Goodnight Like Yesterday (MiH...

By DuBulilay

57.4K 1.9K 1.2K

"Goodnight Like Yesterday" Would you risk everything for a stranger? What if that stranger becomes your ever... More

"Goodnight Like Yesterday"
"Goodnight Like Yesterday" Short Vid
1: Imprisoned
2: Survival
3: Pajama
4: Inner Circle
5: High School Classmate
6: Party Party
7: Headphones
8: Pretty Girl
9: Disgrace
10: Human
11: A Princess
12: My Weakness
13: Kidnapped
14: It Can't Be
15: Dahyun's Pain
16: Mysterious
17: No Choice
18: My Death?
19: Risk
20: Her Name
21: I'll Be Fine
22: Realize
23: Turn Back Time
24: Break-Up
25: Perfect
26: Should I?
27: My Hero
28: Who's That Girl?
29: The Gift
30: Her Magic
31: Jealous
32: Stay With You
33: Closer
34: Invisible
35: First Move
36: Happy Memories
37: City Lights
38: She's Magical
39: Sadness
40: Just A Dare
41: Protecting You
42: Secrets
43: Goodbye
44: Alone
45: Concerned
46: F R I E N D
47: A l i p i n
48: S a v e H e r
49: Hopeless
50: Myoui's Mansion
51: Leave Me Alone
52: A Letter From Yaya
53: I'll Protect You
54: You Don't Know
55: I'm Not Dahyun
56: Cause of Death
57: I'm Sorry
58: Feelings
59: A Bad Person
60: Here For You
61: Cup Noodles
62: O f f e r
63: Awkward
64: It's You
65: Don't Give Up
66: Another Poem
67: I'll Be That Person
68: Kiss Me Slowly
69: The Kiss
70: You & Me
71: It Hurts
72: Reasons
73: Chocolates
74: M a d
75: You Stole My Heart
76: With You
77: A Date ?
78: First Date
79: Crescent Moon Bracelet
80: Secret Love
81: One Sided Love ?
82: Dating
83: P L A N S
84: Hugs & Kisses
85: She's Mine
86: Stay Away From Dahyun
87: Secrets
88: My Everything
89: Remember That
90: Goodnight
91: Goodnight Like Yesterday
92: In Your Eyes
93: B r a v e
95: Sacrifice
96: I Love You
97: Before You Go
98: Forget Her
99: Missing You
100: Kiss Me
101: Back To You
102: Wish You Were Here
103: Piano
104: Mean
105: Why?
106: Threats
107: Yourself
108: Forgiveness
109: Too Late
110: Rewrite The Stars
111: When You Look Me In The Eyes
112: Safe
113: A Night To Remember
114: Crazy In Love
115: Predator
116: Friends
117: Father-Daughter Bonding
118: Bike
119: Goodbye
120: Kailan?
121: 4 Years
122: Cheater
123: Chat
124: My Paradise
125: Stuck
About "GLY"
~ Questions ~
Next Story (Spoiler Alert)
Special Chapter #1
Next Story (Spoiler #2)
Next Story (Spoiler #3)
Special Chapter #2
H E L P 😙
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Next Story (Spoiler #4)
Special Chapter #6

94: Dahyunie & Minari

326 7 33
By DuBulilay

Mina's Pov:

Tanghali na kaming lahat nagising dahil madaling araw na natapos ang movie marathon naming lahat.

Gising na rin pala si Nayeon. Nakita ko siyang nakikinig ng music sa mp3 player na ibinigay ni Dahyun habang nakaheadphones.

"Mahilig pala sa music si Dahyun." Sabi niya sabay tanggal na ng headphones sa tenga niya.

"Ye--Yeah. Ang ganda nga ng mga songs na pinapakinggan niya."

"Ano kayang hilig ni Chaeyoung?" Curious na tanong ni Nayeon.

"Eh di alamin mo. Malalaman mo rin naman 'yun habang mas nagkakakilala kayo. Mas mabuting alamin mo 'yang mga bagay na 'yan kapag nagdedate kayo. Magshare ka din ng tungkol sayo. Ganern!" Advice ko sa kanya sabay punta na sa cr para maghilamos at mag-ayos ng sarili.

Kumuha muna ko ng isang basong tubig bago bumalik sa kwarto.

"Can I ask you something, Mina?" Tanong ni Nayeon sabay tingin sakin nang paseryoso.

"Ano 'yun?" Uminom ako ng tubig.

"Nag-ano na ba kayo ni Dahyun?" Tanong niya kaya bigla kong naibuga yung iniinom kong tubig.

"Mygod, Nayeon! Ba--Bakit natanong mo?"

"Are you okay?" Tanong ulit niya.

"Nakakagulat kasi 'yung tanong mo eh. Bakit nga natanong mo?"

"Wala lang. Naisip ko lang na baka nagawa niyo na 'yun kasi diba naabutan namin kayo ni Chaeyoung na nag--"

"Aish. Hindi pa!" Di ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Wow! Unbelievable. Haha!" Sagot niya sabay palakpak pa.

"Paano matutuloy eh palaging may dumadating sa tuwing papunta na doon." Paliwanag ko sa kanya.

"Haha! So, gusto mong may matuloy?" Natatawang tanong niya.

"Ah--Eh. Wala naman akong sinasabing ganun. Bwisit ka!" Nakakunot-noong sagot ko sa kanya.

"Para kasing nanghihinayang ka sa itsura mo hahaha." Dagdag niya kaya napa-pamewang ako.

"Eh, kayo ba ni Chaeyoung?" Pambawi ko sa kanya.

"Huh?" Natahimik siya.

"Nag-ano na ba kayo?" Tanong ko sabay ngisi sa kanya.

"A--Aba'y hindi pa." Sagot niya sabay kunot-noo sakin.

"Haha! Di parin naman pala kayo nagaano eh. Pareho lang tayo." Dagdag ko.

"Ano bang tungkol sa anong pinaguusapan niyo?" Biglang sumulpot si Momo sabay kamot sa ulo.

"Momo, kayo ni Jeongyeon. Nag-ano na kayo?" Tanong ni Nayeon kay Momo.

"Huh? Anong nag-ano?" Napakamot sa ulo si Momo.

"Muah Muah Chup Chup!" Mapang-asar na sagot ni Nayeon.

"What the hell? Bakit kami mag-aano eh hindi naman kami?!" Kunot-noong sagot ni Momo.

"Weeeeeeeeh? Friends lang ba talaga kayo?!" Pang-asar na naman ni Nayeon kay Momo.

"Oo nga. Bwisit kayo. Friends lang talaga." Pagpipilit ni Momo samin.

"Sige. Sabi mo eh. Pero kapag nag-ano kayo, kwentuhan mo kami." Sabi ko kay Momo.

"Aish. Kayong dalawa, mukha kayong ano! Gutom lang 'yan. Kumain na din kayo. Kumain na ko! Punta na muna ko sa stall. Mina, sasamahan ako ni Jeongyeon magtinda sa stall. Day off ka muna ngayong araw." Sambit ni Momo.

"Omg! Kumain ka ng ano?!" Gulat na tanong ni Nayeon sa kanya.

"Yah! Bwisit ka talaga, Im Nayeon!" Kumuha ng throw pillow si Momo sabay hagis kay Nayeon na tawa parin nang tawa.

"Sige na. Sige na. Peace na tayo. Uuwi na muna ko. Pag bumisita ulit ako dito, dapat nakapag ano na kayo. Haha!" Sabi ni Nayeon sabay tayo na rin mula sa higaan ko. Sumunod na siyang lumabas kay Momo.

Lumabas na rin ako para puntahan si Dahyun sa bahay nila. Sumakay na sa kotse si Nayeon at umalis na. Umalis na rin naman si Momo kasabay ni Jeongyeon.

Pagpasok ko sa bahay nila Dahyun, tulog na tulog parin sa sofa si Chaeyoung. Pumunta na ko sa kwarto ni Dahyun. Nakapasok ako dahil hindi naman nakalocked.

Naabutan kong payapa paring natutulog si Dahyun. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng kama niya't pinagmasdan lang siyang matulog.

"Dahyun!" Mahinang sabi ko sabay kalbit sa kanya kaso tulog parin siya.

Ang cute niyang matulog. Hahaha. Para siyang baby na balot na balot ng kumot.

"Dahyun~" Sabi ko ulit sabay kalbit ulit sa kanya kaso tulog parin siya.

Tumayo na muna ko para maglakad-lakad sa buong kwarto niya. Binuksan ko yung cabinet na pinagtataguan niya ng puting tela na ibinigay ko noon.

Napangiti ako nang maalala ko yung mga panahong iniligtas niya ko sa pagkakakidnap sakin habang pinagmamasdan yung tela.

Naalala ko rin yung moments na magkasama kami sa loob ng madilim na kwarto. Yung panahong sinusungitan niya ko pero at the same time, inaalagaan niya rin ako.

Masaya akong umabot kami ni Dahyun sa ganito. Yung mas nakilala ko pa kung sino talaga siya. Noon pa man, alam ko nang may kabutihang mas nananaig sa kanya kahit na sinasabi niyang masama siyang tao.

Mapa-Dahyun na nakilala ko sa bar o yung Dahyun na naging bantay ko noong makidnap ako, hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Isa siyang mabuti, maalaga, mapagmahal, at maalalahaning tao.

"Bakit may angel na nangingialam ng gamit ko?" Nagulat ako't napatingin kay Dahyun na nagising na pala.

"Uy, Mabuti naman nagising ka na. Himbing mo matulog eh. Haha." Sinarado ko na yung cabinet at lumapit sa kanya.

"Sino ba namang hindi magiging mahimbing ang tulog? Ikaw yung kasama ko kagabi eh." Nakangiting sagot niya.

"Binobola mo na naman ako." Pinisil ko siya sa pisnge.

Bigla niya kong hinawakan sa kamay kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Mina, Gusto kong kumain." Sabi niya.

"Huh?!"

"Anong huh?" Nakakunot-noong tanong niya.

"Sabi mo, gusto mong kumain. Anong gusto mong kainin?" Kinabahan ako.

"Gusto ko ng cup noodles. Bili tayo sa labas." Yakag niya kaya napatango na lang ako.

"Ah~ A--Akala ko kung ano eh." Napakamot ako sa ulo. Dahil 'to sa kagagawan nila Nayeon at Momo eh! Kung ano-ano na tuloy napasok sa utak ko.

Nagmadali nang maghilamos at magayos ng sarili si Dahyun sa cr kaya naman naupo na muna ko sa sofa sa tabi ni Chaeyoung.

Maya-maya, nagising na si Chaeyoung.

"Oh. What are you doing here, Mina?" Tanong niya sabay hikab pa.

"Hinihintay si Dahyun. Magaalmusal lang kami sa labas. Sama ka?"

"Ah. Hindi na. Nasaan si Nayeon?" Kagigising lang, si Nayeon agad ang hanap. Hahaha. Iba 'to! Lol

"Si Nayeon agad ang unang pumasok sa isip mo ah. Imbes na pagkain. Haha." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Si Nayeon kasi yung pagkain ko." Proud niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

"Anong sinabi mo?! May masama kang balak sa kaibigan ko?!" Nagglare ako sa kanya.

"Ah. Relax, Mina! I mean, makita ko palang si Nayeon. Busog na ko. Ka--Kaya di ko na kailangan ng foods." Paliwanag niya sabay layo sakin.

"Ah. Akala ko kung ano eh. Basta, kapag pinaiyak mo 'yung kaibigan ko. Lagot ka talaga sakin!" Warning ko sa kanya.

"Promise! Si Nayeon lang wala nang iba. Nagbago na ko!" Dagdag niya sabay peace sign.

"Mabuti! Umuwi na si Nayeon kanina."

"Ganun ba? Aish. Di man lang nagpaalam sakin." Tumayo na siya't kinuha ang phone niya bago lumabas ng bahay.

Nang matapos nang mag-ayos si Dahyun, lumapit na siya sakin.

"Let's Go?" Tanong niya kaya naman tumayo na rin ako't humawak sa kamay niya.

Masaya kaming nagkwentuhan habang naglalakad nang magkahawak-kamay papunta sa bukas na store kung saan kami nagkita noong iniligtas niya ko sa nagoofer sakin ng illegal na trabaho.

Wala kaming ginawa kundi tumawa habang naglalakad nang magkasama. Kapag kasama ko siya, talagang tawa lang ako nang tawa. Wala nang mas sasaya pa dito.

Napatingin na lang ako sa kanya nang huminto siya sa paglalakad. Nakita ko siyang nakatingin sa kabilang kalsada sa di kalayuan.

"Ma--May problema ba?" Tanong ko sa kanya na parang gulat na gulat.

"Wa--Wala naman. Ta-Tara na. Gutom na ko." Sagot niya sabay lakad na ulit. Bakit bigla siyang nagmadali sa paglalakad? Bumili na agad kami ng cup noodles at pumuwesto na sa pwesto sa loob.

Napansin ko yung biglang pagbabago sa mood niya. Para siyang may tinatanaw-tanaw sa labas. Kapag tinatanong ko naman kung may hinihintay ba siya, wala naman daw.

Ano kayang problema? Baka dahil lang sa gutom. Binalewala ko na lang 'yun at nagpatuloy sa pagkain ng cup noodles kasama niya.

"Naalala mo nung time na iniligtas mo ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Paano ko naman makakalimutan 'yun? Haha." Sagot niya sabay tawa pa.

"Ang cool mo nung ipinagtanggol mo ko. Promise!" Dagdag ko.

"Ako naman yung binobola mo ngayon." Sabi niya sakin.

"Tsk! Di kaya. Totoo 'yung sinasabi ko. Ang astig mo nun. Lalo na nung hinabol mo yung kumuha ng maleta ko. Waaaaah! Para ka talagang super hero nun."

"Ikaw kasi eh. Alam mo namang delikadong magstay sa labas sa ganung oras, tinuloy mo padin." Sagot niya sabay gulo sa buhok ko.

"Teka, Nakatambay ka din sa labas nang ganung oras? Mabuti na lang saktong nandun ka din sa lugar nung may magnakaw ng maleta ko."

"Gusto mong malaman yung totoo?" Tanong niya sabay smile sakin.

"Anong totoo?"

"Nagstay talaga akong tumambay sa labas para lang masiguradong ligtas ka! Ang kulit mo kasi eh." Sagot niya sabay iling pa.

"Wow! Ang sweet-sweet naman ng Dahyunie ko ~" Sabi ko sabay pisil sa pisnge niya.

"Dahyunie?"

"Yes! Dahyunie ~ Ang cute, diba? Haha."

"Aish. Tumigil ka nga, Minari!"

"Minari?"

"Yes. Minari ~ Ang cute, diba? Haha." Panggagaya niya sa sinabi ko kanina.

"Okay. Fine! Minari na kung Minari. Basta, palagi akong thankful sayo dahil ikaw ang superhero ko. Pakiramdam ko walang makakasakit sakin dahil meron akong Dahyunie~" Proud na sagot ko sa kanya.

"Ta--Tama. Hindi ko hahayaang may manakit sayo. Gagawin ko ang lahat para lang masiguradong ligtas ka. Ang kaligtasan mo ang top priority ko. Pangako 'yan." Sagot niya sabay ayos na ulit ng buhok kong ginulo niya.

Napangiti na lang ako dahil sa sweetness ng Dahyunie ko.

💖To Be Continued💖

A/N: Ang chapter na 'to ay puro ano. Charaaaaan! Hahaha. Kumusta na ang feels niyo, Guys? Di ko kinaya yung mv. Nabaliw ako. Hahaha. Di nakapagupdate kahapon dahil sa sobrang feels.

Don't forget to leave some comments. Fighting!

Continue Reading

You'll Also Like

47.5K 1.2K 19
lihim ng train station.. pano kaya nila matatakasan ang bagsik ng taga bantay nito?? mailigtas kaya nila ang mga kaluluwang na trapped sa train stati...
4.4K 492 21
"I'm not like this,untiI heard them talking.that change my whole life. --And I want revenge."-Rose Cueva
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
7K 386 47
. . . " Patawarin mo ko love " " Anu bang pinagsasabi mo halika nga dito " niyakap ko siya na parang Wala Ng bukas " Mahal na mahal kita Rhian " "...