Love Me, Touch Me, Kiss Me
- Bankk Cash 🎧🎶
(mas magandang may music habang binabasa niyo 'to haha)
Tzuyu's Pov:
Gabi na nang magdesisyon akong bisitahin ulit si Dahyun sa kwarto. Nang bumalik ako sa kwarto kung saan naroon si Dahyun, naabutan ko siyang natutulog.
Mukhang napagod ang isang 'to ah. Dahan-dahan akong lumapit at naupo muna sa gilid ng kama.
Pinagmasdan ko lang siyang matulog hanggang sa pumasok sa isip kong attractive naman talaga siya.
Ano kayang nagustuhan niya kay Mina? Sa lahat ng nakilala ko, siya lang yung hindi nagmakaawa para sa atensyon ko. Kim Dahyun, Ano bang meron sayo? Bakit mas gusto mo ang walang kwentang pinsan ko kaysa sakin?
Bago pa dumami lalo ang tanong sa isipan ko, tumayo na ko. Napalingon ako sa mga dala niyang gamit. Binuksan ko ang bag niya't nalamang puro damit lang yung dala niya't iba pang bagay.
Hanggang sa makuha ng atensyon ko yung phone niyang naka-charge. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutang may phone nga pala siya. Kahit na nandito siya, maaaring nagkakausap parin sila ni Mina.
Kinuha ko yung phone niya't charger para itago sa kwarto ko. Hangga't nasa teritoryo ko siya, hindi siya pwedeng makipag-ugnayan kay Mina.
Bumalik rin ako agad sa kwarto niya't lumapit na ulit sa kanya para gisingin siya.
"Gising na!" Ginising ko siya't kinalbit pero mukhang malalim ang tulog niya kaya naman napa-pamewang na lang ako.
Lumabas na lang muna ko sa kwarto niya't pumunta na sa kusina. Nagugutom na ko. Hindi parin siya kumakain. Naisipan ko tuloy magluto ng dinner naming dalawa.
Wait. Hindi nga pala ako maalam sa pagluluto. Marunong lang akong magbake ng cookies. Ini-search ko pa 'yun sa internet kung paano gawin. Nakakaloka lang isipin na nareject niya 'yung effort ko dun. Kaya mas lalo akong pursigidong mapa-realize sa kanyang sinasayang niya ang atensyong binibigay ko sa kanya.
Naghanap ako ng mga pagkaing maluluto sa ref hanggang sa magdesisyon na lang akong magsearch ulit sa internet. Kinuha ko na yung mga itlog. Siguro pwede na 'yung pritong itlog saka fried chicken. Hmmm, paano nga ba 'to lutuin?
Nagsimula na kong magluto ng dinner namin. Aminado kong mahirap 'to pero wala naman akong magagawa eh. Gutom na rin ako. Makalipas ang ilang oras, ni hindi ko na alam kung tama pa ba yung ginagawa ko. Aish. Ang hirap pala talagang magluto sa bahay. Nasanay kasi akong kumakain sa mga mamahaling restaurants eh.
"Anong ginagawa mo?" Natigilan ako sa pagbaba ni Dahyun mula sa second floor.
"Nag--Nagluluto!"
"Marunong ka?"
"Mag-aaral ako!" Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang nakapwesto lang siya sa isang tabi sa kusina't nanonood lang sa ginagawa ko.
"Pwede ka namang kumain sa labas diba. Go! Ayos na ayos lang saking malayo sayo." Sabi niya kaya napakunot-noo ko.
Seriously? Pinapalayas niya ko sa sariling bahay ko? Ano 'to? Lokohan?!
"Hoy! Alam ko 'tong ginagawa ko. Manahimik ka na lang diyan."
"Nope. Hindi mo alam. Ni hindi mo pa nga binubuksan yung kalan. Ilang oras ka na yata diyan." Dagdag niya kaya naman mas nainis ako.
Ang ayoko talaga sa lahat ay yung sinasabi ng iba na hindi ko kayang gawin ang isang bagay na ginagawa ko.
"Manahimik ka na lang! Kaya ko 'to. Matututunan ko 'tong ginagawa ko. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Shut up, Kim Dahyun." Sagot ko sa kanya sabay irap.
Nagulat na lang ako nang lumapit siya't nakigulo na sa ginagawa ko. Natigilan na lang ako nang makitang mukhang alam niya talaga ang ginagawa niya. Ni hindi na nga ko nakagalaw sa pwesto ko dahil abala ko sa panonood sa pagluluto niya.
"Ako na. Nakakahiya naman sayo." Sabi niya nang paseryoso sabay tuloy sa pagluluto.
"Nakachamba ka lang!"
"Hindi chamba 'to. Aminin mo na lang na sadyang may bagay parin talagang hindi mo pwedeng makuha."
"Whatever! Kung hindi ka lang sana nakialam, eh di sana nagawa ko na 'yan. Pasalamat ka nga' nageffort pa ko na mag-aral magluto para lang may dinner tayong dalawa!" Dagdag ko sabay pamewang sa gilid.
"Tayong dalawa? Wala namang tayo eh." Sabi niya kaya mas nainis ako. Nakakainis talaga 'yung mga lumalabas sa bibig niya. Parang gustong-gusto niya ko saktan eh, pero wala naman sakin 'yun dahil alam kong sa huli--- Ako parin ang masusunod.
Idagdag pa 'yung seryosong mukha niya habang nagsasalita. Samantalang kapag si Mina 'yung kasama, abot tenga na yung ngiti niya. Ang pangit naman ng taste niya. Walang-wala sakin 'yung pinsan ko eh. Nakakasora.
Matapos niyang magluto, humarap siya sakin.
"Tapos na. Ganun kadali. Diyan ka na." Sabi niya sabay akmang babalik na sa kwarto.
"Stay here!"
"And why?"
"Kumain ka na rin!" Sagot ko sa kanya pero napailing lang siya't umakyat na sa second floor.
Habang kumakain ako, bigla siyang bumalik.
"Oh, Bakit na naman?!"
"Where's my phone and charger?!" Seryosong tanong niya.
"Hindi mo na kailangan 'yun. Kayang-kaya kitang ibili."
"Nasaan?!" Pasigaw niyang tanong kaya napahinto ako sa pagkain.
Tumayo na ko't pumunta sa harapan niya. Nakakunot noo lang siyang nakatingin sakin.
"Sinabi ko na sayo, ako parin ang masusunod sa huli."
"Give it back to me!"
"Ayoko."
"Please!"
"Bakit ba gustong-gusto mo 'yung phone na 'yun?! Ibibili na lang kita!"
"It's important."
"Dahil kay Mina?" Natahimik siya sa tanong ko.
"Nandito ka sa tabi ko. Kalimutan mo na si Mina. You're not allowed to talk to her." Dagdag ko sabay hawak sa pisnge niya pero tinabig niya ang kamay ko.
"Ang sama mo! Wala kang puso!"
"Salamat. Alam ko! Bakit? Sa tingin mo, may puso akong handang maawa para sayo? Baka nakakalimutan mo, laruan lang kita!" Paliwanag ko sa kanya na may kasamang smirk.
"Imposibleng magustuhan kita. Imposibleng piliin kita kaysa kay Mina. Akala mo panalo ka na? Nagkakamali ka. Dahil mahal parin namin ni Mina ang isa't-isa. Walang nagbago kahit na nandito ko sa tabi mo."
"I don't care. As long as you're here, It's okay. Nasa'kin ang pinakamamahal niya. Kaya kong kontrolin ang taong pinakamahalaga para sa kanya. I'll use you to break her!"
"Kakarmahin rin kayo. Maghintay ka." Dagdag niya na halata namang naiinis na. Mygod. Kahit na inis na inis na siya, attractive padin siya.
Napangisi na lang ako't pinaikot ang braso ko sa leeg niya.
"What do you think you're doing?" Tanong niya sakin.
"From now on, you're mine." Sagot ko bago siya tuluyang halikan sa labi. Hindi ko alam pero nageenjoy talaga akong makipaglaro sa isang laruang katulad niya. Gustong-gusto ko kapag nakokontrol ko siya.
Alam kong balang araw, bibigay din siya. Sinubukan niyang kumawala sakin pero minabuti kong higpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Ano ba?!"
"Mamili ka, masasaktan si Mina o susunod ka sa gusto ko?" Seryosong tanong ko sa kanya. Alam niyang hindi ako nakikipagbiruan.
Hindi na siya nakapalag sa sinabi ko kaya naman napangisi na lang. Marunong din naman pala siyang matakot. Mabuti 'yan. Alam niyang dapat siyang matakot dahil seryoso ko!
"Now, kiss me." Sabi ko sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi ko.
Nagsimula ang mapusok na paghahalikan naming dalawa. Nararamdaman ko na yung bawat tugon niya sa halik ko. Hinila ko siya papunta sa living room.
Para lang siyang robot na sunod-sunuran sakin. Initulak ko siya sa sofa kaya naman natumba siya. Pumuwesto ko sa ibabaw niya bago ituloy ang paghahalikan naming dalawa.
Hindi ko mai-explain yung nararamdaman ko sa bawat pagdampi ng labi ko sa labi niya. Iginala ko ang halik ko palapit sa tenga niya.
"Play with me." Bulong ko sa kanya bago tuluyang bumalik sa labi niya.
Habang tumatagal, mas lalo kong ginaganahan sa pakikipaglaro sa kanya. Gusto ko 'yan. Unti-unti na siyang nagiging masunurin sa mga utos ko.
Naramdaman ko yung pagdampi ng kamay niya sa balat ko na nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam.
Sinimulan ko nang hubarin ang pang-itaas na damit niya. Ganun din ang ginawa ko sa aking sarili. Ngayon ko lang napansin na mas maganda pala ang hubog ng katawan niya higit sa inaakala ko.
Mas naging agresibo pa ang namamagitan saming dalawa hanggang sa simulan na niyang halikan ang leeg ko. Napakagat-labi na lang ako dahil sa nararamdaman kong kakaiba.
"Kim Dahyun ~" Naramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko kaya naman sinalubong ko ulit siya ng isa pang halik sa labi.
Pero napahinto ang lahat nang biglang tumunog ang phone ko. What the hell? Napahinto siya sa ginagawa niya't napatingin lang sakin.
"Sino ba 'tong tawag nang tawag?!" Tumayo ako mula sa pagkakapwesto sa ibabaw niya. Naupo muna ko sa tabi niya't sinagot na ang tawag. Bwisit. Si Dad lang pala.
On The Phone:
"Bakit napatawag ka, Dad?!"
"Kumusta na? Ano nang balita sa Dahyun na 'yan?"
"Behave lang naman siya, Dad. Don't worry. Bye!"
End Call
Nakakainis. Tumawag pa siya sa ganitong pagkakataon. Paglingon ko kay Dahyun, suot na ulit niya yung pang-ibabaw niyang damit.
"What the ------ ? Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Huh?" Seryosong tanong niya.
"Aish. I can't believe it. Sinabi ko bang tapos na tayong maglaro?"
"Pero hindi ako interesado sayo." Poker face na sagot niya.
"Seriously? Eh, ano 'yung kanina?"
"Wala lang. Sinunod ko lang kung anong trip mo dahil gusto kong protektahan yung taong mahal ko. Masaya ka na ba?" Dagdag niya.
"How dare you to say that to me?! Alam mo bang maraming nagkakandarapa pala lang sa atensyong ibinigay ko sayo pero ni isa sa kanila walang nagtagumpay. Tapos ikaw ---- tao ka ba talaga?!"
Talagang inuubos niya ang pasensya ko. Hindi ako makapaniwalang may gagawa pa sakin nito. Hindi ko alam kung ano ba talagang problema niya. Hindi siya mahulog-hulog sakin. Bwisit ka talaga, Kim Dahyun.
"I-can't-believe-it!"
"Balakajan. Kakain na ko ng dinner." Sabi niya sabay tayo na't punta sa kusina.
Napailing na lang ako't nagsuot na ulit ng pang-itaas na damit dahil sa pagkainis sa kanya.
Paano ko kaya siya mahuhuli? Anong kailangan kong gawin para matalo si Mina pagdating sa kanya?!
Pagpunta ko sa kusina, kumakain na siya kaya naupo na lang din ako't kumain na. Akala ko pa naman nahuli ko na ang kahinaan niya.
Kim Dahyun, Bibigay ka rin. Sa susunod, sisiguraduhin kong wala ka na talagang magagawa. Tandaan mo 'yan.
Sa totoo, sa ginawa niyang 'yun---mas lalong naging interesado ang larong 'to. Gusto ko 'yung katulad niya na pa-hard to get pa.
💖To Be Continued💖
A/N: Jusko! Ang lame ng ud ko na 'to. Pagpasensyahan niyo na kung bitin. Mga 18 pababa, humingi muna ko ng permission sa nakatatanda bago basahin 'to! Charooooot HAHAHAHAHA. Balakayojan. Magmml muna ko. Fighting! Lol
Don't forget to leave some comments.