ko. Hihingi rin ako ng tawad kila Chaeyoung." Dagdag niya.

"Hihingi ka rin ng tawad kila Chaeyoung? Wala na si Chaeyoung at Nayeon eh."

"Huh?"

"Wala na sila."

"Anong wala na?"

"Patay na sila nung isang linggo pa. Nailibing na sila."

"What? Ba--Bakit? Anong nangyari?"

"Gusto mo talagang malaman? Pinapatay sila ng Dad ko." Pag-amin ko sa kanya.

"Huh? Yung Dad mo?"

"Yes. Kayang gawin ng Dad ko ang lahat para lang mapabalik ako sa mansion. Para lang mapwersa akong mag asikaso sa kompanya."

"Pero bakit ba ayaw mong bumalik sa mansion? Kayang-kaya mo namang pamunuan yung kompanya eh."

"Ayoko. Mas gugustuhin kong maghirap kaysa manatili sa karangyaan na puno naman ng masasamang bagay. Kaya kung gusto mo talaga 'yung kompanya, lakad na. Pagkakataon mo na para kunin yun."

"Ayoko." Sagot niya sakin.

"Bakit? Diba yun naman talaga yung gusto mo? Gusto mo kong mapabagsak para makuha mo yun."

"Yun din ang akala ko eh. Hindi pala. Sa totoo, babaero parin si Dad. Hindi na siya nagbago. Nasa ibang bansa si Mom ngayon, akala ko dahil yun sa ibang business namin dun. Hindi pala. Lumayo pala siya dahil nalaman niya na may babae na naman si Dad. Dahil sa ayaw kong matuloy sila sa paghihiwalayan, minabuti kong sirain yung sarili ko sa kanila para sakin nila ibunton yung galit ng isa't-isa. Ayos lang sakin na ako yung sisihin nila kaysa magsisihan sila. Akala ko maaayos ko ang lahat sa ganung paraan, nagkamali pala ako. Mas lalo ko lang palang pinapalala ang lahat. Nagpapasalamat ako sa taong nakilala ko na nagparealize sakin na hindi ko talaga makokontrol ang desisyon ng magulang ko. Naisip kong panahon na para magpakatotoo ako. Ayoko na ng gulo. Pagod na ko." Kwento niya sakin.

Kahit paano, nagawa ko ring maintindihan yung side ni Tzuyu. So that's the reason kung bakit ginagawa niya ang lahat para lang masiraan ako. Pinapasama niya ko pero mas pinapasama niya ang sarili niya.

"Sa totoo, mas maswerte ka nga kahit paano eh. Hindi mamamatay-tao ang Dad mo." Sabi ko sa kanya.

"Nagkakamali ka, Mina."

"Huh?"

"May kasamaan ang Dad ko. Panahon na siguro para malaman mo kung sino ang nagpakidnap sayo noon."

"What do you mean?"

"Yung nagpakidnap sayo noon. Si Dad ang may pakana nun. Siya ang mastermind. Desperado na siyang makuha yung kompanya na mamanahin mo. That's it, Mina. Ayos lang sakin kung isumbong mo siya sa pulis ngayon. Dapat na magbayad ang dapat magbayad." Pag-amin niya kaya naman natulala ako.

No way. Si Tito yung nagpakidnap sakin? I can' believe it. Akala ko hindi niya kayang umabot sa ganung point.

"Pa--Paano mo nalaman?"

"Narinig ko ang pag-uusap nila ng tauhan niya. Delikado ang buhay mo sa Dad ko. Mag-ingat ka. Gagawin ng Dad ko ang lahat para lang mawala ka sa landas niya." Babala ni Tzuyu sakin.

"Handa na akong humarap sa ano mang kapahamakan. Panahon na para ako naman ang gumawa ng paraan para maprotektahan ang mga taong mahalaga sakin. Tzuyu, maraming salamat sa pagsabi mo ng katotohanan."

"Babawi ako sayo. Babawi ako sa inyo nila Dahyun. May isa ka palang kailangan malaman. Maiintindihan ko kung magagalit ka sakin. Ang mahalaga malaman mo 'to."

"Ano 'yun?"

"Si Dahyun."

"Anong meron kay Dahyun?"

"Nasa bahay siya."

"Huh?"

"Nandun siya sa bahay ko."

"Ba--Bakit?"

"Kasalanan ko. Naisip ko noon na gamitin siya laban sayo. Ini-blockmail ko siyang masasaktan ka sa oras na hindi siya sumunod sa gusto ko. Siya yung taong sinasabi kong nagparealize sakin kung ano ba talaga ang mahalaga."

"Ba--Bakit hindi siya tumatawag o nagtetext?"

"Dahil kinuha ko ang phone niya. Nalaman ko yung phone number mo dahil dun. Hindi niya ginustong umalis sa tabi mo. Alam na niya noon pa man na ang Dad ko ang nagpakidnap sayo. Ginawa niya yun para protektahan ka. Ginawa niya yun para hindi ka masaktan kahit na alam niyang masasaktan siya sa paglayo niya sayo." Paliwanag ni Tzuyu.

Tuluyan nang napatulo ang luha ko. Hindi ko alam na yun pala ang inasikasong importante ni Dahyun. Hindi ko alam na ini-risk na pala niya ang buhay niya para sakin. Siguro yun ang dahilan kung bakit ang tamlay niya noong mga huling araw na magkasama kami. All this time, yung kaligtasan ko yung inalala niya. Pinagisipan ko pa siya nang masama.

"I'm sorry, Mina."

"Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang makausap." Lumuluhang sabi ko.

"Wait. Huwag muna, Mina. Kailangan muna nating humanap ng timing. Sa oras na malaman ni Dad na alam mo na ang katotohanan, maaaring malagay ang buhay ni Dahyun sa panganib. Nandun siya para protektahan ka. Kailangan ko munang mag-isip ng paraan kung paano ang dapat na gawin." Paliwanag niya.

"Pakiusap, Tzuyu. Huwag mong hayaan na masaktan si Dahyun ng Dad mo. Pakisabi sa kanya na mahal na mahal ko siya."

"Makakarating sa kanya. Pangako. Paano? Kailangan ko nang umalis. Mag-ingat ka, Mina. Gagawin ko ang lahat para maialis si Dahyun nang ligtas." Sagot ni Tzuyu sakin.

Tumayo na kaming dalawa para umalis. Pero bago pa makalabas si Tzuyu, tinawag ko siya.

"Wait, Tzuyu."

"Ano 'yun?"

"Thank you, Cousin." Niyakap ko siya.

"Tha--Thank you din, Mina." Sabi niya sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya't lumakad na.

Dahyun, Hintayin mo ko. Gagawa ako ng paraan para maprotektahan ka. Panahon na para ako naman ang kumilos.

Nang dumating ako sa bahay, naglakas loob akong lumapit kila Momo at Jeongyeon.

"May kailangan akong sabihin sa inyo."

"Ano 'yun?"

"Si Dad ang nagpapatay kila Nayeon at Chaeyoung."

"What?!" Gulat na tanong ni Momo.

"Bakit ginawa ng Dad mo 'yun?!" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Desperado na siyang makontrol ako. I'm sorry. It's my fault."

"No. It's not your fault. It's your Dad's fault. Dapat na magbayad ang dapat magbayad." Biglang tumayo si Jeongyeon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Momo kay Jeongyeon.

"Pananagutin ko sa nangyari ang Dad ni Mina." Seryosong sagot ni Jeongyeon.

"No! Don't do this, Jeongyeon." Harang ni Momo kay Jeongyeon.

"Pinatay niya ang mga kaibigan natin!"

"Guys, may plano ko." Nasabi ko na lang sa kanila.

"Anong plano?" Tanong nila sakin.

"Here." Kinuha ko yung phone ko't ipinarinig sa kanila ang voice record ng paguusap namin ni Dad kanina.

Napahinto naman sila Jeongyeon sa narinig nila.

"Makakatulong 'yan para mapanagot ang Dad mo." Sabi ni Momo. Hindi alam ni Dad na inirerecord ko sa phone ang paguusap namin kanina. Kailangan kong gawin 'to. Kailangan ko ng matibay na ebidensya para mapanagot siya. Isusunod ko ang Dad ni Tzuyu.

"Tama. Huwag muna tayong magpadalos-dalos. Mag-isip tayo ng plano. Isa pa, alam ko na kung nasaan si Dahyun."

"Nasaan?"

"Nasa bahay ni Tzuyu."

"What? Bakit nandun siya?!" Tanong nila.

Agad ko namang ipinaliwanag sa kanila ang mga napagusapan namin ni Tzuyu na ikinagulat naman nila.

💖To Be Continued💖

A/N: Sorry sa slow ud, Guys.

Don't forget to leave some comments.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 492 21
"I'm not like this,untiI heard them talking.that change my whole life. --And I want revenge."-Rose Cueva
7.5K 209 28
Fate is the belief that whatever happens is preordained and cannot be changed. Faith is the belief in something that is not based upon evidence both...
337K 10.7K 64
Book 1 (My Heart Racer) ; COMPLETED Book 2 (Love and Trials) ; COMPLETED Teaser; Fuck! Shit! Bitch! Lahat na yata ng masasamang salita nasa bib...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...