Mina's Pov:
Magiisang linggo na ring wala si Dahyun sa tabi ko. Ni hindi ko nga alam kung ano nang balita sa kanya.
Miss na miss ko na talaga siya. Nasaan na kaya siya? Matutupad pa kaya yung pangako niyang babalik siya?
Nakatambay lang ako sa labas nang bahay ni Momo nang biglang tumunog ang phone ko.
Si Dad pala 'yung tumatawag. Ano naman kayang kailangan niya ngayon kaya napatawag siya?
Napahinga na lang ako nang malalim bago i-decline ang tawag niya. Hangga't maaari, ayoko muna siyang makausap. Alam ko namang sasabihan lang niya ko ng mga bagay na gusto niyang gawin ko. Kailan pa ba niya ko namiss?
Maya-maya, tumawag na naman siya pero hindi ko parin ito sinagot. Initago ko na ang phone ko sa bulsa.
"Hindi mo ba talaga sasagutin?" Napalingon ako sa kung sinong nagsalita. Natigilan ako nang makita si Dad.
"A--Anong ginagawa mo dito, Dad?" Napatayo ako sa kinauupuan.
Anong ginagawa niya dito kasama ang mga tauhan niya?
"Binibisita ka dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko." Lumapit siya pero lumayo kaagad ako.
"Gusto kitang makausap."
"Tungkol saan?"
"Basta sumama ka na lang sakin. Sa maayos na lugar tayo mag-usap. Mabuti kung sa mansion na lang. Hindi dito."
"Maayos naman ang lugar na 'to ah. Sa katunayan, mas matatawag pa nga 'tong maayos na lugar kaysa sa mansion."
"Sige. Ikaw ang bahala. Basta kailangan nating mag-usap." Dagdag niya.
"Mina!" Napalingon ako kila Momo, Chaeyoung at Jeongyeon na magkakasama galing sa stall.
Lumapit sila sakin na tila ba inuusisa kung sino ba sila Dad at ang mga tauhan niya.
"Sino sila?" Tanong ni Jeongyeon.
"Ang Dad ko at ang mga tauhan niya." Seryosong sagot ko.
"Ah. Ginugulo ka ba nila?" Tanong naman ni Chaeyoung.
"Hindi. Huwag kayong mag-alala. Kailangan lang naming mag-usap nang pribado." Paliwanag ko.
"Sige. Pasok lang kami sa loob ng bahay ah. Sabihin mo kapag kailangan mo kami." Sabi naman ni Momo kaya napatango na lang ako.
Pumasok na sa loob ng bahay sina Momo. Samantalang umalis na naman muna ang mga tauhan ni Dad para hayaan kaming makapag-usap.
"Kumusta na, Mina? Ayos ka lang ba dito?" Kalmadong tanong niya.
"Maayos na maayos."
"Nakakakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw?"
"Hindi lang po tatlo, kundi maraming beses sa isang araw."
"Ma--Mabuti kung ganun. Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan mo kaya binisita kita." Sabi niya sakin. Tumingin lang ako sa kanya nang paseryoso dahil kakaiba ang ikinikilos niya.
"May iba pa ba tayong dapat pagusapan? Kung tapos na, papasok na ko sa loob ng bahay. Makakaalis ka na po,Dad."
"Nasaan nga pala si Dahyun?" Tanong niya.
"Umalis. May inasikasong importante."
"Ah. Tinatrato ka ba niya nang tama?"
"Yes."
"Mina, alam naman natin na may hindi tayo pagkakaunawaan. Nakaraa na naman ang lahat. Kalimutan na natin 'yun at magsimula na nang bagong buhay."
"Bakit sinasabi niyo 'to sakin, Dad?"
"Tumatanda na ko. Walang magpapatuloy sa pagaasikaso sa kompanya kung hindi ka pa magsisimulang mag-aral tungkol sa business natin." Paliwanag niya kaya naman napasinghal na lang ako.
"I see, nagiging ganyan ka dahil nag-aalala ka sa kompanya at hindi sakin."
"It's not like that, Mina. Para rin naman sayo 'to. Ikaw lang ang kaisa-isang tagapagmana ng kompanya. Kung hindi mo magagawang pamunuan ang company natin, mapupunta yun kay Tzuyu." Dagdag niya.
"So what kung mapunta kay Tzuyu? Diba mas may tiwala ka naman sa kanya. Let her handle your business."
"Myoui Mina! Pinaghirapan ko yung kompanyang 'yun para sayo. Anong iniisip mo? Para sayo 'yun!" Biglang tumaas ang boses niya.
"Paano kung sabihin kong ayokong mamuno sa kompanya mo? Paano kung sabihin kong gusto kong mamuhay nang normal?"
"Nababaliw ka na ba? Kung pakakawalan mo 'yung kompanya, makakaranas ka lang ng mahirap na buhay kasama ang hampaslupa na Dahyun na 'yun. Pineperahan ka lang niya. Malamang gusto lang niya ang mamanahin mo kaya ipinaparamdam niya sayong mahalaga ka sa kanya."
"Hampaslupa? Sayo pa mismo nanggaling yung salitang 'yun, Dad? Hindi mo kilala si Dahyun. Noong mga panahong walang naniniwala sakin, pinaniwalaan niya ko nang buong-buo. Noong panahong walang-wala ako, siya mismo yung nagpuwang ng mga kakulangan na yun sa buhay ko. Noong makilala ko siya, nagawa ko yung mga bagay na ipinagkait mo sakin."
"Bumalik ka na sa mansion. I-handle mo ang business o kailangan ko pang gumawa ng paraan para mapabalik ka?" Banta niya.
"Hindi ka parin pala talaga nagbabago, Dad. Ginagamit mo parin ang kayamanan at kapangyarihan mo para makuha ang mga gusto mo. Sorry, hindi po ako madadala sa banta mo. Gagawin ko yung alam kong makabubuti sakin. Pipiliin ko yung kung saan ako masaya."
"Myoui Mina, Bakit ginagawa mo sakin 'to? Sariling ama mo, pinagtataksilan mo!" Galit na sabi niya.
"Kayo po? Bakit ginagawa niyo 'to sakin? Sariling anak niyo, pinagkakaitan niyo ng kalayaan. Bakit ginawa niyo 'yun kay Mom? Bakit pinatay niyo yung Mom ko? Bakit inilihim niyo? Bakit nagsinungaling kayo?!" Naluluhang tanong ko.
"Aksidente 'yun. Hindi ko sinasadya."
"Kahit hindi sadya, kailangan niyo paring managot sa kasalanan na nagawa niyo. Kailangan niyong ibigay kay Mom 'yung hustisya na para sa kanya!"
"Hindi ko pwedeng gawin 'yun. Hindi ko pwedeng hayaan na mawalan nang tagapamahala ang kompanya."
"Kompanya na naman? Sino ang pamilya mo? Kami o yung kompanya?"
"Ginagawa ko 'to para sayo. Para sa kinabukasan mo."
"Pero bakit parang ginagawa mo 'to para sa sarili mo? Bakit hindi ko nararamdaman na para sakin 'to? Gusto ko lang naman na maging malaya at masaya. Pero hindi mo magawang ibigay 'yun dahil wala kang tiwala sakin. Natatakot ka na baka makasira ako sa kompanyang mahal na mahal mo. Bakit dinidiktahan mo ko kung anong dapat kong maramdaman, kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang dapat kong isuot at kung sino ang dapat kong lapitan?!"
"Aksidente lang ang lahat, Mina."
"Yung pagkamatay ni Yaya Jihyo, ikaw rin ba ang may gawa nun? Ano? Dad, Sumagot ka!" Pilit ko paring pinipigilan ang luha ko.
"Aksidente lang rin ang nangyari sa Yaya mo. Hi--Hindi ko sinasadyang maitulak siya sa hagdan. Kinabahan ako na magsumbong siya sa mga pulis kaya naman pinigilan ko siya. Pero nagpumiglas siya kaya naman nahulog siya sa hagdan." Paliwanag ni Dad sakin.
"Leave me alone."
"Mina. Maniwala ka sakin."
"I said, leave me alone!" Sigaw ko sa kanya bago tuluyang pumatak ang luha ko.
Siya rin pala talaga ang may kasalanan kung bakit nawala si Yaya Jihyo. Ang sakit-sakit. Pero alam niyo kung ano yung mas masakit? Yung mahalaga rin sayo yung may kasalanan kung bakit nawala yung iba pang mahalagang tao sa buhay mo. Yung gustong-gusto mo nang mabigyan ng hustisya yung mga mahal mo sa buhay pero at the same time, hindi mo magawa-gawang panagutin yung taong may kasalanan dahil mahal mo rin siya.
Aminado kong kahit na hindi kami magkasundo ng Dad ko. Dad ko parin siya. Mahal ko siya. Dahil sa kanya kaya nabuhay ako sa mundong 'to. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta.
Wala nang nagawa si Dad kundi umalis kasama ng mga tauhan niya. Nang pumasok ako sa loob ng bahay, sinalubong ako ni Momo ng yakap.
"Why are you crying?" Tanong niya sakin.
"Sinaktan ka ba ng mga 'yun? Gusto mo resbakan namin?" Tanong naman ni Chaeyoung.
"No need." Sagot ko sabay upo na muna sa sofa. Tinabihan naman nila ako.
"What happened?" Tanong ni Jeongyeon.
"Ang sakit-sakit na." Lumuluhang sabi ko sa kanila.
"Kung gusto mong magshare, nandito kami. Kung ayaw mo, naiintindihan namin." Sabi ni Momo.
"Si Dad rin yung may kasalanan kung bakit namatay si Yaya Jihyo. Wala akong nagawa. Gusto kong aminin sa mga pulis kaso nasasaktan din ako sa fact na makukulong ang Dad ko. Hindi ko na alam." Pag-amin ko kaya naman nagulat sila.
"Oh-My-God!" Nasabi na lang ni Chaeyoung.
"Kakayanin natin 'to, Mina. Walang susuko." Sabi ni Momo sabay tapik sa balikat ko. Inamin ko na sa kanila kung ano ba talagang problema ko sa Dad ko. Naintindihan naman nila ang sitwasyon ko.
"Ang sakit-sakit parin na hindi siya nagtitiwala sa kakayahan ko."
"Ayos lang 'yan, Mina. Ang mahalaga, tumahan ka na. Nandito kami. Hindi ka mag-isa." Sabi ni Chaeyoung sabay thumbs up.
"Nasaan ba kasi si Dahyun?" Tanong ni Momo kila Chaeyoung.
"Hindi rin namin alam eh. Wala kaming natatanggap na text mula sa kanya." Sagot ni Jeongyeon.
"Magiisang linggo na tayong walang balita sa kanya." Dagdag ni Momo.
"Aish. Mabuti pa, kantahan na lang natin si Dahyun." Suggestion ni Jeongyeon.
Nagulat na lang ako nang magbulungan sina Jeongyeon at Chaeyoung. Bigla silang kumanta sa harapan ko.
"Someday I'll be living in a big old city,
And all you're ever gonna be is mean.
Someday I'll be big enough so you can't hit me,
And all you're ever gonna be is mean.
Why you gonna be so mean?" (Mean by Taylor Swift) Pagkanta nila Chaeyoung at Jeongyeon sakin.
"Don't Cry, You can do it. Okay?" Pinahid ni Momo ang luha ko gamit ang panyo niya.
Ngumiti silang tatlo sakin kaua naman napatango na lang ako. Maswerte ko dahil may mga kaibigan akong tulad nila. Kim Dahyun, Nasaan ka na ba?
"Galing naming kumanta noh? Pwede na kaming magbanda eh!" Sabi ni Chaeyoung.
"Di ka naman marunong magplay ng instrument!" Pang-asar ni Momo kay Chaeyoung.
"Hoy! Magaling akong magrap. Marunong magsaxophone si Jeongyeon. Marunong magpiano si Dahyun." Dagdag ni Chaeyoung.
"Marunong magpiano si Dahyun?" Gulat na tanong ko.
"Yup. Tinuruan kasi kami nung nasa bahay ampunan kami noon pero siyempre, hindi ako nakikinig sa lessons noon. Palagi akong natakas." Sabi ni Chaeyoung.
"Nakikipaglaro yan sa mga babaeng bata noon kaya hindi na natuto." Sabi naman ni Jeongyeon.
"Hala! Lagot ka kay Nayeon!" Sabi naman ni Momo.
"Hoy! Bata pa ko nun. Saka, laro lang naman! Ano ba kayo?! Ipapahamak pa ko sa Nayeon ko." Reklamo ni Chaeyoung kaya naman natawa na lang kami sa reaction niyo.
"Ayan! Itawa mo lang, Mina." Sabi ni Momo sakin.
"Salamat sa inyo, Guys."
"Basta nandito lang kami para magpatawa sayo." Sabi naman ni Jeongyeon kaya naman napangiti na lang ako sa kanila. Tama. Itatawa ko na lang.
Pero nakakagulat na marunong pala magpiano si Dahyun. Hindi niya yun nabanggit sakin. Marami pa palang bagay ang hindi ko alam tungkol sa kanya. May pag-asa pa kaya na marinig ko yung pagtugtog niya ng piano? Hindi ko alam.
💖To Be Continued💖
A/N: Guys, Kumusta na kayo?! Hahaha.
Don't forget to leave some comments.